webnovel

My Boyfriend is the Grim Reaper

"No one will die for anyone else's sin, not even you, but for their own. And once you've completely become my queen, all you need to remember is seeing my work with your two eyes. Because they'll not survive, they will die while you watch." With her personality warped by the Grim Reaper which happen her boyfriend as well, Alexandra 'Alex' Foster had no idea how hard it is to witness the works of Thanatos 'til the important people in her life are involved. Thanatos has a gentle appearance yet has cold behaviour towards other. Only Alex know what laid beneath that beautiful mask. A man who holds the life of all the human beings, can Alex could still withstand this kind of destined job of the Grim Reaper?

kaynth · Terror
Classificações insuficientes
20 Chs

Thanatos

Nagising bigla si Alex na habol-habol ang kanyang hininga. Para siyang tumakbo ng ilang milya ang layo dahil pinagpapawisan siya ng marami. Buti na lang at may pitsel sa kanyang bedside table na mayroong laman ng tubig. Binuhusan niya ang baso ng tubig at ininom. Naubos niya ito ng isang lagok lang.

Pagkatapos niyang uminom ay napatingala na lang siya sa kawalan at ilang minuto lang ay doon niya lang napansing umaga na pala. Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim bago siya umalis sa kanyang kama. Dumiritso siya sa banyo para gawin ang morning rituals niya dahil may pasok pa siya.

Pagkatapos ay bumaba na si Alex. Nasa hagdanan pa lang siya ay may naaamoy na siyang masarap na niluluto sa may kusina. Agad-agad siyang patakbong dumiritso sa kusina. Naabutan niya ang isang lalaking abalang nagluluto at nakatalikod sa direksyon niya.

This man is really sexy. He's muscular and tall. Tumingin ito sa gawi ni Alex at ngumiti. Iyong ngiting hindi nakikita ang ngipin. With that look, you could say that he's really a good-looking guy. He has a fine jawline, messy hair na mas lalong nagpapagwapo sa kanya, at ang mga tingin niya ay sobrang misteryoso. Godlike to be exact.

Naglakad palapit sa kanya si Alex at niyakap patalikod. "Good morning, Than," ani Alex at mas lalong siniksik ang sarili sa likod nito.

Inilapag muna ni Than ang hawak niyang sandok at umikot para magkaharap si Alex. He kiss the tip of Alex's nose and smile. "Are you okay?" he asked with concern. Tumango lang si Alex bilang tugon at nanatili muna sa ganoong pwesto.

Than understand her the most so he let her hugged him for a moment. Ilang sandali lang ay kumalas na rin si Alex sa pagkakayakap. "Doon muna ako sa may sala."

"Okay," simpleng sagot lang ni Than at bumalik ulit sa pag-aasikaso sa kanyang niluluto. Napasimangot na lamang si Alex sa tinuran ng kasintahan at pumunta na lang sa sala. Umupo siya agad sa isa sa mga couch at inabot ang remote ng TV. Pagka-on niya sa TV ay laking gulat niya sa nakitang balita.

"Maraming nasawi sa nangyari kahapon dahil sa aksidenting naganap sa ***** Street. Maraming sasakyan ang nagkabanggaan dahil sa isang ten-wheeler truck na hindi gumagana ang brake. Halos magkalasog-lasog ang mga sasakyan habang ang iba'y nasunog---"

Agad na bumalik sa kusina si Alex. Hindi siya kaagad lumapit kay Than, bagkus ay tinititigan niya ito mula sa likudan. Mukhang napansin nitong may tumititig sa kanya kaya napatingin sa kanyang direksiyon si Than. Hindi man lang makitaan ng kahit anong emosyon ang mga mata nito at palagi lang itong naka-poker face na hindi na bago kay Alex.

"You seem have something to ask. What is it?" tanong nito at ibinaling ulit ang tingin sa ginagawa niya. Hinahain na nito ang niluluto.

"Saan ka pumunta kahapon?" tanong sa kanya ni Alex na may kunot sa noo.

"Job," isang salitang sagot niya lamang sapat na para maintindihan niya ito. Napasinghap na lamang si Alex sa sagot ni Than. "Sit," biglang usal nito kaya napatingin siya dito. Hinahanda na nito ang umagahan nilang dalawa. Hindi na lang siya kumibo at umupo na lang para kumain.

"Hindi naman ako aso. Tss," bulong ni Alex sa sarili pero rinig na rinig iyon ni Than na ikinakunot lang ng noo nito.

Umupo na rin si Than. Nilagyan nito ang plato ni Alex ng pagkain. Habang ginagawa ito ni Than, si Alex naman ay nakatitig lang sa kanyang ginagawa.

"Than..."

"Hm?"

"Ba't ang gwapo mo?"

