webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urbano
Classificações insuficientes
213 Chs

Chapter Forty-Four

*Audrey Dela Cruz*

Naglakad na muna ako sa paligid ng beach. Ang daming turista. Napatingin ako sa dagat. Parang ganito rin 'yon dati. Last Summer sa beach house ni TOP magkakasama kami ng gang nya na pumunta don.

A year ago lang namin nalaman ang tungkol sa aksidente. Maingat ang Pendleton family na ipagkalat na naaksidente ang anak nila dahil sa alcohol. Hindi 'yon magandang pakinggan sa news.

Ang totoo nyan, hindi naman nalalasing si TOP. Kahit ano'ng dami ng inom nya, walang epekto sa pag-iisip nya. Physically nanghihina sya kapag sumobra pero ang aksidente nyang 'yon ay hindi naman dahil sa alak.

Mali sila. Dahil 'yon sa pag-alis ni Samantha.

Si Samantha ang kahinaan nya, mentally, emotionally at physically. Parang kryptonite ni Superman. Kahit si Superman may kahinaan, si TOP pa kaya?

Parang ako. Nagpadala ako sa kahinaan ko. Iyon na siguro ang pinakamalaking pagkakamali ko. Ang umibig sa maling tao.

'Kapatid lang ang turing ko sa'yo Audrey.'

Leche! Bakit ba kasi ako nagpadala sa mga pinakita nya sa'kin noon? At ngayon hayan na naman sya. Ginagawa nya akong tanga sa mga kinikilos nya. At ako naman si gaga lumalambot na naman ang puso. Shit!

Isinusumpa ko ang Summer na 'yon. Hindi na sana ako pumunta don, eh di sana hindi kami naging close ng pangit na 'yon. Isinusumpa ko lahat ng lalaking pa-fall. Matapos kang i-flirt iiwan ka sa ere kapag minahal mo na?

Kapatid lang. Tch! What a lame excuse!

"Hey!" May kumulbit sa balikat ko.

"Zeke?" gulat kong sambit. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Tinignan nya ako. "Huh?"

Nakalimutan ko. Hindi pa sya masyadong marunong magsalita ng tagalog.

"What are you doing here?"

"Oh! I'm with my family actually. You? Are you alone?"

"No. I'm with my friends," nginitian ko sya nang tipid.

Lumingon sya sa paligid. "Well, I don't see any of your friends here. So basically, you're alone."

"They're inside the hotel, still eating I guess so technically I'm not alone."

Ngumiti sya nang malapad. "You're still alone Audrey."

"I just want to be alone right now." Kibit balikat na sagot ko sa kanya.

Naglakad kami sa medyo malayong part na wala masyadong tao. Umupo ako sa buhanginan.

"Me too. I want to be alone for a bit." Umupo sya sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya. Tinaasan ko sya ng kilay nang tignan nya ako gamit ang inosente nyang mukha.

"I wanna be alone but I'm afraid of getting lost." Nag-kibit balikat din sya. "Let's be alone together. Sounds fun?"

Natawa ako sa kanya. Ang laki nyang tao pero natatakot syang mawala. And what's with 'let's be alone together?'. He's totally flirting with me. Napailing ako. Sabi ko sa sarili ko hindi na ulit ako magpapaloko. But it's okay I guess, hindi ko type si Zeke. Dahil gusto ko parin si Omi kahit na ginawa nya 'yon sa akin. I still like him.

"Hey I just remembered, there's this big bonfire event. You wanna come and watch with me—"

"She's not going anywhere with you." May sumingit na boses bago pa ako makasagot.

Tumayo kami ni Zeke nang makita ang isang kapre sa likod namin. Mali hindi pala kapre, si pangit lang pala. Bakit ko ba sya tinatawag na pangit eh hindi naman? Nasanay na siguro ako. Whatever. Pangit parin sya.

"Really? And why is that?" tanong ni Zeke.

"Because we're dating and she's gonna watch it with me," sagot ni Omi.

Napalunok ako. Ang kapal ng tensyon sa pagitan nila. May umihip na hangin. Ano ba ang kalokohan na pinagsasabi nitong lokong 'to?

"You have a boyfriend?" tanong sa'kin ni Zeke na hindi makapaniwala.

"No—" napatigil ako nang hawakan ni Omi ang kamay ko. Ang init ng kamay nya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I hate this feeling so much yet I enjoy it! I feel so vulnerable, I hate it!

Inakbayan nya ako. "Yes, she does, that's me! So if you don't mind," nilagpasan namin si Zeke. Dahil nga sa nakaakbay sya sa'kin, nasama ako sa paglalakad nya, ay lintek! Gumising ka nga Audrey!

"Honey sa susunod hwag ka nang makikipag-usap sa strangers. Baka mamaya ma-kidnap ka, mabuti nalang nandito ako," pangaral nya sa akin.

"Ano ba?!" inalis ko yung braso nya sa'kin. "At sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan na pakialaman ang buhay ko?! Bakit?! Ano ba kita?!"

