webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Adolescente
Classificações insuficientes
32 Chs

Chapter 14

Chapter 14

Vinson's POV 

What? Jeep? 

Hindi naman sa maarte pero kasi never pa akong nagcommute sa tanang buhay ko. Siyempre may sarili naman kaming kotse at never ko pang naexperience na sumakay sa jeep. Nakakatakot lang kasi sabi kasi nila may nahoholdap raw sa loob ng jeep tapos nalalanghap mo pa iyong usok ng kalsada tapos hindi ka pa sure kung may sakit ba iyong katabi mo or what. 

"Uy, hindi ka mamamatay sa pag sakay sa jeep." sabi ni Andrea. 

… 

Earlier that day. 

Tinawagan ko kagabi si Paulo. Sabi niya gabing gabi na bakit raw ako napatawag. Hesitant pa ako nang oras na iyon kasi alam ko ang iisipin niya na napakaweak ko at stupid. Knowing Paulo na habulin ng lahat ng babae sa campus ay masasabi ko na mabait itong si Paulo. Medyo chickboy nga lang kaya sa kaniya ako lumapit para magtanong kung paano magpaamo ng isang galit na tigre. 

Dinescribe ko pa bilang isang tigre si Andrea, ayaw ko kasing sabihin na siya iyong tinutukoy ko. Pero nahulaan na niya na hindi ito basta tigre kundi isang babae. Natuwa pa siya nang marinig niya sa akin na babae nga. He even mentions some names of girls na hindi ko naman kilala. May Maica, Laura, Terry o Ivy pa siyang sinabi. Sino ba iyong mga iyon. 

"Don't tell me, fuck! The new girl?" hindi ako nakasagot. Tapos tumawa siya ng tumawa. 

"Dude. Seryoso? Ano bang mayroon sa babaeng iyon at dalawa pa kayo ni Seth ang nababaliw sa kaniya." i corrected him for what he said earlier. Hindi ko babae si Andrea. At hindi ako nababaliw sa kaniya. I tell him the truth about the Tutor thing as in the whole thing hanggang sa pagtatalo namin kahapon. At nakinig naman siya infairness, may times na parang kinikilig siya sa kwento ko which makes me weird. Abnoy talaga. 

Sabi niya, mukhang mahihirapan akong iplease ang isang tulad niya. Pero nagbigay siya ng mga tips kung paano magsorry sa girls. Una kailangan sincere ang apology mo. Dapat raw maramdaman ng babae na totoo ang paghingi mo ng sorry. Dalhan mo ng bulaklak kung kinakailangan. Sunduin mo kung dapat. Magmukha kang tanga sa harapan niya, just to make her feel na totoo ang intensyon mo. 

Abnoy. Hindi ako nanliligaw sa kaniya. Hihingi lang ako ng sorry, bakit kailangang may bulaklak pa? Dapat rin bang lumuhod ako? Ano siya, maswerte? No way! 

Pero ang ending ginawa ko parin naman. 

"Uy, malapit na tayo." sabi ni Andrea habang natatawa. 

"Anong nakakatawa?" inis kong tanong sa kaniya. Ngumiti lang siya at saka niya sinabi na kailangan ko raw magbayad ng pamasahe namin. Fuck! Nakalimutan ko kailangan pala, since we were using public utility vehicle. Kaso ang problema ang wallet ko ay nasa loob ng kotse ko, at pasunod palang ang driver ko ng minutong iyon, baka nga nauna pa iyon sa school sa sobrang traffic, nakakainis kasi itong driver lahat ata ng kanto hinintuan niya para makakuha ng pasahero. 

"May utang ka sa akin, hmp." sabi ni Andrea. 

"Okay. Ititreat nalang kita ng lunch later, okay?" sabi ko habang nakangiti. Sabi pa niya, siguraduhin ko lang raw. Sumagot ko mukha ba akong nagsisinungaling? 

"Hindi, mukha kang teddybear." iyan na naman siya. Nagsimula na naman siyang mangasar.