webnovel

Chapter 9

Malayo ang Pasig sa Pasay kukunsumo ng dalawa at kalahating oras ang biyahe kung iisipin ay malapit lang ito 11 kilometro kaya lang ay ang traffic ang nakapag papatagal dito kaya nag desisyon siya na mag board na lang para hindi siya ma late at palaging maghahabol sa oras,

"O, sige sasamahan kita sa boarding house mo, para walang manligaw sayo", sabi ni Robert.

"Robert anuba? wala na akong panahon para dyan. Ikaw lang Robert ay sapat na sa akin", nag enroll na nga si Jack sa Philippines State College of Aeronautics, Pasay Metro Manila ,"

Nalaman ni Russell na sa Manila na lang siya mag eenroll. dinalaw pa nga siya nito sa boarding house niya, "

"Ganyan nga Jack para naman madali ka na naming madadalaw."

Hindi na muna kumuha ng part time job si Jack, mawawalan kasi siya ng panahon kay Robert, kaya nagtitipid na lang siya ng mabuti, si Robert ay naki pagsabayan sa kanya sa boarding house na nakuha nila, lagpas na ng isang buwan, kaya si Robert ay nagdesisyon na itong bumalik na sa trabaho, nagpaalam ito kay Jack at nangako itong dadalaw buwan buwan, pumunta na ito ng New York doon kasi ang busssiness nila.

Siya naman ay kumuha na ng part time sa isa na namang food chain kaya sobra na namang busy ang araw araw niyang routine, hindi niya namalayan na sobra na palang dalawang buwan na naka alis si Robert pero hindi pa ito dumadalaw, bakit kaya? sa isip niya, Isang araw dinalaw siya ni Russell,

"Jack wala ka bang nabalitaan?" tanong ni Russell kay Jack "

"Anong balita?" tanong din niya kay Russell, "

q

"Si Robert ba ay hindi pa rin dumadalaw sayo?"

"Hindi pa, bakit Russell?"

"Jack ayoko sanang sabihin ito sayo, kaso lang baka malaman mo pa ito sa iba siguradong magagalit ka sa akin kaya ako na ang magsasabi nito sayo. Si Robert ay magpapakasal na daw sa isang Hollywood top model", Heto ang magazine basahin mo,"

Dahil sa sobrang busy ko Russell hindi ko na alam ang mga balita sa paligid natin, wala na kasi akong time para magbasa ng mga magazine na yan."

Habang nagsasalita siya ay patuloy na ang pagpatak ng kanyang mga luha, umiyak siya ng umiyak, naawa sa kanya si Russell niyakap siya nito, para I comfort, "

"Robert mahal kita bakit nagawa mo sa akin ito

tumawag ka naman sa akin please kahit na anong sasabihin mo maiintindihan ko dahil mahal na mahal kita Robert please,"

"Jack bakit ba kahit puro na lang Robert ang laging naririnig ko mula sa bibig mo ang ganda mo pa rin sa paningin ko," is Do you want me to sit with you for a while Jack? for just one friend to another? tumango lang dito si Jack.

Tatlong araw siyang hindi pumasok sa eskwela pati na rin sa trabaho niya, hindi niya matangap na ganun ang gagawin sa kanya ni Robert, tinatawagan niya ito pero hindi ito sumasagot, paalis na din si Russell kaya dumaan ito sa boarding house niya nagpaalam ito sa kanya.

"Jack huwag kang mag alala narito lang ako handa kitang damayan sa lahat ng struggle mo sa buhay, kung gusto mo unahan na natin siya, magpa kasal na tayo Jack", sabi nito sa kanya,"o kaya sumama ka na lang sa akin, nag aalala kasi ako sayo",

"Hayaan mo Russell kakayanin ko ito, gusto kong maka pag tapos sa pag aaral", "

"O de sige aalis na muna ako kailangan na daw ako sa opisina sabi ng papa, kaya just keep in touch, araw araw kitang tatawagan promise"!!, yon nga ang nangyari. araw araw ay tumatawag ito sa kanya, naisip niya mabuti pa si Russell ay hindi tumatalikod sa kanya samantalang ang dalawang tao na pinagkatiwalaan niya ng kanyang puso, ay parehong nanloko sa kanya. Si Kristuff ipinalit sana niya ito Kay Robert kasi akala niya kinalimutan na talaga siya nito noong pumunta na ito sa China. Tapos si Kristuff ay iniwan niya ng Cebu kasi may binuntis din na babae, dumating uli si Robert ang kaso ngayon ay ipinagpalit na naman siya nito sa isang modelo,

