webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urbano
Classificações insuficientes
213 Chs

Chapter Eighty-Seven

Michelle Santa Maria

Three Years Ago

Ako, si Michie Sta Maria ay maghahanap ng trabaho ngayong SUMMER! May gusto kasi akong bilhin eh, nahihiya ako humingi ng pera kay Lola. Natatakot ako mapagalitan.

"Ano? Kung may alam akong trabaho na pwedeng pasukan?" tanong sa akin ng bestfriend ko na si Sammy.

Tumango ako.

"Bakit? Short ka ba sa pera? Magkano ang kailangan mo? Bibigyan nalang kita." Tumayo si Sammy sa sofa para kunin ang bag nya.

Hinarangan ko sya.

"Ayoko humiram ng pera Sammy! Gusto ko ng trabaho!"

Tinignan nya ang mukha ko. Nagagandahan na rin ba sa akin si Sammy? Hwaaah!

"Para saan mo ba gagastusin ang pera?" tanong sa'kin ni Sammy.

Hindi nya pwedeng malaman!

"Please Sammy tulungan mo nalang ako maghanap"

Tinignan nya ako at saka sya muling umupo sa sofa para manuod ng movie.

"O sige, bukas pupunta tayo don"

"YEHEY!! Thank you Sammy!" binigyan ko sya ng SUPER HUG.

"AAAACCK! Michie okay na yung thank you mo eh wag na yung hug!"

"Hehehe! Alam mo naman na love na love kita Sammy! You're the BEST!" binigyan ko sya ng two thumbs up.

"Oo na, oo na."

**Kinabukasan

WELCOME TO LALA LAND!!

Pumunta kami ni Sammy sa isang Amusement Park. WOW! Ito palang ang unang beses na nakapunta ako dito! Ang GANDAAAA! May Ferris Wheel, Roller Coaster, Merry Go Round at kung anu ano pang rides! Gusto ko'ng sumakay don!

"Pupuntahan natin si Mr. Manager," sabi ni Sammy.

Naglalakad kami papunta sa isang building. Pumasok kami sa loob. Ang first floor pala ay isang kainan. Sumakay kami ng elevator ni Sammy. Pinindot nya yung pang 3rd floor. Ayoko sa elevator. Nalulula ako. Hoo.

"Sammy ano yung nasa second floor?"

"Clinic."

"Ahh..."

*DING!*

Bumukas na ang elevator at lumabas kami.

"Good morning Ma'am," bati ng mga naka-uniform.

Lahat sila tumigil at luminya sa daan namin ni Sammy. Naka-bow sila. Ano kaya ang meron?

"Good morning Ma'am" bati nilang lahat.

"Good morning," bati rin ni Sammy saka sya tumingin sa mga tao.

"AH! Magandang umaga sa inyo!" sabi ko sa kanila saka nag-bow rin.

Tumingin sila sa'kin. Bakit? Mali ba ang bow ko? Hwaaah!

"Where's the manager?" tanong ni Sammy.

"Wala pa po Ma'am" sagot nung isang babae

Tahimik lang ako sa likod ni Sammy. Hindi nalang ako gagalaw. Baka mali ulit ako. Hoo.

"Ano?!" naiinis si Sammy. "He's late?!" tumingin si Sammy sa relo nya. "Ten thirty na ah!"

Nagbulungan yung mga tao sa paligid namin ni Sammy. Haalllaaa... Ipapatapon na ba kami? Tatawag ba sila ng security guard para ipahuli kami?

"Call him and tell him that if he's not here within five minutes he's fired!" sabi ni Sammy.

WAAAAH! Ano ba yung sinasabi ni Sammy? Hindi naman nya pwede i-fire ang manager kasi hindi naman sya nagtatrabaho dito. Tsaka pano ako magkaka-trabaho kung aawayin ni Sammy ang mga nandito? Baka i-reject nila ako!

"Yes Ma'am" nag-bow yung babae at kinuha ang cellphone nya.

Huh? Bakit sya sinunod nung babae?

"Ma'am please come this way," sabi ng isang lalaki.

Sinundan sya ni Sammy kaya sinundan ko na rin. Umupo kami ni Sammy sa isang malambot na sofa.

"Do you want tea or coffee Ma'am?" tanong nung lalaki.

"Michie ano'ng gusto mo?" tanong sa'kin ni Sammy.

"H-Huh?! Uhh—eeehh! Hwag na." Ayoko, nakakahiya naman.

"No thank you," sagot ni Sammy kay Kuya.

