webnovel

Kabanata 13

Cecilia's p.o.v.

Tahimik na nakaupo kasama ko dito ngayon si Jorge sa loob ng kanyang sasakyan sa may driver seat at nasa tapat na kami ng labas ng bahay namin ng pamilya ko kasi inihatid lang naman ako ng aking minamahal na kasintahan.

"kanina ka pa tahimik sa biyahe natin ah, is there something wrong?" nag-aalala na tanong ko sakanya na nakahawak lang ang kamay sa manibela nitong kotse niya.

"wala naman, I'm just feel so tired and sleepy, nakita mo naman di ba na after ng praktis sa cheerleading then sa basketball naman kaya sobrang pagod lang siguro ako" malumanay niya na sagot pero ramdam ko na may iba pa siyang rason na mas mabuti na rin siguro kung huwag ko na lamang alamin pa just to avoid the hurt with myself.

"I see and parang iba nga yung pagiging ganado mo kanina sa praktis sa basketball than before, you're seems like inspired for unknown reason" pagpupuri kong sagot sakanya na ewan ko bakung bakit ko pa iyon nasabi sakanya, napatingin siya sa akin ng seryoso habang ang kamay niya ay nasa manibela pa rin.

"pakialam mo kung mas ginalingan ko kanina, may problema ka ba dun? hindi ba dapat nga thankful ka kasi pumayag pa ako na maging boyfriend mo kaya kung ako sayo ay tumahimik ka na lang diyan sa gilid and just watch whatever you will see because I don't need your opinion anymore" direktahan niya na sagot sa akin ang tumagos sa loob ko, di ko na lamang pinahalata sakanya na nasasaktan ako sa sinabi niya as I show to him na hindi ako apektado, tumango-tango na lang din ako bago sumagot sakanya.

"okey, sabagay nga naman tama ka na girlfriend mo lang ako and I don't have any reason to know more about you" napayuko kong pagsagot sakanya habang tinanggal ko na ang seatbelt na nakasuot saakin saka ko binuksan ang pintuan ng sasakyan sa gilid ko.

"good! mabuti at nagkakaintindihan tayo, nakakaunawa ka naman pala kahit mahina ang laman ng utak mo" masungit at parang naiirita niya na sagot sa akin, inihakbang ko na lang rin ang aking paa palabas ng sasakyan niya while absorbing the words from him as I don't care even it bring me in pain.

"sige, ingat ka na lang sa biyahe mo pauwi, I love you" paalam ko naman na sagot sakanya ng makalabas na ako sa sasakyan niya saka hinila lang din niya ang pintuan ng kotse pasara sa loob na di man lang sumagot sa sinabi ko sakanya at bagkus ay binuhay na niya ang makina ng kanyang sasakyan kasabay ng pagpapaandar niya nito paalis at palayo sa akin habang naiwan lang din akong nakatayo na mag-isa dito sa labas ng pintuan nitong bahay namin, I used to love someone who never care about my feeling.

Hindi ko na napigilan pa ang luha ko na tumulo na kanina pa gustong lumabas mula sa aking mga mata habang pinupunas ko naman ang bawat pagpatak nito sa aking mukha bago ako pumasok sa loob ng aming bahay para huwag nilang mapuna ang aking pag-iyak na dahil lamang kay Jorge na boyfriend ko.

Humakbang na lamang ako sa pintuan saka pinatunog ang doorbell, nakailang beses ko din na pinindot ito bago lumabas si yaya Matet at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"pretty princess, nandiyan ka na pala, sorry kasi nagluluto ako kaya di kita narinig agad sa pagdoorbell mo, tara na sa loob" bungad sa akin ni Yaya Matet ng mapagbuksan na niya ako ng pintuan, I just give her my smile saka ako pumasok ng hakbang sa pintuan at isinara na rin niya agad ito.

"ayos lang po, sina mom and dad nandiyan na po ba sila?" magalang kong tanong naman sakanya at nakita ko pa ang pagbakas ng pagbabago sa itsura ng mukha niya mula sa masigla na napalitan bigla ng para bang naiilang na reaksiyon ng itsura, napakagat pa siya sa kanyang kaliwang daliri niya.

"I know, di niyo na po kailangan sumagot" napabuntong hininga ko na sagot sakanya kasi kahit hindi na niya sabihin saakin ay alam ko na as usual na dapat ko naman asahan sa parents ko.

Naglakad na lamang ako papasok sa bahay habang nakasunod sa likuran ko si Yaya Matet na nakakagat pa rin ang daliri sa bibig niya.

