webnovel

Umaarte Ka Lang?

"Teka Hon, sino ba ang tinutukoy ni Eunice na dinukot?"

"Si Yna, dinukot daw nung Mon!"

Nagulat si Nicole.

"Andito si Yna at si Mon?!"

"Teka Hon, antayin mo ako, sasama ko!"

"Hindi! Nicole, Hon! Dito ka lang! Mas matataranta ako kapag dalawa kayong iisipin ko!"

"Saka walang maiiwan dito!"

Kinakabahan si Nicole pero mas kailangan nga sya dito.

"Oh, sige Hon, magiingat ka! Iuwi mo ng safe ang mga bata!"

Tumakbo na ito sa labas at sinakyan ang isa sa LSV.

"Teka antayin mo ako, sasama ako!"

Tumatakbong sigaw ni Ames.

Umaandar na ang LSV ng sumakay si Ames kaya wala ng nagawa ito.

*****

Samantala.

"Beshy bakit ka biglang huminto?"

Tanong ni Eunice habang hinahanap ang cellphone nyang umitsa sa pagkabigla nya.

"Sorry Sissy, biglang pumara si Kate myLabs!"

"Anyare, asan si Jeremy my friend?"

Tanong ni Mel kay Kate pagsakay nito.

"Nagpababa ako dito para bantayan si Sir Mon habang kinukuha ni Jhay ang sasakyan nya! Para masundan natin si Sir Mon!"

Sabay turo sa sasakyan nyang papalabas na.

"Teka papalabas na!"

Sabi Eunice.

"Melabs bilisan mo, andar na! Dali! Baka makaalis!"

Biglang pinaandar ni Mel ang sasakyan para maharang ang kotse ni Mon sa paglabas.

Screech!

Nagulat si Mon sa biglang pagsulpot ng LSV sa harapan nya.

POOOT! POOOT!

Busina ni Mon sa humarang sa kanya pero hindi ito umalis, pero nagulat sya ng makita kung sino ang bumaba.

Si Kate kasunod si Eunice.

'Ano 'to dejavu?'

'Anong ginagawa ng mga yan dito?'

Pero iba ngayon, wala na sila sa school.

Pinaandar nya ang sasakyan habang pinipindot ang busina.

"TABI!"

Sigaw ni Mel sa dalawa.

Hindi tumabi ang dalawa bagkus ay tumalon ito paakyat sa hood ng sasakyan.

Natakot si Mel.

'Jusmiyo! Aatakihin ako sa puso sa magpinsang ito!'

Pero hindi natakot si Mon.

"Akala nyo may pakialam ako kung masaktan ko kayo!"

Idinikit ng husto ni Mon ang kotse nya sa nakaharang na LSV.

Natakot si Mel sa ginawa ni Mon lalo na ng mawala sa balanse ang dalawa at biglang napaupo, kaya inalis nya sa pagkakaharang ang LSV kaya nakalagpas si Mon at nahulog naman ang magpinsan mula sa hood ng sasakyan.

Agad silang nilapitan ni Mel.

"Okey lang ba kayo? Sissy, Kate myLabs?"

"Hindi Melabs, carry me! Carry meee!"

Biglang dumating si Jeremy at nilapitan agad si Eunice.

"Kaya mo bang tumayo?"

"Kaya ko! Tara bilis!"

Pero iika ika ito sa paglakad kaya binuhat sya ni Jeremy pasakay ng sasakyan.

Pagkatapos ay tinulungan nya si Mel na hirap na hirap sa pagbuhat kay Kate.

"Bilisan mo Jhay, baka hindi natin maabutan si Sir Mon!"

"Ha? Susunod pa tayo matapos ng nangyari sa inyo?!"

"Hindi! Dadalhin ko kayo sa ospital!"

"Okey lang ako Jha! Bumagsak lang kami hindi kami tinamaan ng sasakyan!"

"Oonga Jhay! Okey lang kami, galos lang 'to! Kaya sundan na natin si Sir Mon!"

"Okey ka lang? E, bakit nagpabuhat ka pa sa akin kung okey ka lang? Huwag mong sabihing umaarte ka lang?"

"Anong umaarte, hindi noh! Naglalambing lang!"

Pero masakit talaga ang balakang ko sa pagkakahulog!"

"Bakit ba kailangan natin sumunod? Pwede naman tayong humingi na lang ng help!"

Tanong ni Jeremy.

Saka serious kayo mag risk tayo ng life para kay Yna?"

Tanong ni Mel.

"Melabs, it's not about Yna! It's about that monster jerk teacher Mon! I really hate JERK people!"

Gigil na paliwanag ni Kate.

"At hindi lang iyon, para din ito kay Lola Remy!"

Dugtong ni Eunice.

"Saka, humingi na ako ng help kay Daddy!"

"Wow! Yan ang gusto ko kay Ninong Edmund, always maasahan! Hehe!"

"Syempre he's my Superman!"

Kumirot ang puso ni Jeremy.

"Paano naman ako? Ano ako sa'yo?"

You're my future hubby!"

Nangiti si Jeremy, abot hanggang tenga.

"Kaya bilisan mo na at baka makatakas pa si Sir Mon!"

"Yes future Wifee!"

Nasa gate na si Mon ng makatanggap ng tawag ang mga guwardiya duon.

"Sir, okey lang po ba kayo?"

Tanong nya kay Mon ng makitang may nagmamadali ito.

"Emergency, kailangan kong madala agad ang anak ko sa ospital! Inatake kasi sya ng epilepsy, binigyan ko lang ng pampakalma!"

Sabi ni Mon.

Kitang kita sa mukha nito ang pagmamadali na tila gusto ng makaalis agad.

"Ganun ba Sir, sige po!"

Pagkaalis ni Mon.

"Pre, pinasasara ang gate! Wala daw lalabas!"

"Bakit daw?"

"May dinukot daw na naganap, utos sa taas!"

"Ha? Sino daw?"

"Teenager daw!"

Dumating bigla ang kotse ni Jeremy at pinara sila.

"Sir Sorry po pero may utos pong walang lalabas!"

"Bakit yung naunang kotse hindi ninyo pinara? Andun ang kaibigan namin dinukot! Kaya tumabi kayo dyan at hahabulin namin!"

Wala silang nagawa ng pinaharurot ni Jeremy ang sasakyan.

Ang hindi alam ni Jeremy, kasunod din nila si Edmund at Ames.