webnovel

01

My Twelve Girls In Christmas 01

November 30

Sa isang lugar sa Maynila ay mayroon nakatayong isang apartment building na ang pangalan ay Good Luck Home And Comfort. Isa itong Two bedroom apartment building. Ito ay pagmamay-ari ni Mr. Antonio Cuevas. Isang matandang binata. Kasalukuyang naninirahan sa America si Mr. Cuevas kasama ang iba pa nitong mga kapamilya.

Ipinagkakatiwala ng matandang binata ang pagbabantay at pangangalaga sa apartment sa isang pamilya na tenants ng nasabing apartment. Ang lokasyon ng apartment building ay matatagpuan sa Caloocan, City.

Ang panlabas na disenyo o ang exterior design ng apartment building ay isang old o classic style dahil ang ginamit na skin sa facade nito at sa kabuuan ng building ay kulay Dark-Brown exposed bricks. Ang roof naman nito ay ginamitan ng mga clay tiles na kulay orange. Exposed bricks din ang ginamit na disenyo at materyales sa mga walls ng building sa loob ng bawat apartment rooms.

Maging ang mga hallway nito ay ganoon din ang ginamit na materyales at disenyo para sa walls. Ang ceiling at flooring naman ay yari sa plaster na may kakaibang design. Mixtures ng gray at purple ang mga kulay na ginamit na pang-disenyo sa ceiling at flooring. Bagamat exposed bricks ang mga walls pero may pagka-moderno naman ang interior design na ginamit sa loob ng bawat apartment rooms.

Ang apartment building ay mayroon apat na palapag.

Ang lupa na nakapalibot sa buong apartment building ay napapalibutan ng mga bermuda grass, mga ilang naglalakihang puno ng pine at iba't-ibang klase ng halaman o bulaklak.

Napapalibutan din ang buong paligid ng apartment building nang mga wrought iron fence na kulay gray at malapit ito sa gilid ng sidewalk. Ang sidewalk ay nakapuwesto sa labas ng apartment building. Sa labas ng apartment building ay mayroon din mga nakapalibot na outdoor lamp post na nakatayo sa gilid ng sidewalk at nasa likuran lamang ng mga outdoor lamp na poste ang mga wrought iron fence na nakapalibot sa buong paligid ng apartment building.

Ang sidewalk ay yari sa bricks na ang kulay ay mixtures ng white at gray.

Ang entrance gate naman ng apartment building ay wrought iron din na kulay gray at ito ay automatic. Nakapuwesto ang main gate o entrance gate malapit sa sidewalk. Ang sidewalk na ito ay nasa labas din ng apartment building. Nakapuwesto ang main gate, Tatlong metro ang sukat ng layo o distansiya magmula sa entrance hall hanggang sa malapit sa sidewalk.

Sa unang palapag ay mayroon siyam na two bedroom apartment rooms. Ang unang hilera ay mayroon lamang apat na apartment rooms. Pero bago mapuntahan ang mga rooms, papasok ka muna sa entrance hall o ang lobby area ng apartment building.

Ang lobby area ay katamtaman lamang ang lawak pero pinag-halong Traditional at Modern ang interior design na ginamit. Sa isang bahagi nito, sa may bandang sulok ay may dalawang maliit na comfort room para sa babae at sa lalaki.

Sa lobby ay may entrance na papunta o papasok sa hallway kung saan madadaanan muna ang isang room. Nahahati ang kuwarto na iyon sa limang bahagi. Ang room na iyon ang nagsisilbing Storage o Maintenance at Security Office ng apartment building. Dito rin natutulog ang Janitor na tagapaglinis ng buong apartment building at ang Security Guard na nagbabantay sa seguridad ng mga tenants ng apartment.

Katabi ng room na iyon ang apat pa na apartment rooms na two bedroom at ito ay para naman sa mga tenants. Sa ikalawang hilera ay lima naman ang mga apartment rooms. Isa sa mga room ay nangungupahan ang pamilyang pinagbilinan ni Mr. Cuevas. Ang room na ito ay nasa bandang dulo.

