webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

3 Chapter Three

"Salamat po." Sagot ko kay Manager Carla

Dahil pinasok niya na ko dito sa Fast Food Chain. Kailangan ko muna gawin lahat ng panlalaking gawain katulad ng pag ma-mop, paglinis ng lamesa, at pag serve ng pagkain. O diba? Bongga!

Buti na lang at highschool grad ako kaya pwede naman.

Kailangan mag sipag para matagumpayan ang inaasam hahahaha.

Pag labas ko ng Fast Food Chain ay natatanaw ko pa rin Aliah.

Nilapitan ko siya.

"Oh bakit nandito ka pa?" Tanong ko.

"Wala tara hahatid na kita sa inyo. Mahirap ng maglakad lakad ka. Gabe na."

"Ano ka ba? Kaya ko na 6:30 palang."

"Hindi pwede pumasok ka na."

Wala na meh nagawa kaya pumasok na ko sa kotse niya.

Agad niya naman akong nahatid sa bahay.

"Salamat Aliah" sabe ko sa kanya.

"Walang anuman. Teka lang pala!"

"Ano yun?" Tanong ko.

"Lagi ka lang ba nag lalakad? Pansin ko kasi kanina mukang lalakarin mo ang school hanggang dito."

"Ahh oo malapit lang naman." Sagot ko.

"Anong malapit? Ang layo kaya."

"Malapit lang nu ka ba. Execise na rin sakin yun." Sagot ko.

"Bukas sabay tayong papasok susunduin kita dito." Sagot niya

"Ano ka ba! Wag na sanay na ko mag lakad."

"No buts, sabay tayo bukas babye!!" Sagot niya at tinulak na ko palabas at pinaharurot ang kotse.

"Makulit talaga si Aliah" bulong ko sa sarili.

Agad naman akong pumasok sa bahay nila tita.

"Saan ka galing?" Bungad sakin ni Tita

"Ahm tita nag hanap lang po ko ng trabaho."

"Di ba sabe ko umuwi ka kagad dahil lalabhan mo pa ang damit namin ni Nancy!!"

"Gigising na lang po ako ng maaga at maglalaba." Sagot ko

"Sinungaling! Nakita kita kanina may nag hatid sayo na kotse! Malandi ka talaga!!" Sigaw ni Nancy sakin.

"Totoo ba yun bekang!?" Sigaw din sakin ni Tita.

"Opo tita may nag hatid sakin kaibigan ko pero babae po yun." Sagot ko.

"Sinungaling!!" Sagot ni Nancy

"Nagsasabe po ako ng totoo tita." Sagot ko.

"Hay nako!! Magluto ka na nga!! Nagiinit ang ulo ko!!"

Agad naman akong umalis sa harap nila at umakyat. Agad kong binaba ang bag ko at nag bihis.

Bumukas naman ang pinto at niluwa nito si Nancy. Lumapit siya sakin.

"Sino yung naghatid sayo?" Tanong niya habang nakapamewang sa harap ko.

"Kaibigan ko si Aliah" sagot ko.

"Siguraduhin mo lang!!" sagot niya at tumalikod nakahinga naman ako ng maluwag pero humarap uli siya sakin. "Saka umayos ayos ka sa school. Wag kang papansin kay Eight! Ako lang ang dapat magustuhan niya at wag kang feelingera na hinalikan ka ni Eight. Tanga hindi mag kakagusto sayo yun napaka panget mo." Sagot niya pa. "Tandaan mo yan!!" Sagot niya uli at dinuro ang ulo ko.

Lumabas na siya ng kwarto ko.

"AT SAKA MAGLUTO KA NA. ANG KUPAD MO!!" Sigaw niya.

Agad naman akong bumaba at pumunta sa kusina.

~FLASHBACK~

"Eto na kape mo." Si Aliah

Humigop naman ako ng kape. First time kong makakainom nito.

"Eto na nga. Si Eight Buenaventura. Yun nga nasabe ko na isa siyang Hearthrob. Isa siyang Gangster?"

"Gangster!" Sabe ko.

"Oo gangster siya. Gang Leader siya ng BIG14. Isa sila sa pinaka mataas na ranggo sa gangster world."

"Lahat ba nung gangster na yun nandun sa School?" Tanong ko.

"Ahm hindi naman. Walo yung nasa school natin. Then yung anim nasa ibang School."

"Ahhh" sagot ko.

"Ang bestfriend niya ay si Derrick at Bronze" sabe niya.

Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Aliah.

