webnovel

My Baby Maker (MayWard)

I only wanted a baby... But he wanted me and the baby.

walakabampira · Celebridades
Classificações insuficientes
41 Chs

Baby 38

"Hindi po..." hindi pa ako tapos pero nagsalita na sya agad.

"Hindi?! You mean you said no?! Anak alam ko naman na dating babaero ang anak ko pero mabait sya at katulad ng ama nya ay sigurado akong magiging loyal at faithful sya sa'yo kapag tinanggap mo sya!"

She's still talking and trying to convince me to accept her son.

I carefully look at the ring he gave me.

Umupo ako sa kama.

Sumenyas ako na tumabi sya sa akin and he did.

I look into his eyes.

"Mahal ko po ang anak nyo! And yes I love the ring that he gave me too!"

"Eh ayun naman pala mahal mo rin pala ang anak ko at nagustuhan mo rin ang singsing na binigay nya! Wait...you mean?"

Sandaling natahimik ang kabilang linya tapos tumili ang mom nya.

"Dad! She loves our son! She loves our Dominic!" rinig kong kausap nito sa asawa nya.

B POV

She looked into my eyes and said, "Mahal ko po ang anak nyo! And yes I love the ring that he gave me too!" sabay haplos nya sa pisngi ko.

Napangiti na rin ako.

At nakahinga na rin ng maluwag.

Thank God my mom is such a great businesswoman!

M POV

"Don't worry anak, bukas nandyan na kami sa Pinas at pupunta agad kami sa inyo para mamanhikan. Ayokong lumabas ang apo ko na hindi pa kayo nakakasal ni Dominic!  Sige anak pakibalik muna ang phone kay Dominic."

"Sige po..."

Nawiwindang ako sa mga kaganapan!

B POV

Inabot sa akin ni Mary Anne ang phone.

"Hello mom?"

"Okay na anak! Mukhang naconvince ko na rin si Mary Anne na tanggapin ka! I also told her na bukas na bukas din ay mamamanhikan na kami ng dad mo sa kanila. Kaya galingan mo ang paggawa ng apo namin ha! We love you!"

"Thanks mom! I love you both!" I ended the call after her at tinabi ang cp ko.

Nagulat ako ng makitang malungkot si Mary Anne.

"Hey what's wrong? May nasabi bang masama ang mom ko sa'yo?"

Tuluyan na syang naiyak.

Nataranta ako kaya agad ko syang niyakap.

"Shhh...tahan na Mommy Yan Yan..." paulit-ulit kong sabi habang hinahagod ang likod nya.

Maya-maya ay tumigil na rin sya.

Nagniningning ang mga mata nya sa luha.

"Tinawag nya akong anak...hindi ko naranasan tawagin ng nanay ko ng anak. " sabi nya sa pagitan ng mga hikbi.