webnovel

Wala Kahit Isang Alien

Editor: LiberReverieGroup

So, talagang nasa buwan sila, ang buwan na nakikita nila sa telebisyon at diyaryo. Habang tinitingnan ang mga larawan at maging nandoon ng personal ay talagang magkaibang karanasan.

Wala sa loob na ginagap ni Mubai ang kamay ni Xinghe, na indikasyon ng kanyang kaba tungo sa hindi tiyak na lugar na ito. Pinisil ni Xinghe ang kamay nito bilang ganti. Ngumiti siya at sinabi, "Tara na."

"Okay." Tumango si Mubai. Habang naghahanda na silang kumilos paabante, bigla silang tinawag ni Sam. "Sandali lang pakiusap."

Lumingon sina Xinghe at Mubai para panoorin si Sam na magtusok ng watawat sa lupa. Ang watawat ay malaki pero ang larawan na nandito ay hindi watawat ng anumang bansa, kundi isa itong larawan ni Sam. Isa itong bagay na ipinakiusap niyang gawin ng iba bago sila umalis sa Earth. Sa larawan, nakasuot ng suit ito at may mayabang itong porma.

Ayon sa usap-usapan, ang tagakuha ng larawan ay kinailangang kumuha ng ilang daang larawan bago nito pinili ang larawang ito. Matapos na maayos na mailagay ang watawat, ginaya ni Sam ang porma na katulad ng nasa watawat at nagtanong sa kanilang dalawa, "Ano sa tingin ninyo? Gwapo o hindi?"

Gustong matawa nina Xinghe at Mubai.

"Oo, gwapo, ngayon pwede na ba tayong umalis?" Tumango si Xinghe at hindi taos-sa-loob na sinabi.

"Sandali, kailangang tulungan mo ako na kumuha ng ilang larawan para maalala ko ang pinakaimportanteng sandali ng buhay ko!" Pagmamakaawa ni Sam. Wala nang magawa pa si Xinghe kundi pagbigyan ito. Pagkatapos, gusto niyang tulungan na kumuha ng larawan para sa dalawang ito. Hindi na tumanggi pa si Mubai at hinila si Xinghe nang nakahawak ang kamay nito sa baywang at pumorma na.

Sa sandaling iyon ay pinagalitan ni Sam ang kanyang malaking bibig. Bakit ba nagboluntaryo pa siyang tulungan ang mga ito na kumuha ng larawan? Binigyan niya ng pagkakataon ang mga ito na ipagyabang ang pagmamahalan ng mga ito. Pero kahit pa, tinulungan pa din niya ang mga ito na kumuha ng ilang larawan para na lamang matapos ito.

Matapos makuha ang mga larawan, ang grupo ni Xinghe ay humahangos na tumungo sa base. Ang base ay nasa harap na nila, pero gumugol pa din sila ng oras at enerhiya na maglakad sa butas-butas na lupa ng buwan.

Salamat na lamang, silang tatlo ay nasa kanilang pisikal na kalakasan, kaya hindi masyado silang napagod. Gayunpaman, masasabi na ang buwan ay hindi talaga nababagay para pamuhayan ng tao.

Ang kanilang paunang interes ay nawala na din matapos ang patuloy na paglalakbay sa kawalan. Wala doong halaman, hayop, o kahit na mga alien. Walang makikita doon kundi mga bato pagkatapos ng bato, at butas matapos ang mga butas pa.

Nagtatakang nagtanong si Sam, "Ano ba ang maganda sa lugar na ito kaya ginusto ni He Lan Yuan na mamuhay dito ng ilang dekada? Hindi na nakakapagtaka kung bakit baliw siya."

Hindi siya makakatagal dito kahit na isang araw.

Naguluhan din si Xinghe. "Para lamang pamunuan ang mundo, ikinulong niya ang sarili dito ng ilang dekada? Nasaan ang punto dito?"

"Tama iyon, mas nanaisin ko pang isuko ang pagsakop sa mundo kaysa manatili dito ng pagkatagal-tagal para lamang magbunga ang plano," sabi ni Sam bilang pagsang-ayon.

Dumagdag si Mubai, "Kung ganoon, tila nga hindi nagsisinungaling si Shi Jian. Walang gugustuhing manatili sa isang lugar na tulad nito."

"Isa itong himala na hindi pa sila nababaliw sa ngayon," sabi ni Sam ng may kaunting paghanga.

Napabuntung-hininga si Xinghe. "Hindi sa nais nilang manatili dito; wala na silang ibang pagpipilian. Ipinadala sila dito noong mga bata pa sila. Nakulong na sila dito mula noon ng wala ng iba pang mapupuntahan."

"Ang He Lan Yuan na iyon ay isang baliw! Nararapat lamang sa kanya ang kinahantungan niya ngayon." Nakaramdam ng awa si Sam para sa mga taong nasa loob ng base. Hindi nagtagal ay narating na ng tatlo ang base sa kalagitnaan ng kanilang usapan.

Habang nasa malayo sila, hindi nila napansin kung gaano kalaki ang baseng ito. Ngayong malapit na sila, nakaramdam sila ng panliliit sa laki ng lugar.