webnovel

Chapter 1

Ako si Janice. Isang tahimik at mahinhin. Meron akong matalik na kaibigan, si Rhea. Si Rhea ay kabaliktaran ko. Siya ay maingay at palakaibigan na tao. Pero kahit na ganon kami ay malapit sa isa't isa. Pinagkakatiwalaan namin ang isa't isa. Bata palang kami marami ng nahuhumaling na kalalakihan sa kanya. Di gaya ko na para bang wala ng pagasa.

Mula nung nagtapos kami ng hayskul nagbago ang lahat. Nagkaron sya ng maraming kaibigan at para bang ako ay nawala na sa buhay nya. Pero kahit ganon kaibigan parin ang turing ko sa kanya.