Hindi man lang natinag sa sinabi sa kanya si Than. Pagkatapos niyang lagyan ang plato ni Alex, linapit niya ang mukha niya dito na ikapula naman ng mukha ni Alex. He then answered, "Simply, I'm your boyfriend and your soon-to-be husband."

Medyo nalito si Alex sa isinagot ni Than dahil hindi man lang ito konektado sa tinanong niya. Gayunpaman, napapangiti pa rin siya sa sinagot nito.

"Well," nasabi na lang niya at kumain na lamang.

"I'll drive you to school this morning."

Naningkit naman ang mga matang tumingin si Alex kay Than na busy sa pagnguya sa kinakain. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o ano. "Ikaw naman talaga ang humahatid sa akin."

"Okay, I just want to ask."

Hindi na nakasagot pa si Alex at natawa na lang sa tinuran nito. Alam niyang gusto lang ni Than na maging sweet rin siya dito but she's bullying him for acting cold towards him.

Pagkatapos nilang kumain ay inihatid na ni Than si Alex sa kanyang paaralan. Habang naglalakad papasok sa campus si Alex, may sumabay sa kanyang dalawang babae.

"Hey. Did you already heard the news?" bungad ng isa sa babae na si Jean.

"What news?"

"Duh, Alex. Hindi ka ba nanonood ng balita?" wika naman ng isa na si Kasha. Parang naintindihan naman ni Alex kung anong ibig sabihin nila.

"Ang aksidente kahapon?"

"Tumpak!" pareho nilang sigaw.

"Kawawa talaga sila," naiusal ni Kasha. "Ang daming nasawi!"

Biglang napatigil sa paglalakad si Alex dahil sa narinig. Para bang biglang nanlamig ang mga kamay niya. "W-We don't know, oras na pala nila," kibit-balikat lang na sagot niya. Hinarangan naman siya ni Kasha at Jean na parehong naka-crossed arm.

"Kahit na!" sabay nilang sigaw kaya natawa na lang si Alex sa tinuran ng dalawa.

"Parang kambal talaga kayong dalawa," aniya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Parehong napairap sa isa't isa sina Jean at Kasha.

Dumating ang uwian ni Alex. Papalabas pa lang siya, may natatanaw siyang ibang estudyanteng parang may pinagkakaabalahan sa labas. Nagtataka siyang lumabas. Siya lang ang mag-isa ngayon dahil iniwan siya ng dalawa na sina Jean at Kasha para maunang lumabas. Nagmamadali pa ang mga ito.

Napailing na lang siya nang makita niya ang dalawa na kasali sa nakipagsiksikan doon sa mga babae.

"Artista ba siya o model? Ang pogi niya lang!"

"Oo nga. Gosh! Hihimatayin na yata ako. Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?"

"Sino naman ang hinihintay niya dito? Baka girlfriend. Ang swerte ng girl kung ganun!"

Ilan lang 'yan sa naririnig ni Alex na mga pagbubulungan ng ibang babae. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito. May hinihintay pa siya, si Than. Nag-text ito sa kanyang pupunta sa school niya para sunduin. Wala naman siyang nagawa dahil baka magtampo pa ito lalo.

Tumingin ulit si Alex sa cellphone niya para sana tanungin si Than kung nasaan na ito ngunit bigla siyang napatigil at napatingin sa pinagkukumpulan dun ng mga babae.

"Damn it," bulalas niya sa sarili dahil sa kanyang napagtanto. Dali-dali siyang nakipagsiksikan sa mga ito. Ang iba ay tinutulak na niya kaya sinasamaan na siya ng tingin pero hindi na niya ito pinapansin, hanggang sa nakita na niya ang pinagkakaguluhan nila.

Umayos muna siya ng tayo bago siya napatitig dito. Si Than na prenteng nakasandal sa bakod ng school habang nakahalukipkip pa ang dalawa niyang kamay sa suot niyang pantalon. Napansin niyang tumingin ito sa kanya at ngumiti kaya naririnig niyang hindi magkandaugaga ang mga mag-aaral na babae sa kanyang likudan.

Umayos na rin ito ng tayo saka lumapit sa kanya. Kinuha ni Than ang kanang kamay ni Alex.

"Let's go?" tanong nito na tinanguan lang ni Alex dahil hindi pa rin ito makapaniwala. Wala pa kasing mga kasamahan niyang estudyante ang nakakita kay Than. First time itong naghintay sa labas na kita mismo siya ng lahat dahil tuwing sinusundo siya nito, nasa kotse lang si Than na naghihintay sa kanya.

Tumingin sa likudan si Alex kung saan nakita niya si Jean at Kasha na nakatulala habang nakatingin sa magkahawak-kamay nila ni Than. Doon naman nila napagtantong ito pala si Than na ibig sabihin ni Alex na boyfriend niya!