"Ewan hindi na talaga ako magtitiwala kahit na kanino",pangako niya sa sarili sadya yatang malas siya sa pag ibig, kaya ngayon pangako niya sa sarili mag fo focus na lang siya sa kanyang pag aaral, araw araw pag nasa boarding house siya at nag iisa ay lagi siyang umiiyak kaya kahit hindi siya pinag o overtime ng supervisor niya ay umuuwi talaga siya kapag hapong hapo na siya para pagdating niya ay tulog agad siya,

Isang araw ng pumasok siya sa school ay pinatawag siya ng Dean nila, pag punta niya doon ay sinabihan siya nito na kailangan daw na bumalik na siya ng Cebu, kinuha daw ng Delano Air International Aviation Academy ang lahat ng credentials niya yong mother in law daw niya ang kumuha nun, sabi sa kanya, "si Mrs.Gonzales yon". sa isip niya,

"Okey po sir tatanungin ko po sila tungkol dito",

"Nag away ba kayo ng fiancé mo iha? kaya dito ka na nag enroll?"

Nakisakay siya sa Dean, "

"Opo sir nambabae po ang lokong yon",

"Aba'y lokong bata naman pala talaga yun ah!" sabi ng Dean,"

"Hayaan nyo po sir pagdating ko ng Cebu, pipitsirahan ko yon",

Napatawa ang matanda sa kanya.

"Gawin mo yan iha",, ha,ha, ha tawa ng matanda,"

Nagpa alam muna siya sa may ari ng boarding house at sa food chain na pinag tatrabahuhan niya dito sa Manila

Nang dumating na siya ng Cebu ay pumasok siya sa klase niya, bago siya pumasok ay nagtanong muna siya sa opisina ng school tungkol sa credentials niya.Uwian na kaya lumabas na din siya, may tumawag sa kanya si Kristuff ,

"Jack"

tawag nito sa kanya, hindi lang niya ito pinansin, hinabol na siya nito

"Jack anuba!" sabi ni Kristuff, "

"Kristuff huwag kang susunod sa akin" sabi ni Jack dito , "marami kang kasalanan sa akin bakit pinull out nyo yung credentials ko sa PHISCA?"

"Namumulubi na ako Kristuff, wala na akong kapera pera, yong down payment ko sa boarding house hindi ko na na refund", "yong binayad ko sa PHISCA hindi ko na din na refund, pupulutin ako nito sa kangkongan Kristuff," patuloy niya itong sinisigawan,

"Jack huminahon ka," "ako na lang ang magbibigay sayo ng pera na hindi mo na refund," sabi sa kanya ni Kristuff. "

"Tarantado ka talaga" "hindi ko kailangan ang pera mo" sigaw dito ni Jack,

"Jack huwag kang ganyan, iginagalang ako dito bilang may ari", " tapos ginaganyan mo lang ako?" sabi sa kanya ni Kristuff,

"Wala akong pakialam sayo", "di ba magkaka anak ka na?"

"Walang katotohanan yan" sabi uli nito,

"Anong walang katotohanan for "Gods sake" Kristuff dinig na dinig ko ang usapan ninyo noon",

"Bakit pinapunta ninyo ako dito?"

Lalapit sana sa kanya si Kristuff ngunit pinagbabato niya ito ng nga notebook's niya, pinupulot ni Kristuff ang bawat notebook na ibinabato ni Jack habang ang braso ay nakatakip sa mukha niya para hindi ito matamaan sa pambabato ni Jack,

"Tantanan mo ako Kristuff galit ako sayo", sabi ni Jack,

Nasa may gate na sila, ng may humintong sasakyan, si Mrs. Gonzales ang driver, lumabas ito, "

"Get in the car Jack" uwi na muna kayo sa bahay . doon kayo mag usap" sabi nito,

Opo", sabi ni Jack dito, "

"Hoy Kristuff pulutin mo ang mga notebooks ko dalian mo",

"Oo na",

Nanginginig ito sa takot sa kanya, pagdating nila sa bahay ay kinausap siya ng mama ni Kristuff,

"Jack ano ba ang problema?", "ba' t bigla kang umalis noon?"

tanong nito sa kanya,

"Narinig ko po kayo na nag uusap buntis daw yong babeng nakita kong kasama din niya noon sa canteen," sagot ni Jack sa mama ni Kristuff.

"Pinag bintangan lang ng babaeng yon si Kristuff, pina DNA namin yong bata negative ang lumabas, hinanap ka ni Kris Jack, muntik ng suntukin ni Kris yong babaeng yon, halos dalawang buwan na laging lasing yan si Kristuff Jack," "napatigil lang ng sabihin kong madali lang kitang mahahanap pag pasukan na, kasi konti lang naman ang Aero School dito sa Pilipinas iyon na nga sa PHISCA nakita ko ang listed name mo doon, kaya pinakiusapan ko ang Admin. nila na kunin nga ang nga credentials mo, sorry Jack ."!

"Nang malaman ni Kris na nakuha ko na ang mga credentials mo, hindi na yon sumasama sa mga flights sana niya, nang tanungin ko ang sabi ay hihintayin ka daw niya", "Sige na Jack pumasok ka na sa kuwarto nyo, magpalit ka na ng damit mo at lumabas ka na para maka pag hapunan na tayo ,"

Pag pasok niya ng kuwarto ay may pumukaw ng kanyang paningin isang napaka laking portrait magka tabi sila sa kama ni Kristuff pareho silang tulog ang ganda ng pagkaka kuha niyon nakasabit ito sa uluhan ng kama ni Kristuff pareho ito ni Robert ang picture niya rin ay nasa uluhan din ng kama nito,

Pagkatapos ng pinagsaluhan nilang dinner ay pumasok na si Jack sa silid nila ni Kristuff dahil sa galit pa niyang pakiramdam ay nagpa sya siyang mag shower muna ng lumabas siya ng banyo, naka roba siya na umabot lamang hangang sa Itaas ng tuhod ang haba, laking gulat niya nang makitang nakaupo sa kama si Kristuff at titig na titig sa kanya. Nagtaas- baba ang tingin nito sa kanyang kabuuan. Ngunit nagtagal iyon sa kanyang binti. Nailang siya, hindi kasi siya sanay magsuot ng damit na hindi lampas tuhod.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na hindi malaman kung lalapit ba sa kama o mananatili na lamang sa kinatatayuan,

"kanina pa ako kumakatok wala namang sumasagot kaya tumuloy na ako since bukas naman ang pinto."

"Hindi ka pwede dito Kristuff ayokong katabi kita sa kama" sabi niya dito, kung hindi ka aalis ako ang aalis dito",

" okey, okey,sa guest room na lang ako"

sabay labas nito. pero bigla itong pumihit pahararap dito .

"Jack you got a perfect pair of legs."Sa galit ni Jack ay binato niya ito ng unan.

Nasa canteen sila nina Annie at Sandra sa Delano Air canteen, may papasok na grupo apat na lalaki at isang babae,.

"binulungan siya ni Annie

"Ang isa sa grupong yan Jack ay anak ng governor natin, kaya sobrang hambog yan,"

Hayaan nyo lang sila huwag ninyong tingnan", sabi ni Jack sa dalawa niyang kaibigan.

Pero palapit pala ang grupo si Jack na ang tinitingnan ni Darwin "napakaganda niya sabi sa sarili ni Darwin" nang tumapat na si Darwin sa table nila ay huminto ito at niyukuan si Jack, "

"Miss bago ka ba dito?" tanong nito.

Hindi lang niya ito pinansin, presko kasi ang dating nito, parang wala lang siyang narinig,

"Hoy!" niyugyog pa nito ang balikat niya, tinatanong kita," hindi ito umaalis sa pagkakayuko, kaya sumagot na lang siya, "

"Bakit ba?" tanong niya dito,

"Kasi ngayon ko lang nakita yang napaka ganda mong mukha, "saan ka ba nagtatago?" tanong uli nito,

"Ba't' naman ako magtatago?" tanong niya dito pagkatapos mag salita ay inakay na niya ang dalawa niyang kaibigan paalis,

Nang mag uwian na ay tumakbo na siya kasi papasok siya ng part time sa isang food chain na hindi naman kalayuan sa school, inaabangan pala siya ni Darwin sa labas,