"Hello po Daddy, busy po ba kayo?Ate Kate is in trouble! She needs your help!"
Tanong ni Eunice sa Daddy Edmund nya.
"No anak, I'm not busy! What happen?"
Sabay tingin ni Edmund sa mga ka meeting nya at sumenyas ng "wait"
Nasa kalagitnaan sila ng meeting ng biglang nag vibrate ang cellphone ni Edmund. Agad nya itong sinagot ng makita kung sino, kaya lahat ay napatigil sa kanilang ginagawa lalo na ang nagsasalita sa harap, kahit na napakahalaga ng pinag me meetingan nila.
Alam nilang pagsinagot ni Edmund ang tawag, isa yun sa pamilya nya at walang makakapigil sa kanyang sagutin ang tawag.
"Why baby girl, ano na naman pinasok ng Ate Kate mo at sure ka ba na hindi ka kasama?"
May halong biro ang tanong ni Edmund sa anak.
"No Daddy, it's Ate Kate and Beshy Mel, dinala po sila sa office ng isang Prof. Lorde. Can't explain the details, I'll send you po the link and video!"
Pinanonood ni Edmund ang video ng ginawa ni Kate kay Marlon at ang live video ni Mel.
"Eunice anak, alam mo ba kung ano ang pinagmulan nito?"
"According sa mga ususera sa paligid, hinarang daw ng grupo na yan si Beshy at winarningan na huwag ng lalapit kay Ate Kate. Sabi po nila, pinagkakalat daw po nung Marlon na girlfriend nya si Ate Kate."
"At paano naman napunta bigla run ang Ate Kate mo?"
"Daddy, kilala nyo po si Ate Kate, ayaw nyan ng bully lalo na at si Melabs nya yung binubully!"
Lihim na nangingiti si Edmund. Kilala nya ang tatlong ito, lapitin talaga ng gulo at mas malaking gulo pagkumilos silang tatlo na hindi nya alam.
Kaya nangingiti sya pag humihingi ng tulong ang mga batang ito kesa magisa nilang sinosolve ang problema.
"Sige baby girl, ako ng bahala, tatawagan ko si Dean Vernal!"
"Thanks Daddy love you, much, much, mwah!"
"May kailangan ka lang kaya ka nag a I love you dyan! Sige na bye na love you too baby girl and stay away from trouble!"
'Si Daddy talaga! Hehe!'
Sa sobrang saya ni Eunice, hindi nya napansin ang padating sa gilid nya at nagkabanggaan sila.
BLAG!
"AY! Sorry! Pasensya na hindi ko ..."
Nagulat sya at napahinto ng makitang si Jeremy pala ang nabangga nya.
Natulala si Eunice.
Maging si Jeremy ay hindi rin inaasahan na makita si Eunice sa lugar na ito at sa university na pinapasukan nya.
"Eunice? Anong .... ?"
"H_Hi ..... Jeremy!"
*****
Sa loob ng office ni Prof. Lorde.
"Ms. Santiago, hindi ako nakikipaglaro sa'yo! Either you accept your punishment or not, I don't care! Nasabi ko na at wala akong planong baguhin pa!"
Napipikon na si Prof. Lorde.
Nakangisi naman ang tatlong kaibigan ni Marlon sa kanilang dalawa. Nangiinis.
"Sir, not because we are nothing to your eyes ay tatanggapin na namin ng hindi lumalaban ang punishment nyo, lalo na kung bias ang judgement nyo!"
Sagot ni Kate.
Mahinahon ang salita nya pero palaban.
Pero kahit na paano ni Kate sabihin, iba pa rin ang dating kay Prof. Lorde.
"Hindi. Ako. BIAS!"
Galit na si Prof. Lorde.
Feeling nya sinubukan ng batang ito ang pasensya nya. Madami ng pumasok sa silid na ito pero ngayon lang nya naramdaman na nabastos sya at sa isang hindi pa nya alam kung anong background.
"Sir, kung hindi po kayo bias bakit hindi nyo man lang inalam kung bakit ko ginawa yun kay Marlon?"
