webnovel

My PI Lady

WARNING: RATED SPG She was only living for one reason. Seek justice for her parents before she'd disappear. It was supposed to be just that. Pagkatapos ng trahedyang nangyari sa buhay niya, Private investigator Sam Javier had lived her life finding the culprit who ruined her once perfect life. Ganun lang sana kasimple ang takbo ng buhay niya. But when Cameron del Fuero entered to her life, blackmailing her to be his P.I., she thinks her life would never be more complicated than that. One tigress private investigator and one granite-headed slash stingy business mogul. With these two stubborn people being thrown together, World War III is bound to happen and a sweet mess is inevitable. ~~~~~~~~~~~~~~~~~ "So this was all your plan.." I groaned when he hissed that with a knowing sound in his voice. "Bitawan mo'ko, Mr. Del---" "So this was all your plan!" I glared up at him when he'd suddenly shouted that with an eardeafening voice. "Oo na! Tama ka! That's my plan after I solved this case! After I found that man who had killed my parents and ruined my life! I'd disappear and you'll never ever see an annoying woman like me!" "And when you find that man..... Are you just going to leave na para bang wala kang maiiwan pag-alis mo?" "Yes." I answered with a nod, staring straight to his eyes. "Aalis ako na para bang hindi man lang kita nakilala... Aalis ako na para bang hindi man lang ako dumating sa mundong 'to. That man had killed my parents and took everything from me so leaving everything behind would be so easy for me." I sniffed and wiped my cheeks with my other hand when I think I felt some unknown liquid rolled down on it. Blurring my vision more. "I'd leave without leaving any trace.." I heard him cursed out under his breath. #Taglish

Totale_Chaose · Urbano
Classificações insuficientes
102 Chs

78: Condom Reminder

SAM'S POV

To protect me from him. From my real father. At bakit naman kaya ??

"Desperation and betrayals pushed him to marry that woman, Samantha. Kaya naman kahit galit sya sa'kin, pinilit kong bumalik sa kanya dahil gusto ko syang ibalik sa dating John na nakilala ko noon."

"John? Yan ba ang pangalan nya?"

Agad na napatigil ito when I suddenly cut that off, probably now realizing her slip.

At kahit na hindi ito nagsasalita ngayon, there's no need for her to answer me dahil alam kong tama ako. Kitang-kita naman yon sa reaksyon nya ngayon. I can even see a glint of skepticism in her eyes now. Siguro nagdadalawang-isip ito kung sasabihin ba nya ito sa'kin.

But just after a while of being mute, I noticed her let out a long sigh before she slowly nodded her head.

"You're right. Yan nga ang pangalan nya.."

Pagkaamin nya rito, I can't stop but try to utter his name in my mind.

John... So that's what his name is... John..

I chanted his name in my mind.. at sa makailang ulit ko pang binigkas ang pangalan na'yon, hindi ko mapigilang matuwa. Siguro dahil sa wakas, I have finally known something about my father. Kahit pangalan lang nito.

Glad with that information, tumingin na'ko uli sa kanya na nanatiling nakatingin lang sa'kin with an unknown look in her eyes. Not a sad look but a worried look. Pero hindi ko na pinansin 'yon and just uttered the thing that I want now.

"I want to meet him."

"No."

Napakunot agad ang noo ko when she quickly declined that with firm voice and with tight lips. Bagay na ipinagtaka ko.

"At bakit naman hindi? He's my father kaya karapatan kong makilala man lang sya.."

"No. I mean, hindi muna ngayon, Samantha. This isn't the right time para makilala mo sya kaya makinig ka naman sana." She strongly declined again while she kept shaking her head.

And just hearing her now, hindi ko mapigilang mainis as I started to lose my too little patience in me. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ayaw niya.

"Matagal nyong tinago mula sa'kin ang tunay na pagkatao ko and now that I know I still have a father, my real father, ayaw mo namang makita ko man lang sya? Huh! This is impossible." Maanghang na saad ko rito with a shake of my head sabay bitaw ng kamay nya. A spat that caused her to look at me with disapproval.

"Pinoprotektahan lang kita. Hindi ka pa magaling kaya hindi ako papayag na makaharap mo sya ngayon."

"Pinoprotektahan? At bakit naman? Matanda na'ko at kaya ko na ang sarili ko and besides, he's my father kaya hindi nyo na'ko dapat na protektahan---"

"Hindi mo pa kilala ang ama mo, Samantha."

