webnovel

My Baby Maker (MayWard)

I only wanted a baby... But he wanted me and the baby.

walakabampira · Celebridades
Classificações insuficientes
41 Chs

Baby 37

B POV

Kunwari pilit kong kinakalas yung pagkakayakap nya sa akin.

"Napipilitan ka lang yata mommy Mary Anne...ayoko naman ipagpilitan yung sarili ko...but if you insist!"

Sa wakas ay humarap ako sa kanya.

I held her face.

"Wala ng bawian ha! Pakakasalan mo na ako!"

M POV

Saka sya ngumiti ng pagkalapad-lapad sa akin.

Shet

He manipulated me!

Loko 'to ha!

"Wait dyan ka lang!"

Iniwan nya ako sa kinatatayuan ko.

Habang hinihintay ko sya ay saka lang tuluyang nagsink-in sa akin yung ginawa nya.

Bakit ayaw mo ba?

Gusto!

Napangiti ako.

Saglit lang sya nawala.

Pagbalik nya ay humarap sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"I love you Ms. Mary Anne Enriquez!" sabay halik sa noo ko.

Pagkatapos ay humigit sya ng malalim na hininga bago nagsalita.

"This is not how I imagined I would do this but..."

"..baka mamaya magbago pa isip mo at hindi mo ako panagutan!"

Shet ako pa talaga?

Dahan-dahan syang lumuhod sa harapan ko at nilabas ang napakagandang singsing.

"Mary Anne Enriquez...I want you to be my wife and the mother of my children!" sabay suot ng singsing sa akin.

Hindi man lang ako tinanong!

Eh di ba nga kanina ikaw ang nagsabi na pakakasalan mo sya?

"Akin ka na ha? Mrs. Mary Anne Enriquez Barton. Mommy Yan Yan sa 50 baby sharks natin." sabi nya habang nakayakap sa akin.

50?!? Kaloka!

Pero teka bakit may singsing agad sya?

B POV

Kumalas sya sa yakap ko at pinaningkitan ako ng mata.

"Tell me the truth...saan nanggaling ang engagement ring na ito? Bakit meron ka na agad? Akin ba talaga ito?"

"Of course it is! I bought that before I asked my lawyer to make the marr... the contract!"

F*ck

Sana hindi nya napansin!

Sana hindi nya napansin!

Sana hindi nya napansin!

Paulit-ulit kong dasal sa utak ko.

Muntik na akong madulas.

She's still looking at me skeptically.

She was about to say something nang biglang nag-ring ang phone ko.

Sinagot ko agad.

Hindi ko na tiningnan kung sino yung tumatawag basta sinagot ko na agad.

"Hello?"

"Ano na anak? Tapos na ba ang proposal mo? Did she like the ring? She did accept it right?" excited na tanong ng mom ko.

"I don't know mom..." sabi ko habang nakatitig kay Mary Anne.

"What do you mean you don't know? Ibigay mo kay Mary Anne ang phone at ako ang kakausap sa kanya!"

I know my mom she won't take no for an answer.

Tinakpan ko muna ang phone ko bago tinanong si Mary Anne.

"My mom wants to talk to you...okay lang ba?"

"Huh? Bakit ako?"

Nakakahiya man pero tinanggap ko na rin ang phone ni Dominic.

"Hello po Mrs. Barton!"

Shet bakit parang ang jejemon ng pagkakasabi ko!

"Mary Anne...anak...hindi mo ba nagustuhan ang engagement ring na binigay ni Dominic?" tanong agad sa akin nito.

Kaloka!

Anak?!?