webnovel

MY POOR PRINCESS (TAGALOG)

My Poor Princess written by Hanjmie Sofia Fe Cathylyn Dela Costa is the sole owner of Fia Flowery Shop and one of the heir of DL Enterprises Inc.. Sofia dreams to meet her prince, who will love her by who she was. And then, she meets Dennis Renzo Madrigal, a guy who insulted her and thought that she is a simple sales lady at her flower shop. Pero isang pangyayari ang nagpalapit sa kanila. They become friends until Dennis court her and she realizes, she is falling-in-love with Dennis. But is there a chance for a forever if she found out that Dennis is engaged and soon-to-be-married with another girl? Not just another girl but her older sister. (c) 2020

HanjMie · Urbano
Classificações insuficientes
13 Chs

CHAPTER ONE

NAG-AAYOS ng bulaklak si Cathy habang ang isang staff niya ay may inaayos sa may computer. Simula ng magtapos siya sa masterial degree niya sa U.S at nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas ay mas pinili niyang magtayo ng sariling negosyo kasya magtrabaho sa kompanya ng ama. Ayaw niyang hawakan ang negosyong pinalago ng ama. Hindi lang dahil hindi sila magkasundo ng ama kung hindi pati na rin sa mas gusto niyang may maitawag siyang sariling kanya. Simula ng magka-isip siya ay lagi na lang niya sinasalungat ang gusto ng ama. Sa lahat ng anak nito siya lang ang bukod tanging hindi nakikinig dito.

Noong nag-aral siya sa Europe ay walang ibinigay sa kanya ang ama. Sariling sikap ang pag aaral niya. Nagtrabaho siya bilang freelance photographer at florist para ma ipagpatuloy ang pag-aaral. Ganoon din ng ma-isipan niyang magmasterial sa U.S. At lahat ng iyon ay hindi naging madali pero kinaya niya ng wala ang ama. Nais kasi nito na kumuha siya ng Business Administration pero hindi niya ginawa. Akala ng ama niya ay sinunod niya ito. Nasa ikalawang taon na siya ng Photography ng malaman nito. All her credit card and allowance was cut off. Buti na lang ang bahay na tinutuluyan niya ay sa tita ng isa niyang kaibigan. Hindi siya nagpatalo sa ama. Kinaya niya ang lahat. Nag-aaral siya habang nagtatrabaho. Nakapasok siya sa isang hindi kilalang magazine sa Europe bilang Photographer hanggang sa nakilala ang pangalan niya.

Nag-aral ulit siya ng florist ng magustuhan niya iyon habang nagtatrabaho sa Europe. Umuwi siya ng Pilipinas ng mamatay ang lolo niya. Doon na rin niya na isipan magtayo ng sariling flower shop. Nakilala niya ang kaibigan ng lola niya na may-ari ng isang flower farm. Nabanggit ng lola niya na graduate siya ng florist. Sariling ipon niya ang pinagpatayo niya ng negosyo. Kaya proud siya sa kanyang sarili dahil nagawa niya ang lahat ng wala ang tulong ng kanyang ama.

"Ma'am Cathy, may kukunin lang po ako sa likod." Paalam ni Wilma sa kanya.

"Sige. Ako na ang bahala dito." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Napaangat lang ng tingin si Cathy ng may pumasok sa flower shop niya. Napatingin siya sa babae at lalaking ngayon ay nakatingin sa mga bulaklak na nakadisplay sa shop. Sinundan niya ng tingin ang mga ito at pinag-aralan ang galaw ng dalawa. Akala niya ay magnobyo ang dalawa ngunit halatang hindi. Hindi nakahawak ang babae sa braso ng lalaki at hindi din nakahawak sa balikat ng babae ang lalaki. Hindi din magkahawak ang kamay ng dalawa. Mukhang makakilala lang ang mga ito.

Napataas ang kilay niya ng marinig ang pag-uusap ng mga ito.

"Sa tingin mo matutuwa si Tita kung bulaklak ang ibibigay ko sa kanya?" may bahid ng lambing ang boses ng babae na ikina-irita ng kanyang tainga.

