webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urbano
Classificações insuficientes
213 Chs

Chapter Two Hundred Seven

Sumakay kami ni Timothy sa sasakyan niya. Kalahating oras na kaming nasa loob ng sasakyan. Hindi parin sinasabi sa akin ni Timothy kung saan kami pupunta. Graduation present? Hindi ba pwedeng ibigay nalang niya sa akin? Bakit kailangan pa na kami ang pumunta?

"Timothy, bakit hindi mo nalang dinala yung gift mo? Bakit kailangan pa natin puntahan? Naiwan mo ba? Baka hinahanap na ako nina Michie," tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Bigla nalang siyang ngumiti nang malapad na para bang may nakakatawa akong sinabi. Hindi siya sumagot. Malaki siguro at mabigat 'yon. Excited na akong makita!

Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi masyadong pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. Madilim sa labas at hirap akong kilalanin ang street. Saan kaya kami papunta? Makalipas ang sampung minuto tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. May kulay puti itong bakod na yari sa kahoy, hanggang dibdib ang taas nito at patusok ang dulo.

"Timothy sino'ng nakatira dyan?" tanong ko.

Hindi na naman siya sumagot. Lumabas siya ng kotse na walang imik. Pinanood ko siyang umikot at pagbuksan ako ng pinto.

"C'mon," sabi niya.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas na ng kotse. Agad na hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Hinila niya ako papasok sa gate. Nakabukas iyon kaya naman dumiretso na kami ng pasok.

Muli akong tumingin sa bahay. Naka-on ang mga ilaw kaya napagmasdan ko nang maigi. May dalawang palapag iyon, kulay puti ang mga pader at maroon naman sa bubong. Malalaki ang mga salamin na bintana. May garahe sa kaliwang bahagi ng bahay na natatakpan ng balcony ang taas. Simple lang ang laki nito na nasa tantya ko ay one hundred square meters, nasa two hundred naman ang lupa na kinatitirikan nito.

"Timothy!" nagaalangan na tawag ko sa kanya. "Sino ba ang nakatira rito?"

"You'll meet them later," nakangiting sabi niya.

Ang saya-saya ng aura niya kaya hindi nalang ako nagtanong pa. Tumigil kami sa harap ng pinto. Malaki at malapad ang simpleng pinto na gawa sa kahoy. Makapal iyon at mukhang matibay. Binuksan iyon ni Timothy ng walang pagaalinlangan na sobrang ikinagulat ko. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob ng bahay habang hawak niya ako sa isang kamay.

"Timothy! Kilala mo ba ang nakatira rito? Baka makasuhan tayo ng trespassing ha!"

"No. Don't worry, Miracle, they won't do that. Trust me."

Pagkapasok namin sa bahay ay unang sumalubong sa amin ang malawak na hagdanan sa harap, gawa din iyon sa kahoy. Nasa kaliwa ang malawak na livingroom na naglalaman ng mahabang grey na sofa, salamin na lamesa sa harap, at malapad na flatscreen TV sa tapat nito.

Malawak ang loob ng bahay, hindi iyon halata kung titignan mula sa labas. Maliwang din ang loob nito, mataas ang kisame na may chandelier na nakasabit.

Hindi kami tumigil sa paglalakad ni Timothy. Sa likod ng pader na kinasasabitan ng tv ang dining area ng bahay. Naglalaman iyon ng mahabang lamesa na napapaligiran ng anim na upuan. Nakatago ang kitchen sa isang pinto. Biglang tumigil si Timothy sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya.

"I have to blindfold you first," may mischivous glint ang mga mata niya.

"Timothy," sabi ko sa nagre-reklamong tono. "Kailangan pa ba—sabi ko nga kailangan eh," sabi ko nang patalikurin niya ako at takpan niya ng panyo ang mga mata ko.

"There." Pinaikot niya ako paharap sa kanya. Nanatiling nakahawak sa mga balikat ko ang dalawa niyang kamay. "Can you see anything, Miracle?"

Pinilit kong sumilip pero masyadong mahigpit ang pagkakatali ni Timothy kaya wala akong makita.

"Wala. Sobrang dilim."

Hinawakan ni Timothy ang mga kamay ko. "Good. Come." Hinila niya ang mga kamay ko.

Narinig ko na may bumukas na pinto. "Timothy, san mo ba ako dadalhin?" tanong ko.

"Just be patient, we're almost there," ang tanging sagot na nakuha ko sa kanya. Bigla niya akong binuhat bigla at muli rin niya akong ibinaba. Naglakad pa kami saglit. Bigla siyang tumigil. "Okay, stand still Miracle," utos niya at bigla niyang binitawan ang mga kamay ko.

"Timothy! Hwag mo akong iwan dito!" Baka kasi nasa gitna na pala ako ng kalsada at iniwan niya ako. Baka masagasaan ako. Pero di naman niya gagawin yon. Hoho!

"I'm here," narinig ko ang boses niya na parang tumatawa. Hindi naman siya ganon kalayo.

May narinig akong tunog ng posporo na parang sinindihan. Mag-susunog ba siya ng basura? WAAHH!! O baka itong bahay ang susunugin niya?!

Pagkatapos non, narinig ko ang mga yabag niyang pabalik sa akin. Hiniwakan niya ulit ang mga kamay ko at hinila ako nang dahan dahan.

"Okay," bulong niya.

Naramdaman ko siyang pumunta sa likod ko. Tinanggal na niya ang takip sa mata ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko para makakita nang maayos.

May kandila akong nakita. Mga kandila na nakasindi sa paligid ko. Nakalagay ang mga ito sa daraanan ko papunta sa isang mesa na nasa gitna ng bakuran. Natatakpan ng puting tela ang mesa at may tatlong nakasinding kandila sa candleholder sa ibabaw. May dalawang magkaharap na upuan sa dalawang gilid nito.

"Wow," sambit ko habang tinitignan ang mga kandila. Napakarami nila! "Ikaw ang nag-prepare nito?" tumingin ako kay Timothy na hindi makapaniwala. Hindi ko akalain na kaya niya itong gawin! Sobrang romantic nito!

"What do you think?" nakangiti niyang tanong sa akin. Sa kabila ng ngiti na iyon ay kita ko sa mga mata niya ang kaba.

"It's beautiful!" Muli akong tumingin sa mga kandila. "Thank you, Timothy. This is the best gift ever!" Sino ba ang hindi matutuwa? Sobrang effort ito!

"I'm glad." Hinawakan niya ang isang kamay ko. Naglakad kami palapit sa lamesa na nasa gitna. Pinaupo muna niya ako bago siya umupo sa tapat ko.