Nag-bow lang si Kuya sa amin tapos umalis na. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong aquarium, ang daming isda. Tumayo ako at tinignan yung mga isda sa loob. S-Si NEMO!!! Ang CUUUUTTTEE!!!

"Sammy tignan mo oh, si Nemo!!" turo ko sa isda sa loob ng aquarium.

Tinignan lang ni Sammy ang isda tapos tumingin na ulit sa relo nya. Hindi talaga mahilig si Sammy sa mga cute na bagay! Hinanap ko yung pagkain ng mga isda, hindi ko makita.

"Sammy! Tignan mo wala yung pagkain ng isda dito oh, nasan kaya yun?"

"Michie hindi totoong aquarium yan," sagot ni Sammy.

"Huh?" tinignan ko si Sammy.

Tumayo si Sammy at lumapit sa aquarium, may pinindot syang pulang button at nawala ang aquarium.

"Screen lang yan," sabi nya.

Hindi pala totoo yun. Sayang naman. Umupo nalang ako sa sofa at nangalumbaba habang naghihintay.

"Malungkot ka ba Michie?" tanong sa'kin ni Sammy.

"Hindi," sagot ko.

Gusto ko rin mag-alaga ng isda sa bahay ni Sammy.

"Ang tagal naman ng manager na 'yon. Bago siguro 'yon, I'm gonna fire him talaga! Pinaghihintay nya ako nang ganito?" bulong ni Sammy.

"Sammy baka hindi ako matanggap dito kapag inaway mo ang manager," sabi ko. "At saka wala akong dalang resume. Sigurado ka ba na hindi na kailangan 'yon?"

"Oo naman, ako ang bahala," Sammy na nagbubuklat ng mga magazine.

"Ma'am nandito na po si Mr. Santos, naghihintay po sya sa office nya," sabi nung babae kanina.

"ANO?! Ako pa ang pupunta don matapos nya akong paghitayin nang napakatagal? Papuntahin mo sya dito!" utos ni Sammy sa babae.

Diba five minutes lang kami naghintay? Ano ang matagal don? Si Sammy talaga. Hoo.

"Y-Yes Ma'am," tumakbo ulit yung babae.

Hallllaaaa. Baka hindi na talaga ako matanggap! Lahat na lang inaway ni Sammy!

"Lakas ng loob nya na patayuin ako. I'm gonna fire him talaga! Ginagalit nya ako!" bulong ni Sammy.

WAAAAAHHH!! Sammy!! Hwag naman! Wala na talaga akong trabaho na makukuha.

"Sammy hwag mo naman awayin—"

"Pinaghihintay nya ako eh! Sa mga ganitong oras nalalamangan na ako ni Audrey! Sigurado nag-iisip na 'yon ng plano kung paano kukunin sa'kin ang rank ko sa St Celestine! Hindi ako papayag! Kailangan ko na ulit mag-review."

Kailan kaya sila magkakabati ni Audrey? Palagi nalang nagrereview si Sammy sa bahay. Pahigpit nang pahigpit ang laban nila ni Audrey sa grades.

"Ms. Perez, Good morning," bati ng lalaki na kakapasok lang.

Ang bata pa nya. Ang galing naman nya, naging manager na kaagad sya. Mukha lang syang twenty!

"What's so good in my morning? Pinaghintay mo ako."

"A-Ah sorry po."

Tinignan ni Sammy mula ulo hanggang paa yung manager.

"You're fired!" tumayo si Sammy.

"A-Ano po?" gulat na tanong nung lalaki.

"From now on Michie, I'm appointing you as the new Manager congratulations. You're hired!"

Napanganga ako sa sinabi ni Sammy. WAH?

"P-Pero Sammy!"

"B-But Ms. Perez—"

"You heard me!" sigaw ni Sammy.

WAAAAAAHHH!! Ayoko maging manager, mahirap yun! Lumipas ang isang oras at naayos din ang lahat.

"Heto na yung costume mo hija," sabi sa'kin ni Ate na taga-make up.

"Sigurado ka ba na ayaw mong maging manager Michie?" kulit sa akin ni Sammy.

"Ayoko Sammy! Wala naman akong alam tungkol sa pagiging manager eh. Baka pumalpak lang ako. Mas madali tong ganitong trabaho."

"Mukhang mainit sa katawan yan eh," saad ni Sammy na nakatingin sa costume ko.

Isa akong MASCOT GIRL. Snow White ang nasa akin. Ang cute nga eh! Gusto ko maging princess!

"Yung mga dwende ko nasa labas na, ako nalang ang hinihintay nila. Kailangan ko nang mag-trabaho Sammy," sabi ko.

