webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Urbano
Classificações insuficientes
101 Chs

Chapter 73 Proposal

Kumakalat sa buong bahay nina Yra ang masarap na amoy ng niluluto nyang ulam habang hinihintay ang pagdating ni Jion, susunduin kasi sila nito para sa family dinner ng pamilya nito.

"Ayos gutom na gutom na ako!" pagpasok ni Denzel sa kusina dumiretso ito sa pagkuha ng plato, katatapos lang nitong maglaro ng basketball. "matagal pa ba yan ate?"

"Hoy bata, maghugas ka muna ng kamay

habang hinahango ko itong ulam!" aniya sa kapatid.

"Bakit kase ate nagluto ka pa, eh sigurado namang mas masarap ang mga pagkain doon kina kuya Jion?" kumuha na rin si Sabrina ng plato niya pagkatapos maghain.

"Syempre, nakakahiya naman kasing dumating ako don na walang dala!" bumili pa sya ng bagong glassware na lagayan ng ulam para dalhin sa bahay nina Jion.

Pagdating nila sa bahay ng mga magulang ay nandoon na sina Heshi at Juno pati na rin sina Cielo at Vince.

"Di ka sana nagabala hija, pero thank you dito ha, paborito ko tong inalamangan!" habang naghahanda sa mesa ang mommy ni Jion.

"Naku Ma, wag ka ng magkunyaring nahihiya ka kay Yra. Alam na alam naman naming lahat na yan ang gusto mo sa manugang, yung magaling magluto!" kantiyaw dito ni Cielo.

"Naku edi kailangan ko na palang magaral magluto!" ani Heshi habang nilalaro ang pamangkin.

"Wag mo ng pilitin hon!" saad naman ni Juno dito, "Baka sumabog ang kusina natin mahirap na!" Wala kase talagang talent ang bestfriend ni Yra pagdating sa pagluluto.

Napapangiti si Yra habang pinapanood ang bagong mag asawa na pinaglalaruan ang kanyang anak, ni sa imahinasyon ay hindi niya naisip na muling makakasama ang pamilya ni Jion.

"Iniisip mo na bang sundan si Xymon?" bulong sa kanya ni Jion. Pinandilatan nya kaagad ito ng mata.

"Mahiya ka nga! nasa harapang tayo ng pamilya mo!" ganting bulong din niya dito.

"Pamilya natin Yra!" bigla siya nitong hinalikan sa labi kaya napaurong sya ng bahagya.

"You two, get a room please! Alam niyo namang may single dito tapos ganyan kayo!" nakangusong sabi ni Cielo sa kanila.

Napuno ng halakhakan ang komedor ng mga Guia, "Bakit kase ayaw mo pang mag hanap ngapapangasawa at ng tapos na ang usapan Princess!" sabi naman ni Mr. Lorenzo sa anak.

"Dad, gusto ko na nga sana kaya lang wala talaga eh! lahat ng nagiging boyfriend ko ay iniiwan ako sa ere, panong gagawin ko!" lalong lumukot ang mukha ni Cielo.

"Ahm speaking of that!" tumayo si Jion para makuha ang atensyon ng buong pamilya nito. "I would like to make an announcement!"

Napatingala naman si Yra sa Nobyo, ano kayang i aanounce nito? lahat ng tao roon ay nakaabang sa sasabihin nito.

"Ahm ano, kinakabahan ako!" napahawak pa sa dibdib si Jion hindi maituloy nito ang sasabihin. tumingin pa ito kay Yra bago muling nagsalita. "I would like to say, magpapakasal na ako! I mean magpapakasal na kami ni Yra, kung papayag sya!"

"Huh!?" napatanga naman siya sa sinabi nito, bigla tuloy kumunot ang noo niya.

Nanatili namang tahimik ang mga kapamilya nito habang hinihintay ang sagot niya.

"Son Jion!" tawag dito ng ama na basag sa katahimikan doon. "Nagpo proposed kaba kay Yra ngayun?"

"Opo dad!" sagot ni Jion sa ama.

"Oohh!" Sabay sabay na napakamot sa ulo ang tatlong lalaking naroroon.

"Bakit? may problema ba?" takang tanong ni Jion sa mga ito.

"Ahm anak hindi ka man lang ba nag research sa internet kung pano ang proper way ng proposal?" tanong dito ni Mrs. Guia

Si Yra naman ay hindi pa nakakabawi sa pagkabigla dahil sa sinabi ni Jion. "Jion baka gutom kalang kumain ka muna!" sabi niya dito. Napatingin nalang siya sa direksyon ni Heshi.

"Palagay ko hindi naman kailangan sumagot ni Yra kung hindi pa sya handa!" sabi ng kuya Juno nito. "Its okey Yra, you can take your time."

"Kuya Jion, wala ka man lang bang ka romantikuhan sa katawan? hindi ka man lang naghanda ng bongga o kaya naman ay nag speech! kase kung ako kay Yra hindi kita pakakasalan kung ganyan mo lang ako tatanungin." ani Cielo dito.

Napakamot naman ng batok si Jion, wariy nagiisip kung tama ba o mali ang pagkaka alok nito ng kasal kay Yra. Dumako naman ang paningin ng lahay sa kanya ng tumayo sya.

"Jion magusap muna tayp sandali!" sinenyasan ito ni Yra para sumunod sa kanya. Ng makalayo sila sa pamilya nito ay saka nagsalita si Yra. "Ano bang sinasabi mo? bakit bigla ka nalang magsalita ng ganon sa harap ng mga magulang mo?"

"Yra im sorry kung nagulat ka sa sinabi ko, kaya lang yun talaga ang nararamdaman ko eh! gusto talaga kitang pakasalan." sagot nito sa kanya.

"Sigurado kaba sa sinasabi mo? kase kanina eh para mo lang akong niyayakag mamasyal sa kung saan eh!" nagdududang tanong niya dito.

"Yra alam kong hindi tama yung paraan ko ng pag poproposed, kaya lang ayoko ng magisip ng kung ano ano dahil sa dami ng nangyayari at pinagdadaanan natin, ayoko na tong patagalin."

Para namang naumid ang dila ni Yra, hindi nya alam ang tamang sabihin kay Jion. Sino ba naman ang hindi ma bablangko ang utak sa sinabi nito?

"Yra, okey lang naman kung hindi kapa sasagot ngayun, maiintindihan ko!"

"Oo Jion!"

"Huh!? " Ito naman ang napanganga sa kanya!

"Ang sabi ko Oo Jion, magpapakasal ako sayo." ulit niya dito

"Talaga!? seryoso ka?" di makapaniwalang tanong nito.

"Bakit parang hindi ka naniniwala? Magpapakasal ako sayo Jion, at hindi na kailangan ng magarbong preparasyon para don!" she cant help but smile.

Yass!! bigla siyang niyakap ni Jion ng mahigpit! kahit hindi maganda ang style ng proposal nito ay okey lang kay Yra, ang importante sa kanya ay kagustuhan nitong mapakasalan sya. Dinukot nito sa bulsa ang isang itim na velvet box at kinuha roon ang engagement ring at isinuot sa kanyang daliri bago hinalikan iyon.

Para kay Yra hindi man nakakakilig ang proposal nito okey lang basta makakasama na niya habambuhay si Jion at magiging tunay na pamilya na sila kasama ang anak nilang si Xymon.