webnovel

#28: Zoey

28

Naging masaya ang sumunod na araw ng bakasyon namin. Halos napasyal na namin ang mga tourist spot ng resort pero hindi nakakasawang balik balikan. Bukod sa napakaganda na, napakasariwa pa ng hangin at ang linis ng paligid.

Pangalawang linggo na namin sa resort. Nagplaplano pa ang iba na pagkatapos dito ay lilipat daw kami sa Pagudpud pero hindi pa nila sigurado kung matutuloy. Ang dami nilang pinagpipilian. Gusto pa nila na pasyalan na lang daw namin lahat. But my parent refused them. Hindi daw sila pwedeng magtagal dahil tatlong linggo lang daw sila dito sa pilipinas. Kaya ako naman nababawasan man ang pagsasama namin ni Clyde ay ayos lang dahil gusto kong sulitin ang araw na makabunding ko naman ang papa at daddy kahit sa tatlong linggo man lang na iyon.

Namiss ko kasi ang samahan namin ng nasa Japan pa ako. Malapit kami sa isat isa, para kaming magkakaibigan sa tuwing nagsasamang tatlo.

"I saw in your eyes how happy you are when you are with Clyde sweetie."nilingon ko ang daddy na nagsalita mula sa likod ko.

Nakatunghay ako sa dagat habang masayang naglalaro ang iba sa dalampasigan habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa biranda ng cottage na tinutuluyan namin ni Clyde.

Mataas pa ang init ng araw kaya medyo masakit pa sa balat ang sinag nito pero hindi alintana ng iba na mangitim at magka sunburn dahil enjoy na enjoy nila ang paglalaro. Pero ako,halos mamula na ang balat ko dahil sa init, kaya hindi ako nakisalo sa kanila. Mamaya na lang siguro kapag hindi na masakit sa balat ang sinag ng araw.

"Ganun na ba ka obvious dad?"nakangiti kong tanong sa kanya.

Umupo ito sa tabi ko at pasandal na ipinatong ang kamay harapan ng upuan.

"Halatang halata sweetie, dare to share the story kung paano kayo humantong sa ganito?"

Ngumiti akong muli saka muling ibinalik ang tingin sa dalamapasigan. Hindi ako nangiming ikinuwento kong paano at ano ang naging simula namin. Naikwento kong paano kami nag magsuntukan, magsipaan. And totally kung paano kami mag away sa simula. Pero syempre hindi ko naikwento ang dahilan kung bakit kami nag away sa una na he raped me. Ang tanging naikwento ko ay kung paano may muntikang namatay dahil sa selos nito kaya iyon ang idinahilan ko kaya nagalit ako sa kanya. And I also tell him how he chased me all the time, hatid sundo kahit inaangilan ko siya. At hanggang sa kung paano ko unti-unting naramdaman na may pagtingin na din ako sa kanya. At kung paano duon ko na din nakilala ang iba.

"Clyde is indeed look like your tito Clint sweetie. And also your papa. Kung sila ang nagmahal, ewan ko na lang dahil gaya ng kwento mo kay Clyde, ay handa silang pumatay kapag mahal na nila ang pinaguusapan."nakangiting sabi ni Daddy na nakatingin din sa mga iba sa dalampasigan.

"Like father like son."natawa ako sa sinabi ko. "Pero hindi ako nagmana kay papa, dahil sayo ako nagmana."

"And who told you na sa daddy mo ka nagmana."nagulat pa kami ni Daddy ng bigla na lang sumulpot sa kung saan ang papa.

"Where the hell you came from?"si daddy na halatang nagulat sa biglang pagsulpot ni papa.

Umupo si papa sa tabi ng daddy at inakbayan ito.

"Kanina pa ako dito and I heard everything. Pero hindi ko matatanggap na sinabi ng kaisa isa kong anak na hindi siya nagmana sa akin at sabihin sayo siya nagmana."

"Si papa talaga. Syempre kapag si daddy kaharap ko sa kanya ako nagmana. At kapag ikaw naman syempre sayo diba. So kung dalawa kayong kaharap ko, sa inyo ako nagmana."paliwanag ko dito.

Tumawa sila sa sinabi ko. Umakbay sa akin si Daddy at ipinahilig ang ulo ko sa balikat nito at siya naman sa balikat ni papa.