Isinusuot ko na ang costume ni Snow White. Kailangan walang skin na lalabas sa'kin. Pati kamay dapat may gloves, parang mascot lang sa Jollibee!

Tinulungan ako ni Sammy na isuot yung ulo ni Snow White sa'kin.

"Ayan ayos ka na."

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang cute nga!

"So, alis na ako?" tanong ni Sammy.

Tumango ako.

"Tawagan mo ako kapag nagka-problema ka," sabi sa akin ni Sammy.

"Okay!" Binigyan ko sya ng two thumbs up kahit na hirap ako.

Umalis na si Sammy at ako naman nagsimula nang gumala sa amusement park kasama ang mga dwende ko. Pakiramdam ko ako talaga si Snow White! Ang daming nagpapapicture sa'min! Medyo mainit nga lang yung costume.

**Closing Time

"Ten minutes before closing guys!" tawag ni Ate Lyn.

Malapit nang mag-nine pm! Wala akong ginawa kundi gumala, kumaway at magpapicture kasama ang mga bata. Nakakapagod din pala.

Pero kailangan ko'ng tiisin hanggang sa makaipon ako nang pambili sa... Hihihi!

Naglalakad ako pabalik sa dressing room nang makita ko ang isang lalaki na nakatungo. Mukha syang natutulog. Dahan-dahan ko syang nilapitan. Tulog talaga sya, ang himbing. Isa pala syang painter. Nakita ko yung drawing nya. Ang gandaaaa...

Umupo ako sa tabi nya at tinanggal ang ulo ng mascot ko.

Whooo~! Ang sarap naman ng hangin! Ang daming bukas na ilaw. Ang ganda ng amusement park, wala na rin masyadong tao dahil closing na.

Hmmm. Siguro kailangan ko nang gisingin si Kuyang Natutulog. Pero pano kung magalit sya?

Isinuot ko na ulit ang ulo ng mascot ko. Hinawakan ko sya sa balikat at niyugyog para magising. Dumilat sya at tumingin sa'kin, tumingin sya sa paligid tapos sa'kin ulit. Nag-wave ako ng 'Hello' sa kanya. Ngumiti sya sa'kin at parang antok parin sya.

A-Ang cute ng smile nya.

"Thank you for waking me up Princess Snow White," sabi nya nang naka-ngiti.

T-Tinawag nya akong Princess!

Sa sobrang saya ko at sobrang hiya ko...

"Hey!" tawag nya.

Tumakbo ako! Nakakahiya! Tinawag nya akong Princess! Eeeeeehh!

***

Ilang araw ko na rin syang nakikita sa park pagkatapos nung gabi na nakilala ko sya. Pero hindi ko alam ang pangalan nya eh. Ano kaya? Tsaka bakit kaya sya pagala gala dito sa LaLa Land? Palagi din nyang bitbit yung mga painting tools nya. Ang dami nya lagi dala, mabigat kaya yun? Nakita ko na umupo ulit sya dun sa bench at nag-paint. Trabaho kaya nya yun?

"Snow White tara na," tawag sakin ni Grumpy, isa sa mga dwende ko.

"Teka lang Grumpy!"

"Hindi Grumpy ang pangalan ko, ako si Noel."

"Pero ikaw si Grumpy ngayon at ako si Snow White diba?"

"Ewan ko sa'yo, panalo ka naman laging bata ka."

"Bagay sa'yo pangalan mo na Grumpy!"

"Ano ibig mong sabihin bata? Naghahanap ka ng gulo?"

"Kilala mo ba yung lalaki dun?" turo ko.

"Hindi ko kilala bakit? Importante ba sya? Mukha syang mahirap pa sa daga."

Mahirap? Mas mahirap sa daga? Waah! Ganon pala! Kawawa naman sya. Wala syang makain at wala rin syang bahay! Kaya pala nakita ko sya na natutulog sa bench siguro kasi wala syang bahay at sobrang gutom na sya at nanghihina! WAAAHH!! KAWAWA NAMAN SYA!!

"Bilisan mo maglakad, naiiwan na tayo ng mga kasama natin."

"Okay," naglakad na ulit kami.

Lumingon ulit ako sa lalaki na mas mahirap pa sa daga. Mamaya bibigyan ko sya ng pagkain! Isang linggo na akong nagta-trabaho dito, fifteen days lang naman ang kailangan ko eh. Hihi! Excited na akong bumili nun! Sa unang sweldo ko mabibili ko na yung bagay na 'yon!

