"Alam ko na! Nakikilala na kita! Tama, ikaw nga!"
Bulalas ni Miles kay Daisy.
"Ikaw yung katabi ng machubang Eunice na yun sa lobby ng NicEd di ba?!"
Dugtong pa nito.
Nalilito naman si Geraldine.
'Anong pinagsasabi ng babaeng ito?'
At si Daisy napakunot ang noo.
'Grabe naman maka describe ito kay Ms. E!'
'Hindi naman mataba si Ms. E, ah! Tama lang naman yung katawan nya sa height nya.'
'Well, kung ikukumpara sa kanya na super skinny mukha na syang buto na binalutan ng balat ....'
"Teka Miles anong sinasabi mo dyan? Sino yung binabanggit mong Eunice?"
Tanong ni Geraldine.
"Sya yung laging kasama ni AJ, yung laging umaaligid sa kanya at nilalandi sya!"
Paliwanag ni Miles.
Naiirita pa rin ito sa pagsipa ni Eunice sa kanya nung kausap nya si AJ.
At naiinis din sya sa tuwing nakikita nyang palagi silang magkasama ni Eunice na parang binabakuran si AJ para hindi sila makalapit.
Napaisip si Geraldine.
'Ang tinutukoy ba nyang Eunice ay ang girlfriend ni AJ?'
Alam ni Geraldine na may relasyon ang dalawa pero hindi rin nito alam na si Eunice ang presidente ng 2lips Company.
Tahimik lang si Daisy na pinakikinggan ang dalawa.
'Hindi nya pala kilala si Ms. E? Bakit nya idinidiin ito dun sa viral video nya?'
Nagtataka si Daisy. Akala nya kasi na may personal grudges ito kay Eunice tapos hindi pala nya kilala.
Hindi nga kilala ni Miles si Eunice.
Hindi nito alam ang buong pangalan ni Eunice dahil wala naman syang pakialam sa buong pagkatao nito. Mainit lang talaga ang dugo nya rito since highschool.
Kaya hindi rin alam ni Miles na isang Perdigoñez si Eunice. Principal Cole kasi ang tawag ng mga bata kay Nicole.
"Ngayon, ikaw babaeng pakialamera, tapatin mo nga ako, andyan din ba si Eunice sa office ni AJ at inutusan ka ba nya na sabihin sa amin ang mga sinasabi mo ngayon?"
Tanong ni Miles kay Daisy.
Medyo may kataasan na ang boses nito at dinig na sa kalapit na table.
"Teka Miles, ang boses mo, hinaan mo naman!"
Suway ni Geraldine sa kanya. Pinagtitinginan na kasi sila.
Pero hindi sya pinansin ni Miles, sinadya nya ngang lakasan para ipadinig sa iba ang sinabi nya.
Nangingiti lang si Daisy.
'Kawawa naman itong taong ito, kulang sa pansin kaya nagpapapansin!'
"Geraldine, tauhan ng machubang Eunice na yun ang babaeng yan! Kaya pala ang lakas ng loob, kagaya ng amo nya!
Marahil andito yan dahil inutusan ni Eunice! Kaya yung sinabi nya kanina na hindi tayo kilala ni AJ, tyak si Eunice ang may utos nun!"
Iritang sabi ni Miles.
"Miss, totoo ba ang sinabi nya?"
Tanong ni Geraldine kay Daisy.
"Mam, hindi ko po alam ang sinasabi nya, dahil dito po ako nag wo work at si Sir AJ po ang isa sa boss ko.
Aminado po akong kilala ko si Ms. E, pero wala po syang inuutos sa akin na kahit na ano!"
"SINUNGALING!"
Singhal ni Miles kay Daisy.
Sa sobrang lakas ng boses nya abot hanggang taas ang sigaw nya, dinig ng apat sa taas.
"Teka lang Miles, calm down! Bakit ba nanggagalaiti ka sa galit dyan? Huminahon ka nga!"