Hagdanan na yari sa kahoy na mahogany na kulay light brown ang ginagamit para makarating sa iba pang palapag ng apartment building. Malapad ang bawat tapakan nang hagdanan. Ang dami nang tapakan ay nasa dalawampu.

Ang ikalawa hanggang ikaapat na palapag naman ay mayroon tig-sampung two bedroom apartment rooms. Ang bawat mga bintana na Color white French Window type with double opening ng apartment rooms ay napapalibutan ng mga stainless steel grill railing.

Ang apartment building ay mayroon tig-dalawang mga Cctv Camera sa harapan, likuran at magkabilang-gilid nang building. Mayroon din isang Cctv Camera sa loob ng Lobby area ganoon din ang bawat hallway nang bawat palapag ay may tig-iisang Cctv Camera na nakalagay kaya makikita kung sino-sino ang nakakapasok sa loob ng apartment building.

Sa tapat ng apartment building na iyon, malapit sa harapan ng entrance gate nito ay may mangilan-ngilan mga kalalakihan ang nakatambay pa rin sa labas. Ang iba sa kanila ay mga nakaupo sa gilid ng sidewalk na malapit sa kalsada. May mga bata rin na naglalaro ng patintero malapit sa kalsada. Marami-maraming outdoor lamp post ang nakatayo sa gilid ng sidewalk at nasa likuran lamang nito ang mga wrought iron fence na nakapalibot sa buong paligid nang harapan ng apartment building kaya kitang-kita ang mga taong nasa labas pa rin.

Mayroon dalawang tao na nangungupahan sa nasabing apartment building. Doon sa loob ng apartment nanunuluyan ang dalawang kalalakihan na ang mga edad ay nasa late twenties.

Sa apartment building na iyon bago papasukin sa loob nito ang mga tao lalo na ang mga tenants. Nagpapakita muna ang mga tao at mga tenants ng Valid I.D sa Security Guard at pumipirma sa isang Recording Notebook.

Kadalasan ang mga tenants na nanunuluyan sa apartment building na iyon ay mga solo lamang kaya ibinibigay sa mga ito ang mga original key para sa apartment room ng mga ito.

Kung isang pamilya naman ang mga tenants tanging sa pinakamatandang miyembro ibinibigay ang original key at sa ibang miyembro naman para makapasok sa mga apartment room ng mga ito, isang duplicate key nang original key nang mga apartment room ng mga ito ang ibinibigay sa mga ito para makapasok sa mga apartment nang mga ito ngunit kukuhanin muna nang mga ito sa Security Office ang susi at kailangan din ibalik ito sa Security Office.

Ang dalawang kalalakihan ay nanggaling mula sa pinagtatrabahuhan ng mga ito kung saan parehong magkasama sa trabaho ang dalawa. Ang mga katawan at isipan ng mga ito ay mga pagod dahil na rin sa dami ng mga ginawa ng mga ito.

Alas-otso na ng gabi ng makauwi ang dalawang magkaibigan.

"Paano, Jacob bukas na lang ulit?" matamlay na tanong ni Nicholas sa kaibigan at nag-apiran ang dalawa.

"Sige, Nicholas! Bukas ulit!" masiglang sagot ni Jacob na kahit pagod rin ito ngunit hindi mababakas sa tono ng pananalita nito.

**********

"Jacob! Bukas ang pinto!" nanlalaki ang mga matang sambit ni Nicholas sa kaibigan nang inikot nito ang doorknob. Nasa harapan nang pinto nang isang apartment room sina Nicholas at Jacob at ito ay apartment room ni Nicholas.

Nang mapansin hindi ito naka-lock bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ni Nicholas na para bang may nagtatambol.

Nasa ikalawang palapag ang apartment rooms nang dalawang magkaibigan.

"Paano nangyari iyon Nicholas?"

"Hindi mo ba ito ini-lock bago ka umalis?"

"Hindi kaya?....." sunod-sunod na tanong ni Jacob habang nakatingin kay Nicholas. Kung ano-ano na naman mga wirdong pangitain ang tumatakbo sa isipan ni Jacob.

