webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Classificações insuficientes
463 Chs

Kabanata 22

Sa Ladies Comfort Room,

"Knock...knock..."

Kevin: Baby sis, sila kuya ito ayos ka lang ba?

Kelly: Kayo lang?

Kian: Oo ano kaya mo bang lumabas?

Keith: Babysis ano? Bakit di ka nasagot.

Kim: Sinundan mo agad ng tanong eh paano sasagot yan. Bungol!

Kelly: Medyo masakit ang puson ko kaso may ano...yung ano...

"Anong ano ga?"Anila.

Kelly: Ang ingay niyo naman eh wala bang tao diyan?

Kevin: Wala lumabas na kaya nakapasok kami dine.

Kelly: Kuya, may red spot kasi yung short ko pano ko lalabas?

Kian: Sigh...may extra ka bang dalang short o pants?

Kelly: Wala eh kaya nga tinext ko si kuya Kevin.

Nagbubulungan yung apat "Paano anong gagawin natin?"Ang sabi ni Keith.

Kim: Kevin ano?

Kevin: Sandali nga lang bro.

Kian: Teka, sino sa inyo may coat?

Kelly: Kuy's andiyan pa kayo?

"Oo."Anila.

Kelly: Anong gagwin ko kuya? Ayokong lumabas nakakahiya yung short ko.

Kian: Kumalma ka lang okay? Wag kang mag-alala andine kami ng mga kuya mo.

Kelly: Opo salamat.

Kevin: Wala naman sating naka coat.

Kian: Tsk...panyo? Me dala kayong panyo yung malaki?

Kim: Ahhh...ako meron.

Kinuha ni Kim at binigay kay Kian "Okay ayos na ito."Aniya.

Keith: Anong gagawin mo bro?

Kian: Ilalagay ko sa likod ni Kelly para di makita yung red spot niya tapos buhatin nalang natin siya.

Kevin: Sige ako ng mag bubuhat sakaniya.

Kian: Okay, tapos Keith ikaw ng bahala mag explain bayaran mo na rin ang meal nating lahat.

Keith: Oo sige.

Kian: Ikaw naman Kim dalhin mo ang bag ni Kelly.

Kim: Noted bro.

Kian: Tapos ako ng bahala mag ayos dito sa c.r ng mga babae.

"Rogger."Anila.

Kelly: Kuy's?

Kian: Baby, kaya mo bang lumabas?

Kelly: Opo pero ang sakit na talaga ng puson ko.

Kevin: Okay lang yan uuwi na tayo tumayo ka na diyan at lumabas understand?

Kelly: Opo.

Samantala,

Dave: Bakit wala pa sila ayos lang kaya si Kelly? At ano yung red alert?

Ethan: Sige diyan lang kayo sisilipin ko sila.

"SANDALE!!!" Ang pasigaw na sambit ni Mimay.

Ethan: Ha? Bakit?

Mimay: Ah...eh...sa tingin ko kaya na nila po yung magkakapatid

Patrick: Pero kaina pa sila doon baka na paano na si Kelly.

Mimay: Alam niyo guys may mga bagay na tanging mga babae at magkakapatid lang nagkakainindihan kaya kalma lang.

Sa isip-isip ni Mimay "Sa pagkakaalala ko may period ngayon si Kelly kaya nag pasama siya kanina sa c.r sa Orphanage kaya di ko hahayaang madiskubre nila sigurado akong mahihiya si Kelly girl."

Vince: Ha---ha---ha...tama si Mimay kumain nalang tayo maupo ka na senior.

Ethan: Pero...

Vince: Ayos lang yon andun naman na sila kuya Kian kaya solve na yon.

Sa isip-isip ni Vince "Sa pagkakaalala ko nangyare na ito dati nung nasa Batangas kami at kaarawan ng pinsan namin nila Kelly narinig ko na rin yung "Red alert" na yan kung hindi ako nagkakamali "menstruation" yon. Tsk...buti nalang at naging lalaki ako."

Harvey: Oh ayan na sila...Eh? Bakit buhat-buhat na ni nurse Kevin si Kelly?