Tanong ni Kate
"So ... inaamin mo, na KAYO talaga ang gumawa nun kay Marlon!"
"Nope Sir, hindi po "KAYO", "AKO" lang po ang magisang gumawa nun kay Marlon at may ebidensya po ako na magisa ko lang ginawa yun, so unfair kung idamay nyo si Mel dito!"
Paliwanag ni Kate
Ito ang unang beses na tiningnan ni Prof. Lorde si Mel na parang tinatantya.
'Sino ba 'tong tuko na 'to at simula ng pumasok dito hindi ko pa nakitang nagsalita, nakangiti lang?'
'Mentally retarded ba 'to?'
'Wala akong mapapala kung papatulan ko 'to!'
Binalikan nya ng tingin si Kate.
"Ebidensya? The fact na inamin mo is enough para isuspend ko KAYO, Ms. Santiago!"
"Gaya po ng kanina ko pa sinasabi sa inyo SIR, I have my reasons kaya ko ginawa yun! Pero ayaw nyo po akong pakinggan dahil BIAS po kayo!"
Nanggigil na sa inis si Prof. Lorde, namumula na ito sa inis.
Dito magaling si Kate, namana nya sa Lolo Gene nya.
Sabi nga ng Lolo Gene nya, "she can be a good lawyer", pero mas gusto ni Kate ang maging forensic specialist.
"Bakit ayaw nyo pong pakinggan ang reasons ko Sir, ang dahilan kung bakit ko ginawa yun kay Marlon? Dahil po ba sa natatakot kayo sa tatay ni Marlon?
Just want you to know Prof. Lorde, may plano akong sampahan ng demanda si Marlon ng paninirang puri at sexual harrassment!"
"Hoy anong sexual harrassment na pinagsasabi mo! Hindi ka namin ginalaw noh!"
Sabat ng isa sa tatlong kasama ni Marlon.
"Ows? Talaga?"
Tiningnan ni Kate na may pangiinis ang tatlo.
"Hindi pa! Napaguusapan pa lang namin!"
Mayabang na sabi ng isa.
"Napagusapan o napagpustahan?"
"Pfft! Hehe!"
At tiningnan nila si Kate ng may halong pagnanasa.
"Masisisi mo ba kami kung ikaw ang nagbibigay ng motibo!"
"Motibo? Anong motibo ang binigay ko sa inyo? Aber?"
"Yan, kung paano ka manamit!"
"Saka, kung paano ka kumilos!"
"Pati na kung paano ka magsalita!"
Tiningnan ni Prof. Lorde ang tatlo na may pagkadismaya.
'Lintek na mga 'to, mga manyak!'
'Anong pinagsasabi ng tatlong ugok na 'to?'
Nadismaya sya dahil naka long sleeve si Kate at maong pants.
Maliksi itong kumilos na may pagka tomboy at hindi mahinhin, alam mo kaagad sa isang tingin na palaban ito.
At... straight forward kung magsalita hindi katulad ng ibang babae na parang namimilipit ang dila pagnagsasalita
Obviously kahit na hindi madinig ni Prof. Lorde ang mga reasons ni Kate, alam na nya kung anong nangyari sa itsura at sinasabi ng tatlo. Maganda si Kate at manyak ang grupo ni Marlon.
"So plinano nyo talaga syang pagtripan?"
Tanong ni Mel sa tatlo.
Ito ang unang beses na nagsalita sya at halatang galit.
"OO! Plinano nga namin! Hindi lang
plinano, pinagpustahan pa namin kung sinong unang maka score sa kanya! Hahaha!"
Napikon si Mel at gustong lumusob pero pinigilan sya ni Kate.
Napansin ito ng isa sa kanila kaya lalong nanginis.
"Anong gagawin mo ngayon, tuko? Ha? Sa tingin mo ba hindi pa nakaka score sa kanya si Marlon?"
"That's enough!"
Singhal ni Prof. Lorde.
Pero bago natapos ni Prof. Lorde ang sinabi nya, dumapo na ang paa ni Kate sa mukha ng lalaking nagsalita.
"AAGGHH!"
"Hindi porket babae ako, hahayaan ko na lang na bastusin nyo ako!"