"Sira ka! Siyempre ini-lock ko ang pinto bago ako umalis. Kailan mo ba ako nakitang nakalimot na isara ang pinto ng kuwarto ko?" iritableng saad ni Nicholas kay Jacob at kulang na lang paikutin ni Nicholas ang mga mata.

"Ahh! Oo nga pala! Nakalimutan ko kung gaano ka ka-ingat at ka-disiplinado." sarkastikong tugon naman ni Jacob habang pinagdidiinan ang mga binibitawang salita.

"I-check mo Pare at baka may nanloob na diyan!" dagdag pang sabi ni Jacob kay Nicholas na kahit kalmado ang hitsura ni Jacob mababakas sa boses nito ang kaba.

Dahan-dahan binuksan ni Nicholas ang pinto.

Pamaya-maya nakarinig ang dalawa ng ingay o mga kaluskos mula sa loob ng apartment room kaya naman nagpalinga-linga sa paligid si Jacob upang maghanap ng pang-hampas.

"Teka naaamoy mo ba iyon?" pagtatanong ni Nicholas sa kaibigan ng makapasok na ang dalawa sa loob.

Napansin din ni Nicholas na bukas ang ilaw sa may bandang kusina.

"Oo, parang may nagluluto sa kusina mo?" patanong na tugon ni Jacob kay Nicholas habang nagkatinginan ang dalawa.

"Ang bango ng amoy, parang amoy ng paborito kong adobong pusit na palaging niluluto ni Inay noong sa Zambales pa ako nakatira." saad ni Nicholas habang sinisinghot ang amoy nang kung ano man pagkain ang niluluto sa loob ng kusina.

"Hindi ba sabi mo noon sa akin na sa dagat kayo malapit kaya puro isda o iba pang seafoods ang madalas ulamin ninyo?" tanong naman ni Jacob kay Nicholas.

"Oo, Bakit?"

"Pero imposible naman na nandiyan ang inay mo dahil matagal na noong huli natin siyang nakita, hindi ba?"

Halos pabulong mag-usap ang dalawang magkaibigan, pinakikiramdaman ng mga ito ang kilos nang kung sino man ang nasa loob nang kusina at kung ano ang ginagawa ng isang intruder sa apartment room ni Nicholas.

"Tapos ang sabi mo pa hindi siya basta makaka-bisita sa iyo dahil mahal ang pamasahe mula sa Zambales hanggang Caloocan." dagdag pang paliwanag ni Jacob kay Nicholas habang dahan-dahan lumalakad papalapit sa kusina.

Umalerto ng pagkilos sina Jacob at Nicholas nang maramdaman papalapit sa mga ito ang anino ng taong kanina pa pinakikiramdaman nang magkaibigan ang mga kilos.

"Sa wakas nandito ka na Nico, Anak!"

Isang malumanay ngunit may kalakasan ang boses at pigura ng isang babae ang bumungad sa harapan ng dalawang magkaibigan at nanlaki ang mga mata ni Nicholas nang makita at mapagtanto kung sino ang nasa harapan nang magkaibigan.

"Inay!" mahinang bulalas ni Nicholas.

Bagamat sa una ay nagulat si Nicholas ngunit mababakas sa tinig ang pagkasabik nang makita ang ina habang nagluluto ng paborito nitong ulam. Hindi na rin nagtaka si Nicholas kung bakit nakapasok sa loob ng apartment room nito ang ina nito dahil may key duplicate ang kuwarto ni Nicholas kung sakali man mawala ang orihinal na susi ng kuwarto nito.

"Malapit ng matapos ang niluluto ko. Pagkatapos nito sabay-sabay na tayong kumain ng hapunan." malambing na saad ng ina ni Nicholas habang itinutuloy ang pagluluto.

"Kumusta na po Tita?" nakangiting bumati si Jacob sa ina ni Nicholas sabay mano at beso rito. Ibinaba na rin ni Jacob ang hawak na dust pan sa isang sulok.

"Maayos naman ako Jacob, hijo!"

"Lalo ka yatang gumaguwapo ahh!" pabirong komento ng ina ni Nicholas kay Jacob.

"Naku naman si Tita! Ngayon ninyo lang po ba nalaman? Matagal na po akong guwapo." saad naman ni Jacob habang hinahaplos-haplos pa ang sariling mukha. Mahinang binatukan ito ni Nicholas.