"Sino yung crush mo dun sa dalawa?" Tanong ko.

"Ha? Wala ah" pag dedeny niya.

"Aminin mo na! Si Bronze?" Tanong ko.

Tumango tango lang siya.

"Ayyyie."

"Enough na uli. Kwento ko na. Mamaya na si Bronze hahahaha."

Nag nod lang ako hahaha.

"Black belter siya ng Taekwondo. Magaling siyang mag boxing. MVP at Captain siya ng basketball team sa ating school and NGSB."

Natawa naman ako sa huli.

"No Girlfriend Since Birth? Seryoso wala talaga? Baka bakla siya hahahaha."

"Ewan natin hahahaha"

Nagtawanan lang kami.

"Si Bronze naman."

"Sige"

~END OF FLASHBACK~

Katatapos ko lang mag luto at nag hain na ko sa lamesa. Sa ngayon ay kumakain sila. Mamaya pa ako kakain pagkatapos nila. Kahit kelan naman hindi nila ako pinasabay. Nagagalit kasi si tita pag sumasabay ako kaya kailangan pagkatapos nila saka ako kakain.

Agad naman silang natapos at inayos ko na lahat ng pinagkainan nila at hinugasan at saka ako kumain.

-----

Kinabukasan

Maaga akong nagising. 4:00 am dahil maglalaba ko ng labahin nila tita. Medyo marami siya at tama lang sa oras ng gising ko. Matatapos ko rin agad to.

~~~

Pagkatapos ko maglaba ay nagluto na ko ng magiging agahan nila Tita at nag walis na din ako sa labas at loob.

"Wow may agahan agad. Bekang nalabhan mo na ba mga damit namin?" Sigaw ni Tita

"Opo tita" sagot ko.

Agad akong umakyat sa taas at naligo.

Pagkatapos ko mag ayos pero hindi naman ayos hahahaha bumaba na ko.

*MEKENI MEKENI DUGDUG DOREMI*

"Bekang buksan mo muna ang gate may tao."

Agad naman akong lumabas.

"PRENY!!!!" Si Aliah.

Tinotoo niya talaga hahahaha.

"Wait lang ahh" sabe ko sa kanya at bumalik sa loob.

"Tita alis na po ako. Andyan po kaibigan ko."

Agad namang tumayo si Nancy at sinundan ako.

"So totoo nga. Ok din. Parehas kayong loser." Sabe ni Nancy sa likod ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na ko ng gate.

"Tara na prenny!!"

Pumasok na kami sa sasakyan niya.

"Tara na kuya" sabe niya sa driver.

"Wait bakit prenny tawag mo sakin?" Tanong ko.

"Prenny means friendship oh di ba? Kaya dapat prenny na rin tawag mo sakin hahahaha.

"Ok prenny?" Patanong na sagot ko.

"Hahaha oo masasanay ka din"

Agad naman kaming nakapunta sa school.

"Ayan na yung feelingera."

"Siya nga yun yung nasa facebook."

"Ang panget niya."

"Nagsama pa silang dalawa hahaha."

"Loser"

"Wag mo na lang sila pansinin prenny ganyan talaga sila."

"Oo hahahaha" sagot ko sa kanya.

"KYAAAAAHHHHH!!!!"

Nakita naming nagtakbuhan ang mga babae sa gate kaya napalingon kami sa gate.

"Ayan sinasabe ko sayo prenny. Ayan si Eight ang nasa kanan niya si Bronze."

Naglalakad silang walo sa gitna. Para silang mga artista na pinagtitilian. Halos gwapo silang lahat. Mga uniform nila mga wala necktie at puro nakabukas. Gangster nga.

Napatingin ako kay Eight at nakangiti siya sakin ng nakakaloko.

Ano na namang problema nito?

"Hala prenny nakatingin siya sayo."

"Hayaan mo siya. Tara na umalis na tayo dito." Sagot ko at hinila na si Aliah.

Naglalalad kami ngayon sa Corridor.

"Wait may kukunin ako sa locker ko." Sabe ni Aliah at hinila ko sa Locker Room.

"May Locker Room pala dito."

"Oo bakit? Hindi mo alam?"

"Hindi e" sagot ko.

"Patingin ng I.D mo. May nakalagay na Locker number dyan."

Agad ko namang binigay yung I.D ko.

"Yun 103" sabe niya at hinanap ang Locker ko.

"Eto ohh!!" Turo niya sa locker na may nakalagay na 103.

"Locker ko yan?" Tanong ko.

"Malamang ano ka ba!"

"Ang galing. Sa school namin dati walang ganto e hahaha." Sagot ko at binuksan eto. "Ehh bakit walang lock?"

"Hindi na talaga nilagyan ng lock kasi wala namang nagnananakaw dito. Remember puro mayayaman ang tao dito." Paliwanag niya

"Ahhh" sabe ko habang tumatango.

Pagkatapos niyang kunin ang kailangan niya sa locker niya umalis na kami at naghiwalay.

Agad naman akong nakapunta sa room ko at ayan na naman ang sasama na naman ng tingin nila sakin at mga nagpaparinig na naman sila.

---

Pagkatapos ng klase ay pumunta na lang ako ng garden. Wala naman kasi akong baon. Ano pang silbe kung pupunta ko ng Canteen. Nakakarelax dito mahangin.

"PRENNNNY!!!!"

Napalingon kagad ako sa likod at nakita ko si Aliah na tumatakbo papunta sakin.

Agad naman siyang umupo sa harap ko.

"Tara kain tayo. May food ako dito inorder ko lang kanina."

Nilabas niya sa bag niya ang mga pagkain.

"Ang dami naman neto." Sagot ko.

"Syempre kakain tayo eh. Let's eat na."

Kumain na kami kagad. Wala ng hiya hiya to gutom ako hahahaha.

"Ay oo nga pala. Kapatid mo pala si Nancy?" Tanong niya.

"Ay hindi pinsan ko siya." Sagot ko.

"Nakikitira sa inyo?"

"Hindi, ako ang nakikitira sa kanila."

"Ehh nasan ang parents mo?"

"Patay na sila 8 years old pa lang ako." Sagot ko sabay subo ng kanin.

"Sorry."

"Ok lang nu ka ba" sagot ko.

"Masarap ba?" Tanong niya

"Oo salamat ahh"

"Always welcome."

Agad naman kami natapos sa pagkain at nagkwentuhan na lang.

"Tingin mo prenny. Magugustuhan kaya ko ni Bronze?" Tanong niya.

"Oo kaya. Maganda ka at sobrang bait." Sagot ko.

"Ikaw din maganda ka." Sagot niya.

Natawa naman ako.

"Hoy papalitan mo na yang salamin mo. Lumalabo na hahahaha."

"Seryoso maganda ka talaga prenny." Sabe niya.

"Hays bahala ka hahaha."

"Tara na nga balik na tayo sa mga room natin." yaya niya.

"Tama yan" sagot ko.

"Mauna na pala ko may kukunin pa ko sa teacher ko." Sabe niya sabat takbo. "BYE PRENNY!!" Sigaw niya.

"Bye prenny!" Sagot ko.

Naglakad na ko paalis.

Nagulat naman ako ng may humila sa kamay ko.

"HOY BITAWAN MO KO!!" Sigaw ko kay otsowaloeight

"Sandali lang may sasabihin lang ako."

Wahhh natandaan ko sinabe ni prenny. Gangster nga pala to nakalimutan ko.

Kaya sumunod na lang ako sa kanya. Pinaupo niya ko sa isang bench.

"Oh ano yun?"

"Wala hahahahaha!!" Sagot niya sabay takbo.

Bwisit!!

Tumayo na lang ako at naglakad uli. Bwisit na lalaki yun.

Napansin ko namang lahat ng tao nakatingin sakin habang tumatawa sila anong meron?

"Iww hahahaha"

"Ano kaya yan?"

"Mukang poop hahahaha"

Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na lang ako pero ganun pa rin lahat sila tinitignan ako at tinatawanan.

"PRENNY!!!"

Napalingon naman kagad ako.

Si Aliah.

"Halika dun tayo sa Cr." yaya niya sumunod naman ako.

"Prenny naka upo ka ba ng tae?"

"Huh?" Pagtataka ko. "Hindi bakit?" Sagot ko.

"Yung likod kasi ng palda mo parang may tae." Sabe niya

"Ha?!!!!?" Gulat ko.

Agad ko namang tinignan yung palda ko.

Watda!

Brown na brown!!!!!

------

"Hays akala ko naman prenny tae. Pintura pala. Sino ba may gawa sayo niyan?" Tanong ni prenny.

"Walang hiya talaga yung lalaking yun magbabayad talaga siya sakin!!"

"Sino prenny?" Tanong ni Aliah.

"Si Eight Buenaventura!!"

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Yashnien_Baculinacreators' thoughts