Wala na akong mahihiling pa sa dahil sila na magulang ko ay sapat na at si Clyde naman na boyfriend ko ay sapat sapat na. Ano pa ba ang dapat kung hilingin kong halos perfect na lahat sa buhay ko.

Lumipas pa ang mga sandali. Bumababa nadin ang araw, kaya nagpasya kaming makisalo sa iba na masayang naglalaro sa dalampasigan. As usual, volleyball na naman ang laro ng mga ito.

"Young before VS now. Ano guys, payag ba kayo?"si tito Brix ng makalapit kami sa mga ito.

Pumayag naman ang lahat.

Si Tito Brix, Tito Clent, si Papa, si Tito Lander, si tito Harold at si Tito Kartlon. Vs. Jacob, Clyde, Sunny, Bobby, Javier at Clark.

Kami naman ay nagsiupo sa gilid at panunuorin lang sila.

Nagsimula ang laro nila. Halos walang tulak kabigin sa mga ito. Matitikas parin kung maglaro sina papa at mga kaibigan niya. Magaling sila sa larong volleyball. Para lang old version nina Clyde ang mga ito. Kung gaano kahusay sina Clyde ay ganun din sila.

"Go sweetheart."sigaw ni tita Summer.

"Go babe"sigaw naman ni daddy.

"Go Hon."si tita Kristine panabay si tita Kylly.

Nagkatinginan kami nina Kelly at iba pa. Syempre nakigaya kami sa mga ito na i cheere sina Clyde.

"Go Love. Win this match."sigaw ko.

"Go Hon."si Kelly.

"Go guys. Beat them up."sabay sabay naman na sigaw nina Azami, Monica at iba pa.

Ang lagay kanya sigaw namin ang namayani sa dalamapasigan. May mga ibang turista na din na nakipanuod sa magandang labang ng mga ito.

Napakasaya nilang pagmasdan. Ganadong ganado sila sa paglalaro at talagang siniseryuso nila. Hanggang sa napalibutan na kami ng mga taong naengganyong manuod dahil para na silang nanunuod ng totoong labanan sa Volleyball. Ewan ko lang dahil ang iba ay may pustahan na yata kung sino ang mananalo.

Nakatawag pansin ang galing nila. Kung paano magpabalik balik ang bola sa magkabilang kupunan. Hanggang sa umabot na sa 10-10 ang puntos ng bawat isa.

Nagpatuloy ang laro nila. Ang unang makapuntos ng 20 ay siya ang panalo. Sigaw kami ng sigaw to cheer them up. Nakisali na rin ang ibang turista. Nagkaroon tuloy ng live show ng wala sa oras.

Ng makapuntos na sila ng 15-14 ay tumawag ng time ups sina papa.

Syempre nilapitan namin ang mga ka team namin at inabutan ng mga tubig.

"We lead the scoreboard."hinihingal pa na pagmamayabang ni Javier at kay Azami nakatingin.

Napailing ako. Kinausap ko na si Azami na kung maari ay iwasan niya si Javier or tell him that Jacob is the one he like para hindi na lumalim pa ang pagtingin ni Javier sa kanya. Pero hinayaan lang niya ito at sinabi sa akin na kung hindi si Jacob ang unang aamin ay hindi din siya aamin. Kaya na kay Jacob ang unang desisyon.

Ngumiti si Azami dito at inabutan niya ito ng tubig. Aabutan din sana niya ng tubig si Jacob pero naunang nag abot dito si Flare.

"Nice one guys. Itaob natin sina papa, kahit sa laro man lang na ito ay manalo tayo."si Flare na napatingin sa gawi ng matatanda.

Suminyas ng suntok si tito Clent dahil narinig ang sinabi ng anak.

"Show what you got young kid."hamon pa ng mga ito.

Suminyas pa ang mga ito ng 👉👊 bago sila muling bumalik sa mga pwesto nila.

"Pampabwenas love."bago pa ako nakasagot ay mabilis na dinampian ako ng halik sa labi. Bigla tuloy nag init ang pisngi ko dahil alam kong nakita iyon ng karamihan.

"Behave Clyde."bulong ko sa kanya.

Kumindat lang siya bago nagbalik sa mga kasama.

Nagpatuloy ang mga laro nila.

16-14

17-15

17-16

18-16

19-16

19-17

19-18

19-19

Parang walang katapusan ang pagsisigaw namin ng mga pangalan nila. Kahit ang mga nakikipanuod na ay ganun nadin. Nakisali na ng lahat sa sigawan. At kasabay ng kaba kung sino sa kanila ang mananalo. Sina Clyde ba o sina papa.