Napatayo silang lahat at nung nakalapit na sila Kevin "Guys, pasensya na pero kailangan na naming iuwi si Kelly." Ang sabi ni Kevin.

Ethan: Ha? A---ayos lang ba sya?

Kim: Oo ayos lang sige mauna na kami sa inyo.

Keith: Wag na kayong mag-alala bayad na yung meal.

Kian: Sige ingat kayo pag-uwi sorry di na kami makakasama sa inyo bro.

Ethan: Si---sige ayos lang pero si Kelly....

Patrick: Ayos nga lang daw di ba?

Napatingin si Kian kay Patrick habang papaalis "Ingat po kayo." Ang sambit nila Vince.

Waiter: Sir, eto po yung resibo.

Ethan: Sa----salamat.

Patrick: Dude, umuwi na rin tayo.

Dave: Ha?

Patrick: UUWI NA TAYO!

Dave: O---Oo sige.

Mimay: Uuwi na kayo?

Patrick: Mauna na kami sa inyo may dadaanan pa kami.

Vince: Bakit di nalang kayo sumabay andiyan pa naman yung Van ng DLRU.

Harvey: Oo nga mamaya na kayo umuwi.

Patrick: DAVE!!!

Dave: Ah---ha---ha---ha...sige mauna na kami sa inyo mga dude.

"O---Oh sige."Anila Mimay.

Harvey: San pa kaya pupunta yung dalawang yun.

Mimay: Ma at Pa.

Vince: Ano?

Mimay: Malay ko at Pakialam ko?

Ethan: Ah..sige mauna na rin ako sa inyo.

Vince: Ha? Pero senior.

Ethan: Bayad naman na yang meal kung gusto ni i-take out niyo nalang kailangan ko na ring umalis. Sige...

Vince: Senior!

Naupo na si Mimay "Bahala kayo diyan basta ko kakain pa."Aniya.

Harvey: Iba ka rin eh noh? Di ka man lang ba nag-aalala kay Kelly?

Mimay: Binge ka ba? Sabi ng mga kuya niya ayos lang sya tsaka "girls problem" yon wag na kayong makiusyoso pa.

Vince: So tama hinala ko?

Naupo na rin si Vince "Alam mo yung red alert?" Ang tugon ni Mimay.

Harvey: Ano yon?

"Wala ka na don."Anila.

Harvey: Tsk!

Kinaumagahan,

"Knock...knock..."

Kevin: Baby? Gising ka na ba?

Kelly: Oo kuya pero nakahiga pa ako.

Kevin: May dala akong lugaw kumain ka na muna.

Kelly: Sige pumasok ka na.

Kevin: Okay.

At pumasok na nga si Kevin "Ayos ka na ba?"Aniya.

Kelly: Medyo salamat nga pala sa inyo nila kuy's.

Kevin: Ayos lang yon ikaw pa ba?

Kelly: Nga pala sino yung dumating kagabi?

Kevin: Ah...si Ethan pero wag kang mag-alala di namin sinabi ang kondisyon mo.

Kelly: Sigh...thankyou bro.

Kevin: Oh sya kumain ka na.

Kelly: Okay.

Kevin: Nga pala, sila kuya Kian at kuya Kim nasa palengke may ipapabili ka ba?

Kelly: Um...wala naman.

Kevin: May stock ka pa ba ng pads mo?

Kelly: Eiii...kuya!!!

Kevin: Oh eh bakit naman? Nurse ako at kuya mo bakit ba nahihiya ka?

Kelly: Tsk...eh kasi syempre ah basta...lumbas ka na nga lang muna.

Kevin: Oh siya sige tawagin mo ko pag may kailangan ka ha? Inumin mo yung gamot mo okay?

Kelly: Yeah...si kuya Keith pala?

Kevin: Ahhh...maaga pupunta ng Bulacan.

Kelly: Ha? Bakit?

Kevin: Ewan ko bigla atang natauhan pupuntahan si ate Faith.

Kelly: Oh? Nyare? Kala ko ayaw siya makita?