"Aray ko Pare!" sambit ni Jacob habang hinihimas ang batok.

"Inay naman! Nakakanerbiyos naman po kayo. Akala ko naman po ay may magnanakaw ng nakapasok dito sa kuwarto ko." nakasimangot na saad ni Nicholas sabay lapit sa ina.

"Kasi naman na-miss kita anak." tugon naman ng ina ni Nicholas habang nakangiti ito sabay yakap ng mahigpit kay Nicholas.

"Ako na po ang bahala diyan. Umupo na po kayo doon Inay sa isang upuan at ako na po ang maghahain sa lamesa nitong mga niluto ninyo." sabi ni Nicholas sa malambing na boses sabay agaw sa mangkok na hawak ng ina.

Umupo na ang ina ni Nicholas sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa lamesa.

Ang lamesa ay maliit lamang na sapat lamang para sa apat na tao na kakain.

Inilapag na rin ni Nicholas sa lamesa ang mga pagkaing niluto ng ina nito.

Adobong pusit, enseladang talbos ng kamote, piniritong tilapia, kanin at isang pitsel ng Orange Juice.

"Makisalo ka na sa amin hijo." paanyaya naman ni Aling Merly sa kaibigan ni Nicholas habang nakatingin ito kay Jacob. Tumango si Jacob sabay sulyap kay Nicholas.

"Oo, Jacob dito ka na kumain."

"Sige po salamat. Tamang-tama gutom na rin ako, hindi ko po tatanggihan iyan." tugon naman ni Jacob sabay hila ng isang upuan at umupo na dito.

Inilapag naman ni Nicholas ang tatlong plato at tatlong pares ng mga kutsara't tinidor sa lamesa.

"Inay! kain na po tayo dahil gusto ko na ulit matikman ang mga luto ninyo." nakangiting sabi ni Nicholas sabay upo sa upuan katabi ng upuan ng ina.

**********

"Oo nga pala Anak, kumusta ang trabaho mo naman dito sa Maynila?" pagtatanong ni Aling Merly kay Nicholas. Halos katatapos lamang ng mga ito kumain.

"Maayos naman po, kahit medyo stress sa trabaho pero kaya ko pa at kinakaya." sagot ni Nicholas sa ina.

"Huwag kang masyadong tutok sa trabaho Anak at baka magkasakit ka sa ginagawa mo." pag-aalalang saad ng ina ni Nicholas habang hinihimas ang likod ni Nicholas.

"Okay po Inay! Huwag po kayong mag-alala sa akin. Maayos naman po kalagayan ko rito!" sagot na lang ni Nicholas sa ina.

"Matanong nga kita Nico! May kasintahan ka na ba?"

"Baka kasi naglilihim ka lang sa akin pero may kasintahan ka na pala hindi ko lang alam." pagtatanong ng ina ni Nicholas na may halong panunukso ang tinig na ikinalaki naman ng mga mata ni Nicholas at ikinatawa naman ni Jacob.

"Inay naman po! Bakit ninyo naman naisingit iyan sa usapan." sagot naman ni Nicholas sa ina habang nagkakandasamid pa ito samantalang si Jacob ay hindi mapigilan ang pagtawa kaya binalingan ito ni Nicholas ng masamang tingin.

"Basta kapag may liligawan ka o may nililigawan ka na, dapat alam ko at hindi ka maglilihim sa akin." sagot na lamang ng ina ni Nicholas.

"Oo naman po Inay! Ikaw po ang unang-unang makaka-alam." tugon ni Nicholas para lang hindi na ito usisain ng ina tungkol doon.

"Kailan pa iyon Nicholas? Palagay ko uugod-ugod na tayo, wala pa rin nagaganap sa buhay pag-ibig mo." mapang-asar na komento ni Jacob sa sinabi ni Nicholas.

"Sira ka talaga Jacob!" inis na sambit naman ni Nicholas sa hirit ng kaibigan.

"Nico, Anak tumatanda ka na, malapit ka na nga mag-trenta anyos, ngunit wala ka pa rin kasintahan man lang."

