webnovel

Chapter 22

Pagkatapos ng kasal ay pumunta sila ng Hawaii. Pero hangang isang Linggo lang sila doon , Si Kristuff kasi ay kailangan na siya sa opisina. Pinag resign na si Jack ni Kristuff sa Hawaiian Airlines, sa military ay hindi siya nag resign kaya pumayag na lang si Kristuff kasi ayaw  niya na magtampo ito sa kanya ,Kaya pabalik balik na lang si Jack sa Hawaii para asikasuhin na rin ang Hotel business nila ni Stanley. Sa Brunei ay nagpatayo ng napaka laking hotel si Queen Isabelle hangang 50 floors at may hospital sa 3rd floor pero exclusively for the guests lang yon may isang service chopper din ito in time of emergency. Ipinangalan ito kay Jack. IMPERIAL HOTEL ang pangalan nito kaya kay Jack lang talaga ito kasi ang ownership of property ay nasa pangalan na ni Jack ng matapos na ang lahat para dito ay ipinatawag si Jack ng reyna at ibinigay kay Jack ang lahat ng papers of property gusto sana niya itong tangihan pero wala na siyang nagawa dahil nasa pangalan na niya ang lahat ng ito . Nagpasalamat na lang siya sa Reyna.

Binalak kausapin ni Kristuff ang tatlong lalaking nagmahal ng labis kay Jack , gusto kasi niyang alamin kung bakit siya ang pinili ni Jack out of all these , una niyang kinausap ay si Robert.

"Robert gaano mo kamahal ang asawa ko?" tanong ni Kristuff kay Robert ,

"Kris  hangang ngayon mahal na mahal ko pa rin si Jack kaya kapag niloko mo siya hindi ako mag dadalawang isip na kunin ko siya sayo",at hindi ko na siya ibabalik pa."  "Siguro hindi na ako mag- aasawa kung hindi ako makaka tagpo ng katulad niya " ,  "Kris siya ang una at huli kong pag- ibig".  "Walang ibang babae na makakapalit kay Jack sa puso ko." "siya lamang at wala ng iba" ,  "Kasalanan ko kung bakit lumayo siya sa akin , naduwag ako hindi ko naisip na nasaktan ko na pala siya." Hindi ako nakapag paliwanag sa kanya". "Kaya deserve ko na masaktan ng ganito". "Pero hindi pa rin ako sumusuko na mahalin siya, patawarin mo ako Kris dahil minahal ko ng labis ang asawa mo."

"Natakot si Kristuff kasi hangang ngayon ay may kaagaw pa pala siya sa pagmamahal sa asawa niya. Si Russell naman ang kinausap ni Kris,

"Russell kumusta kayo noon ni Jack ?"

"Kris maniwala ka man o hindi , ito lang ang masasabi ko First love ko si Jack , hindi naging kami , pero alam niya ang feelings ko sa kanya. Nag give up lang ako dahil kaibigan ko si Robert ,pareho  kasi silang mahalaga sa akin , "Si Robert kasi alam ko hangang ngayon mahal pa rin niya si Jack , pareho kami mahal ko pa rin hangang ngayon ang asawa mo , Ipina- ubaya ko noon si Jack kay Robert kasi hindi pa si Robert nagmahal ng  labis.Kami ay nakiki pag relasyon na sa Kung sino sino out of love pero siya ay hindi", nang makita lang niya si Jack saka lang siya naki pag mabutihan sa isang babae ,  kaya kahit mahal ko si Jack hindi na lang ako kumibo alam ko kasi ipaglalaban niya ng patayan si Jack alam mo bang kaya niyang ipag palit si Jack sa lahat ng kayamanan nila noon?" ganun niya kamahal ang asawa mo. "

"Ako noon kapag nakikita ko silang magkasama ay kahit nakaka hiya palagi akong umiiyak sa isang tabi hindi ko talaga mapigil na masaktan kapag nakikita ko silang masaya sa piling ng isa't isa." Sumasaya lang ako noon kapag may tampuhan sila ako ang laging takbuhan ni Jack kaya nakakasama ko siya kahit sandali pero ako ang laging nag aayos ng tampuhan nila kahit labag sa loob ko na pag ayusin  sila, iyon lang talaga ang role ko sa kanilang dalawa", pero masasabi ko sayo na doble ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sayo sabihin nating 100% ang pagmamahal mo sa kanya sa akin ay 200% ganyan yon."