When she cut that in, mas lalo pa'kong napapakunot ng noo dahil dun. Seryosong-seryoso ang mukha nito ngayon. Not even a tinge of joke was in her face now habang matiim itong nakatingin sa'kin.

"You've sounded like he's someone na dapat kong katakutan ngayon...na parang ang sama-sama nya kaya dapat nyo kong protektahan mula sa kanya.."

"Tama. Masama nga ang tunay mong ama."

With her face not even showing any sign of joke, I can't help but frowned more at her. Tuluyan ng huminto ang pagluha nito while she stared fixedly on me. And before I could even ask her kung anong ibig sabihin nito, nagsalita na naman uli ito.

"Binalikan ko ang ama mo noon kahit na itakwil pa'ko ng lolo't lola mo dahil sa kagustuhan kong ibalik ito sa dating ugali nito kahit na kailangan ko pang maging kabit nito. But for almost three long years na kasama ko ito, hindi na ito bumalik pa sa dating sarili nito, Samantha. Naging ganid na ang ama mo. Naging uhaw na sya sa kapangyarihan to the point na gusto na rin nyang angkinin ang mga bagay na hindi naman sa kanya.. nawawalan na'ko ng pag-asang mababago ko pa sya noon...But when you came.." A smile instantly appeared in her face habang nakatingin sya sa'kin. Happiness was glinting in her eyes kaya batid kong masaya ito sa pagdating ko.

"When you came, nagkaroon uli ako ng pag-asang mababago pa ang ama mo because he was too happy to know na dumating ka sa'min. He was too excited to see you that time kaya halos hindi na sya umuuwi sa sarili nyang pamilya noon. Maselan ang pagbubuntis ko sa'yo noon kaya kinailangan kong manatili sa bahay namin hanggang sa manganak ako.."

With how her eyes smiling at that memories, I can't help but feel loved by them. I can feel that they were, the thing that fueled my want to meet him.

"Masayang-masaya kami nang mga panahong 'yon and I thought na sa pagdating mo, he could atleast realized na magbabago na sya but I was wrong,.."

This time, bigla nalang naglaho ang ngiti nito and a glum look took over. At isa lang ang ibig sabihin nito, nabigo ito sa akala nito.

"I was wrong to assume na magbabago pa ang ama mo dahil malabo na'yong mangyari."

"Why?"

My brow arched up when she suddenly let out a scoff before she shook her head.

"I've accidentally heard your father talking with his trusted assistant with their plan to kill my brother, Samantha. Kahit hindi man nila direktang sinabi kung ano ang plano nila, I am not dumb enough para hindi malaman kung ano ang plano nila. They were planning to dispatch kuya Nick dahil sa pagiging balakid nito sa mga plano nya."

"Dad?" Now my eyes widened in shock with that. Shocked with that piece of information.

Dahil sa lahat ng gustong pumatay kay dad, why does it have to be my biological father? Why??

Breathing suddenly became hard for me to do now dahil sa impormasyong yon. Lalo na nang tumango ito sa'kin bilang tugon sa mga tanong na halata sa mukha ko ngayon.

"Kahit medyo matagal na'kong nawalan ng ugnayan sa kapatid ko simula ng piliin kong sumama sa ama mo, alam kong hindi pa rin tumitigil si kuya na bawiin ako mula kay John. Kuya Nick was adamant to do that at nagiging balakid na ito kay John kaya----"

"Kaya naman gusto na nyang mawala si dad."

Hurt instantly crept inside me when she nodded her head for an answer.

So that was why ayaw nyang makilala ko ang tunay kong ama. Dahil kahit na ano pang gawin nya, it was impossible for him to return to his old self that time.

Napapakuyom nalang ang mga kamay ko as I thought about that. Na ganung klase ang tunay kong ama. Malayo sa nakilala kong ama simula pagkabata.

"Hindi ko lubos maisip na ganun na kasama ang ama mo kaya naman sa kagustuhan kong mapigilan ang gusto niyang mangyari, pinilit kong puntahan si kuya Nick noon para balaan ito. At kahit na alam kong maselan ang kondisyon ko noon, I can't just let John kill my brother kaya naman nagmadali akong magmaneho papunta sa pinagtatrabahuan nito noon. Pero sa kasamaang palad, dahil sa pagmamadali kong magmaneho, I have unfortunately caught an accident in the road na muntikan ng maging dahilan ng pagkawala mo.."

Tears glistened up in her eyes again, causing me to bit the inside of my cheeks to stop myself from joining her and cry.

At siguro alam niya kung anong nararamdaman ko ngayon because she quickly pulled my balled hand and tightly held it with her hands.

