150 000 taon ang nakakaraan ay may isang kaharian na naguumapaw sa kagandahan at isang paraiso na balot ng balabal ng kapayapaan. lahat ay nag-aawitan, nagkakaroon ng kasiyahan sa kaarawan ng dakilang hari na si Helios. Siya ay mahal ng lubhang karamihan, mapa bata o matanda, mahirap o mayaman, alipin o laya, malakas o mahina, ay minamahal niya ng lubha. Lahat ay nakangiti, walang bahid ng pighati.
Ngunit sa di kalayuan sa ilalim ng kadiliman ay may isang ermitanyo na may galit sa kaharian at mundo. Siya'y nagpakawala ng isang sumpa, sumpa na tinali ng tatlong mga bathala. Ang nagsimula nang gabi sa umaga na tumatagal ng walang hanga. Wala nang magagawa upang mapigilan siya. Liban kung may magsasakripisyo nang buhay upang muling itali siya.
Ang nangyari ay nalaman ng hari, kung kaya't inilikas niya ang nakrarami at tinulungan ang kakaunti. Naghanda ang maharlika sa malabagyong pagsagupa. Yumayanig, umiiyak ang lupa sa kanyang bawat hakbang. Lumuluha, nagdurusa ang mga ibon at mga isda at unti-unti na ang lahat ay napara. Ang hari ay di kinain ng takot, ni nagpadala sa lakas ng kilabot. "Ito'y hindi para saakin kundi ay para sa mundo!", sigaw na may dakilang tono.
Isang madugong pakikipagbaka sa isang sumpa na ang halos lahat ay mawawala. Ngunit ang hari ay di sumuko dahil may isa pang paraan upang ito'y matalo. Inilabas ang kanyang tabak at kanyang isinaksak. Ang sumpa ay nagliwanag kasama ng hiring matapang. Ang tabak ay nawasak ngunit ang sumpa ay nawala nang ganap.
Ang buhay ay nagbalik, ang mga ibo'y umaawit nang ulit, ang mga isda sa tubig ay nakikisayaw sa tinig. Ang mga mamamaya'y nagsaya ngunit ang hari ay biglaang nawala. Sila'y kanilang hinanap siya, ngunit walang pag-asa. Sila nalang ay gumunita sa isang dakilang pag-alaala, sa kaniyang kabayanihang ginawa. Saharapan ng dambana ay inihimlay kasama ang mga pamamaalam at pagkalumbay.
Ang kanyang pangalan ay naipasa sa maraming mga dila. Hangang sa ngayon ang mundo ay payapa dahil sa kapayapaang kaniyang ginawa. Siya ay kilala na "Haring Helios ang hirang ng mga dios"