***

Bago ako umalis sa Lala Land pinuntahan ko muna yung lalaki sa bench. Sinilip ko muna sya, nagtago ako sa likod ng puno. Hayuuuun sya. Natutulog ulit sya sa bench habang nakaupo. Dala ko yung cookies na ibinigay sa'kin ni Sammy. Sabi ni Sammy baka raw kasi magutom ako.

Galing pa daw sa Paris ang cookies kasi umuwi daw yung pinsan nya at binigyan sya ng cookies. Ang super duper sarap nga eh!

Ang bait talaga ng una kong bestfriend! Buti nalang naging bestfriend ko sya! Buti pumayag na syang maging bestfriend ko! Hihihi! Ang cute ng bestfriend ko! At sya pa ang pinakamatalino sa buong school namin! Pero hindi naman siguro magagalit si Sammy kapag nalaman nya na ipinamigay ko ang biscuit di'ba?

Siguro sasabihin nya...

"ANO?! Ipinamigay mo ang cookies na ibinigay ko sayo?! I hate you! Hindi na kita friend! Lumayas ka na sa bahay ko! Layas!! Taksil!! I don't want to see your face again! EVEEER!!"

Pero kawawa naman kasi yung lalaki Sammy! Patawarin mo ako! Waaah! Sabi ni Grumpy mas mahirap pa raw sya sa daga. Ang mga daga nagnanakaw lang ng pagkain at nakikitira lang. Kung mas mahirap pa sya sa daga ibig sabihin...gumagala lang sya at palagi syang gutom!! Kaya naman...nilapitan ko sya at inilagay ang cookies sa tabi nya.

Hayan may makakain na sya! At galing pang Paris! Sana masarapan din sya! Naglakad na ako paalis.

*BLAAAAG!!*

A-ARAAAAAYY!

Hindi ko nakita yung bag nya nasa sahig pala. Nadapa ako, aray yung ilong ko. Hinawakan ko, hindi naman napisa. May ilong parin ako! Yehey hindi napisa!

"Miss?"

N-Nagising sya!!

"Why are you—Are you hurt?!"

WAAAAAAAHHH!! Hindi ko suot ang costume ko!! Hindi nya ako pwedeng makita! T-Tinawag nya akong Princess dati! Eeeeeehhh! Nahihiya ako!! Hindi naman ako mukhang Princess!! Tumayo ako at mabilis akong tumakbo palayo!

"MISS!!! HEY!! WAIT!!" sigaw nya.

Tinakpan ko ang tenga ko! WALA AKONG NARIRINIG!! WALA! Uuwi na ako!

[House ni Sammy]

Nakauwi na ako. Mabuti nalang may nakita akong sasakyan kanina pauwi. Napagod ako. Hoo. Miss ko na si Sammy. Ano kaya ang ginawa nya ngayong araw?

May narinig ako na malakas na tawa. Pumasok ako ng bahay.

"BWAHAHAHAHAHAH!! ANG PANGIT TALAGA NI LIGHT SA LIVE ACTION NG DEATH NOTE!!" narinig ko ang boses ni China.

"MUKHA SYANG IPIS!! BWAHAHAHAHAHA!!" narinig ko ang boses ni Maggie.

"Hindi! Mukha syang panis!!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAA!!"

"Grr! Ang ingay nyo! Magsi-uwi na nga kayong dalawa! Bakit ba kayo nagdala ng dvd dito?!" boses naman ni Sammy.

"Eh kasi dito na rin kami titira ni China."

"Ano?"

"Tama! Para naman masaya! Gusto namin makasama ang pinsan naming maganda!"

"Speaking of, nasan ba si Michie? Ang tagal naman nya. Past nine pm na ah."

"Ibig sabihin makikitira kayo dito sa bahay ko?"

"TAMAA~!!"

"Nababaliw na ba kayo?! Hindi pa ba sapat na may isang baliw na akong kasama dito sa bahay ko?! Patahimikin nyo nga ang buhay ko!!" sigaw ni Sammy.

Baliw. Ayaw sa'kin ni Sammy. Gusto nya akong umalis?

"WAAAAAAAAAAAHHH!!!"

"MICHIE!!"

"Ayaw sa'kin ni Sammy!! Ayaw nya sa'kin!! WAAAAHHH!!!"

"Hala lagot ka Sammy pinaiyak mo si Michie."

"Oo nga, lagot ka sinaktan mo ang kanyang damdamin!"

"HUH?! Wala akong ginagawa!!"

"Akala mo lang wala!"