"Mom, appreciate everything even a small gifts as long as it comes from you."

Nakita niyang ngumiti ang babae. Hindi niya alam ngunit nairita siya bigla sa babae. Maganda ang babae ngunit mas maganda siya dito. Maputi lang naman ito ngunit wala itong laban sa ganda niya. Hinagod niya ng tingin ang babae.

'Mas may kurti naman ang katawan ko kaysa sa kanya. Malaman din ang pang-upo ko kaysa sa kanya. Matanggad lang siya kaysa sa akin pero may panglaban naman ang height ko.' Napabuntong hininga siya. 'Nagsasabi lang naman ako ng totoo at walang masama sa sinasabi ko.'

Natigil lang siya sa kakamasid sa dalawa ng makitang may tumatawag sa personal phone niya. Napataas ang kilay niya ng makita ang pangalan ng kaibigan niyang si Maze o mas tinatawag nilang Kaze. Nakilala niya ito sa U.S noong nagmamasterial siya. Broken hearted ito at pareho silang Pinay. Naging malapit siya dito dahil napakabait nito at madaling malapitan. Nang umuwi siya dalawang taon na ang nakakaraan ay hindi nawala ang kominikasyon nilang dalawa. Ganoon din sa friend-enemy niya na lalaki, si Sancho.

Hindi niya sana sasagutin ang tawag para asikasuhin ang dalawang customer ng makita si Wilma na linapitan ang dalawa at inasikaso. Buti na lang talaga at maaasahan ang staff niyang ito. Mamaya pa darating ang isa niyang staff na si Avery na nakatuka sa closing.

"Hello." Bati niya ng sagutin ang tawag ng kaibigan. Iniwas niya ang tingin sa dalawang customer.

"Cathy?"

"Maze, why you call?"

"Shan is here." Tumaas ang isa niyang kilay sa sinabi nito. Hindi niya kasi kilala ang binanggit nitong pangalan.

"Shan? Who's Shan?" Napatingin siya kay Wilma ng may narinig na ingay. Nagsalubong ang kilay niya ng makitang nagtataray ang babaeng customer habang hinahawakan naman ng lalaki ang balikat nito.

"Shan Wang, ang kuya ni---"

"Wow!!! Anong ginagawa ng kuya ng dati mong fiancé diyan sa restaurant mo?" pinutol niya ang ibang sasabihin nito. Of course, kilala niya ang binanggit na pangalan nito. Lalo na ang apelyido nito na alam niyang kinamumuhian ng kaibigan. Ang lalaking halos isumpa ni Maze noong nasa U.S pa siya.

"I don't know. Should I talk to him?"

May nahimigan siyang pag-aalala sa boses ng kaibigan. Hanggang ngayon ay apektado pa rin ito sa nakaraan nito. Hindi niya din naman masisisi si Maze, iniwan ba naman ito ng fiance para sumama sa ibang babae sa araw pa naman ng kasal nila. Siguro kung siya ang nasa katayuan ni Maze pinahanap niya ang lalaking iyon at pinabugbug. Aba, pagkatapos niya itong tulungan binigyan pa siya ng kahihiyan.

"Are you ready to talk to him?"

Napatingin siyang muli sa dalawang customer ng marinig ang malakas ng boses ng babae. Bigla ay kumulo ang dugo niya ng makitang dinuduro ng babae si Wilma. How could this girl point her finger at her staff?

"Hindi ko alam." Muli niyang narinig ang boses ni Maze sa kabiglang linya ngunit wala na sa sinasabi nito ang atensyon niya kung hindi sa ginawa ng babaeng iyon sa kanyang tauhan. Bigla nitong dinampot ang bulaklak na malapit dito at hinampas kay Wilma. Hndi napigilan ng lalaking kasama nito ang ginawa ng kasama.

"Oh my!!! Maze, I talk to you later. May babae lang akong ihahampas sa sahig." Binabaan niya ng cellphone si Maze. Hihingi na lang siya mamaya ng paumanhin sa kaibigan. Tuturuan niya muna ng leksyon ang babaeng ito na sinaktan ang tauhan niya at sinira ang bulaklak na binibinta nila.

Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito. Agad niyang hinawakan ang kamay nitong balak sanang sampalin ang tauhan niya. Hindi niya maitago ang galit at inis sa babaeng ngayon ay namumula sa galit. Lahat ay napatingin sa kanya.

"Tumigil ka na." matigas niyang sabi sa babae. Hindi niya itinago ang galit sa mukha. Wala siyang paki-alam kung customer ito. Hindi tama ang ginawa nitong pananakit ng tao.

"At sino ka naman?" hinila ng babae ang hawak niyang kamay nito. Hinagod pa siya nito ng tingin. Tumaas ang kilay nito ng makita ang ayos niya.

Alam niyang hindi siya mukhang mayaman sa ayos niya kagaya ng ibang mayayaman. Nakasuot lang siya ng simpleng puting polo shirt at black pants. Nakalugay ang mahaba at maalon niyang buhok. Wala din siyang suot na kuluriti sa mukha. Bakit naman niya gagawin iyon? Maganda naman siya kahit wala siyang suot na kahit ano sa mukha. Mapula naman ang labi niya kahit wala iyong lip stick. Hindi siya maputi at kayumanggi ang kulay niya ngunit nagbibigay naman iyon ng kakaibang ganda sa kanya. Sakto lang ang kurta at kapal ng kilay niya, mahaba din ang pilik mata niya at matangos din naman ang ilong niya. Pinay na pinay naman ang kayumangi niyang mga mata na sabi nila ay sobrang ganda. Sabi nga nila sa kanya, sa kanya nagmana ng kagandahan ang anak niyang si Mary Ann.

"Siya---"

"Miss, hindi naman yata tamang saktan mo ang staff dito dahil lang sa may ginawa silang mali sa iyo." pinutol niya ang ibang sasabihin ni Wilma.

Galit siyang tinitigan ng babae. "Miss, bakit ka ba nakikialam ha? Tawagin mo na lang ang manager niyo para masabi ko kung gaano kayo kabastos sa customer niyo?"

Hindi niya napigilan na magtaas ang kilay sa sinabi niya. Akala ba ng babaeng ito ay isa lang siyang staff doon? Nakaramdam siya ng pang-insulto sa ginawa nito. Siya? Isang staff? Aaminin niya, lahat ng customer nila ay hindi alam na siya ang may-ari ng flower shop na iyon pero kahit kailan ay hindi inisip ng mga ito na isa siya sa mga staff. Mas iniisip pa nga ng mga ito na siya ang supervisor doon.

Itatama na sana niya ang maling akala nito ng sa wakas ay magsalita ang lalaking kasama nito.

"Ashley, sinabi naman niya na wala silang ganoong bulaklak. Maghanap na lang tayo ng ganoon bulaklak sa ibang flower shop. Wag ka ng gumawa ng eksena."

Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Parang naputol ang dila ni Cathy ng makita ng malapitan ang lalaki.

'Saan ba ako nagpunta buong buhay ko at ngayon lang ako nakakita ng isang gwapong lalaki?' na tanong niya sa kanyang isipinan.

Ipinilig niya ang mga ulo para alisin ang inisip.

'Cathy, wake up! Hindi ito ang oras para magday dreaming ka. Ininsulto ka ng babaeng kasama niya. Hindi mo dapat pinapalampas iyon kahit pa sobrang gwapo at nakakatulo laway iyong lalaking kasama niya.' Tumikhim siya para agawin ang pansin ng lalaki.

Nang tumingin ang lalaki ay para naman nakakita ng isang Greek God si Cathy. Matangos ang ilong, mahaba at may pilantik ang mga pilik-mata nito at ang pula ng mga labi nito. Maganda din ang kulay ng mga mata nito na light brown. Hindi kapakalan ang kilay nito at ang buhok nito na maikli pero magulo, para ngang kamay lang nito ang ginamit sa pagsuklay. Maputi din ang lalaki at mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada. Napalunok siya ng makitang titig na titig ito. At sa unang pagkakataon ay siya ang unang nag-iwas ng tingin.

