webnovel

Ms. Z & Georgette (GGIS #2) (Filipino)

Girls-Gays Inlove Series Series #2 Zaber (Ms. Z) Walker & Georgette Smith

Aybeeming · Urbano
Classificações insuficientes
15 Chs

Chapter 6

Kakalabas ko lang ng banyo noong marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Napangiti ako agad, thinking it was Markie who texted me.

Nagtext nga si Markie. Pero aside sa kanya ay may iba pang nagtext sa 'kin. Agad tuloy akong napangiwi ng makita ang number na kahit dinelete ko na sa contacts ko ay saulado ko pa din. May tatlong texts na pala siya, tig 10 minutes ang pagitan.

09*********: You seemed happy with him, huh?

09*********: Hey.

09*********: Can you come to my house? I have something to tell you.

What the hell?

Ano siya? Sineswerte? Ako pa talaga ang pupunta sa bahay niya? Wala na akong pakialam sa kung ano mang sasabihin niya!

At dahil nabasa ko na 'yon kahit hindi ko na buksan ang texts niya ay agad ko ng pinindot ang clear all. Then I went to the block numbers list and without second thoughts added his number there.

Ano bang pakulo niya ngayon? Seriously? Nagawa niya na akong itext huh? Ngayon pa talaga kung kailan kinakalimutan ko na siya? Kung kelan suko na ako?

Letche siya!

Kung ako pa din 'yong tangang Georgette days ago, malamang ay mangingisay na ako sa kilig! Magtatatakbo din ako papunta sa bahay niya kahit hindi pa ako nakabihis! Natupad ang dalawa sa mga pangarap ko eh! Na magtext siya at kusa niya akong yayain sa bahay nila.

Pero sorry siya! I'm on the process of moving on, now! Kaya bahala siya sa buhay niya!

I was still fuming from too much anger habang nagbibihis na ng pantulog ng biglang umalingawngaw ang ringtone ng phone ko. May tumatawag. Its an unknown number at hindi na 'to 'yong number ni ano.

Nagdadalwang isip pa talaga akong sagutin 'yon kasi pilit ko pang inalala kung baka kakilala ko at hindi ko lang nasave ang number. Pero dahil hindi ko nga talaga kilala ay hindi ko na lang sinagot 'yon at hinayaan ng matapos ang tawag at maging missed call. Baka prank call na naman eh.

I continued dressing up and did my usual night routine before I lied down on my bed.

Napabuga pa tuloy ako ng hangin. Masaya na kaya ako kanina. I didn't even glance on the house in front of ours dahil ayokong masira ang gabi ko. Tapos bigla'y magpaparamdam pa ang taong 'yon.

Tss.

Naisipan ko na lang magreply sa text ni Markie kanina para makapag goodnight na din. Napangiti na tuloy ulit ako ng agaran din siyang nagreply sa text ko. Inaabangan niya ah.

Napapakagat-labi pa ako kaso bigla na lang din nagulat nang may tumawag ulit. 'Yong number pa din kanina.

"Kay Markie ba 'to?" Nasabi ko sa sarili dahil baka nga other number 'to ni Markie.

Baka nga siya 'to. If prank call eh 'di, blocked ko na lang.

Kaya kahit nagdadalwang isip pa din ay wala na 'kong nagawa kundi sagutin 'yon.

Ang tahimik ng sa kabilang linya at kahit ilang seconds na ang nakalipas ay wala pa ding nagsasalita.

Baka nga prank call.

"Hello?" Parang tunog inis kong sabi.

Then I heard a loud sigh on the other line.

"Georgette."

Agad na lumaki ang mga mata ko pagkarinig ko sa boses. Kilala ko 'yon! Walang salitang mabilis ko ng pinatay ang tawag.

Damn it!

Its him! I know its him! Why is he calling me?! What the hell does he want from me?