Si Darwin ang sunod niyang kinausap.

"Darwin gaano mo kamahal ang asawa ko."

Kris gusto mo talagang malaman?" Sige,naiwan ko sa kanya ang puso ko hindi na kasi tumitibok ito pag aari na ito ni Jack pero dahil asawa mo na siya masuwerte ka dahil ikaw ang mahal niya pero alagaan mo siyang mabuti dahil pag pinakawalan mo yan marami kaming mag aagawan diyan para siya maalagaan mahal na mahal ko ang asawa mo Kris yun lang masasabi ko sayo pero wag kang mag alala habang mahal mo siya hindi ko kayo gagambalain ,

Makalipas ang isang taon ay nagka anak ang mag asawang Jack at Kris ng kambal, Katabi ni Jack sa hospital bed ang kambal habang sila ay tulog na tulog, Si Kris ay nakaupo lang sa isang sofa sa loob ng hospital room , tinitingnan niya ang tatlong pinaka mamahal niya ng higit pa sa kanyang buhay , Sila na ang priority niya ngayon , tingin niya kay Jack ay hapong- hapo na ito , "Jack sorry sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo lalong lalo na ngayon alam ko ang sakit na dinanas mo maibigay mo lang ang dalawang anghel na pinaka importante sa aking buhay, kayong tatlo ang buhay ko Jack mawala na ang lahat sa akin huwag lang kayo, Jack mahal na mahal kita , siguro kung hindi ikaw ang naging ina ng kambal natin siguro hindi ako ganito kasaya , kayo ang sagot sa mga dalangin ko ibinigay kayo ng Diyos sa akin  you're my happiness Jack I want to be with you always, you're the best thing that ever happen to me ,

"I will treasure you always in my heart,Ganito pala ang pakiramdam habang karga kita anak lalo ko kayong minahal lalong lalo na ang mommy mo anak siguro kung hindi siya dumating sa buhay ko, hindi ako makukumpleto ng ganito, kayong tatlo ang nagpuno ng mga kakulangan ko sa buhay" "dahan dahang inabot ng kanyang munting angel ang kanyang mukha at ng sumayad iyon, doon niya naramdaman ang tunay na kaligayahan , lumuluha na siya , kinarga niya ang isa pang kambal ng madikit ang katawan nito sa kanyang dibdib para na siyang maiiyak sa sobrang galak ng pagiging isang ama." "lumuluha siya habang sinasabi ang mga iyon sa natutulog pang si Jack . Masikip na sa dibdib niya, gusto na niyang umiyak , umiyak sa kaligayahan.

Nang umuwi na sila ng bahay ay tuwang tuwa sa mga apo ang mag asawang Mr.and Mrs. Gonzales. Dumadalaw na din si Jack sa Prinsipe tulad ng ipinangako niya dito. Isang taon pa ang lumipas ay inimbitahan sila sa Palasyo ng Brunei, kasal kasi ni Prince Randolf sa hotel sila tumuloy kasama nila ang kambal na isang taon na din ngayon. bibong bibo ang kambal ang Reyna ay tuwang tuwa din sa kambal kaya pinakiusapan sila na idalaw daw ng madalas ang kambal sa Palasyo. Maligaya na ang samahan nina Kristuff at Jack. Mahiwaga talaga ang pag ibig . Napatunayan natin yan sa kuwento nina Jack at Kris.

❤️END💥💋

HAPPY READING !!!!

GOD BLESS !!