webnovel

Inangkin

"Miss, kung sino ka man, umalis ka na!"

Mataray na sabi ng secretary ng principal.

Naiinis na sya sa babaeng ito na akala mo kung sino kung maka asta.

Wala pang gaanong tao sa admin kanina ng dumaan sya, malamang nagaalmusal sa canteen. Kaya walang nakapansin sa dirediretso nyang pagpasok sa principal's office.

Ang principal's office ay nasa dulo ng admin office. nahati ito sa dalawang bahagi, ang unahan at maliit na bahagi ay sa secretary. May partisyon ito pero walang pinto kaya dirediretso lang si Ames sa kanya.

Ang ikalawang bahagi at ang pinaka malaki ay ang mismong office ng principal na may nakaharang na nakasarang pinto sa pagitan nila.

Tiningnan lang ni Ames ang secretary na parang nangiinis. Nakangisi ito at nakataas pa ang isang kilay.

Tapos ay dire diretsong nagtungo sa pinto ng principal. Pero naka lock ito.

'Hmm? natunugan nya kaya ang pagdating ko?'

Kumatok si Ames ng malakas pero hindi nagsalita at nabulabog ang lahat ng naroon.

Nagtaka ang dalawang nasa loob, lalo na at tuloy tuloy ang pag katok nito gamit ang buong kamay.

BHAG! BHAG! BHAG!

"Sino yun? Walang ka manners manners kung makakatok!"

"At nasaan ang secretary mo? Bakit hindi sya pinipigilan?"

"Shhh...Shhh! Huwag kang maingay para malaman nyang walang tao dito sa loob!"

Sa labas.

Naiinis na ang secretary sa ginagawa ni Ames.

"Ano ba? Bakit mo sinisira yang pinto?! Pag hindi ka pa tumigil tatawag na ako ng guard!"

Pero ngumisi lng sa kanya si Ames at tinuloy ang ginagawa.

Walang nagawa ang secretary kung hindi ang tumawag ng security.

Ang kabilin bilinan ng principal sa kanya ay huwag na huwag syang iistorbohin kahit anong mangyari.

Pag dating ng security guard nagulat siya ng makita si Ames.

"Mam!"

"Guard, kunin nyo ang babaeng ito at ilabas!"

Utos ng secretary sa kanya.

Guard: "....."

'Nababaliw na ba sya? Ayaw ko ngang mawalan ng trabaho!'

Nataranta ang security guard ng makitang lumalapit sa kanya si Ames. At bigla syang nakahinga ng lagpasan sya nito.

Nangiti naman ang secretary.

'Takot ka rin pala!'

Dumiretso si Ames sa fire extinguisher na naka sabit sa sulok at kinuha ito at bumalik sa pinto ng principal.

Secretary: "Huh?"

Ginamit nya ang fire extinguisher para sirain ang door knob ng pinto.

"Ano ka ba bakit hindi mo sya pigilan?!"

Singhal ng secretary sa guard.

Pero umiling lang ang guard sa kanya.

'Ayaw ko ngang makialam!'

Secretary: "GRRRR!!!"

'Hmp! Ako na nga lang ang gagawa!'

At nilapitan nya si Ames para pigilan sa ginagawa nito.

Pag nabulabog ang principal alam nyang malalagot sya.

Pero hindi pa sya nakakalapit iniharap na ni Ames ang host ng fire extinguisher sa kanya at saka binuksan.

PSSSHHHTT

"Ahhh! ... Ahhh! .... Ahhh!"

Napuno ng puting parang bula ang buong katawan ng secretary.

Saka tinuloy ni Ames ang ginagawa nya.

Nang masira ang door knob saka nito sinipa ang pinto na ikinagulat ng nasa loob saka initsa ang fire extinguisher sa guard.

"Tawagan mo ang head ng HR!"

Utos nya sa security guard.

"Yes Mam!"

At nagmamadali na itong umalis.

Ang principal at ang assistant nya ay hindi nakakibo ng biglang may sumipa sa pinto at makita si Ames sa harapan nila.

Hinarap silang dalawa ni Ames.

"Bakit ba pakiramdam ko inangkin mo na ang upuan na yan at ang school na ito?"

*****

Marami ang nagtataka kung bakit hindi pumasok si Jeremy, Eunice at Mel ng araw na ito.

Hindi pala absent ang tatlong ito. At si Jeremy ay laging inaabangan ng buong school ang pagdating kaya lahat sila ay nagtataka kung bakit absent sya.

Ngunit mas lalo silang kinabahan ng malamang wala din si Eunice at si Mel.

"Anyare? Asan si Jeremy?"

"Bakit parang nagusap sila?"

"Haay huwag nga tayong nega! Baka late lang o kaya half day!"

Maging Miles at ang grupo nya ay nag aalala na rin.

Miles: "Bakit ba nagiging unpredictable na si Jeremy lately?"

Lena: "Saka sumasagot na sya!"

Brenda: "Mahirap 'to! Baka isang araw ideny nya na hindi totoong may relasyon kayo!"

Nanggigil sa galit si Miles.

Miles: "Hindi maari ito! Walang pwedeng makaalam at huwag na huwag kayong magsasalita!"

Pam: "Girls, girls, kalma lang! Miles alalahanin mo malapit na ang Prom Night!"

"Kailangan makaisip na tayo ng paraan para ikaw ang maging date ni Jeremy sa araw na iyon!"