Kinakausap ko pa ang sarili ko ng biglang nagring ulit ang phone ko. Same number. I immediately canceled the call before I quickly added it to the block list.

Ano pa ba ang gusto niya? Why can't he just let me be? Total sumuko na ako ah. Hindi na ako nangungulit sa kanya tapos siya naman 'tong ngayon ang nagpaparamdam sa 'kin!

Its funny how things suddenly changed, huh?

Tss!

Kung alam ko lang na ganito ang gagawin niya kung iiwasan ko siya eh dapat dati ko pa pala ginawa.

Huh? Anong ibig mong sabihin, Georgette? Kung ganito nga gagawin niya eh 'di magiging masaya ka? Kikiligin ka? Dahil parang feeling mo ay ikaw naman ang hinahabol niya? Ganoon?

Arghh! Sarap kastiguhin ang pag-iisip ko talaga!

Erase, erase, erase! Umalis ka na sa sistema ko please lang!

Enough is enough, right? Tama na 'yong mga sakit na naranasan mo sa kanya! You're already on the process! So just stick to your goal of moving on!

"We have a practice game later, Georgie ko. Nood kayong tatlo, please?" Malambing na pag-anyaya sa 'kin ni Markie habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria ng school.

Magkatabi kami ni Markie sa mahabang upu-an. Nasa iisang mesa lang kami nina Japer, Chloe at Christine, habang nasa kabilang mesa naman ang mga kagrupo ni Markie.

"Oo nga. Nood kayo, Chloe." Sabat ni Jasper na katabi ni Chloe.

"Pwede rin.." Sabay naming sabi ni Chloe na siyang ikinangiti naming dalawa.

"Jinx!" Ulit din namin ng sabay bago nagtawanan at nag-apiran pa.

Ang babaw lang ng kaligayahan namin.

Minsan napapaisip nga ako na baka kakambal ko talaga si Chloe. She's like my sister from another mother and father. Ganern!

Kaya nga sobrang nasiyahan talaga ako noong makilala ko siya at si Christine. I found my true friends na tinuturing ko na talagang mga kapatid ko kahit hindi kami magkakadugo. I guess I should say thank you to the ones who hurt us three, huh?

Napangiti naman ang tatlong kasama namin sa mesa sa inasta namin ni Chloe. Kaso bigla din nalungkot ang mukha ni Christine at napadapo ang tingin niya sa bandang likod ko.

Alam ko na kung sino ang tinitingnan niya. Hay naku.

"Christine, sama ka din girl, ha?" Sabi ko habang tinititigan ko siya ng maigi.

"I can't eh.. Pasensya na. May early family dinner mamaya.."

"Ah.." Nasabi ko na lang at nakaramdam ng awa sa kaibigan namin.

Hindi talaga siya pwedeng lumiban sa dinner ng pamilya nila. When she says family dinner ay kasama na doon ang family ni Christopher. She envied me and Chloe dahil magagawa nga naming iwasan ang dalawa. Habang siya ay patuloy pa ding nasasaktan dahil sa pag-ibig.

Noong natapos na kaming kumain ay sabay din kaming lahat tumayo para makahanda na sa susunod na klase. Alam kong nandoon lang sa bandang likod ko ang mesa nina ano kanina at dahil dinig ko pa din ang matinis at makabasag eardrums na boses ng lider nila ay alam kong nandoon pa din sila.

Well, whatevs.

I just hope hindi na niya uulitin ang pagparamdam niya sa 'kin kagabi. I hope he already took the hint na ayaw ko nga siyang kausapin at iniiwasan ko na nga talaga siya. Dapat ikasaya na niya 'yon ngayon, dahil sumuko na nga ang tangang katulad ko.

"Mamaya ah, Georgie ko." Ulit pa ni Markie noong nasa malapit na kami sa classroom namin ni Chloe.

"Oo. We'll watch, Markie." Sabi ko sa kanya ng nakangiti bago ako tuluyang nagpaalam sa kanya para makapasok na sa loob ng classroom.

