webnovel

Perfect Candidate

Kagaya ni Cong. Mendes, nagising din si Leon ng hindi alam kung nasan sya.

"Nasan ako?"

Nasa isang kubo si Leon sa gitna ng bukid.

Pero matagal na ang kubo na ito, at sira sira na rin, medyo nakatagilid pa nga ito na parang bibigay na.

Ito ang dating ginagamit ng mga magsasaka na pahingahan at dito rin sila kumakain.

Pero ngayon, abandonando na ito, hindi na nagagamit dahil minsan ay tinamaan ng kidlat ang punong katabi nito kaya nadali rin ang kubo.

At mula noon ay hindi na nila ito ginamit. Nagtayo na lang ulit ang mga magsasaka ng bagong kubo na mas malayo dito.

At si Leon, nasa isang poste sya ng kubo na ito, nakaupo sa papag at nakatali ang mga kamay sa likod ng poste.

Naalala nya ang nangyari nung gabi, bago sya mawalan ng malay dahil may pumukpok sa ulo nya.

"Mga bwisit na yun, saan nila ako dinala?

Kahit talaga kelan Congressman, demonyo ka!"

Galit na galit si Leon, hindi nya akalain na matapos syang pakinabangan at gamitin ni Cong. Mendes, itatapon na lang sya na parang basura.

Pinilit nyang igalaw ang nangagawit na nyang mga braso at kamay pero mahigpit ang pagkakatali at wala syang makikitang magagamit para matanggal ang pagkakatali nito.

Wala naman syang planong patayin ni Cong. Mendes.

Ang gusto lang nito ay may managot sa gagawin nyang pagpapasabog sa Hacienda Remedios at si Leon ang perfect candidate para dun.

Tyak nyang maabutan ito ng pagsabog ng very slight pero mabubuhay ito, yun nga lang baka ikabaldo ito ni Leon at maging bedridden sya.

"Kailangan makaalis ako dito, bago sumabog ang bomba!"

"Saklolo! Saklolo!"

Sumigaw sya ng malakas pero walang dumarating.

"Nasaan na ang mga lintek na magsasaka na yun? Diba dapat maaga sila sa bukid?"

Pero wala syang nakikita kahit na anong gumagalaw maliban sa mga hampas dahon na hinahampas ng hangin.

Natataranta na sya at napupuno na ng takot ang buong katauhan nya. Kung ano ano na tuloy ang nadidinig nya.

TIKTAK, TIKTAK, TIKTAK, TIKTAK!

Ito ang paulit ulit nyang nadidinig kahit wala naman, nasa isip nya lang.

Alam nya kasing naka set na ang timer ng bomba at baka anytime sumabog na ito, napansin nya kasing mataas na ang araw. Kaya kahit wala naman talaga sa tabi nya ang bomba, nanginginig na ito sa takot.

Feeling nya kasi nasa paligid nya lang ang mga ito.

"Jusko, katapusan ko na ba? Maaari bang bigyan nyo pa ako ng isa pang pagkakataon?"

Alam nyang mabuhay man sya sa pagsabog, papatayin pa rin sya sa huli ni Cong. Mendes. Gagawin lang syang scapegoat tapos ay papatayin din sya nito.

Aminando si Leon na natatakot pa rin yang mamatay.

Naiiyak na, nagdarasal si Leon, paulit ulit.

Hindi nya tuloy namalayan na may parating, nadinig nila ang mga iyak nya.

"Duon nagmula sa kubo yung iyak!"

"Huhuhuhu! Tulong! Tulungan nyo ako! Ayoko pang mamatay! Huhuhu!"

Iyak ni Leon.

"Lolo, bakit kayo umiiyak?"

Tanong ng dumating.

Mukhang sundalo ang mga ito dahil naka uniform ng sundalo pero wala namang bitbit na baril.

Nagulat man si Leon, nangiti pa rin ito. Ngayon may kasama ng halakhak ang mga iyak nya. Masayang masaya sya, hindi magkamayaw na kaligayahan ang nadarama ng puso nya.

"May saltik ata si Lolo!"

"Baka naman nasisiyahan lang na makita tayo!"

Nilapitan nila si Leon at duon nila nakita na nakagapos pala ang mga kamay nito.

'Sinong gagawa ng ganito sa matandang ito?'