"Pasensya na talaga, Miss. Ashley, let's go." Hinawakan ng lalaki sa braso ang babae.

"No! Hindi ako aalis." Matigas na sabi ng babae at kumawala sa pagkakahawak ng lalaki. "Hindi ko talaga gusto ang babaeng katulad niya. " Tumingin ito kay Wilma at sa kanya na puno ng disgusto. "Mga mababang uri ng tao at walang alam. Bagay nga kayo sa trabahong ito pero sa susunod matuto kayong gumalang sa mas mataas sa inyo. Alam niyong customer ako dito at anumang oras maari kayong mawalan ng trabaho. Wag kayong patanga-tanga sa trabaho niyo."

Pumanting ang tainga ni Cathy sa narinig. Anong sabi nito patungkol sa kanila? Naikuyom niya ang kamay at pilit na kinukontrol ang galit.

"You should thank me. Mabait naman akong tao hindi ko kayo isusumbong sa manager niyo dahil sa walang galang niyong pagsagot sa akin. Just get me the flower I need."

Nag-aapoy sa galit niyang tinitigan ang babae. Ngumiti siya dito kahit puno iyon ng kaplastikan. "Ano po bang bulaklak ang hinahanap niyo, MA'AM?" May diin ang pagkakatawag niya dito. Inis na inis na siya sa babaeng ito na nasa harap niya. Hindi siya makakapayag na aalis ito ng hindi niya natuturuan ng leksyon.

"I want twelve pieces rainbow rose."

Kung ganoon ay iyon ang hinahap ng babaeng ito. Kaya naman pala hindi maibigay ni Wilma dahil kaka-ubos lang noon kahapon at hindi pa dumarating ang order niya. Ngumiti siya ng matamis sa babae.

"Saglit lang ma'am. Alam ko meron kami noon sa likod." Tumingin siya kay Wilma.

Nakita niyang nagulat ito. Of course, alam nitong wala na silang stocks na ganoon. Ngumiti lang siya sa staff niya.

"See, Dennis. I told you. Meron pa silang stock at ayaw lang nila tayong pagbintahan. Anong akala nila sa atin hindi afford ang ganoon kamahal na bulaklak?" Narinig niyang turan ng babae.

Lalong kumulo ang dugo niya. Humakbang siya para pumasok ng storage room nila. Hinanap niya ang kailangan doon. Napangiti siya ng makita ang hinahanap. Kinuha niya iyon at lumabas ng storage room. Nakita niyang abala na ang babae sa pagtingin ng mga bulaklak habang ang lalaki ay nasa pinto at may ka-usap sa phone. Si Wilma naman ay nakita niyang inaayos ang bulaklak na inihampas kanina sa kanya ng babae. Tahimik siyang lumapit sa babae. Hindi nito namalayan ang paglapit niya. Huminto siya ng malapit na siya dito.

"Ma'am, ito na po ang hinahanap niyo."

Humarap ang babae sa kanya at sabay sa pagharap niya ay ang pagtapon niya dito ng isang bucket ng tubig. Natapon lahat ng tubig sa babae at napatili ito sa gulat. Basang basa ang babae sa ginawa niya dito. Nakaramdam naman siya ng kasayahan sa ginawa sa babae. Nararapat lang naman dito ang ginawa niya. Kailangan linisin ang pagkatao nito na nilulumot na. Dapat nga ay ang tubig na may kasamang chlorine ang itinapon niya dito para pati kaluluwa nito ay malinis niya.

"You should thank me. Hindi tubig na may chlorine ang binuhos ko sa iyo. Mabait pa ako sa lagay na ito. Ngayon ay malinis na ang pagkatao mo." May pang-iinsultong sabi niya.

"How dare you?" galit na sigaw ng babae.

"Miss, why you do that?" galit na tanong ng lalaki sa kanya. Tiningnan nito ang babaeng kasama at sinuri. "Are you okay, Ash?"

"Dennis look what she done to me." Umiiyak na sumbong ng babae.

