webnovel

My Fiancee is a Prostitute (Filipino)

Romano "Ram" Santiago is a well known businessman, kilalang kilala siya bilang isang magaling na negosyante at lahat halos ay kaya niyang paikutin sa kanyang mga kamay, hanggang iwanan siya nang kanyang pinakamamahal na nobya, at sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ay nagawa niyang sumama sa isang prostitute a prostitute that turned out to be a virgin. Paano ang perpekto niyang mundo ay magugulo nang dahil sa isang prostitute na nagngangalang Atilla Salvador

jspanlilio · Urbano
Classificações insuficientes
64 Chs

Undercover Employee

CHAPTER 37

 -=Atilla's POV=-

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ok lang ako, nang medyo makainom ako ay nagdecide na lang akong maghotel para safe." pagpapalusot ko kay Nicole nang dumating ako sa condo unit na tinitirhan ko habang nasa Australia ako, katulad nga nang plano ko dahil alam ko naman na hindi nito ginusto na hindi ako siputin may problema lang talaga ito kapag sumakay sa eroplano, masyadong malala ang jetlag nito at madalas sa madalas ay nagiging heavy sleeper ito na siyang mismong nangyari kagabi.

"Sigurado ka ba? Baka naman hindi ka nagsasabi ng totoo dahil ayaw mo lang akong maguilty promise tatanggapin ko." pangungulit pa din nito.

"I told you already Nicole, I had a few drinks and after I felt dizzy I decided to go to a nearby hotel and slept there, that's all." I exclaimed at her since she still giving me a look of disbelief.

"Ahh ok so how was your "me time" yesterday?" nakangiti na nitong tanong sa akin, going back to he bubbly attitude at saka lang ako nakahinga nang maluwang since I'm really a terrible liar.

"It was fun, nakapamasyal ako sa iba't iba lugar pero medyo inaantok pa ako kaya ikukuwento ko na lang sayo sa paggising ko." I said and feigned a fake yawn at dumiretso na sa kuwarto ko, sa totoo lang hindi naman talaga ako inaantok medyo napagod lang sa emotional roller coaster na naexperience ko simula pa lang nang dumating ako sa Australia, I pulled the paper in my pocket and can't help when a grin appeared on my face remember the thoughtful man that I met and saved me from a possible rape.

"Ang...." I muttered, hindi ko maiwasang hindi maisip iyong cartoon sa Nickoledeon na Avatar, at kahit hindi ko planong matulog ay bigla akong nakaramdam nang antok kaya naman nagpalit lang ako at agad nang humiga sa kama, and for the first time hindi ako ginambala nang ala-ala ni Ram.

Bandang hapon na nang magising ako mga anim na oras din siguro ang naitulog ko nang makita kong alas dos na pala nang hapon, agad akong lumabas nang kuwarto at naabutan ko si Nicole doing my laundry which is quite nice of her.

"Good afternoon Nicole, hindi mo na kailangan gawin yan." bati ko dito.

"No biggie, since wala din naman akong magawa dahil hinihintay pa kitang magising, remember I'm your buddy for mending that broken heart of yours." she said smiling which really touches my heart since I can feel their efforts in helping me. "By the way nacharge ko na din ang phone mo nalowbat ka pala." pagpapatuloy nito at bigla ko namang naalala ang papel na naglalaman nang number ni Ang at bigla akong napalapit kay Nicole nang makita kong iyon na sinalang nito, dali dali kong kinuha ang pantalon ko sa washing machine at agad dumukot sa bulsa at bigla akong nakaramdam nang panghihinayang nang makita ko ang papel na nadurog na dahil sa tubig.

"Is everything ok?" nag-aatubiling tanong nito na para bang inaasahan na may nagawa na naman itong mali.

"Yeah everything is ok may kailangan lang akong tignan." pagsisinungaling ko ulit dahil mukhang hindi ko na macocontact si Ang and for some reason nandoon na naman ang panghihinayang na hindi ko maintindihan.