"Don't give me that look, Samantha. Na para bang katapusan na natin nong araw na'yon dahil hindi. Himalang hindi malala ang aksidenteng nangyari sa'kin kaya naman nakaligtas tayo." Nakangiting saad nito as she slowly caressed my left cheek habang nakangiting nakatingin sa'kin. She was smiling but her tears were now freely flowing on her cheeks.

"At hindi ako pumayag na mawala ka sa'kin ng araw na'yon."

I gritted my teeth so hard para pigilang maiyak sa harapan nito. Swallowing so hard, I asked her the thing na gusto kong malaman ngayon.

"What about my father? Nag-alala man lang ba sya sa nangyari sa'tin noon?"

I felt a prick was being pulled out from me when she slowly nodded at me. Relieved that he had dahil kahit na masama ito, a little part of me still hope na may konti paring kabutihan ito aa puso nito. Kahit para sa kapakanan lang namin.

I heard her sighed as she pulled down her hand back saka ito nagsalita.

"I know he was, Samantha.... Pero kahit na ganun, nawalan na'ko ng tiwalang magbabago pa ang ama mo kaya naman sa mismong araw ding iyon, I made the hardest decision I had to make.."

I didn't uttered any words and just waited for her to continue with held breath. By the way her eyes turning sullen again in a sudden, alam kong hindi maganda ang mga susunod na sasabihin nito.

"I had to lie to him about you. About you being alive dahil ayokong lumaki ka't makilala mo ang ganun kasamang ama, Samantha."

This time, my tears stung my eyes. So much that it made my tears to completely rolled down on my cheeks.

So that was why I hadn't even had the chance to see him dahil inakala nitong patay na'ko.

Hindi ko alam kung dapat ba'kong magalit sa kanya dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling na buhay pa'ko. Wala naman itong ibang hinangad kundi mailayo ako sa taong 'yon.

"I had to atleast make him realized na sumusobra na ang mga ginagawa nya pero alam mo ba kung anong sinabi nya sa'kin nang sabihin ko sa kanya na wala ka na?" Isang mapait na ngiti ang lumabas sa mga labi nito before she continued with tormented look.

"Imbes na damayan nya'ko, sinisi pa nya'ko sa pagkawala mo dahil sa kagustuhang mailigtas ko ang kapatid ko, dahil sa ayokong tuluyan na itong kainin ng kasamaan nito.."

Mas lalo pa'kong napaluha dahil sa impormasyong yon. And she was quick enough to wipe those tears from my cheeks before she pulled me for a tight hug.

Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman ngayon. Dapat ko bang kamuhian ang ama ko dahil sa mga kasalanan nito noon o dapat ba kong magpasalamat na hindi ko na nakilala ito. I've lived almost my whole life in a lie pero masayang-masaya naman ang mga sandaling 'yon kahit kasinungalingan lang.

I felt her stroked my back, as if she was petting some baby.

"Gusto mo pa rin ba syang makilala, Samantha? Gusto mo pa rin bang makilala ang ganung klaseng ama?"

Pagkatanong nya dun, I couldn't think of a word to answer dahil naguguluhan pa'ko ngayon.

Ano ba ang gusto ko? Gusto ko lang namang makita ito and I'll be the one to decide kung masama nga ba ito at kung kailangan ko bang layuan ito.

With that thought in mind, I wiped the tears from my eyes before I pulled out from her hug.

I can detect worry in her eyes right now, probably worried sa magiging sagot ko sa kanya ngayon. Pero kailangan kong gawin 'to. Kailangan kong buuin ang pagkatao ko.

"Gusto ko pa rin siyang makaharap.. "

Her shoulders sagged in defeat nang sabihin ko 'yon. Nanatii lang itong nakatingin sa'kin but after a few seconds longer, i noticed her let out a sigh before she slowly nodded her head. An answer that made me smiled at her way.

"Papayagan kitang makaharap siya pero hindi pa ngayon, Samantha. Magpagaling ka muna at kapag nakalakad kana, saka lang kita papayagang gawin ang gusto mo."

"Pero---"

My mouth clamped shut when she suddenly held up her hand to silence me, causing me to glare at her in protest.

"That's the deal, Samantha. Take it or leave it. Hindi ako mkakapayag na harapin mo ang ama mo sa kondisyon mo ngayon. I just can't allow that to happen."

Mas lalo lang akong naguguluhan ngayon dahil sa mga sinasabi niya ngayon.

"And why not? Hindi naman sa labanan ang pupuntahan ko. Haharapin ko lang naman sya.."

"No. Kahit na. Ayokong sa ganyang kondisyon mo sya haharapin. Ayokong hindi mo man lang sya maupakan kapag nagkita na kayo. That old man deserved to be kicked in his ass so no. I won't allow you and that's final."

I can't help but just gaped at her in disbelief with my my mouth hang agape. Hindi lang ako makapaniwala sa gusto nitong mangyari at sa dahilan nito kung bakit ayaw nya'kong makaharap ko sya ngayon.

"Upakan? And why would I do that to him?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya while still gaping at her.

"Malalaman mo rin 'yon kapag nakaharap mo na sya. Just believe me when I say, you' would really want to do that kapag dumating na ang araw na 'yon...."

Mas lalo pa'kong nalito sa mga sinabi nyang 'yon. She seems she was so sure na yon nga ang gugustuhin kong gawin kapag dumating na ang araw na 'yon.

And this made me more curious now to know why is that. Kung bakit kailangan pang umabot sa ganun.

"Kilala ko ba----"

Napatigil nalang ako sa iba ko pa sanang sasabihin when a loud ringing of doorbell suddenly bellowed from the gate, interrupting us and made our head snapped to that way. So loud that it made me think na parang galit ang sinumang nasa labas ngayon.

I waited for the doorbell to stop but I frowned when after a few seconds longer, it didn't even stop. A cue that no one had answered the gate. At nagsisimula na'kong mairita ngayon dahil sa tunog na'yon. Lalo na't parang mas determinado na ang taong nasa labas ngayon na sirain ang doorbell if no one would ever answer the gate.

I wonder kung nasan na sina manang Rita ngayon. Alam kong nasa loob lang ito kasama ang iba pang katulong rito kaya nakakapagtaka naman kung niisa man lang sa kanila ay hindi man lang naririnig ang tunog na'yon. I could even hear it so damn clear from here kaya bakit parang wala man lang yatang nakakarinig sa kanila ngayon??

Bingi yata lahat ng tao sa bahay na'to eh!

Heaving up a deep breath to calm myself, I waited again na huminto yon. I can feel the amused look my mother was throwing at me now, siguro dahil alam nitong naiinis na'ko pero hindi ko nalang ito pinansin.

The ringing took almost two minutes before it finally stops. I was able to let out a sigh of relief dahil dun.

"I think everyone inside hadn't heard the doorbell. Ba't hindi nalang kaya tayo pumasok ngayon?"

"Mukhang may nakarinig----"

An annoyed groan instantly escaped from me nang bigla na namang tumunog ang pesteng doorbell na'yon. And this time, parang galit na galit na yata ang makulit na taong nasa labas ngayon dahil mukhang masisira na ito sa kakapindot nito. Parang determinado talaga itong sirain ang doorbell ngayon kapag hindi pa ito pinagbuksan.

And I could really kill that someone now dahil sa disturbong ginagawa nito ngayon!

"Mukhang kailangan na nga nating pumasok ngayon.." saad pa nito sabay tayo sa kinauupuan nito saka itinulak na'ko papasok ng bahay.

Kahit ayoko pa sanang pumasok dahil hindi pa'ko tapos sa mga tanong ko sa kanya, I just let her led me to the house but not without groaning in annoyance.

Kasalanan 'to ng gagong Cameron na'yon. Kung hindi lang sana bingi lahat ng mga katulong nya, then our talk wouldn't have been interrupted with that incessant ringing of doorbell.

Kahit nakapasok na kami sa loob ng bahay, the ringing just continued.

"Manang Rita??" Yamot na tawag ko sa matanda pagkapasok namin sa loob.

Ilang sandali lang, the woman appeared from the kitchen.

Mukhang hindi pa naman bingi ito kaya ba't hindi man lang nito binubuksan ang gate kanina?

"May kailangan po ba kayo ma'am?"bungad agad nito pagkalapit nito sa'min.

"Kanina pa tumutunog ang doorbell sa labas, manang. Pwede nyo po bang tingnan kung sino ang nasa labas ngayon?"

"Naku maam. Mahigpit na bilin po sa'min ni sir Cameron na 'wag na 'wag raw po naming papasukin rito si Sir Enriquez kaya hinayaan nalang po namin sya sa labas."

At the mention of Enriquez, napapakunot agad ang noo ko sa impormasyong yon.

And why the hell is he here? From what I have known, hindi naman magkabati ang dalawang 'yon so why's the visit now?