"Ako ang future boyfriend mo," diretsong sabi nya.

Ay Leche! Kapal!

"Pwede ba?! In your dreams!" Tinalikuran ko na sya. Tumakbo nalang ako palayo.

Ang galing talaga nyang makipag-laro. Ganyan na naman. Lagi ba syang may sayad kapag summer? At kapag natapos na ang summer babalik na sya sa katinuan nya, at maririnig ko na naman ang masakit na linyang binitawan nya sa'kin noon?

'Kapatid lang ang turing ko sa'yo Audrey. Kalimutan nalang natin na nangyari 'yon.'

Tch! Kalimutan nga di'ba? Iyon na nga ang ginawa ko pero ang lintek bumalik na naman. Ano ba talaga ang gusto nya?! Ang hilig nyang magpa-fall hindi naman sya sumasalo.

"Audrey! Sandali lang!!" sigaw nya.

Tumakbo ako. Aist! Ano ba ang problema nya? Bakit nya ba ako sinusundan? Napapunta ako sa pool area ng hotel. Hindi ko napansin na naikot ko pala ang hotel kakatakbo.

"Audrey!!" mariing tawag nya. Tumatakbo sya kasunod ko.

Napatigil ako malapit sa gilid ng pool. Wala man lang tao sa paligid. Lahat siguro sila nanonood na ng bonfire event.

"Ano ba ang kailangan mo?" inis na tanong ko.

"May tanong lang ako na...g-gusto ko'ng sagutin mo."

"Hinabol mo ako para lang mag-tanong? Bwiset ka talaga!"

"A-Ano. K-Kasi." Napahawak sya sa batok nya.

"Bilisan mo kung may itatanong ka nang makaalis na ako at hindi na makita ang pagmumukha mo."

Unti-unti syang lumapit sa'kin. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. Tinitigan nya ako sa mga mata. Sinimangutan ko sya. Tinimpi ko ang galit ko. Gusto ko syang batukan nang batukan. Bakit ba sya hawak nang hawak sa akin?

"Ano ba'ng gagawin ko? Alam mo kasi..." ngumiti sya nang tipid at namula ang mukha nya. "Mahal na talaga kita."

Napatigil ako sa pag-iisip ng murder plan sa kanya nang marinig ko ang sinabi nya.

"A-Ano?"

"Audrey Dela Cruz, ang napakalaki ko'ng pagkakamali ay nang pakawalan kita noon. Kaya sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance para—"

"Ayoko," pinalis ko ang dalawang kamay nya na nakahawak sa akin. Tinulak ko sya at dumistansya mula sa kanya. "Ayoko na Omi, sawa na ako'ng makipaglaro sa'yo. At wala na rin ako'ng balak pa na pairalin ang katangahan na ginawa ko noon. Nagkamali ako noon at ayoko nang mangyari pa ulit 'yon ngayon."

"Pero hindi naman ako nakikipaglaro Audrey, mahal talaga kita."

"KUNG GANON LUMAYO KA NA!!" sigaw ko. Tinignan ko sya. "Kung totoo 'yan, umiwas ka na. Kung mahal mo nga ako lalayo ka sa'kin."

"P-Pero bakit? Hindi mo na ba ako gustong makasama?" mahinang tanong nya.

Alam ko na pagsisisihan ko 'to. "Hindi na, we had our fun Omi. Hanggang doon nalang 'yon. Please do me a favor, just stay the hell away from me." Tumalikod na ako at lumakad palayo.

Oras na para mag-move on. Huminga ako nang malalim at pinigilan ko'ng umiyak.

"Kung 'yan talaga ang gusto mo, kung gusto mo'ng mawala ako sa buhay mo gagawin ko."

Napatigil ulit ako. Hindi ko na sya nilingon. Nasaktan ako sa sinabi nya. Kahit 'yon naman talaga ang gusto ko bakit ang bilis nya naman tanggapin? Sinukuan nya agad ako?

"Salamat," sagot ko.

"Pero tandaan mo na mahal kita at nandito lang ako...para bantayan ka."

Pagkatapos non may narinig ako'ng splash sa tubig. Nilingon ko sya, wala na sya. Nakita ko na nasa ilalim na sya ng tubig at hindi man lang gumagalaw. Magpapakamatay ba sya?!

"HOY OMI!!" Nagpapanic na sigaw ko sa kanya.

Tinignan ko sya. Hindi ko alam kung may balak ba syang umahon. Ano ba'ng gagawin ko?! Naririnig kaya nya ako?

"OMI!! UMAHON KA NGA DYAN!!"

Naalala ko noon sa beach, muntik na syang malunod. Hindi sya marunong lumangoy. Nag-panic ako. Ano'ng gagawin ko? Kung humingi kaya ako ng tulong? Wala pa naman tao sa paligid, lahat sila nasa beach at nagsasaya sa event doon! BAKIT BA KASI SYA TUMALON?! Tinanggal ko ang sandals ko. Tumalon ako sa tubig para iahon sya. Itong pangit na 'to talaga!