Muling bumalik ang tingin ng lalaki sa kanya. Mag-aapoy ang mga mata nito. "Miss, pwede kitang edemanda sa ginawa mo? At maari kang matanggal sa trabaho mo. Hindi mo dapat tinapunan ng tubig ang customer mo. Nasaan ang----"

"Umalis kayo dito. Hindi ako hihingi ng sorry sa babaeng iyan. Wala akong paki-alam kong mawalan ako ng trabaho dahil nararapat naman ang ginawa ko sa mahadirang babaeng iyan. Ngayon, lumayas kayo sa shop kung ayaw mong pati ikaw ay buhusan ko ng tubig. At sa pagkakataong ito ay hindi na tubig ang ibubuhos ko kung hindi chlorine." Sigaw niya sa dalawa.

Wala siyang paki-alam kung gwapo ang lalaking ito sa harap niya. Aba! Hindi ba nito narinig ang pinagsasabi ng kasama nito. Walang pwedeng uminsulto sa kanya. Hindi siya pinalaki ng kanyang ama para lang insultuhin ng babaeng ito. No one mess up with Dela Costa and get away with it.

"Ano? Tatayo lang ba kayo diyan? Gusto niyo ba talagang buhusan ko kayo ng tubig."

Umiwas ng tingin ang lalaki at hinawakan sa braso ang babaeng kasama nito. "Halika na, Ashley."

"Pero Dennis, Hahayaan na lang ba natin ang ginawa niya sa akin? Hindi ako makakapayag. Tawagan mo ang may-ari ng shop na ito. Sabihin mo sa kanya na tanggalin ang babaeng ito." Muli sana siyang haharapin ng babae ng hawakan ito ng lalaking nangangalang Dennis.

"Wag mo na siyang pag-aksayahan pa ng panahon. Ang mabuti pa ay magpalit ka na agad ng damit, baka magkasakit ka. At kapag nagkasakit ka ay hindi ka makakapunta ng Paris para sa weekly fashion show mo."

Nakita niyang nagbago ang bukas ng mukha ng babae. Sumimangot ito at mabilis na tinalikuran ang lalaki. "Stop reminding me."

Narinig niyang bumuntong hininga ang lalaki. Sumulyap muna ito sa kanya bago sinundan ang kasama nito. May nakita siyang kislap sa mga mata at isang ngiti sa labi nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa ngiti na iyon. Anong nangyayari sa kanya? Bakit ganoon ang reaksyon ng kanyang puso dahil lang sa ngiti ng lalaking iyon?

Sinundan niya ng tingin ang lalaki at nang hindi ito lumingon ay nabuhay ang paghihinayang sa puso niya. Nais niya pang makita ang ngiti sa labi ng lalaki, ganoon din ang magandang kulay at kislap ng mga mata nito.

NAGLALAKAD papunta sa kanyang kotse si Cathy ng may naramdaman siyang parang may nakatingin sa kanya. Huminto siya at inilibot ang paningin sa paligid. Wala naman siyang napansin na kakaiba ngunit hindi mawala ang pakiramdam niya na may nakasunod sa galaw niya. Bigla ay binundol ng kakaibang kaba si Cathy. Muli siyang naglakad ngunit sa pagkakataong iyon ay mas binilisan niya ang mga hakbang.

Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos, alam niyang tama ang pakiramdam niya. Malapit na siya sa kanyang kotse ng tumunog ang phone niya. Agad niya iyong kinuha sa bag kasabay ng susi ng kanyang kotse. Napangiti siya ng makita ang pangalan ng pinaka-importanteng tao sa buhay niya.

"Good evening, my baby princess." Bati niya habang binubuksan ang kanyang kotse.

"How many times I tell you? Stop calling me baby princess." May bahid ng inis na sabi ng babae sa kabilang linya.

Natawa naman siya. Sumakay siya sa kanyang kotse ng mabuksan iyon. Nakaipit parin ang phone niya sa pagitan ng kanyang tainga at balikat. "Ano naman ang problema sa tawag ko sa iyo?"

