webnovel

Ang Kulit Ng Daddy Mo

Kanina, ng makita ni Nicole na nagkakamot si Jeremy, may hinala na syang baka may allergy ang bata.

"May allergy ka ba?"

"Hindi ko po sure, Tita!"

Pero nagulat din sya ng makita ang mga pantal nyang wala naman kanina.

Habang tinitingnan ni Nicole ang mga pantal sa ibat ibang parte ng katawan ni Jeremy, pinagtitinginan naman sila ng mga tao sa admin office.

"Ano ba yan, hindi na nahiya! Ang tanda na nya tapos kung makahaplos kay Jeremy akala mo close sila!"

"Baka nga close sila! Tingnan mo kung makatingin si Jeremy maamong maamo sa kanya!"

"Baka sugar Mommy yan ni Jeremy!"

"Bakit naman kailangan ni Jeremy ng sugar Mommy e mayaman yan?!"

"Teka, diba Mommy yan ni Eunice?"

Tanong nya sa secretary ng principal.

"Oo, si Ms. Nicole! Bakit?"

"Tingnan mo kung anong ginagawa kay Jeremy!"

"Haay naku! Ayaw ko na lang magsalita pero isa lang ang masasabi ko, like mother like daughter!"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Ano pa, edi parehong naghahanap ng madatung na Papa!"

"Ohhh!"

Saktong papalabas ang grupo nila Teacher Erica ng madinig ang usapan ng mga staff.

Nagulat sya ng marinig ang pinag tsitsismisan ng buong admin office.

'Langya itong mga ito ang kakapal ng mukha! Mas mukha pa nga silang sugar mommy kesa kay Ate Nicole! At alam ng may mga bata dito ang lalakas ng boses kung magtsismisan!'

"Class bilisan nyong maglakad!"

Ayaw nyang madinig ng mga bata ang tsismisan.

Pagdating sa labas, nagulat syang biglang tumakbo palapit ang boys kila Nicole at naiwan si Mel at mga girls sa kanya.

"Mam Sorry po, Sorry din Eunice!"

Ito ang mga batang kumukuha ng video kanina.

"Hindi po namin binubully si Eunice pero minsan po tinutukso namin sya!"

"Ang babait naman ng mga batang ito!"

Tuwang tuwa naman ang mga boys lalo na ng hawakan ni Nicole ang mga ulo nila.

"Oh! Tingnan nyo! Pati mga Grade 8 boys! Tsk tsk tsk!"

Sabi ng mga tsismosa.

"Class go back to your classroom now!"

Sabi nito sa mga girls dahil baka kung ano pa ang madinig ng mga ito sa mga tsismosa sa paligid.

"Mel ibigay mo na ang bag ni Eunice sa kanya!"

"Boys tama na yan go back na!"

Sigaw nya

At nagpaalam na ang mga ito kay Nicole.

"Bye po Mommy ni Eunice!"

"Sister ang bag mo! Saka na lang tayo magkuwentuhan tungkol dyan oh..."

Sabay nginuso si Jeremy.

"Pero... "

"Mommy pwede ba natin isama si Mel ngayon... natatakot kasi ako e!"

Naiintindihan ni Nicole ang kinatatakutan ng anak. Baka si Mel ang pag buntungan nila ng bully ngayon.

"Teacher Erica, pwede ka bang makausap saglit lang!"

Sigaw ni Nicole.

"Sige ihahatid ko na kayo sa sasakyan!"

Sabay bulong kay Nicole.

"Huwag tayo dito pinagtsitsismisan kayo!"

Tiningnan ni Nicole ang mga staff at inismiran sya ng mga ito.

"Ate Nicole naman! Tara na please!"

At hinatak na nito si Nicole para maglakad.

'Pasalamat sila at kailangan kong dalhin si Jeremy sa ospital!'

Nang malayo layo na sila nagtanong na si Erica.

"Ano ba yun Ate Nicole?"

"Gusto ko sanang isama si Mel! Natatakot kasi si Eunice na baka paginitan sya ng ibang estudyante!"

"Ay, Mommy salamat po pero okey lang po ako!"

"Ang bait naman palang bata nito! Gusto kita!"

"Sige na Mel sumama ka na! Ako ng bahalang magsabi sa Mama mo!"

"Pero teacher..."

"Huwag kang magaalala, ako na ang magbibigay ng excuse sa ibang teacher mo!"

"Salamat po teacher!"

Habang nasa byahe papuntang ospital, Tumawag si Edmund sa kanya.

"Kamusta? Nakausap mo na ang principal?"

"Oo pero maya na tayo usap, kailangan ko munang dalhin si Jeremy sa ospital!"

"Bakit anong nangyari? Si Eunice?"

"Mahabang kwento Hon at okey lang ang anak mo dahil kay Jeremy!"

"May time ako! Ikwento mo na, makikinig ako! Anong nangyari kay Eunice?"

Pangungulit ni Edmund sa asawa.

Nagaalala ito sa anak at naiinis din sya dahil pinayagan nyang si Jeremy ang mag hatid dito kanina.

'Haay itong asawa ko, ang kulit sinabi ng si Jeremy ang dadalhin ko sa ospital!'

"Hon, mamya na tayo magusap nasa ospital na kami!"

"Teka..."

Tut.tut.tut

"Daddy mo ang kulit!"

Sabay tingin kay Eunice.

Pero, papipigil ba naman si Daddy Edmund?

Pagkababa ng cellphone agad itong tumayo at nagbilin sa secretary nya.

"I cancel mo lahat ng appointment ko, may emergency ako!"

"Sir, saan po kayo pupunta?"

"Sa ospital, nilusob ni Nicole si Jeremy at si Eunice!"

Kaya ng tumawag ang ka appointment nito ng lunch, iyon ang sinabi ng secretary nya.

"Sir, wala po si Sir Edmund, may emergency daw po, dinala si Jeremy at si Eunice ni Mam Nicole sa ospital!"

"HA?! Anong nangyari sa apo ko?!"

Lolo pala ni Jeremy ang kausap ng secretary.