"Pero meron! MERON! MEROOON!"

"Shut up! Crazy Duo! Iniinis nyo na naman ako!"

"WAAAAAAAHHH!!"

"Dito mo na rin kasi kami patirahin para maging mapayapa ang gabi mo Sammy!" sabi ni Maggie.

"Kahit kailan hindi magiging mapayapa ang gabi ko kung kasama ko kayong tatlo!"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!"

"GAWD Michie! Stop crying!" sabi sa akin ni Sammy.

"Sammy ang mean oh pinapaiyak ang besty nya," sabi ni China.

"OKAY! Okay! Dito na kayong tumira lahat! As if may choice ako!" sabi ni Sammy.

"Oh tahan na Michie sabi ni Sammy loves ka din daw nya kaya dito na rin kami!" sabi sa akin ni Maggie.

Tumigil ako sa pag-iyak! Love ako ni Sammy~!!

"WOOT! WOOT! Mag-celebrate tayo! Buti nalang dinala ko din yung DVD ng A Nightmare in Elm Street!" malakas na sabi ni China.

"Ayos! Movie marathon dali! Sulitin ang summer! Yeah boy!" sangayon ni Maggie.

"Oh God! Why me?" tanong ni Sammy habang nakatingin sa taas.

Tinignan ko yung tinitignan ni Sammy. Wala naman ako nakikita sa kisame. May third eye kaya si Sammy?

***Kinabukasan

"Mama! Pa-picture tayo kasama sila!" turo sa amin ng isang cute na bata.

"Okay! Pi-picturan ko kayo!"

"Tabi kami ni Snow White!" tumabi sa akin yung batang babae.

"Okay one, two say cheese!" sabi ng Mama ng bata.

*click*

"Yey! Yey!" Nagtatalon sa saya ang batang babae. "Bye Snow White!"

Kumaway ako ng 'bye bye'.

"Ang iniiiiit!" sabi ni Sneezy.

"Mas tumitindi na ang init ngayon, summer kasi eh," puna naman ni Happy.

Oo nga, sobrang init na nitong costume, pinagpapawisan na ako.

"Mag-break muna tayo!" aya ni Grumpy.

"Mabuti pa nga!" sang ayon nilang lahat.

"Ikaw Snow White?" tanong sa'kin ni Grumpy.

Uhhh. Puntahan ko kaya ulit si kuyang mas mahirap pa sa daga? Hindi ko sya nakita kaninang umaga eh. Kinain kaya nya yung biscuits?

"Pupunta ako dun," turo ko sa kabilang direksyon. Sa maraming puno at bench.

"O sige, mamaya pupuntahan ka namin. Dun muna kami sa dressing room magpapalamig," sabi ni Sleepy.

"Okay." Binigyan ko sila ng dalawang thumbs up.

Umalis na sila. Haaayyy ang init talaga!

"Nag-iisa ka ngayon Princess Snow White?"

Y-Yung boses... T-Takboooo! Pero hindi ako nakatakbo kasi... nahawakan nya yung parte ng costume ko.

"Bakit mo ako laging tinatakbuhan?"

Uwaaaaah! A-Ano'ng gagawin ko?

"May ibibigay pa naman ako sa'yo."

May ibibigay sya sa'kin? Tinignan ko sya.

"Heto oh," naka-smile na abot nya. Sumingkit ang mga mata nya. May nakikita pa kaya sya?

Tinignan ko yung inaabot nya sa akin. Isa yung...

"Para sa'yo, kunin mo."

"Yakult!" masaya kong sabi. Paborito ko 'to!

Kinuha ko yung Yakult. Mukhang malamig pa. Tumawa sya nang malumanay. Ngayon lang ako nakarinig nang ganong tawa. Hindi sya malakas katulad ng tawa ng ibang lalaki.

"Mabuti tinanggap mo Princess Snow White. Hwag kang mag-alala walang lason yan," sabi nya.

Tumalikod na sya. Naglakad na sya palayo. Pabalik siguro sa bench nya.

"Ah!" Lumingon sya sa'kin. "Ang sarap ng cookies na bigay mo, galing Paris tama?"

Huh? Pano nya alam? Ngumit sya at umalis na. Pano nya kaya nalaman? Hindi kaya isa syang expert sa mga pagkain? Hindi kaya sya si... Ratatouille? Ang dagang Chef? Katulad rin sya ni Ratatouille! Isang palaboy na daga! RATATOUILLE!!!