"sawa na ako sa mga paghihinala at pagseselos mo kaya kung aalis ka sa bahay na ito then go! hindi kita pipigilan sa desisyon mo, ikaw na rin ang may kagustuhan niyan at hindi ko yan hiningi sayo na gawin mo!" sigaw agad ni dad ang bumungad sa akin ng mabuksan ko ang pintuan nitong bahay namin at nakita ko pa ng dalawa kong mata si mom na umiiyak hawak ang isang malaking maleta sa kamay niya na naglalaman ng kanyang mga gamit papunta dito sa may pintuan kung saan ako nakatayo na pinagmamasdan sila.

"alam ko naman na hindi mo ako pipigilan para makabwelo ka sa pambababae mo!" pasigaw din na sagot naman ni mom, napatingin sila sa akin na parang nagulat yata sa nakita nila.

"mom - dad, bakit kailangan pa na umabot sa ganito? baka pwede pa naman po na maayos ninyo ang inyong relasyon kahit para sa akin nalang po na anak ninyo" napahawak ko sa buhok na pakikiusap sa aking mga magulang na maghihiwalayan na siguro, lumapit sa akin si mom na dala ang hawak niya na maleta habang nakatingin lang ako kay dad at nasa likuran ko lang din si Yaya Matet na nakatayo habang pinapanood niya kami.

"anak - Cecilia, sana maintindihan mo ang Mommy mo kung iiwanan kita sa daddy mo sa ngayon but I promise na ikaw lang ang pretty princess ko at lagi kitang pupuntahan dito para dalawin pero sa ngayon I want to set myself free, pagod na rin kasi akong intindihin at patawarin ang daddy mo, pasensiya ka na anak, always remember na mahal na mahal kita" umiiyak na paalam ni mommy saka ko na rin hindi napigilan na tumulo ulit ang luha sa aking mga mata dahil sa sinabi niya.

Niyakap pa ako ni Mom bago niya tinahak na tuluyan ang paglabas ng pintuan, nakatayo na lamang din ako habang pinapanood siya na naglalakad palabas ng gate nitong bahay hanggang sa tuluyan na siyang nakasakay sa taxi na hindi man lang siya lumingon sa akin.

"mom, hihintayin ko ang pagbabalik mo, I will always love you" parang bata na mahinahon kong pagbulong sa hangin kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata, lumapit naman sa akin si Yaya Matet saka niyakap niya ako, inalalayan pa ako ni yaya na umupo sa sofa habang kita ko si dad na nakatayo lang at napailing saka lumakad na paakyat papunta sa kwarto niya.

"hija, Cecilia hayaan nalang muna natin ang mom mo ah, baka need niya lang talaga siguro ng time and space para makapag-relax, then I'm sure naman na babalikan ka rin niya kasi we both know naman na she really loves you, nandito lang si yaya sa tabi mo palagi" pagtatahan sa akin ni Yaya Matet habang nakaupo lang kami dito sa sofa, napayakap nalang din ako sakanya.

"thank you po Yaya Matet kasi lagi kayong nandito sa tabi ko para saakin sa bawat oras na kailangan ko po kayo" umiiyak kong sambit habang nakayakap ako kay Yaya na niyakap na rin niya ako ng mahigpit.

"itinuturing na rin kasi kita bilang isa sa mga anak ko, mula pa ng bata ka ay ako na ang nag-alaga at nag-aruga sayo kaya naman napamahal ka na rin sa akin" sagot naman ni yaya saka kami humiwalay sa aming pagkakayakap at umayos ng pagkakaupo.

"teka! parang amoy ng nasusunog po yata" napahinto bigla kami sa kadramahan ng may naamoy kaming nasusunog na niluluto mula sa kusina.

"ayh, tanga! matanda na nga talaga ako, nakalimutan ko na may niluluto nga pala ako sa kusina, maiwan na muna kita diyan, hiya" natataranta bigla na sambit ni yaya Matet saka siya nagmamadali na tumayo at tinungo ang kusina para asikasuhin ang niluluto niya na nasusunog na sa kusina habang naiwan naman ako na nakaupo lang mag-isa dito at napakamot sa ulo ko.

"si Yaya talaga, sunog na naman ang kakainin namin" napangisi ko na lamang na banggit sa aking sarili kasabay ng pagpunas ko ng luha na nasa mukha ko habang pinipilit na maging matatag ang aking sarili sa pag-unawa sa mga nangyayari sa aking paligid.