webnovel

A Confession that wasn’t Really a Confession (2)

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1251: Isang Pag-amin na Hindi Talaga Pag-amin (2)

"Para mag-almusal."

Bago makapagsalita si Huo Mian, naglabas ng mga bento boxes si Huo Siqian, at nilagay niya lahat sa desk ni Huo Mian.

Merong mga crab roe buns, xiaolongbao, at iba't ibang side dishes… Lahat maganda ang pagkagawa at mukhang masarap.

Kahit nag-almusal na si Huo Mian sa bahay, muntik na siya maglaway nang makita niya ang pagkain sa harap niya.

"Pero… bakit ka mag-aalmusal dito, sa office ko?"

"Pumunta ako dito para i-reconcile yung Huo Corporation account, at 'di pa ako kumakain ng breakfast… Ang sakit na ng tiyan ko."

"Ang tanong ko ay… bakit ka dito kakain sa office ko?" Hindi nakaimik si Huo Mian.

"Ikaw lang kilala ko. Gusto mo bang kumain ako sa isa sa mga clinics?" sabi ni Huo Siqian.

Hindi alam ni Huo Mian sasabihin niya. Pagkatapos niya pag-isipan nang sandali, sabi niya, "Okay, kumain ka nang tahimik. Magtatrabaho ako nang sandali."

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com