***

Fifteen days completed! Ang bilis natapos ng fifteen days ko! Sweldo ko. Ngayong araw na ito matatanggap ko na ang unang sweldo ko! Mabibili ko na rin yun sa wakas! Pagkatapos... Hihihi!

"Snow White last day mo na ngayon diba?" tanong ni Grumpy.

"Uu."

Last day ko! Ngayon ang last day ko rito sa Lala Land. Ibig sabihin hindi ko na makikita si Ratatouille. Simula nang bigyan ko sya ng cookies hindi ko na ulit sya nakita. Nasan kaya sya? Hindi kaya nagkasakit sya? N-Nagkasakit sya kasi sa sobrang gutom? Posible kaya na na-na-nama-ta—WAAAAAHH!!

Hindiiiii!

"Snow White! Snow White! Masakit ba ang tyan mo?" tanong naman ng dwende ko rin na si Doc.

"Hindi bakit?"

"Namumutla ka."

"Umuwi ka na Snow White malapit na rin naman mag-nine eh," taboy sa akin ni Grumpy.

"Oo nga umuwi ka na Snow White," sangayon ni Happy.

"Okie uuwi na ako pero bago yon..." Niyakap ko sila isa-isa. Ang mga dwende kooo. Mamimiss ko sila. "Dadalaw ako dito!" sabi ko sa kanila.

"Kahit hwag na," sagot sa akin ni Grumpy.

"Eeeeh! Basta dadalawin ko kayoo!"

"Tama yan dalawin mo kami dito Snow White. Hwag mong pansinin si Grumpy pakipot lang yan," sabi ni Bashful.

"Talaga?"

"Hoy Basty ano sinasabi mo sa batang 'yan? Alam mo naman na uto-uto yan diba?" sambit ni Grumpy.

Pinalo palo ni Bashful si Grumpy sa balikat.

"Ikaw talaga pakipot," sabi ni Bash kay Grump. "Sige na Snow White uwi ka na, mukhang pagod ka na eh."

"Sige, uuwi na ako. Salamat sa inyong lahat! Salamat ng maraming marami!" nag-bow ako sa kanila.

Pagkatapos ko'ng magpaalam sa kanila umalis na ako. Pero dumaan muna ako sa bench na palaging inuupuan ni kuya Rat.

"Wala na naman sya?"

Naglalakad na ako pauwi! Nakuha ko na ang sweldo ko! CASH!

Hihihi! Bukas dadaan ako sa store na yun para bumili ng book shelf ni Sammy. Ang dami na kasi nyang libro. Nung unang pasok ko kasi sa kwarto nya nakita ko na yung ibang libro ni Sammy nasa sahig nalang. Tapos nahihirapan pa syang hanapin yung iba nyang libro kasi nasa sahig nalang sila. Kawawa naman si Sammy. Napupuyat na nga sya sa pag-aaral nahihirapan pa sya sa mga gamit nya.

At bilang bago nyang bestfriend naisip ko na kailangan nya ng tulong ko. Kaya naman naisip ko na bumili ng malaking bookshelf! Yung kasing laki ng nasa library namin sa school. May nakita na nga ako na super mura lang. Sana magustuhan ni Sammy yung regalo ko. Hay ano kaya ang magiging reaksyon ni Sammy? Hihihi! Gusto ko i-hug nya ako! Ayaw nyang magpa-hug sakin eh.

Ang lamig! Brrrr! Wala akong nasakyan pauwi eh. Ayaw ako pasakayin ng mga nadaan na taxi. Hindi ko alam kung bakit? May pera naman ako. Lumiko na ako sa kabilang kanto at nakita ko na ang bahay namin ni Sammy.

Lakad~

Lakad~

Lakad~

Laka—!!!!!!!!!

"Holdap 'to, hwag kang kikilos ng masama kundi isasaksak ko 'tong balisong ko sa'yo."

May mahigpit na nakahawak sa braso ko. May lalaki sa likod ko at may nakatusok sa tagiliran ko.

"K-Kuya maawa ka na... W-Wala akong pera mahirap lang ako."

"Tahimik! A-kinse ngayon! Sweldohan hindi ba? Malamang marami kang pera!"

WAAAAAAHHH!!! Yung pambili ko ng shelf!!!!!

"Ibigay mo sa'kin 'tong bag mo! Dali!"

"A-Ayoko!"

"Sinabi nang ibigay mo!!" hinablot na yung bag ko.

Yung sweldo ko!!! Hinigit ko yung bag ko pabalik.

"Hindi sa'yo 'yan kuya, akin yaaaan!"

"Bwiset kang babae ka!!" tinulak nya ako.

