webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

29 Chapter Twenty nine

Rebecca P.O.V

"Prenny! Sobra akong nag alala sayo! Baliw na talaga ang Linda na yun!" sigaw ni Prenny

"Ate mabuti na lang naligtas ka agad nila!" sigaw ni Mikmik at niyakap ako.

"Hoy kayo! Di pa ba kayo uuwi?" si Otso habang nakaupo sa tabi ko.

"Mamaya na boss nagbabaraha pa kami." si Second

Halos kabisado ko na din ang pangalan ng buong Big14.

"Hoy ikaw na tanga!" sigaw ni Lim

Agad namang nag lapag ng isang card si Ken.

"Gusto niyo ba ng food?" tanong ni Aliah.

"Oo naman!"

"Syempre!"

"Bwisit kayo! Dito pa talaga kayo nag sugal!" sigaw ni Bronze

Napangiti na lang ako, nagpapasalamat pa din ako na nakilala ko ang gang na to.

Tumambay pa sila ng ilang oras at umuwi din sila.

~~~~~

Gumising ako ng maaga para makapag handa ako ng pagkain namin. Namimiss ko na din mag luto dito at handaan si Mikmik at Aliah ng pagkain. Ang tagal ko ding nawala dito simula ng tumira ako sa Mansion nila Otso.

Mga ilang minuto ay bumaba na si Mikmik at Aliah.

"Wow namiss ko ang luto mo Ate Bekang!"

"Prenny namiss ka talaga namin!!"

"Tara kumain na tayo. Namiss ko din dito." sagot ko.

*DING* DONG*

"Sino yun?" tanong ko.

Nagkibit balikat lang ang dalawa kaya agad akong pumunta sa pinto at binuksan to.

"Zake?"

Ang tagal kong hindi nakita to. Ang gwapo niya pa din at walang pinag bago.

"Nabalitaan ko ang nangyari sayo. Ok ka na ba?" tanong niya at hinawakan ang balikat ko.

Kita ko sa mata niya ang pag-aalala.

"Oo, ok na ko Zake. Tara pasok ka, kumain ka na din." sagot ko at hinila siya sa lamesa.

*****

"Sure ka ba prenny? Hindi ka sasabay?" tanong sakin ni Aliah.

"Oo nga, may pupuntahan lang ako." sagot ko at tinulak siya papasok sa kotse.

Agad naman yung umandar paalis.

May dumaan na taxi at agad akong pumara at nakasakay.

~~~

Papalapit na ko sa puntod ng Mama at Papa ko nang may mapansin akong tao sa harap neto. Nakatitig siya sa puntod nila Mama. Agad akong nakalapit.

"Ahmm excuse me? Kilala niyo ang parents ko?" tanong ko habang nakaturo sa puntod ng Mama't Papa ko.

Napatingin siya sakin, kasing tanda ko ang lalaking to.

"Hindi may hinahanap lang ako." sagot niya at agad na umalis.

Napakunot ang noo ko, weird.

Agad akong umupo sa harap ng puntod ng Mama't Papa ko.

"Hello Ma, Pa. Pasensya na kayo ngayon lang ako nakadalaw uli. Naging busy ako sa school ko."

Nilagay ko sa harap ang bulaklak na binili ko. Sinindihan ko din ng kandila sila.

"Madami akong ikukwento sa inyo. Lagi akong napupunta sa kapahamakan pero naliligtas ako lagi. Alam kong nandito lang kayo at binabantayan ako. Kayo ang angel ko."

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Miss na miss ko na kayo. Kinakaya ko pa naman Ma.. Pa. At may sumusuportang mga kaibigan sakin. May kaibigan na ko sila Aliah at Mikmik. At meron din akong mga kaibigang gangster pero mababait sila hahaha. Lalo na si Otso ma, alam ko ligtas ako pag kasama ko yun. Kahit lagi akong inaasar at pinag titripan nun."

Naluluha at napapangiti ako. Biglang humangin at naramdaman ko ang lamig.

"Alam kong nandito kayo at niyayakap ako. Alam niyo Ma.. Pa, nag aaral ako ng mabuti para sa inyo. Pangako ko sa inyo na mag tatapos ako at gaganda ang buhay ko. Wag kayong mag alala sakin, mas lalo akong nagiging matapang sa bawat araw na lumilipas at bawat pag subok sakin."

Tumingin ako sa langit, naiipon na naman ang luha ko. Agad kong kinuha ang panyo sa bag ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Ma..Pa, aalis na po ako. May pasok pa po ako. Lagi po akong mag iingat. Mahal na mahal ko po kayo."

Agad akong tumayo at nag lakad.

****

Nasa harap na ako ng School ng mapansin kong kadadating lang din ng Big14.

"Rebecca tamang tama hinahanap ka ni Boss."

Agad akong napatingin sa kotse na kadadating lang. Bago na naman ang kotse ng unggoy. Ilan ba ang kotse neto? Agad siyang lumapit sakin, ang sama ng tingin niya.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap."

"Wala ka na dun." sagot ko

"Bumalik ka na naman sa kamalditahan mo panget." sagot niya

Di ko siya pinansin at nag lakad na ko.

Agad namang bumukas ang malaking gate pero imbis na tilian ng mga babae.

"CONGRATS REBECCA!"

"CONGRATS! ANG GALING NIYO!"

Napatingin ako sa malaking tarpaulin na nakadikit sa harap.

Congratulations for winning Quiz Bee Competition.

Nandun ang picture namin nila Bryant at Faye.

Tumingin ako kay Otso.

"Panalo pala kami?" tanong ko.

Tumango lang siya at ngumiti.

Ang galing ni Bryant at Faye, napanalo pa din nila kahit wala ako.

"Rebecca!"

Napalingon ako sa sumigaw. Si Bryant at Faye papalapit sakin.

"Ang galing niyo." sabe ko sa kanila.

Nagulat ako ng may sinabit na medal sakin si Faye.

"Yan yung sayo Rebecca, hindi ka na kasi namin nakita kahapon kaya dinala na lang namin." sagot ni Faye.

Tinignan ko ang medal na nakasabit sakin.

"Champion, Quiz Bee Competition"

"Ito din yung Cash Price, ibibigay na namin sayo yan ni Bryant dahil alam naming scholar ka lang dito kaya mas kailangan mo yan."

"Hindi, ano ba kayo? Kayo ang nag panalo niyan kaya mas deserve niyo yan." sagot ko

"Sige na Rebecca, magtatampo kami pag hindi mo tinanggap yan." sagot ni Bryant

Tinitigan ko silang dalawa.

"Salamat." sagot ko.

Ngumiti sila sakin at umalis na.

"Ang galing mo!" sambit ni Otso at inakbayan ako.

"Deserve mo yan Rebecca!"

"Tama tama!"

****

"Babye Babe!" sigaw ni Otso at hinalikan ako sa noo.

Napailing na lang ako at pumasok sa room ko.

"Congrats Rebecca!"

"Congrats!"

"Salamat" sagot ko sa kanila.

"Iba talaga, Beauty with brains!"

Nginitian ko sila.

Agad namang nag umpisa ang klase, puro congrats ang naririnig ko. Sobrang ang sarap sa pakiramdam nang ganto.

"Ok class, mag uumpisa na ang Acquaintance Party natin next week..."

Acquaintance Party nga pala, san naman ako kukuha ng damit para dun? Pupunta kaya ako? Meron naman siguro sila Aliah kahit luma, ok lang.

****

Tumunog ang bell at naglabasan na kami. Break time nagugutom na ko!

Bumungad sakin si Zake.

"Zake!" sabe ko at lumapit sa kanya.

"Free ka ba ngayon?" tanong niya

"Oo naman." sagot ko.

Namiss ko kasama to wahhhh!

"Sabay tayo kumain, dun tayo sa field." yaya niya

Agad naman akong pumayag, syempre ngayon ko lang uli makakasama ang lalaking to nu! YIIIEHHHH!!!

Bumili muna kami ng pagkain at pumunta kami ng field.

"Isang linggo din kitang hindi nakita ah."

"Oo naging busy talaga ko sa competition, nag review ako." sagot ko.

"Congrats ang galing mo."

Bigla niya namang ginulo ang buhok ko. Ramdam kong namula ang pisngi ko.

"Salamat."

"Di rin kasi kita nakikita kila Aliah nun eh, nakila Eight ka daw nakatira."

Agad akong nabilaukan sa sinabe niya.

"Ok ka lang?" tanong niya at inabot sakin ang tubig.

Agad ko yung ininom.

"Mali ka ng iniisip, kaya ako nakatira dun kasi ayaw ako pauwiin nila Dean at doon na ko pinag review." pag papaliwanag ko.

Nag nod siya at kinagat ang tinapay na hawak niya.

"Gusto mo----"

I love everything

Fire---

Agad kong sinagot ang cellphone ko.

[Where the hell are you?"]

"Ahm ano, busy ako. Mamaya na lang." sagot ko

[Busy? saan naman? Pupuntahan kita.]

"Wag na, pupuntahan na lang kita mamaya"

[Ayoko! Baka gusto mo icheck ko pa ang cctv para malaman ko---]

"Oo na! Oo na!" sagot ko at binaba agad ang tawag ni Otso.

Nakatingin sakin si Zake.

"Ahmm Zake sorry talaga, babalik na lang ako." sagot ko at tumayo.

"7pm, King's Park."

Napalingon ako sa kanya.

"Hihintayin kita." dagdag niya habang nakangiti, ang puti ng ipin at ang gwapo.

Tumango ako at tumakbo.

Bwisit na unggoy yun. Lagi na lang panira sa lahat!

****

Nakapunta ako sa cafeteria at nakita ko ang Big 8 kasama si Aliah. Agad akong lumapit sa kanila.

"Kung saan saan ka pumupunta! Panget ka na nga, Dora ka pa." bungad ni Otso at hinila ako paupo sa tabi niya.

"Ano bang pakelam mo?" sagot ko.

"May pake ako dahil boyfriend mo ko!"

"Hindi kita boyfriend." sagot ko ng mahina habang nakatitig sa kanya.

"Boyfriend mo ko dito sa school." sagot niya

"Hoy wag nga kayong maingay, mamaya marinig kayo dyan." saway ni Derrick

Tinarayan ko si Otso. Bwisit na to, lagi na lang panira minsan na lang makasama si Zake eh!

"Oh kumain ka." sambit ni Otso at nilapag ang cake sa harap ko.

"Ayoko." sagot ko.

"Edi wag." sagot niya at kinain ang cake.

Gago to! Ang sarap pa naman chocolate!

"Eto Prenny oh."

Nilagay ni Aliah ang cake na katulad ng binigay ni Otso.

"Salamat prenny." sagot ko at sumubo.

"Bat eto ayaw mo?" tanong ni Otso at tinutok sakin ang cake na may bawas na.

"Ayoko eh bakit?"

"Parehas lang naman. Napaka arte mo."

"Talaga!"

Nakita kong napapakamot na ang mga kasama namin. Magkaaway kami ngayon dahil sinira niya ang moment ko sa crush ko!

****

"Ok class dismissed!"

Agad akong tumayo at inayos ang bag ko at lumabas.

Tumingin ako sa orasan sa cellphone. 6:30.

7:00 pa naman kami mag kikita ni Zake kaya pwede pa ko mag ayos. Agad akong bumaba ng building.

Naglalakad na ko palabas ng may humatak sa uniform ko.

"San ka pupunta?"

Napaka malas naman talaga oh!

"Uuwi na, gusto ko na magpahinga." sagot ko sa demonyong unggoy na to.

"Sumama ka sakin, punta tayo sa condo ko." sagot niya at hinila ako.

"Ayoko!"

Agad kong hinila ang braso ko. Bwisit bwisit!

"Bukas na lang, gusto ko na talaga mag pahinga." sagot ko at tumakbo.

"Humanda ka sakin bukas!" sigaw niya

Bahala siya! Ngayon lang to, pag bigyan niya na ko!

****

"Myghad prenny! Para kang two timer sa ginagawa mo." sambit ni Prenny

"Bakit? Hindi naman kami ni Otso ah? Nag papanggap lang kami." sagot ko

Totoo naman ah! Fake Boyfriend ko lang siya!

"Sabagay saka mas bet ko naman si Zake hahahaha!"

"Kawawa naman si Kuya Eight! Niloloko niyo!" sigaw ni Mikmik

"Hoy mikmik manahimik ka nga." sagot ni Aliah.

"Alis na nga ko baka naghihintay na yun." sagot ko at lumabas ng bahay.

Agad akong nakapunta sa meeting place namin, King's Park.

Nagpalingon lingon ako kung saan siya banda. Nakita ko naman agad siya, nakaupo sa isang bench kaya agad akong lumapit.

"Zake."

Lumingon siya at bumungad sakin ang maganda at makinang niyang ngiti.

"Dumating ka nga."

"Oo naman nu! Ano saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

"Kumain na muna tayo." sagot niya at na lakad

Agad ko siyang sinundan at napunta kami sa kotse niya.

****

"Sorry Beka kung hindi kita nadadala sa mga high class restaurant."

Nandito kasi kami ngayon sa McDonald's. Nakaupo na kami at nakapag order.

"Okay lang ano ka ba!" sagot ko

"Gusto ko kasi yung maiba naman, ikaw ang unang dinala ko sa McDo. Para kasi sakin special na tao ang dapat dinadala dito."

Agad na namula ang pisngi ko. Special pala ko? Wahhhh!! Gusto kong tumalon shet!!

"Tara kain na tayo, unahin mo yang kanin, mamaya na yung fries. Alam kong favorite mo ang fries at sundae pero mag kanin ka na muna."

"Opo Daddy." sagot ko sa kanya.

Para kasing tatay kung mag salita. Para kong anak na dinala sa McDo hahahaha!

Tumawa siya ng mahina.

"Sige Mommy kumain na tayo, gusto mo bang subuan kita?"

Hala siya may tawagan kami?

Napayuko ako sa hiya. Gusto kong takpan ang muka ko dahil sobrang pula at sobrang lapad ng ngiti ko. Tinignan ko ang expression ng muka niya. Nakangiti din siya katulad ko.

Hindi ko pa din magawang kumain dahil sobra ang ngiti ko. Tinitigan ko siya habang kumakain. Bakit lalo siyang gumagwapo sa paningin ko?

********

Vote po(。♡‿♡。)

Yashnien_Baculinacreators' thoughts