"Baka nga tama ang kaibigan mo, malamang namatay na ako na hindi man lamang nakaranas na maging lola o mag-alaga ng mga apo mula sa iyo." malungkot na saad ng ina ni Nicholas habang si Jacob ay hindi alam kung matatawa o maiilang sa binibitawang mga salita ni Aling Merly.

"Naku! Tita, huwag po kayong magsalita ng ganyan. Kaunting push pa po dito kay Best friend at mag-kakajowa din po iyan."

"Jowa?" kunot ang noo na napatanong naman si Aling Merly. Noon lang nito narinig ang salitang iyon.

"Girlfriend po ang ibig kong sabihin." tugon naman ni Jacob sa tanong ni Aling Merly habang napapakamot sa batok nito.

"Ahh!....." tumango-tango na lamang si Aling Merly.

"Kasi po puro work ang inaatupag ng anak ninyo. Sabi ko nga sa kanya sa darating na pasko at kaarawan naman niya ay mag-wish na siya kay Santa para magka-jowa na siya." natatawang paliwanag pa ni Jacob sa ina ni Nicholas.

"Jacob, puro ka talaga kalokohan!" bahagyang napasinghal si Nicholas kaya nagulat si Aling Merly. Maging si Jacob ay nagulat din.

"Hindi ako naniniwala sa mga magic-magic na iyan. At saka sa mga palabas lang iyan nangyayari!"

"Pinaniniwalaan lang ng mga taong walang magawa sa buhay."

Bagamat naiinis, pinipigilan ni Nicholas ang mapikon sa mga pinagsasasabi ng kaibigan lalo pa at nasa harap ito ng ina.

"Basta hindi ako naniniwala diyan! End of conversation!" pahabol pang sambit ni Nicholas habang hindi maitimpla ang hitsura ng mukha.

"Pero Pare! Wala naman masama na paminsan-minsan maniwala ka sa ganoon."

"Bakit ka ba nagagalit?"

"Para naman hindi ka dumaan sa pagkabata." sunod-sunod na saad ni Jacob na napabuntong-hininga na lamang.

Kahit matagal ng kaibigan ni Jacob si Nicholas para kay Jacob hindi pa rin ito masanay sa kasungitan at pagiging seryoso ng kaibigan. Minsan naiisip ni Jacob na malamang babae ang kaibigan sa nakaraang buhay nito.

Sapagkat, ang hirap Spellengin.

"Bata!"

"Oo, isip-bata ka!"

"Naririnig mo ba ang mga pinagsasasabi mo Jacob?"

"Nasa totoong buhay tayo. Hindi TELESERYE sa Tv, hindi FANTASY."

"Kaya pakiusap lang Jacob, kung wala ka rin lang magandang sasabihin, mabuti pa pumunta ka na sa kuwarto mo."

"Pareho tayong pagod galing mula sa trabaho. Wala na akong panahon para diyan sa mga kalokohan mo." tiim-bagang na saad ni Nicholas sabay tayo mula sa kinauupuan nito at inililigpit ang mga pinagkainan para dalhin sa lababo.

"Wala naman mawawala kung i-try mo Pare."

"Hindi mo ito ikakamatay. Try mong mag-wish sa shooting star kung ayaw mo kay Santa." pagpapaliwanag ni Jacob kay Nicholas na sa himig ng pananalita nito bahagya itong napikon sa inasal ni Nicholas.

"Ano ako tanga? Magpapakapuyat sa pag-aabang ng shooting star para lang mag-wish nang wala namang kasiguraduhan na matutupad." sarkastikong saad ni Nicholas na hindi magkandatuto sa paghuhugas ng mga pinagkainan.

"Teka!, teka lang mga Anak, huminahon nga kayo. Para kayong mga bata." pagsasaway ni Aling Merly sa magkaibigan.

"Ano ba Anak? Nico! Ngayon na nga lang ako nakabisita sa inyo, ito pa ang maaabutan ko." saad ni Aling Merly na mababakas sa tinig ang pagkadismaya habang tinitingnan ang anak na nakapatalikod.

"Sorry po Tita!" sambit ni Jacob sabay yuko para humingi ng paumanhin.