Awat ni Geraldine.
Tumayo pa ito at hinarap si Miles para tumigil.
'Jusko ano bang problema ng taong ito?'
Pero kahit na pinagtaasan sya ng boses ni Miles at tinawag na sinungaling, hindi pa rin umalis sa kinatatayuan nya si Daisy.
Napangiti pa nga ito ng mapansing nakadungaw mula sa taas ang mga boss nya na parang sinasabing, 'kaya ko na 'to, dyan lang kayo!'
"Miles, umayos ka nga! Papaano tayo haharapin ni AJ kung ganyan ka?"
Bulong nya kay Miles.
Pinilit kumalma ni Miles.
"Pasensya na dala lang ako! Naiirita kasi ako sa ginawa sa akin ng babaeng yan!"
"Bakit ano bang ginawa sa'yo nya sa'yo?"
"Sya ang dahilan kaya nasa alanganin ngayon ang trabaho ko sa kompanya!"
"Ehem! Mawalang galang na po, Mam, pero sinagot ko lang naman po ang viral video ninyo, wala po akong kinalalaman sa problema nyo!"
Sabat ni Daisy.
"Anong viral video?"
Tanong ni Geraldine kay Daisy.
"Yung viral video nya po na kumalat kamakailan lang. Yun pong tungkol sa babaeng kinakaladkad palabas ng NicEd building .... sya po yung babaeng kinaladkad ng mga security at nagdiin kay Ms. Eunice. Ako naman po yung sumagot sa video nya at nagsabing hindi totoo lahat ng sinabi nya."
Paliwanag ni Daisy.
'Jusmiyo! Kaya pala namumukhaan ko itong si Miles!'
Yan din ang bulungan sa paligid.
"Miss pwede bang iwan mo muna kami?"
Sabi ni Geraldine kay Daisy.
"Kung wala na po kayong kailangan, maiwan ko na po kayo."
At umalis na ito.
"Magtapat ka nga sa akin, ano ba talaga ang pakay mo kay AJ, si Eunice ba?"
Seryosong tanong ni Geraldine.
"Diba sinabi ko sa'yo, business! Kailangan kong makausap si AJ dahil gusto kong hingin ang tulong nya para makakuha ako ng appointment sa 2lips Company!
Wala akong pakialam sa Eunice na yun!"
"E bakit ka naman nanggagalaiti dyan kay Eunice kung wala ka talagang pakialam sa kanya?"
"Lagi kasing sumusulpot sa tabi ni AJ!"
"Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na baka may relasyon sila?"
"Pfft! Nagpapatawa ka ba? Hindi papatulan ni AJ ang ganuon machubang babae, nuh!"
Hindi na pinagpilitan pa ni Geraldine ang alam nya.
'Mas makabubuti sigurong umalis na lang kami dito, baka nakarating na kay AJ ang pinag gagawa nitong si Miles lalo kaming hindi makakapag usap.'
"So paano ngayon yan, paano natin makakausap si AJ? Wala ka bang ibang maisip na paraan para makakuha ng appointment sa 2lips?"
Sumensyas na ito para makuha ang chit nila.
"Teka, huwag mong sabihing aalis na tayo? Hindi tayo pwedeng sumuko! Kailangan makausap nating si AJ ngayon, no matter what!"
Lumapit sa kanila si Daisy.
"Oh, bakit ikaw na naman? Hindi naman ikaw ang tinawag nya! Wala na bang iba?"
Sabay turo ni Miles.
"Sorry po, busy po kasi lahat ng staff namin, peak hours po kasi!"
Sabay abot ng chit nila.
"Miss, pwede bang magtanong? Anong oras ba libre si AJ? Gusto ko talaga sana syang makausap, importante lang!"
"Pasensya na po pero sobrang busy po talaga si Sir AJ kaya hindi po sya tumatanggap ng kung sino sinong bisita. Ano po bang kailangan nyo sa boss ko at
at ako na lang po ang magsasabi?"