Napakasaya ng bawat isa. Parang walang katapusang kasiyahan at parang hindi na mawawala ang mga ngiti sa mga labi namin.

Huling serve na lang nina papa. Kung hindi na maibabalik ang bola sa kanila ay panalo na sila.

Bigla kaming natahimik lahat, hinihintay na tamaan ni papa ang bola. Isang puntos na lang ay panalo na sila.

Para pang naging slow motion ang galaw ni papa. Kasabay ng pagtaas ng kamay para ihagis ang bola paratamaan niya sa kabilang kamay. Pero sa paglapat ng bola sa mga kamay niya at pagtalbog nito duon palipad sa kabila ay kasabay ng isang nakakabinging putukan ng baril malapit lang sa kinaruruonan namin.

Nagkagulo ang mga tao at nataranta din kaming lahat. Agad na tinakbo kami ng mga ito palapit sa amin.

Kanya kanyang lapit sa mga taong mahal nila at mabilis na tumakbo para magtago sa kung saan.

Pero nagkahiwalay hiwalay na kami dahil sa maraming tao na ang nag sitakbuhan at humarang din sa mga dinadaanan namin.

"Zoey!"narinig ko pang sigaw ng papa, ng daddy at ni Clyde sa pangalan ko. Pero mas namayani ang mga tunog ng mga baril sa paligid.

Nagpilit akong makalapit sa kanila. Kahit makipagsiksikan na ako sa mga tao na pasalubong sa dinaraanan ko.

May ilan na ding turista ang tinamaan ng baril. Nakabulagta na sa buhanginan.

Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko lubos maisip na ang sayang naranasan namin kanina ay mapapalitan ng takot.

Anong nangyayari sa paligid? Bakit biglang may mga nagpapaputok ng baril? Sino ang mga grupong nagpapalitan ng putok?

Napahiwalay ako sa mga kasama ko dahil napasama ako sa daloy ng mga taong hindi alam kung saan susuot para magtago.

Hanggang sa may kung sinong humawak sa akin. Nakamaskara ito ng itim. Itim din ang mga damit niya.

Agad akong kumilos para makawala dito. Mabilis na binigyan ko siya ng sipa kaya nabitawan ako.

Pero hindi lang siya nag iisa. Napakarami nila.

Pinalibutan na nila ako at mabilis na nagapi.

Napansin ko din na hawak ng iba sina Clyde, Tita Kylly at marami pa sa kasamahan ko. Habang patuloy parin ang pagpapalitan ngputok ng magkabilang grupo.

"Clyde."

"Zoey!"ganting sigaw nito.

"Aete tatakawanaide kudasai. Matawa watashitachi wa karera zen'in o koroshimasu." Sabi ng may hawak sa akin. (Huwag mo ng subukang lumaban sa amin. Dahil masasaktan ka lang.)

"Who the hell are you."galit na tanong ko sa humawak za akin.

"Watashitachi wa anata o hitsuyō to shite iru dakedesu. Anata ga sorera o kizutsuketakunai nodeareba, yorokonde watashitachi to issho ni kite kudasai."(sumama ka ng matiwasay sa amin kung ayaw mo silang mapahamak lahat.)

"Fuck you all."galit na nagpumiglas ako. Pero hindi ako makapalag dahil natalian na ang kamay ko sa likuran ko.

Ngayon ko lang napagtanto. Sa sinabi nito, ako talaga ang pakay ng mga lalaking ito na nangahas na manggulo sa tahimik na resort.

"Paano kong matuntun ka nila at tangayin ka nila palayo sa akin." Ang mga katagang binitawan ni Clyde bago pa kami makarating dito na bumalik sa alaala ko.

Ito ba ang sinasabi niya. Bakit hindi sumagi sa isip ko na ang lalim pala ng ibig sabihin ni Clyde sa mga iyon. At ang araw araw na pag papaalala sa akin nina daddy na mag ingat. Huwag lalabas ng walang kasama.

What the hell is happining? And who's the hell who want to take me?

At ang grupong nagpapalitanng baril ay nakakasiguro na akong grupo ng papa iyon. Dahil hindi lingid sa kaalaman ko na anak siya ng kinikilalang pinuno ng isang grupo.