WAAAHH!! Kinalkal nya yung bag ko. Nakita nya yung sobre na may laman na pera! WAAAAH! Sweldo ko! Kinuha nya yung sobre saka nya tinignan ang laman.

"Ito naman pala ang dami eh," sabi nya.

"Hwag! Pera ko yan eeeeh!"

"Sinabi nang hwag kang maingay eh! O baka gusto mong butasan kita sa tagiliran mo?!"

Ipinakita nya yung hawak nyang balisong. WAAAAAAAHHH!!!!! Nakakatakot!! Lumapit sya sa'kin. Tapos yung kamay nya na may balisong tinutok nya sakin. Sasaksakin nya na ako!!! Napatakip ako ng mga mata ko.

"O, tama na yan."

"A-ARAAAAAAAAYYY!!!!"

"Hindi naman yata tama ang ginagawa mo manong."

Sino 'yon?

"ARAAAAYY!! SINO KA BA'NG PAKIELAMERO KA?!!"

Tumingin ako sa kanilang dalawa. May lalaki sa likod ni kuyang holdaper at sa tingin ko... hawak nung lalaking matangkad ang kamay ni kuyang holdaper sa likod. Huh?

Sinagip nya ako! Sya kaya si.... Si..... Si Power Ranger Blue?!! POWER RANGER!!!!! Hindi ko makita ang mukha nya kasi madilim!! Pero wala naman syang suot na costume ni Power Ranger Blue! Sya siguro si....Si....TUXEDO MASK!!! Siguro nandito din si Sailor Moon!!! UWAAAH!! Tuxedo Mask!

"HOY!! ANO'NG MERON DYAN?!!"

"Patay," sabi ni kuya holdaper.

May mga dumating na guard na nag-iikot sa subdivision. Tinutukan nila kami ng flashlight.

"Sir Lee!!" sabi ni manong guard #1.

"Ano po ang nangyari?" sabi naman ni manong guard #2.

"Nahuli ko 'to na nanghoholdap dito," binigay niya si kuya holdaper sa mga guards.

Nakita ko na yung mukha nya. Sya si... Ratatouille!

"Makakatayo ka ba?" tanong sa'kin ni Rat habang nakaupo sa harap ko.

Nakangiti ulit sya sa'kin. Princess~ Princess~ WAAAAAAAHHH!!! Naalala ko yun! Wala akong costume! Kailangan ko tumakbooooo~!

*BLAG!*

"A-Aray." Hindi ako makatayo ang sakit ng paa ko.

"Ayos ka lang? Ano ang masakit?"

"W-Wala," tanggi ko. WAAAH! Nag-sinungaling ako!

"Okay."

Bigla nya akong binuhat na parang pang-prinsesa. WAAAAAH!

"Pano? Kayo na ang bahala dyan," sabi ni Rat sa mga guards.

"Yes Sir!!" Sumakay na sa patrol car yung dalawang guards kasama si kuya holdaper.

Naiwan kami. Buhat nya ako.

"UWAAAAH!!! Ayoko nito!!"

"T-Teka hwag kang malikot," sabi nya.

"Hwag mo akong buhatin! WAAAAA!!"

Ibinaba nya ako pero hawak na ako sa braso.

"Ayaw mo talaga?"

"Ayokooooo!"

Nakayuko ako. Ayoko makita nya ako. Nahihiya ako. Naupo sya sa sahig.

"Sakay ka nalang sa likod ko."

"A-Ano?"

"Na-sprain 'yang paa mo, kapag nilakad mo yan...mapuputulan ka ng paa."

WAAAAAAAHHH!! Totoo ba yun?!!!! Mapuputulan ako ng paa?! Ayoko maputulan ng paa!!! Sumakay ako sa likod nya. A-Ang bango.

"Hawak ka ng mabuti Princess," tumayo sya.

Holoooooo. Ang taas ko!!! Ang taas koooo!!

Hinatid nya ako hanggang sa tapat ng bahay ni Sammy.

"P-Pano mo alam ang bahay ni Sammy?" tanong ko.

Nag-doorbell sya.

"Uhh. You'll see."

Bumukas ang gate. Nakita ko ang magandang mukha ni Sammy.

"Oh! Kuya Lee, diba kaaalis mo la—MICHIEE!!!!" gulat na gulat ang mukha ni Sammy. Nakakatuwa!

"WAAAA!! SAMMY!!!"

"Ano'ng nangyari sa'yo?!!" tanong sa akin ni Sammy.

"Ang sakit ng paa ko Sammy!"

"Pumasok nga muna kayo."

Pumasok kami sa bahay at pinaupo ako sa sofa.

"Insaaaan! Hala anong nangyari?" tanong ni Maggie.

"Oo nga! Bakit ka..." China bumulong sa'kin. "Buhat ng pinsan ni Sammy?"

P-Pinsan? Lumaki ang mga mata ko. Tumingin ako kay Rat at kay Sammy.

"Kuya Lee, ano ba ang nangyari?"

"Mahabang istorya," sagot ni Rat kay Sammy bago sya tumingin sa akin.

K-Kuya Lee? Sya yung pinsan ni Sammy na galing Paris? Sya yuuuuung pinsan ni Sammy. Pinsan ni Sammy. Sya yun. Sa kanya rin nanggaling yung cookies. UWWAAAAAAAAAAA~!!!!!!

***

"Uy Michie ano nangyayari sa'yo dyan? Bakit ka nakaupo dyan sa sulok?" tanong sa akin ni Maggie.

"W-Wala naman."

Umalis na ang pinsan ni Sammy, nakakahiya! Akala ko isa syang palaboy na daga.

"Pero hindi ko maintindihan kung bakit sya nasa Lala Land," bulong ko.

Bakit nga kaya?

"Si Kuya Lee ba ang tinutukoy mo Michie?" tanong sa akin ni Sammy.

Narinig ako ni Sammy!!!!!

"Si Kuya kasi ang namamahala sa negosyo namin na 'yon, well. Si Kuya Lee ang may ari non, sa kanya na yon actually. Pero may shares ang pamilya namin don kaya ayun..." paliwanag ni Sammy.

M-May ari ng Lala Land? S-Sila ang may ari ng Lala Land?

"SAMMY!! BAKIT HINDI MO KAAGAD SINABI NA SA INYO YON?!"

"Hindi ba obvious nung unang punta natin don?"

UWAAAAAAAAAA~!!

"Huy!" kinulbit ako ni China.

"B-Bakit China?"

"Tingin ka dun,"

Tumingin ako sa nginunguso ni China. Ano yun?

"Salamin?" *0*

"Bading! Ano'ng salamin?" tanong sa akin ni China.

"Aquarium 'yan, bili ni Sammy~" sabi ni Maggie.

"CRAZY DUO!!!" sigaw ni Sammy.

"Yiiieeeee!"

"Aquarium?" Nilapitan ko.

Oo nga...

"Bakit walang isda?" tanong ko.

"Sabi kasi ni Sammy—" hindi naituloy ni Maggie sasabihin nya, binato sya ni Sammy ng unan.

"Kasi sabi ni Sam—Ah!" China - binato din ni Sammy ng unan.

"Tumahimik nga kayo!!!" sabi ni Sammy.

Tinignan ko ulit yung aquarium. Ang lakiiiii

"Bibili tayo bukas ng isda."

"Sammy?"

"Para mapili mo kung ano ang gusto mong ilagay dyan, hindi ko kasi alam eh," bulong ni Sammy.

B-Bigay sa'kin ni Sammy. Binili ako ni Sammy ng aquarium! At sabay kaming pipili ng isda!

"AIST! Kaya ayoko pa sabihin eh! Crazy Duo napakadaldal nyo!"

"HAHAHAHAHA!!" tawa ng mga pinsan ko.

"WAAAAAAAAAAA~~!! Sammy!!! Thank you!!!" Niyakap ko sya nang mahigpit.

"ACKH! Sabi nang allergic ako sa hugs eh!"

N-Niyakap din ako ni Sammy.

"Alam ko naman na gusto mo ng ganyan eh, kaya ka siguro nagtrabaho. Tumigil ka na dun, wala akong kasama dito eh" bulong sa akin ni Sammy.

Hindi. Gusto ko rin kasi na bigyan ka ng gift Sammy! Naunahan mo lang ako. Ang bait talaga ng bestfriend ko.

Pero ano ang sabi ni Sammy? Tumigil na ako? W-Wala daw kasi syang kasama sa bahay? Tumigil saan?

***

Pumunta kami ni Lee sa garden ng ospital. Pero kahit ang ganda ng paligid hindi ko maappreciate dahil lahat ng atensyon ko nasa kanya. Bakit sya lumapit sa akin?

"Ano yung sasabihin mo?"

"Mich."

Umiwas ako ng tingin.

"I'm sorry kung bigla akong nawala noon."

"Okay lang, naiintindihan ko naman kung bakit ka umalis noon," tinignan ko sya. "Hindi naman ako nagalit sa'yo."