webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Urbano
Classificações insuficientes
101 Chs

Chapter 86 Bring back

"Dyoskong bata ka! bakit ka nagtago sa kabinet? akala ko kung napano kana!" nasapo ng nanay ki Yra ang dibdib nito dahil sa sobrang kaba dahil sa biglang pagsulpot ng bata.

"Kamuntik na akong mabaliw anak, dahil sa pag aalala ko sayo, wag mong uulitin yon ha!" sermon ni Yra sa anak na animoy naiintindihan ang nagawa nitong kaguluhan.

"pasensya na po kayo sa abala, pasensya na po!" hingi ng pasensya ng tatay nya sa mga tanod ng barangay na naabala nila sa paghahanap sa bata.

"Jion pasensya kana, hindi ko naman alam na nagtatago lang pala si Xymon sa loob ng kabinet ko, akala ko kase nawawala sya!" baling niya dito.

Kidnapped!!! nagpabalik balik sa utak ni Jion ang salitang iyon, anong kidnap? sinong nakidnap? nagsisimula nang sumakit ang ulo nya! bakit nakikita nya si Yra sa loob ng ng isang kubo habang may mga duguang tao sa paligid niya! ano ba to? bakit ganito? bakit umiikot ang paligid ni Jion? kaagad nyang nasapo ang ulo bago sya nawalan malay at bumagsak sa sahig, mabuti nalang at nasa malapit lang si Minjy kaya nadaluhan kaagad nito ang kaibigan.

Abot ang dasal ni Yra habang nakaupo sya sa tabi ng kama ni Jion. Sa isang ospital na sa maynila nila dinala si Jion, pinagtulungan itong maisakay sa helicopter ni minjy at ng mga tanod doon.

"He's got a confusions, dahil sa sitwasyon nya, ang biglang pagbabalik ng memorya ang dahilan ng pagkawala ng malay nya, hindi yun naproseso kaagad ng utak nya at masyado pa yung magulo para sa kanya, sa ngayun hihintayin nalang muna natin ang pagising nya para malaman natin kung nagbalik na lahat ng alala niya completely!" ani Doc Martin.

Bahagya namang nakahinga ng maluwag si Yra sa sinabi ng doktor, magandang balita iyon para sa kanya.

"Salamat po Doc."

"Ang talino ng anak mo Yra!" sabi ni Minjy sa kanya ng makaalis ang doktor, "buti naisipan nyang magtago! yun lang pala ang gagamot sa amnesia ng tatay niya."

"Jusko Minjy kung alam mo lang kung anong nararamdaman ko kanina nung hindi pa nakikita ang anak ko, baka hindi mo kayanin!" isinandal niya ang katawan sa pader para makakuha ng suporta dahil parang nawala ang lahat ng lakas nya sa katawan.

"Pero kung tutuusin, blessings in disguised ang ginawa ng anak mo! kung di dahil sa pagtatago niya malamang hanggang ngayun nangangapa pa rin sa dilim yang tatay nya." natatawang iling ni Minjy.

"Hindi pa naman tayo nakakasigurado kung bumalik na talaga ang lahat ng alaala nya."

"Anu kaba, kahit kapirasong parte lang nakaraan nya ang bumalik ang mahalaga may naalala sya tungkol sayo, keso wala diba!" pampalakas loob nito sa kanya.

Sabagay may punto naman si Minjy, kahit konting parte lang ng nakaraan nila ang maalala nito at mahalaga mag maalala iyo.

"Pero mas magiging masaya sana ako kung maaalala nya lahat," patuloy ni Minjy, "Sa tindi ng pinagdadaanan ng kumpanya namin ngayun, kailangan ko talaga ang full force nyang utak!"

"What do you mean may problema? may nangyari ba sa kumpanya nyo?" naguguluhang tanong niya dito.

"Actually, hindi ko alam kung dapat kong sabihin sayo to, kaya lang kase nasa matinding krisis ang kumpanya namin dahil sa milyon-milyong kita nito ang nawawala!"

"Nanakawan kayo?" gulat na tanong nya.

"Oo, nanakawan kami ng sarili naming empleyado! ang masakit pa nito, buo ang tiwalang ibinigay namin sa kanya dahil parang tatay na namin sya!" malungkot na sagot nito.

She felt sorry for them, lalo na kay Jion dahil nagsusuffer na nga ito sa amnesia nya, nanakawan pa ang kumpanyang pinaghirapan niya. "So pano na? maibabalik pa ba ang perang nawala sa inyo?"

"Sa ngayun hindi pa dahil nawawala pa yung primary suspect namin, pero ginagawa naman namin lahat para lang makita sya!" napabuntong hininga si Minjy matapos magsalita.

Tinitigan ni Yra ang natutulog na lalaki, sana talaga! sana talaga bumalik na ang lahat ng memory mo para hindi kana mahirapan! para matapos na lahat ng problemang ito!

Nang dumating ang pamilya ni Jion ay kaagad ding umalis si Minjy para bumalik sa opisina ng mga ito.

"Yra we are so glad dahil makakaalala na anak ko!" habang yakap yakap siya ni Mrs. Odette.

"Hindi pa naman tayo sigurado kung maaalala nyang lahat!" ani Mr. Lorenzo.

"Okey lang po tito, kahit hindi maalala ni Jion lahat ang mahalaga may maalala sya!" sabi nya sa matandang lalaki.

"Oo nga naman Lorenzo, hindi natin kailangan madaliin si Jion, pasasaan bat maaalala nya rin lahat, matutuloy rin ang kasal nila ni Yra." saad ng ginang.

Oo nga pala! kung hindi naaksidente si Jion ay siguradong naikasal na sila. Sana lang talaga!

"Alam mo hija, natutuwa kaming ikaw ang nakilalang babae ni Jion!" dagdag pa ng ginang.

"Salamat po tita!"

"Anong tita? mula ngayun mommy na itawag mo sakin kahit hindi pa kayo naikakasal ng anak ko, doon din naman pupunta iyon!" masayang sabi pa nito.

"Opo mommy!" naiiyak na sagot niya dito.

"Why are crying? may namatay ba?" sabay sabay na napalingon ang tatlo sa kama ng magsalita si Jion.

"Oh thanks Jesus!" nakahinga ng maluwag ang ginang na kaagad lumapit sa anak, "Are you okay?" tanong nito kay Jion.

"I do, but medyo masakit ang ulo ko, what happened to me? why am I here?" pinagaaralan nito ang paligid.

"Nagcollapsed ka kanina anak! kaya ka dinala dito." sagot naman ni Mr. Lorenzo.

Ah oo nga pala! naalala na Jion ang nangyari sa bahay nina Yra kanina, "Where's Xymon? okay lang ba sya? hindi ba sya na suffocate sa loob ng cabinet mo?" baling nito kay Yra.

Oh Diyos ko! naalala nya ang nangyari sa anak ko! "He's totally fine! di ko lang talaga lubos maisip bakit niya ginawa yun!" pinipigil ni Yra ang sariling tanungin ang lalaki kung nagbalik naba ang alaala nito.

"Ah good, akala ko talaga kung napano na ang batang yon, I was really worried! what?" His doe eyes gotten bigger dahil basta lang sila nakatingin dito habang nagsasalita ito, "May problema ba?"

Nagaatubili syang lumapit dito saka lakas loob na nagtanong, "May naaalala kanaba?"