Kevin: Di ko nga alam sige na magliligpit muna ako ng pinggan tawagan mo si mama kinakamusta ka.

Kelly: Okay.

Pagkaalis ni Kevin kinuha ni Kelly ang telepono niya "Hala! May 100miscall na si mudrakels."

Tinawagan niya agad ang nanay niya "Hello ma?"

"Nasan ka? I-videocall mo."

Kelly: Ah...o---opo.

"Oh...ayan nakikita ko na kayo."

"Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang tumawag?"Si Keilla ang nanay nila Kelly.

Kelly: Kagigising ko lang po ma sorry.

Keilla: Kamusta masakit pa ang puson mo? Nakwento sakin ng mga kuya mo.

Kelly: Di na po gaano bearable na.

Keilla: Buti naman wag kang kakain ng malalamig o iinom ha?

Kelly: Yes Boss.

Keilla: Nga pala, ang mga kuya mo nasan?

Kelly: Si kuya Kian at kuya Kim nasa palengke raw po Sunday po dine eh tas si kuya Kevin nagliligpit po ng pinggan tapos si kuya Keith nasa Bulacan.

Keilla: Ano? Bakit nasa Bulacan? Anong ginagawa doon?

Napahinto si Kelly at napaisip "Tsk...di pa nga pala alam ni Mama yung kay ate Faith."

Keilla: Bunso?

Kelly: Ah...eh...inimbitahan po ata sya doon ng mga tropa niya uuwi din raw po ngayong araw.

Keilla: Ahhh...ganun ba sabihn mo magpapaalam sakin.

Kelly: O---opo sasabihin ko. He---he---he...Kayo po kamusta diyan?

Keilla: Ayos lang nag celebrate kami ng kaarawan ng auntie Linda mo ayun nilibre kami sa 5 star hotel.

Kelly: Ay...syala...pakisabi mo po kay auntie Linda beke nemen.

Keilla; Ikaw bata ka talaga...may padating akong package baka nextweek na dating diyan sa Pinas abangan kamo ng kuya Kian mo ha?

Kelly: Sige po sasabihin ko salamat ma ingat ka po diyan lagi kayo nila auntie. Love you.

Keilla: Oo kayo rin ng mga kuya mo love ko rin kayo ingatan niyo ang isa't-isa okay?

Kelly: Oh, ma baka naman umiyak ka pa diyan.

Keilla: Lintek na bata ito hinde sanay naman na ko miss ko lang kayo syempre.

Kelly: Mas miss namin kayo nila kuya.

Keilla: Sige na mag re-ready lang kami mag suswimming kasi kami ng mga auntie mo lulubosin namin ang pag stay dito mahal ng bayad nak.

Kelly: Hehehe...sige po enjoy kayo. Love you hinay hinay sa tubig baka mainom niyo magkulang ang tubig ng pool.

Keilla: Lukong ito! Sige na bye love you nak sabihin mo kila kuya mo ha?

Kelly: Opo ma love you too ingat. Muah...

"Ding...dong..."

Kelly: May tao?

Sinilip ni Kelly sa labasan "Andito na naman siya?"

Sa Baba,

Binuksan ni Kevin ang pinto "Oh? Ethan...ang aga mo."Aniya.

Ethan: Eto oh nagluto kasi si mamay ng sopas pinagbibigay kay Kelly.

Kevin: Ahhh...sige pakisabi kay auntie salamat.

Ethan: Si Kelly?

Tumingin sa taas kung saan ang kwarto ni Kelly "Ah? Nasa kwarto niya tara pasok."Sagot ni Kevin.

Balik sa kwarto ni Kelly "Sigh...bakit nandito na naman siya...Di na naman ako makakapag focus." Aniya.

Inamoy ang sarili "Tsk...kailangan ko ng maligo."

"Kakaloka! Bakit kasi kung kailan naman red days ko andito sya."

Pandalas na si Kelly ng ayos sa kama at kumaripas na rin ng pasok sa c.r para maligo "Geez...ang lamig ng tubig."

May hinahanap siya "Anak ng! Wala nga pala kaming heater."

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts