webnovel

Chapter 4

"Let's have a quiz this afternoon" bungad agad ni sir Kinabukasan ng pumasok ito.

Agad kaming umaangal.

"Sir naman bukas na po" sigaw ng ilan sa kaklase ko.

"Sir hindi ho  kami nakapag study" dugtong pa ng iba.

Ng biglang nagtama ang tingin namin at para bang hinihintay ang reaksyon ko or assuming lang talaga ako.

Oo assuming ka te' wika ko sa sarili ko.

Bakit niya naman hihingin ang reaksyon ko diba? ang weird.

Tinaasan ko lang ito ng Kilay. Matapang ata to, hindi ako natatakot ibagsak. chaaar joke lang. Kaya ngumiti agad ako bilang pagbawi sa ginawa ko.

Napailing ito na para bang na we-weirduhan sa inasal ko. Napayuko nalang ako at nagsulat ng pangalan. Sus mas weird siya noh.tsk

"Okay class let's start. Number one! Draw a cellphone under a table" wika ni sir.

Agad napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Sir seryoso ba?" Tanong ko.

Kasi quiz to diba? Tapos spanish ang subject niya, kaya anong konek?

"What do you think Miss Cresza?" Seryosong sagot nito.

"Hah? Wala naman po akong sinabi hihi" tugon ko at nagdrawing nalang.

Akala ko joke eh. Malay ko bang seryoso pala.

Kainis! Ano trip ni sir?

"Two! draw a table, sa taas nito ay mag lagay kayo ng apple" dugtong pa niya.

At kahit ang weird ng pinagsasabi ni sir ay nag drawing kami ng walang uma-angal. Kasi baka masabihan sila ng 'shut up' ni Sir. Pero yung iba kong kaklase ay tumatawa ng patago.

Hanggang tumigil na ito sa Five.

"Now lets check your drawings" wika ni sir.

Biglang naglakad si sir palapit sa akin kaya automatic kong naitago sa ilalim ng desk ko ang drawing ko. At nakahinga lang ako ng maluwag ng tinawag ito ng isa ko pang kaklase kaya natigil ito at pumunta doon. Weeww

Tinignan ko ang drawing ko. Gag* hindi ko maintindihan sa sobrang panget.

"Ano kayang trip ni sir no?" Wika ni Mira.

"Ewan baka kulang sa aruga kaya masungit at naging weird hahaha" mahinang tawa ko.

"Gagi, edi alagaan mo yieeeh" tawa rin nito

"Hmm pwedii rin.. pwedi ring hayaan nalang hahahahaha" pagsabay ko sa kanya.

"And were is your drawing cresza?"

Agad akong napaayos ng upo ng makita ko itong nasa gilid ng upuan ko.

Agad kong tinakpan ang drawing ko.

"Sorry sir hindi pa tapos" palusot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at hinablot ang notebook ko.  Napaawang nalang ang bibig ko dahil sa nangyari.

Ng ibinalik niya sa akin ang notebook ay napa facepalm nalang ako.

"Nice drawing" komento nito at bumalik na sa desk niya.

Puteeek na yan! lamunin muna ako earth! nakakahiya.

"Uyy namumula ka Cresza ayieeeh ano yun!" Tukso ni Mira sabay sundot sa tagiliran ko.

Agad akong napasimangot. Namumula? oo sa kahihiyan! at anong Nice drawing???? Anong Nice eh kita ko sa mukha niya na nagpipigil lang siya ng tawa??

Kainiiiiis! May araw ka rin sa akin. Itaga mo sa Gold!