"Sa narinig kong pag-uusap ninyong dalawa, wala naman masamang ibig sabihin si Jacob, Anak."

"At saka oo nga naman bakit kasi puro ka trabaho Anak? Gusto ko na rin magka-apo ako habang malakas pa ako at nang maasikaso ko sila."

"Tama naman ang iyong kaibigan. Walang mawawala sa iyo o hindi mo ito ikakamatay. Try mo lang!"

"Noong bata ako ganyan din ako nag-wi-wish at dumating ang panahon na nakilala ko ang ama mo. Akala ko nga noon ay mag-isa na lang ako habang buhay. Pero nakita mo naman na natupad ang hiling ko." dagdag na saad pa ng ina ni Nicholas.

"Pati utak ni Inay nilalason mo na! Sige na pumunta ka na sa kuwarto mo."

"Magpapahinga na ako! O kung ayaw mo pa, Ako na lang ang lalabas."

"Shooting star! Magic! Kalokohan! Kung totoo iyan sana lahat ay mayaman na at lahat din ng tao ay hindi na single!" nakabusangot ang mukha ni Nicholas at napahiyaw dahil sa inis.

Umalis si Nicholas sa harap ng lababo na hindi pa natatapos ang pagbabanlaw sa mga pinggan at akmang lalabas ng apartment room.

"Nicholas! Pasensiya ka na! Gusto ko lang tumulong sa iyo!" mapaklang saad ni Jacob habang nakatingin kay Nicholas.

Hindi humaharap si Nicholas kay Jacob kaya nagtuloy-tuloy na lang sa paglabas ng apartment room ni Nicholas si Jacob at naiwan ang mag-ina na parehong hindi nagsasalita.

Pagkalabas ni Jacob nagtungo naman sa loob ng silid-tulugan nito si Nicholas at pabagsak na isinara ang pinto at si Aling Merly naman ay lumabas ng apartment room para habulin at kausapin si Jacob.

"Jacob! Jacob!" narinig ni Jacob ang boses ni Aling Merly habang tinatawag ang pangalan nito kaya huminto ito sa matulin na paglalakad.

"Hayaan mo na muna siya hijo. Magpahinga ka na rin at ako na muna ang bahala sa anak ko."

"Pasensiya ka na rin sa inasal niya. Kilala mo naman ang anak ko." saad ni Aling Merly kay Jacob. Mababakas sa mga mata nito ang kalungkutan at pagkalito dahil sa nangyaring pagtatalo sa pagitan ng magkaibigan.

"Sige po mauna na po ako. Salamat po sa hapunan." sabi na lang ni Jacob kay Aling Merly at nagdiretso ng lumakad paalis.

**********

Samantala sa loob ng silid-tulugan na hindi kalakihan.

Nakapatay ang ilaw bagamat may bahagyang liwanag na nagmumula sa buwan ang tumatama sa salamin ng bintana.

Nandoon si Nicholas at nakahiga sa itaas ng double-deck na kama habang malalim ang iniisip.

Ang ina naman ni Nicholas ay mahimbing nang natutulog sa ibaba ng double-deck. Pinili ni Nicholas na huwag magkaroon ng roomate kaya solo nito ang buong apartment room, pero solo din nitong binabayaran ang upa dito.

Puro kalokohan ang mga bagay na iyon. Baliw lang ang maniniwala na kapag nag-wish ka sa isang shooting star o kay Santa, magkakatotoo na ang wish mo.

Ano ako hilo? Makikigaya sa kanilang kabaliwan!

Walang magic sa mundo! Fake iyon! Kathang-isip!

Pero may isang bahagi ng utak ni Nicholas ang pilit na nagsasabing paniwalaan ang bagay na iyon.

Pero paano nga kung totoo? Tama naman sila. Walang mawawala kung i-try.

Kinukontra naman ito nang kabilang isipan ni Nicholas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dinadalaw ng antok.

Hindi makatulog si Nicholas dahil pilit nagsusumiksik sa isipan ni Nicholas ang mga pinag-usapan kanina ng ina nito at ni Jacob.

Pero fake nga iyon! Fake!