I tried to shrug off that feeling since it doesn't make sense at all lalo na't kakakilala ko lang iyong tao.

I tried to retrace my way to Ang's place ngunit dahil hindi ko naman nabigyan nang atensyon ang lugar at dahil hindi naman pamilyar pa sa akin ang pasikot sikot sa Australia ay hindi ko pa din iyon mahanap.

Days have passed at muli ko na namang nararamdaman ang pangungulila kay Ram kahit na nga ba pilit akong pinapasaya ni Nicole at sinasamahan sa lahat nang gusto kong gawin at puntahan, lalo na kapag gabi at wala na akong maaring isipin pilit na papasok sa isip ko ang mukha ni Ram, at hindi ko pa din mapigilang hindi maiyak just thinking about the one man I love but got away from me.

Alam kong kailangan ko na nang bagong destruction for me not to think about Ram at sakto naman isang araw ay dumating si Henry sa pagkagulat namin ni Nicole.

Kakauwi lang namin galing sa pamamasyal ni Nicole nang maabutan namin si Henry na mukhang kanina pa nag-aantay sa pagbabalik namin with a worried frowned on his forehead.

"Henry bakit nandito ka?" nagulat kong tanong dito, pero kahit ganoon ay natuwa akong makita itong muli, ngunit bigla ang pag-aalala ko nang makita ko nga ang pagkakakunot nang noo nito na ibig sabihin ay may hindi magandang nangyari. "Anong nangyari?" bigla kong tanong dito nang may pag-aalala sa boses.

"Atilla, I need your help." talagang nagulat ako nang marinig ko ang bagay na iyon dahil sobrang dalang na humingi sa akin ng tulong si Henry lalo na't kilala ito bilang isang independent na tao, sa larangan man nang negosyo o sa personal na buhay kaya alam kong medyo mabigat ang hihilingin nito.

"Anything Henry, tell me what help do you need from me?" seryoso ko namang tanong dito, naisipan kong ilapit ang silya sa tapat nito para mapag-usapan namin kung ano ba talagang tulong ang kailangan nito.

"Actually I will need both of you to work in one of my company here in Australia." he said seriously, hindi naman ako makapaniwala na iyon ang hihilingin nito sa totoo lang hindi ko pa alam ang gusto kong gawin pero malabo ang magtrabaho ako sa kumpanya nito.

"Henry alam mo naman na hindi ako kumportableng magtrabaho sa ilalim nang pamamahala mo, I'm sorry but I cannot do it." naiiling na lang ako sa narinig dito dahil akala ko pa naman sobrang importante ang ipapagawa nito sa akin iyon pala ay naghahanap lang ito nang mga empleyado why not look for an efficient employee rather than hiring two clearly inexperienced people.

"You don't understand Atilla, ang dahilan kung bakit gusto ko kayong pumasok sa kumpanya ay para alamin kung anong anumalya ang nangyayari sa kumpanya ko dito sa Australia, I was told na naliligo na ang ilang sa kumpanya ako and I want you two to find out what's really going on in my company." seryoso nitong sinabi and that caught my attention.

"So.... let me get this straight so you want Nicole and I to apply in your company for us to investigate what's really going inside your company?" finally figuring out what's going on.

"Exactly! Gusto kong malaman kung sino-sino ang mga taong sangkot sa kunwaring pagkakalugi nang kumpanya ko and I want to be punish accordingly at dahil ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko ay sayo ako lumalapit and besides madami pa din ang hindi nakakaalam na isa kang Cervantes kaya alam kong magagawa mo ang gusto kong mangyari." siguradong sigurado nitong sinabi.

"Well kung papayag si Nicole, payag na din ako." looking at my bestfriend and wide grin appeared on her face telling me her decision.

"Ok Henry Cervantes you got yourself a mole in the company." nakangiti kong sinabi dito at matapos non ay sinimulan na namin ang pagpapaplano kung paano makakapasok sa kumpanya nang walang manghihinala sa tunay naming pakay.