"May sinabi ba sya sa'yo kung bakit ayaw nyang papasukin rito?" Usisa ko na sa kanya, curious to know kung anong pakay nya rito.

"Naku maam. Hindi ko po alam. Wala pong ibang sinabi sa'min si sir kundi wag lang pagbuksan si Sir Enriquez at hayaan na lamang ito sa labas. Pumunta rin po sya rito noong isang araw kaso lang si Sir po mismo yong humarap sa kanya."

Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo ngayon because I can't detect lies in her eyes now.

"Alam mo ba kung anong pakay nya rito?"

She didn't answered right away with her forehead crinkled, na para bang may pilit itong matandaan ngayon.

Pero mga ilang sandali lang, agad ng tumango-tango ito sa'kin.

"Base sa narinig ko, hinahanap nya po kayo. Gusto nya po kayong makausap pero hindi ko po alam kung bakit ma'am."

"Ako?" Litong tanong ko rito sabay turo sa sarili ko, wanted to confirm kung ako nga ba talaga ang gusto nitong makausap.

Agad namang tumango-tango uli ang matanda, confirming my question and making me more confused with why Enriquez would want to talk to me.

Ano bang kailangan nito para puntahan pa nya talaga ako rito?

"I think I have to go now, Samantha."

That pulled my attention back to my mother nang bigla nalang nyang sabihin yon sa tabi ko. Interrupting my thoughts about Enriquez.

"Aalis kana agad?"

Agad naman itong tumango sabay ngiti sa'kin though uneasiness was glinting in her eyes now. Parang hindi ito mapakali ngayon with her smile turning tight in a sudden.

"Bibisitahin uli kita rito sa susunod na araw kaya magpagaling ka ng maayos rito while I'm away."

Hindi ko mapigilang malungkot with her leaving so soon now. Tumango na lamang ako rito kahit na ayoko pa sanang umalis ito.

She smiled again before she leaned down closely to my ears.

"Condom. Wag nyong kalimutan 'yon.."

I gasped out in horror nang bigla nalang nyang ibulong yon sa tenga ko, making my face instantly heated up in embarrassment and my stressful thoughts suddenly forgotten.

Oh shit! Kailangan nya ba talagang ipaalala yon sa'kin?? Of all things!

She just grinned at me in amusement, obviously amused with my funny reaction.

"Aalis na'ko ngayon. Magpagaling ka agad, Samantha.." nakangiting habilin pa nito before she kissed me on my cheek bago ito tuluyan ng umalis, leaving me rooted on my seat with my tomato red face.

"Ah ma'am, gusto mo na bang kumain? Ipaghahain kita kung gusto nyo na po."

That pulled me out from my frozen state nang bigla nalang itong magsalita sa tabi ko, reminding me that she was still there. Nag-iingay pa rin ang doorbell hanggang ngayon pero mga ilang sandali lang naman, huminto rin ito sa wakas when my mother had stepped out of the gate.

"Mamaya nalang siguro, manang. Hindi pa'ko gutom." Agad na tugon ko sa kanya sabay harap rito.

"What about, Mr. Del Fuero? Kumain na ba sya?" I added when I remembered that bastard.

"Hinatiran ko na po sya ng pagkain kaya tingin ko, tapos na maam."

Napapaarko agad ang kilay ko pagkarinig dun.

"Oh ganun ba? Saan mo pala sya hinatiran ng pagkain kanina, manang?"

"Nasa saferoom po sya ngayon maam."

"Saferoom?" Maang na tanong ko rito, unable to pinpoint kung saang parte ng bahay na'to matatagpuan ang silid na'yon.

"Sa basement po. Nandun po sya ngayon. Gusto nyo bang ihatid kita ron sa baba ma'am?"

That made my brow almost reached the back of my head now.

Saferoom at the basement.. Ohh... Ba't parang ngayon ko lang narinig ang silid na'yon? Alam kong may basement ang bahay na'to pero hindi ko naisip na may saferoom pala sa bahaging 'yon.

Quite intrigued with it at kung ano ang ginagawa nya dun ngayon, I quickly shook my head in refusal.

"Kaya ko ng pumunta ron mag-isa, manang. Pwede ka ng bumalik sa ginagawa mo ngayon."

Agad naman itong tumango before she complied and leave me from there.

Pagkatalikod nya, agad narin akong tumungo sa direksyon ng elevator.

Time to grill that bastard with questions now. Akala nya siguro makakatakas sya mga tanong ko ngayon tungkol kay Enriquez.