"Mag-CR muna ako, girl. Sasama ka?" Sabi ko pagkatapos kong ilapag ang bag ko sa upuan.

I grabbed my small pouch inside that contains my toiletries.

"Susunod na lang ako, girl. I-dodouble check ko muna ang mga sagot ko sa homework natin. Parang hindi pa ako kuntento eh." Sabi niya.

"Alright! Wait kita doon. Sa Engineering lang ako para wala masyadong tao." Pagpaalam ko sa kanya at tumango naman siya bilang tugon.

Noong palabas na ako sa classroom ay siya ding pagdating nina ano. Completo silang lima. Agad na akong umiwas sa daanan nila and pretended that I didn't see him at all. Kahit na ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya. I know he, or rather she's looking at me, lalo pa't tumatayo nga ang balahibo ko sa batok.

But wait, sino nga siya ulit? I don't know him.

"Iniiwasan ka na niya Miss Z?!" Dinig ko pang boses noong napakaarteng inahin nila. Parang manghang-mangha pa.

Whatever! Pinilit ko na talagang hindi paganahin ang pandinig ko. Ayokong marinig ang boses niya. "She" doesn't exist in my world anymore.

Noong nakarating ako sa banyo ay agad ko ng sinimulan ang pagfreshen-up ng sarili. Kaya nga gusto ko talaga dito sa Engineering building, dahil malinis talaga at wala masyadong tao kahit ngayong lunch break. Ngayon nga ay mag-isa lang ako dito sa loob. Bilang lang din kasi ang mga babaeng Engineering students.

Pwede ko din sanang gamiting ang banyo sa office ni daddy, kaso ayoko doon. Malulungkot lang ako dahil wala naman sila doon. Tanging ang sekretarya lang niya ang nasa bungad ng office niya. Minsanan lang naman talaga silang pumupunta dito sa school, usually kapag may mga importanteng events lang.

My parents are currently abroad. Mas madami pa talaga silang time sa negosyo nila kaysa sa aming mga anak nila. Pero naintindihan ko naman 'yon. Mas okay na din na naging busy sila sa pagpapayaman kaysa naman maulit 'yong pag-aaway nila dati na muntik ng umabot sa hiwalayan.

With the help of their growing business ventures ay mas naging malapit ang mga magulang ko sa isa't-isa. They help each other all throughout at ang lahat ng achievements and success na natanggap at naabot nila ay malaking tulong para maging matibay at matatag ang pagsasamahan nilang dalawa bilang mag-asawa.

I let out a sad smile as I remembered my kuya. Kahit siya kasi ay naging busy na din. Sinusunod na din niya ang yapak nina daddy at mommy. Pero naintindihan ko naman talaga lahat. Once I graduate, I too, will also follow their footsteps, anyway. Paulit-ulit pa namang sinabi ng mga magulang namin na para din sa amin ang lahat ng pera, ari-arian at negosyo nila. Kami din dalawa ni kuya ang magmamana. Kaya nga tama lang ang pinili kong course na ginaya ko lang naman talaga kay ano.

Tss. Naisali na naman siya sa pag-iisip ko. Erase!

Kasalukuyan na akong nagtotoothbrush ng muntikan na akong nabulunan sa gulat dahil sa biglaang pagbukas ng pinto ng banyo. Ang rahas ng pagkabukas eh!

"Girl!" Natatawang sabi ko pa habang yumuyuko para idura na ang nabulang toothpaste sa bibig ko.

Akala ko talaga si Chloe eh or kung hindi man siya ay baka babaeng estudyante din. Total ay girl's CR nga 'to pero napamaang na lang ako ng paglingon ko pakaliwa ay makita ko ang bulto ni ano.

"W-What are you-" Nauutal na tanong ko sana pero natigilan ng bigla niyang nilock ang pinto.

