webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
282 Chs

Chapter 29: Unexpected

Ang dating marahan at daha-dahan na takbo ng sasakyan ni Aron ay naging matulin. Humawak ako ng mariin sa braos ni Bamby na hindi panawan ang paghawak ng kamay nito sakin para alalayan ako. "Manganganak na ako, Bamby.." I almost scream para maibsan ang sakit. Subalit naisip ko na kahit pala sumigaw ako rito. Hindi pa rin lilipad itong sasakyan namin.

"Aron, you're too fast. Slow down please." Mas dumiin pa ang pagkapikit ko sa mata ko sa narinig mula kay Bamby. Kinagat ko nalang ang labi para pahabain pa ang pagtitimpi.

Ngunit Kingina!.

Papalapit na talaga!.

"Si Lance, Bam. Can you call him please." Imbes sabihin sa kanyang bawiin ang pagpapapltigil nito kay Aron sa pagdadrive. Iba ang lumabas sa labi ko. No matter what. Si Lance pa rin ang sagot sa lahat ng sakit sa katawan ko ngayon. I need to see him. Or atleast hear his voice para kumalma ako. Tinignan nya muna ako bago ginawa ang request ko. Nilabas nya ang kanyang phone at pumindot duon. Imbes pa sana ilagay nya sa malapit sa tainga ang hawak na gadget. Nilakasan nya nalang ito para marinig ko.

Ringing...

Hanggang sa toot! Toot! Toot!.

Napapikit na naman ako sa sakit. "He's not answering bes.." aniya na para bang naiinis na rin sa kapatid.

"Call him again.." sumingit si Jaden sa amin.

"I'm gonna kick his damn ass after this.. Mother fucking Lance Eugenio!." Malutong pang mura ng Kuya nila. Halatang may tama rin ito ng alak.

Pero gayunman. Atleast. Sya, may kontrol sa dami ng iniinom nya. What about my husband then?. Hay... Ewan ko ba duon. Hindi man lang inisip na may asawa syang maaaring anumang oras ay manganganak na.

"No Kuya. Is not his ass who needs your sidekick."

"What then?." Whoa! Mga englisera! Malapit nang dumugo pati ilong ko.

"His damn balls bruh.."

"Ahahaha.." tumawa ng malakas si Aron. Maging si Jaden ay hindi maitago ang halakhak.

Hindi ko alam kung paano pa nilang magawang tumawa kahit nasa ganitong gipitan na.

Kinalabit ko si Bamby dahil hindi maubos-ubos ang pangbubully nila kay Lance. About his femininity and just like this. His loopholes.

"Bakit bes?. Lalabas na ba?. Damn it! Aron! Bilisan mo na!." Nag-aalala na nyang pahayag. Nataranta din ng bahagya.

"Damn lil Bamblebiee! Nakared light oh!. And one more thing."

"What?. I don't care!." Maarte at suplada nitong tugon sa isa.

"Traffic.. it's so heavy. Ugh!." Ginaya na rin ang kung paano umarte si Bamby kanina. Umikot ang mata at kumunot ang noo.

Natawa ng kaunti si Mark sa harapan. "What Joyce?. You still want to talk to Lance?." Nilingon nya ako sabay sabi nito. Kinagat ko ang labi paloob bago pikit matang tumango. Hinawakan ko ang tyan at balakang. At lahat pa sana ng parte ng katawan na masakit. Kaso kulang ang mga kamay ko for doing so.

"Damn that bastard!. Hindi lang ako sagutin!. Talagang uuwi ako't hihilahin sya patiwarik!."

Hindi na ako halos makahinga sa init. Dagdag pa ang usad pagod na daloy ng traffic.

Ringing. Naka-on ang speaker nito.

"Yes!." Nabuhayan ako bigla ng diwa sa isang hello palang nya.

"Fucking Lance! Where are you?." He groans.

Natawa tuloy sina Jaden at Aron. "Tulog mantika talaga ang kumag!. Hahahaha" Bansag pa ni Aron dito.

"What? Who's that?. Aron?. Damn it!. Where are you?. Lumabas kayo?." Ngayon. Alam ko ng nakaupo na ito at ginugulo ang buhok. I wonder why he's too weak on reminding things na kailangan nyang alalahanin. Tama nga yata si Aron dito. Kumag!.

"Tangina! Nasaan ang asawa mo Lance?." Si Kuya Mark ito na binasag ang pagka-curious sa kung saan ang kaibigan nito.

"What?."

"Kumag ka talaga kahit kailan! Ang sarap mong ibitin patiwarik alam mo ba yun?."

"Argh!. Kuya!." Napadaing ako sa hindi ko na kaya ang sakit.

Napapreno din si Aron sa biglaang paghinto ng pulang Vios sa harapan namin. Tumingin ako sa likuran. May Hilux din duon na kilay abo. At kahit saan ako tumingin. Mga sasakyan lang ang nakikita ko. Traffic nga!.

"Manganganak na ang asawa mo! Shuta ka!." Buong pusong mura ito ng panganay sa kanya. "Joyce, okay ka lang?. Breath in. Breath out. Kaya mo yan. Malapit na tayo."

"Wala pa tayo sa kalahati ng malapit Kuya.." dinig kong saad ni Bamby rito. Napaluha nalang ako sa katotohanan na, ang hirap hirap ng ganito. Yung tipong, may gusto ka pero hindi mo makuha. May paraan nga pero hindi mo magawa. Bakit kaya ginawa ang buhay ng tao tapos pahihirapan din ng husto? What's the real purpose of life then?.

"Oh shit!. Bakit di mo agad sinabi Kuya!." Nagpanik na ngayon ang boses ni Lance sa kabilang linya. Hindi ko na malaman kung sinong may hawak ng phone.

"Gago!. Tignan mo nga kung ilang tawag na ang hindi mo nasagot?. Kumag! I've been calling you. We've been calling you the whole time. And, she's been searching for you for Pete's sake. Pero nasaan ka?. Tulog!."

Natahimik ang kabilang linya. "Dahil sa kalasingan. Hindi mo na maasikaso ang kailangan ng asawa mo. Sinabi ko na sa'yo kaninang tama na pero hunirit ka pa ng lima. Tsk.." hindi makapaniwalang nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang panganay. Anong lima?. Baso ba o bote?. Naku naman Lance!.

"Damn it!. Damn it!.."

"Lance?." Si Ryan ito.

"Bro?." And this one's Poro. I know them by voice because I can identify someone just through their voices.

"Nasaan kayo?. I'm coming."

"No! Stay put there!. Papunta palang kami ng ospital. Traffic is too heavy. Halos hindi umuusad ang sasakyan namin.."

"No way Kuya! She's my wife!.."

"Sinong nagsabi na she's not your wife?. Lance, makinig ka. Relax okay. Bago ka pumunta ng ospital. You have to think about the things na kailangan idala dito. For sure. You made it ready for this day."

"Hindi ko na kaya Lance!.." umiyak na ako sa hapdi ng buong katawan ko.

"Oh shit! Baby, Calm down!. Kuya, ano ba!?. Hindi kayo uusad kung hanggang dyan lang kayo sa loob. Do something please. My wife is laboring.."

Nataranta na din ang lahat. Bumusina si Aron. Lumabas din yata si Jaden. "Kuya, baka pwedeng ikaw na ang magpaanak?. The cars in front of us is not even moving a bit."

Malutong na mura na naman ang narinig.

"Joyce, mahal ko. Kaya mo yan. Magiging maayos din ang lahat." Hindi binitawan ni Lance ang kabilang linya.

"Si Daniel, Lance?. Please check him." Hindi ko nasabi ito ng isang linya lang. Paputol-putol gawa ng paghahabol ko ng hininga.

Maya-maya ay pumasok na muli si Jaden at stabbing uusad na ang sasakyan. May nag-aaway daw kasi sa gitna dala ng nagkagirian sa linya. Mabuti nalang daw. Pinakiusapan nito ang isnag pulis na sakay din ng isang sasakyan at pinagilid ang mga ito.

"We're going out now. Lance, if you're not into yourself right now. Call someone to drive for you. Where's Poro?.."

"What bruh?. Copy that." Ani Poro dito.

"Use the Wrangler if you want. Makapunta lang kayo dito ng ligtas."

"No worries bruh. I can handle your lil brother.."

"I can drive Kuya. Kaya kong mag-isa." Giit pa nito.

"No! You cannot Lance. Huwag matigas yang ulo mo." Nagdrive na muli si Aron at ang patakbo nito ay naging matulin na.

"Kuya..." Pagpupumilit pa nya.

"Poro, I'm counting on you." Di na nya pinansin pa ang hirit ng kapatid nya. Imbes ay kay Poro na sya humingi ng alalay.

But the unexpected has yet to come.

Bigla kaming tumilapon lahat ng hindi namin nalalaman.