Kinalas ng isang sundalo ang pagkakatali sa mga kamay ni Leon at laking gulat ng akapin sya nito.

"Salamat, iho! Maraming salamat sa inyo!"

Mukhang hindi taga rito ang mga sundalo dahil hindi nila nakikilala si Leon.

"Lolo, sino ho bang may gawa sa inyo nito?"

Isang walanghiyang tao, maitim ang budhi at walang kaluluwa! Isa syang demonyo!"

Galit na wika ni Leon.

Binigyan sya ng tubig ng mga ito.

"Kalma lang po Lolo! Ano po bang dahilan at itinali kayo dito? Mukhang anytime magigiba na itong kubo!"

Naiiyak si Leon.

Hindi nya kasi masagot ang mga tanong sa kanya.

"Buti pa ialis na natin sya dito at mukhang na trauma si Lolo!"

Tuwang tuwa naman si Leon sa nadinig, hindi nya akalain na makakaligtas sya sa mga oras na iyon.

"Pwede nyo ba akong ihatid sa asawa ko?"

Ibingay nya ang numero ng asawa nya pero iba ang sumagot.

"Lolo, busy daw po ang asawa nyo, may inaasikasong mga bisita!

Pinasasabi po ng sumagot na dalhin na lang daw namin kayo duon sa asawa nyo!"

'Sino naman kaya ang bisita nitong asawa ko at hindi man lang ako masagot?'

Kilala nya ang asawa nya, maasikaso talaga ito sa bisita at isa pa, hindi ito sanay gumamit ng cellphone kaya inilalapag kung saan saan.

Tahimik na sumunod si Leon sa mga sundalo.

Ang tanging nasa isip nya ngayon ay makaalis sa lugar na ito.

Nahimasmasan sya ng makasakay na sila ng sasakyan.

Pero pagkatapos ng 30 minutes, nagulat sya ng mapansin ang daang binabagtas nila.

'Teka, pamilyar sa akin ang lugar na ito!'

Panay ang tingin nya sa labas ng bintana ng sasakyan. At pagliko ay nagimbal sya ng makita nya sa dulo ang ....

'Mansyon?'

Hindi sya pwedeng magkamali, matagal syang natira sa mansyon na ito, kahit na may mga pagbabago gaya ng tent at ng bakod, natitiyak nya pa rin na ito ang mansyon ng Hacienda Remedios.

'Ano 'to, bakit nya ako dadalhin sa mansyon?'

Naalala nya ang sinabi ng sundalo.

"Dalhin na lang daw namin kayo sa asawa nyo!"

'Pero, anong ginagawa ng asawa ko sa mansyon?'

"Eh, Sir, matanong ko lang, sino po ang nakausap nyo kanina nung tinawagan nyo ang asawa ko?"

"Irma daw po, asawa daw po sya ni Cong. Mendes. Kanina daw, nakita nya ang asawa nyo, kaya isinama na nya sa mansyon!"

Namutla si Leon.

'Juskupo!'

*****

Sa restaurant.

"Sendong, saan dinala ng mga kasama mo si Leon?"

Tanong ni Cong. Mendes.

Lumalakas ang kabog ng dibdib nya, kinukutuban sya at si Leon lang ang makakasagot sa kutob nyang ito.

Kailangan nyang makita at makausap ito para maksiguro.

"Boss, duon po sa kubo na tinamaan ng kidlat!"

"Tara na, pupunta tayo dun!"

Biglang tayo si Cong. Mendes.

"Boss? Malapit na pong mag alas dose baka po ...."

Naintindihan ni Cong. Mendes ang ibig sabihin ni Sendong.

"Kaya nga bilisan mo riyan! Alaa dyes pa lang may oras pa tayo kung makakarating tayo agad duon!"

May isang oras mula sa kinaroroonan nila papunta kubo, kaya ng mas maaga kung bibilisan nila ang takbo.

Napansin sila ng mga bumubuntot sa kanila.

"General, paalis na po sila!"

"Okey! Hayaan nyo silang makalusot sa check point! Kailangan nilang makabalik ng Hacienda Remedios ng walang balakid!"

Sagot ni Gene.

Sya ang namuno sa operation na ito at si Eunice ang nakaisip nito.

"Pasensyahan tayo Congressman, binuhay mo kasi ang natutulog na dragon!"

God bless us all!

trimshakecreators' thoughts