Bahala na nga! Sige i-try ko, Pero kung walang mangyayari, ang ibig sabihin tama ako. Fake lang ito. Ganoon na lang gagawin ko para matahimik na ako.

Bumangon mula sa pagkakahiga si Nicholas at bumaba mula sa itaas ng double-deck para sumilip sa bintana at magmasid sa kalangitan.

Tamang-tama naman na maliwanag ang buwan kaya mas malinaw na matatanaw kung may dadaan na shooting star mula sa kalangitan.

**********

Para naman walang dadaan na shooting star ngayon gabi. Buwiset! Nagmu-mukhang tanga na ako.

Naiirita na si Nicholas dahil ilan minuto na itong nakasilip sa bintana habang naghihintay ng daraan na shooting star mula sa kalangitan.

Pahiga na sana ulit si Nicholas ng biglang may mahagip na mabilis na liwanag na dumaan mula sa kalangitan ang mga mata nito. Sa palagay ni Nicholas ang nakita ay isang shooting star kaya nag-wish agad ito.

Sana makilala ko na ang magiging katuwang ko sa habang buhay this coming Christmas day.

Ito rin ang araw ng kaarawan ko. I-regalo mo sana sa akin kung sino ka man na tumutupad ng wish.

Patunayan mo sa akin na totoo ka at hindi isang kahibangan.

Taimtim na nanalangin si Nicholas. Tuluyan ng bumagsak at nawala sa paningin ni Nicholas ang nakitang shooting star.

Makakatulog na siguro ako nang mahimbing.

Humikab si Nicholas. Nakakaramdam na rin sa wakas si Nicholas ng antok kaya umakyat na ulit ito sa kamang hinihigaan.

Humiga na ulit si Nicholas at kalaunan ay nakatulog na rin.

**********

Samantala sa isang malayong lugar, naninirahan ang isang tao na may lahing "Elf" na kilala ng karamihan lalong-lalo na ng mga bata. Naninirahan ito kasama ang kabiyak nito na isang pangkaraniwan tao. Kasama rin nito ang mga mumunting nilalang na tinatawag na mga "Elves" sa iisang bahay.

Ang mga Elves ay mga mumunting nilalang na mayroon mga malalaki at matutulis na tenga. Ang taas ng mga ito ay umaabot lamang hanggang tatlong talampakan o mas mababa pa sa tatlong talampakan. Karaniwan pananamit ng mga ito ay pinagsama o pinagpares na mga damit na may kulay berde at pula. Nakasuot din palagi ang mga ito ng isang sumbrero na pahaba ang estilo at patulis ang duluhan na karaniwang pula o berde ang kulay.

Napakalaki rin ng bahay at napapalibutan ng mga niyebe ang paligid nito.

Ang bahay ay yari sa matibay na uri ng kahoy, ang Mahogany. Dark-Brown ang kulay ng pintura nito. Ang looban ng bahay ay mayroon mga kasangkapan na yari rin sa kahoy na mahogany na pininturahan ng mga medium colors. Mayroon din Fireplace ang nasabing bahay na yari naman sa mga batong tinatawag na Fieldstone. Napapalibutan din ng mga dekorasyong pang-pasko ang ilang bahagi ng bahay, sa loob man o labas ng bahay.

Ang isang bahagi naman ng bahay ay pagawaan ng mga laruan na pinang-re-regalo sa mga mabubuting bata na humihiling sa tuwing sumasapit ang kapaskuhan. Katulong nang taong ito ang mga Elves sa paggawa at pag-aasikaso ng mga pang-regalo at hinahatid naman ito sa mga bata kapag sumasapit na ang Pasko.

Ang taong ito ay nakatanggap ng isang mensahe na naglalaman ng isang kahilingan ngunit hindi ito nagmula sa bata.

Ipinatawag ng taong ito ang isang Elf na kanang kamay nito para ipaalam ang tungkol sa mensahe.

"Duwelfino, halika rito saglit!" magiliw na pagtawag ng isang matanda at may katabaang Ginoo sa isang munting Elf.

Ang Elf na tinawagan ay may tatlong talampakan ang taas. Kung huhulaan mo ang edad, iisipin nasa siyam na taong gulang lang ito, ngunit ang mga edad nang Elves ay umaabot na sa kung ilan daang taon.