Bumuntong-hininga ang babaeng nasa kabilang linya. "Alam niyo na pong hindi na ako baby at mas lalong hindi ako isang princesa."

Napangiti siya. Hindi na talaga ito nasanay pa sa trato niya dito. "Anong hindi ka princesa? Princesa ka ng mga Dela Costa kaya paano---"

"Mom!!!" sigaw ni Mary Ann sa kabilang linya.

Natawa siya sa pagsigaw nito. Alam niyang naiirita na ito sa kanya ng mga sandaling iyon. Mary Ann is her hot temper daughter. Hindi na talaga nagbago ang anak niyang ito. Isang bagay lang ang nagbago dito, ang pagtawag sa kanya ng Mommy. Buti nga at nakasanayan na nitong tawagin siya ng ganoon.

"Okay! Okay! Fine!" sumusukong sabi niya. "Kamusta naman ang Australia, mahal kong anak?"

"Australia pa rin. Ikaw ang gusto kong kamustahin."

"I'm good, baby. Hindi mo ba pinapahirapan si Tito LJ mo?"

Binuhay niya ang makina ng kotse. Nilagay niya sa loudspeak ang phone para makausap pa niya ang anak.

"I have been a good girl. So don't worry too much. Si Tito LJ dapat ang tinanong mo niyan. Alam mo na."

Hindi niya napigilan na hindi malungkot dahil sa sinabi ng anak. "Kamusta na Tita Franchiska mo? Okay na ba siya?" tanong niya sa kalagayan ng manugang.

Kamakailan lang ay nagdesisyon ang kapatid niya na makipaglive-in sa long time girlfriend nito sa kadahilan na buntis ang babae ngunit noong nakaraang linggo lang ay nalaman nilang nakunan ang babae. Pansamantalang naghiwalay ang dalawa dahil sa pagdadalamhati.

"Hindi pa rin siya nakaka-usap ni Kuya LJ pero pasasaan ba at magkakausap din ang dalawa. Alam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa."

Napangiti siya. Masaya siya para sa kapatid. Bunso nila si LJ at ito lang ang tanging malayo sa kanila. Masaya siya na malayo ito sa paninipula ng kanilang ama. Masaya sa Australia si LJ at wala pa itong balak umuwi ng Pilipinas para hawakan ang negosyo ng kanyang ama. Si Mary Ann ang binabalak ng kanyang ama na humawak ng negosyo ng kanilang pamilya ngunit hindi na iyon mangyayari dahil ibang kurso ang kinuha ng anak niya. Mary Ann toke Criminology and she support her all the way.

"Bakit ka nga pala napatawag, anak? Alam kong hindi lang pagkakamusta ang itinawag mo."

"Oo nga pala. Mommy, mag-ingat ka nga pala. Sinabi ng kaibigan ni Kuya LJ na si Kuya Jacob na bumalik ng bansa si Marko at mukhang balak nitong guluhin ang buhay mo."

Natigilan siya. Napapreno siya ng wala sa oras. Buti na lang at nasa loob na siya ng subdivision kung nasaan ang bahay niya. Wala ding kotse sa kanyang likuran kaya wala siyang nabangga.

"Si Marko? Hindi pa rin pala talaga siya titigil. Hindi pa rin ba siya natuto sa nangyari noon. Muntik na siyang mapatay ni LJ ng gabing iyon."

"Iyon na nga, Mommy. Mukhang nagbabalak siyang gumanti dahil lumabas siya ng kanyang lungga pero hindi naman daw siya hahayaan ni Kuya Jacob. Aalamin ni Kuya kung saan siya ngayon nagtatago."

"Can you tell Jacob I said Thank you'?"

"I will." Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng anak. Tumikhim si Mary Ann. "By the way, Mom, may tanong pala ako."

"Ano iyon?" muli niyang pinausad ang kanyang kotse.

"Wala pa rin bang nangliligaw sa iyo?"

Muli siyang napapreno dahil sa tanong ng anak. At bigla ay may isang lalaking lumitaw sa kanyang isapan. Ang lalaking may magandang mata na nakasagutan niya kanina sa kanyang flower shop.