At bago pa muli akong makapagsalita ay tinakpan na nila ang ilong ko ng panyo hanggang sa mawalan na ako ng malay.

********

"Yamiro. Ika sete." Nagpumiglas ako ng pilit akong hinihila papasok sa isang malaking bahay. Hindi ko lang alam kung saang lupalop ng pilipinas kami ngayon. Nagising na lang ako kanina ng may kung sinong humawak sa akin para buhatin sana pababa ng sasakyan kung hindi ako nagising.

"Let me go, asshole."sigaw ko at pilit na kumakawa sa dalawang lalaking may hawak sa akin. May tatlo pang lalaki na nakasunod sa kanila at may dalawa naman sa harapan na nauna sa amin. May hawak ang mga itong baril at may mga katana sa likuran. Kung sa hitsura ng mga ito ko titignan ay mga hapon ang mga ito at isa naring patunay ang mga nakasukbit na katana sa mga likuran nila.

"Damare."sigaw na sagot ng isa sa lalaking nauna sa amin. ( shut up.)

"Anata ga damare."ganting sagot ko dito.

Galit na bumaling ito sa akin. At sinabi na kung hindi lang sa sinabi ng boss nila na wag akong saktan ay kanina pa niya ako sinuntok para matahimik na ako.

At pakialam ko sa boss nila. Sino ba ang pinuno ng mga ito at bakit ako kinidnap ng mga ito. Bigla ko tuloy naalala ang mga kasama ko. Anong nangyari sa kanila. Si Clyde, si Azami, sina Kelly, Monica at iba pa. Ang papa at ang daddy? Nasa maayos lang ba ang kalagayan nila?

Hindi man lang ako nakapalad kaninang nagkakagulo na dahil sa dami na ng mga inosenteng tao ang nadamay dahil sa labanan ng dalawang grupo. At nalaman ko na ang isang grupo ay ang lihim na nagbabantay sa akin na tauhan ng papa. Hindi ko pa siguro malalaman na may nagbabanta na sa buhay ko kung hindi nagkagulo kanina at protektahan ako ng mga tauhan ng papa. Pero sadyang marami ang tauhan ng kung sino mang baliw na nagpakidnap sa akin at hindi kinaya ng mga nagbabantay sa akin na ipagtanggol ako.

Hindi din ako nakalaban ng maayos dahil sa pagkabigla at sa pag aalala sa kaligtasan ng mga kaibigan ko. Lalo na si Clyde na hawak na kanina ng isa sa mga ito. At ang pagbantaan na kung lalaban ako ay mapapahamak silang lahat.

Pero nasaan si Clyde. Iniwan ba siya ng mga ito at ako lang ang dinala. Siguro nga dahil walang Clyde kanina sa sasakyan ng magising ako.

"Fuck you,let me go bastard."muling sigaw ko at nagpupumiglas sa mga ito.

Wala silang pinakinggan sa mga pagmumura ko. Patuloy parin sila sa paglalakad papasok sa malaking bahay. Mahigpit na nakahawak ang dalawa sa akin habang may patulak na iginigiya ako papasok.

Nabungaran namin ang ilan pang tauhan sa loob ng tuluyan kaming makapasok.

"Your here Zoey-chan."napatingala ako mismo sa pangalawang palapag kung saan nagmula ang boses.

Sino naman ang hapon na ito. At sa pustura sigurado akong ito ang nag utos sa mga lalaking ito na tangayin ako.

"Fuck you. Who the hell are you Jerk."galit na galit na sigaw ko dito. Nanggagalaiti ako sa galit. Pilit na kinakalas ang pagkakatali sa kamay ko.

Gusto kong sugurin ito at bigyang ng suntok o di kaya naman kunin ang isang katana ng mga tauhan niya at hiwain ang buong katawan ng gagong ito.

Pero hindi ko magawa. Mahigpit ang pagkakatali sa akin. At ang pagkakahawak ng dalawang lalaki sa akin.

"Hikōki o junbi suru, watashitachiha dekirudakehayaku Nihon ni modoru hitsuyō ga arimasu."utos nito sa kasamahan. "Ihanda niyo ang private plane. Aalis na tayo ngayon din."

Nanlaki ang mga mata kong napatingim dito. Nakangiti lang ito na nakatingin sa akin.

No! Hindi pwede. Hindi ako makakapayag. Kailangan kong gumawa ng paraan.

*******

@YuChenXi