Ang Ginoo naman ay may kalakihan at katabaan ang pangangatawan. Malago at alon-alon ang maputi nitong buhok. Ang bigote at balbas ay halos tumaklob na sa mukha ng Ginoo. May suot din itong reading eyeglass. Ang kasuotan nito ay kulay pula maliban sa ibang bahagi ng damit na may halong kulay puti at may suot din itong sinturon na itim.

Nakaupo ang Ginoo sa isang tila tronong upuan na kulay pula. Nasa loob ng pagawaan ng mga laruan ang Ginoo at ang Elf na nagngangalang Duwelfino.

"Bakit po?" tugon ng Elf na si Duwelfino sabay lapit sa matandang Ginoo.

"Mayroon akong iuutos sa iyo! Isa itong misyon." tugon naman ng matanda sa kaharap na Elf.

"Sige po! Anong klaseng misyon po ba ito?" sagot ni Duwelfino habang nangingislap pa ang mga mata.

"Isang misyon na magpapabago sa pananaw ng isang tao at pati na rin sa buhay niya." muling tugon ng matanda kay Duwelfino.

"Mukhang isang napakagandang misyon ito." nakangising tugon ni Duwelfino sa matanda.

"Isa siya sa mga mabubuting tao na nasa listahan ko. Listahan ng mga humiling." paliwanag ng matandang Ginoo kay Duwelfino habang hawak-hawak ang isang mahaba-habang papel na may nakasulat na mga pangalan ng humiling.

"Ganoon po ba. Maaari ninyo po bang sabihin sa akin ang buong detalye?" tanong muli ni Duwelfino sa kausap habang tatango-tango, palatandaan ng pagsang-ayon.

"Ang humiling ay hindi isang munting bata kung hindi isang binata."

"Ang binata na ito ay hindi naniniwala sa mahika. Gusto ko ipakita sa kanya at ipamulat na ang mahika ay tunay at ito ay namumuhay sa puso ng bawat isang tao sa mundo na naniniwala dito." dagdag pang paliwanag ng matanda sa kanang-kamay na si Duwelfino.

"Mukhang madali lang ang misyon na ito. Kailangan ko lang siyang mapaniwala sa mahika, tama po ba?" tanong muli ni Duwelfino sa matanda habang nakatingin ang matandang Ginoo kay Duwelfino.

"Tama ang sinabi mo Duwelfino, ngunit ang paraan para mapaniwala siya ay mahirap. Tandaan mo na humiling siya at para maniwala ang binata dapat matupad mo ang kahilingan niya." sagot ng matanda kay Duwelfino.

"Ahh! Opo, ano po ba ang hiling ng binatang ito?" pagtatanong muli ni Duwelfino.

"Ang hiling niya ay magkaroon siya ng katuwang sa buhay. Ang tao na mamahalin niya at siya habang buhay. Iyan ang kahilingan na magbibigay ng linaw sa kanya na may mahika nga sa mundo." sagot ng matanda sa tanong ni Duwelfino.

"Mukhang magiging mahirap nga ang misyon kong ito." sabi ni Duwelfino at napabuntong hininga ito.

"Nagtitiwala ako sa kakayahan mo Duwelfino. Alam kong ikaw ang makakatulong na maisakatuparan ang kahilingan ng binatang ito." wika nang matanda sabay halakhak at hinimas ang ulunan ni Duwelfino.

"Sige po ako na ang bahala sa binata na iyon." sagot ni Duwelfino habang tumango ang matanda bilang tugon.

"Nawa ay magtagumpay ka sa misyong iniatang ko sa iyo. Nasa iyong mga kamay ang magiging kapalaran ng binatang ito." saad ng matanda at sumenyas kay Duwelfino na maaari na itong umalis.

Matapos ang usapan ay naglaho na nga ang Elf na si Duwelfino at naiwan ang matanda na nakatayo malapit sa may bintana habang nakasilip at pinagmamasdan ang mga niyebeng bumabagsak sa lupa na nagmumula sa kalangitan na may ngiti sa labi nito.