I really don't know how to react! I'm totally shocked to the core! Like why is he here? And bakit niya nilock ang pinto!

Mas lalo akong hindi nakapagsalita noong mabilis siyang nagmartsa patungo sa direksyon ko! Galit na galit ang itsura niya.

Am I hallucinating or something? May drugs ba 'tong toothpaste na ginamit ko?

Noong isang dangkal na lang ang layo ko sa kanya ay doon lang ako natauhan. Agad kong tinaas ang mga kamay ko kahit na hawak ko pa ang toothbrush ko sa kanang kamay.

"H-Hey-"

"Why did you block my number?!" Singhal niya sa 'kin pagkatapos niya ikulong ang katawan ko sa sink. His hands are resting on each side pero may space pa naman sa gitna namin dahil nga sa mga kamay kong nakaangat, kaso he's literally towering over me.

"A-Ano bang pakialam mo! Sino ka ba?! Paano mo nalamang nandito ako?! Umalis ka nga dito!" Tuloy-tuloy kong pagsinghal sa kanya pabalik bago tinulak ang dibdib niya palayo sa 'kin. Pero kahit anong gawin ko ay hindi man lang siya natinag sa pwesto.

Feeling ko napaso ang mga palad ko sa patuloy na pagtulak sa kanya kaya mabilis kong binaba 'yon at ginamit na lang ang kanang balikat ko para itulak siya.

"Get away from me! At pang babae ang CR na 'to! Ano? Nagpasex change ka na ba kaya feeling mo pwede ka ng makapasok dito?! Layo!" Sabi ko at paulit-ulit na tinulak siya pero natigilan naman ako ng bigla siyang tumawa ng malakas.

Napamaang akong napatitig sa mukha niyang namumula na sa kakatawa, bago siya napangisi ng nakakaloko.

"You wanna see if I did undergo with that kind of surgery? Hmm, Georgette?" Malanding sabi niya na nagpatindig ng balahibo ko.

I even felt him brushing his thing on my stomach! Its hard as steel! Then biglang nagflashback sa isip ko ang gabing nakita ko ang ano niya in the flesh!

The fuck!

"Bastos!" I shouted at him before I tried to slap him pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at pinaikot 'yon patalikod.

I tried to slap him again with my free hand pero ganoon din ang ginawa niya.

"Let go of me! Fuck you!" Sigaw ko sa kanya at mas lalong nagalit ng ngumuso lang siya.

"Gagawin ko ang una mong sinabi kung makikipag-usap ka sa 'kin ng maayos. Pero gagawin ko ang huling sinabi mo kung tatanggihan mo ako." He even grinned wickedly habang sinasabi 'yon.

Ano daw?! Ano to? Tomboy na siya?! Ba't parang nag-iba na talaga ang ihip ng hangin ngayon?! End of the world na ba?! Pero mas nanaig na talaga ang galit sa puso ko! Wala na 'kong panahong makipaglokohan sa kanya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan! At ano ba?! Hindi tayo talo! Bakla ka! Just let me go, you fucker!" I shouted at him again pero tinawanan lang niya ako ng malakas.

Tangina niya!

"Fine! Don't chase me if ever you get pregnant, alright? Hinding-hindi ko naman aakuin ang dinadala mo. Just wanna warn you of the probable consequence because of what happened between us that night. 'Yon lang naman ang gusto kong pag-usapan natin, dahil gusto kong uminom ka ng pills as precaution. I don't have any plans of becoming a teenage mom, anyway." Madramang sabi pa niya at umiling-iling.

I was about to spat some hurtful words at him pero nagpatuloy pa siya.

"But since wala naman din sa 'yo yun eh 'di okay. Just remember what I said and don't you ever tell anyone about what happened. Masisira mo pa ang dignidad ko bilang bakla." Maarteng boses na dagdag pa niya bago ako binitawan at tuluyan ng umalis at iniwan akong mag-isang nakatulala sa loob ng banyo.