webnovel

IT’S A TRAP

Artemis' POV

Kinabukasan iniwan ko muna sa kamay ni Arlene ang tindahan dahil babalik din naman ako agad. Ang sabi ko kay Jane ay sa Jollibee na lang kami maghintayan. Pero walang Jane na nagpakita sa halip ang kakambal pala nito ang pinadala at sinabing susunod na lang daw siya. Pinagkakaisahan ako ng dalawang ito, bakit hindi ko agad nasisip na possibleng isabotahe nila ang lakad.

"Baka nagugutom ka na, if you want, I'll get something for you."

Gutom na nga talaga ako! Wala akong nagawa kundi sabihin ang gusto kong pagkain. Umorder din siya ng kanya kaya sabay kaming kumain. Tahimik lang kami sa lamesa magkatapat lang kami ng upuan pero parang isang milya ang distansya namin. Nang matapos kami kumain nabungaran namin si Jane, malaki ang pagkakangiti ng babaita.

"I'm sorry for coming late, anyway let's go. May I remind you Junie boy, it's girls time, go chopee."

Sumunod naman ito sa utos ng kakambal niya. Pagkaalis ni Jun ay dinala ako ni Jane sa starbucks.

"I will ask some question, but if you don't like to answer— its ok," ani Jane.

Nag-order siya ng tig-isang frappe bago sinimulan ang tanong niya. Nahihiya naman akong hindi sumagot baka sabihin niyang mataray ako. Kahit papaano gusto ko rin naman makaranas na magkaroon ng kaibigan. Maliban sa ate ko naalala ko pa nga noong nag-aaral ako ilag ang mga schoolmate ko sa akin dahil daw suplada ako kaya nga lagi lang akong mag-isa.

"What do you think about my brother?" Napaubo ako sa unang tanong niya.

Ano nga bang tingin ko kay Jun?

Noon ang alam ko ay mabait siya sa lahat mapababae man o lalaki hindi gaya ko palakaibigan siya. Pero hindi ko pa rin siya ganoon kakilala dahil nga hindi ko naman siya pinapansin noon kahit na buntot siya ng buntot sa akin....Ngayon? Mas lalong hindi ko na alam dahil sa loob ng dalawang taon possible maraming nagbago sa kanya.

"I think he's still the same gentleman." Pinagisipan ko nang mabuti at iyon nga ang pumasok sa isip ko.

"Do you have a boyfriend these past years?"

Umiling lang ako totoo naman kasing wala akong naging boyfriend at hindi rin ako tumatanggap ng manliligaw. Natatakot kasi ako na baka kapag nahulog na ako ay biglang parang bola na lang na mawala.

Gaya ni Jun na kung kelan nasanay na ako na araw-araw may nangugngulit sa akin sa school noon bigla naman siyang nawala. Ni hindi man lang niya nagawang kontakin ako sa loob ng dalawang taon. Kung kailan handa na akong ipakilala siya sa pamilya ko bilang manliligaw.

"Last question, does he have a chance?"

"I'm not sure, but I'll let you know my decision."

Ngumiti lang siya at pagkatapos ay hinatid niya ako pabalik sa tindahan. Hindi na siya pumasok sa loob, talagang hinatid lang niya ako. Pagpasok ko sa loob ay kinuyog agad ako ni Arlene, napansin ko na may bitbit siyang bouquet ng bulaklak.

"Sabi ko na eh, tama ako eh! kinikilig ako, ma'am!" Nagtatalon pa siya.

"Halata naman eh, ano yan? Bigay ni Drake?" Tukoy sa flowers na bitbit niya na malamang galing sa boyfriend na si Drake.

"Sa'yo toh maam, dumaan si sir Jun kanina."

Sa'kin? Nanginginig ang kamay ko nang iaabot sa akin ni Arlene ang flowers.

"Huwag mong sasabihin kahit kanino ito, lalo na kay ate." Paniguradong aasarin lang ako ng ate ko kapag nalaman niya. Wala na sira na ang tahimik kong buhay.

"Okie dokie!" wika ni Arlene habang nakataas ang kanang kamay.

"Ma'am meron pa pala, ito oh may sulat pa tapos may gift pa." Inagaw ko agad ang sulat.

Napangiti ako ng mabasa ang laman ng sulat. Ang aga niya naman bumati samantalang sa sunod na linggo pa ang birthday ko. Kinalog-kalog ko ang regalo, napangiti ako. Hindi pala niya nakalimutan ang birthday ko, ito nga may advance gift siya para sa akin. Kahit kailan hindi ko siya inimbitahan sa bahay pero nageefort pa rin siya magregalo.

"May ngumingiti nang mag-isa," panunudyo ni Arlene.

Ibinalik ko sa typical ang ekspresyon ng mukha ko. Pero parang wala ng epekto hindi man lang natinag si Arlene sa pangaasar. Talagang sinusundan pa ang bawat lakad ko.

"Kayo na, ma'am?" Pangugulit ni Arlene.

"HINDI PA!" Sigaw ko, the heck?! Lalo lang tuloy akong inalaska ni Arlene sabi ko nga dapat tinitikom ko lang itong bibig ko.

"Si ma'am naman pinapatagal mo pa, good catch na yun si sir!"

Sinamaan ko siya ng tingin sa halip na manahimik ay nagawa pa nitong kumanta.

"Pag-ibig na kaya pareho ang nadarama

Ito ba ang simula di na mapipigilan

Pag-ibig nga ito sanay di—"

"Baka umulan wala akong payong," pagkontra ko sa kanta niya, then suddenly napapasipol na ako at ang tuno...walang iba kundi ang kinakanta ni Arlene.