webnovel

My Prom Date

"Ladies and Gentlemen i aanounce na po ang King and Queen of the Night!"

Nagkatinginan si Brenda at si Lena.

"Paano nila I aanounce ang King and Queen kung wala pa sila dito?"

"At yung wine! Paano kung ibigay nila yung wine na mayroon drugs?"

Natanaw nila sa malayo si Pam.

"Girls kamusta?"

Bati nya sa dalawa.

"Eto nageenjoy! Bakit wala ka sa labas mo?"

"Hehe! Gutom na ako!"

At iniwan na nya ang dalawa at sumama sa date nya para kumain.

Nakalimutan na rin nila ang pinaguusapan nila dahil dumating na rin ang date nila at inaya silang sumayaw.

Kanina pang 6 pm sa labas ng gate nagaantay si Pam sa car ni Jeremy, sa utos ni Miles. Gutom na sya kaya sya nagtungo na sa venue tapos ay madadatnan nya pa si Miles na umuusok ang ilong dahil wala pa si Jeremy. Kasalanan ba nya yun?

Kaya kahit na pinababalik sya ni Miles sa pwesto nya sa labas sa may gate, mas pinili na nyang sumama sa date nya na boyfriend din nya.

"Unfair naman sa boyfriend ko kung palagi na lang sya ang iintindihin ko!"

Si Miles, hindi alam na iniwan na sya ng mga ka grupo nya. Nasa labas pa rin ito at naghihintay, nagbabaka sakaling dumating si Jeremy.

Ni hindi nya alam na inaanounce na pala ang King and Queen of the Night at hindi siya at Jeremy yun.

Dahil kanina ay tumawag si Nicole kay Secretary Kim na sya ang mamahala sa pagpili ng King and Queen of the Night.

With regards sa wine, na confiscate na ito ng isang teacher at may plan itong iuwi iyon.

Pero si Miles umaasa pa rin na magkakaron sila ng moment ni Jeremy.

'Last Prom na natin 'to! Kaya gusto kong maging memorable ito!'

Hanggang sa ....

May natatanaw syang sasakyan na papasok ng gate.

"Si Jeremy kaya yun?"

Tumawag sya kay Pam para itanong pero hindi sya sinasagot. Dahil si Pam ay busy na kumakain at maingay sa loob ng venue.

"Bakit hindi sumasagot yun?"

Tinawagan nya ulit.

"Hello?"

Nagulat si Miles bakit lalaki ang sumagot. Tiningnan nya kung number nga ni Pam ang dinial nya.

'Tama naman!'

"Hello sino 'to? Asan si Pam?"

"Ha? Hindi kita madinig!"

"SABI KO, ASAN SI PAM?"

"Hindi kita sabi madinig maya ka na lang tumawag!"

"Teka...."

Tut Tut Tut....

"Bakit nya binaba? Sino ba yun?"

"Sinong kausap mo?"

Tanong ni Pam sa boyfriend nya ng makitang may sinagot sa phone.

"Ewan ko dun, hindi ko madinig! Sabi ko tumawag na lang ulit!"

Tatawag na sana ulit si Miles kay Pam pero nakita nyang pumarada na sa harap ng Hall ang sasakyan nakita nyang papasok kanina.

'Hindi ito ang kotse ni Jeremy!'

Kaya hindi nya ito gaanong binigyan ng pansin at nagpatuloy sa paghihintay.

Sa loob ng car.

Bababa na sana si Jeremy ng pigilan sya ni Kate at tinuro ang direksyon na kinaroroonan ni Miles.

Nasa isang sulok ito at nagaabang. Hindi masyadong mapapansin si Miles sa location nya dahil sa mga halaman nakapaligid dito kaya nagulat silang napansin ito agad ni Kate.

"Ang galing ng mata nitong si Kate! Kaya pala ginawa mong spy sa school!"

Sabi ni Ames kay Nicole.

"Jhay, magiingat ka!"

Naconfuse si Jeremy.

"Huwag mong maliitin si Miles at ang grupo nya! You don't know what they're capable of!"

"Tama si Kate, magiingat ka! Hindi ka na bata at hindi na rin bata magisip yang mga yan!

Baka bukas pag gising mo hindi mo alam kung nasaan ka!"

Paalala ni Ames

"Teka sandali!"

Sabi ni Jeremy kay Kate

At kinuha nito ang CP nya at nag selfie sya kasama si Kate saka pinost sa School Website na may caption na.

My Prom Date!

Isn't she lovely?

"Okey let's go!"

"Ba't ganun nag picture kayo, kayo lang?!"

"Hamo na!Hehe! Pangit naman tingnan na may chaperon sila!"

At bumaba na si Jeremy para pagbuksan muna ng pinto sila Ames at Nicole.

Nagulat si Miles ng makita si Jeremy na lumabas ng sasakyan.

Nag panic ito at tinawagan ang mga ka grupo nya pero lahat sila ay hindi sya sinasagot.

"Mga bwisit na yun!"

"Ano bang pinagkakaabalahan nila na mahalaga pa sa akin?!"

"Anong gagawin ko, anong gagawin ko?!"

"Kailangan maka pwesto ako sa tabi ni Jeremy! Pero paano? Si Ms. Ames at si Prinicipal Cole yun!"

Nang makitang naunang naglakad si Ames at Nicole papasok ng entrance at naiwan si Jeremy, nabuhayan si Miles.

Nangiti ito at inayos ang sarili para tabihan si Jeremy.

Lalabas na sana ito sa lungga nya ng makitang nagpunta si Jeremy sa front seat at saka binuksan ito.

'Sino yung kasama ni Jeremy?!'