webnovel

Nahipnotismo ang Doktor

Editor: LiberReverieGroup

Mariing tumango si Tianrong. "Huwag kang mag-alala, aalamin namin ang puno't dulo nito. Kahit na kung sino pa ang nasa likod ng konspirasiyang ito, hindi namin sila hahayaang makawala!"

"Mabuti, kung gayon ay aalis na ako sa ngayon, at iiwan ko na ito sa iyo. May kailangan pa akong gagawin."

"Okay, maging ligtas kayo sa inyong paglalakbay," maaaring sinabi nga ni Tianrong ang mga ito, pero personal pa din nito silang inihatid palabas ng istasyon. Matapos nito, sumunod si Xinghe sa Bise Presidente na lumulan sa kotse nito. Habang isinasara niya ang pintuan, ang mga mata ni Xinghe ay nasalubong ang mga mata ni Tong Liang.

Ang kislap ng galit sa mga mata ni Tong Liang ay maliwanag pa sa araw para kay Xinghe. Gayunpaman, agad itong nawala sa isang kisap-mata. Hindi ipinakita ni Xinghe na may napansin siyang kahit na ano at binawi ang kanyang tingin. Hindi nagtagal ay umalis na din ang kotseng lulan nila.

Habang tinititigan ang papalayong kotse, ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Tianrong ay nawala, at naningkit ang mga mata nito.

"Ama, sa tingin mo ba ay may nadiskubre silang bagay?" Pabulong na tanong sa kanya ni Tong Liang.

Sumagot si Tianrong sa kanya ng palihim, "Hindi ko alam, pero hindi naman nila agad makikita ang kung anuman sa planong ito ng ganoon kadali. Ito ang kakayahan ng taong iyon, at nakita mo naman kung gaano kahusay ito."

Tumango ng may buntung-hininga si Tong Liang. "Tama ka. Kahit na may pinagdududahan man sila, wala silang makukuhang ebidensiya."

"Pero kailangan pa din nating mag-ingat." Natural na mapaghinalang tao si Tianrong. Kung pinagdududahan niya ang Bise Presidente, ay may kailangan siyang gawin tungkol dito. "Ipagpatuloy ninyo ang pagtatanong sa taong iyon, kung may malaman kayong bagay na sinabi nitong hindi niya dapat na sinabi, alam na ninyo ang gagawin."

"Opo, Ama!" Tumango si Tong Liang.

Nasisiyahang tumango si Tianrong, habang pinapanood ang mahusay niyang anak. "Sa susunod na dalawang araw, hahanap ako ng paraan para malipat ka; hindi mo na kailangan pang dumikit pa sa United Nations."

"Naiintindihan ko," sumagot si Tong Liang ng may ngiti na tanging silang dalawa lamang ang nakakaintindi.

Matapos na makalayo ng ilang distansya sa pagitan nila at ng istasyon, tinanong ni Mubai si Xinghe at ang Bise Presidente, "So, ano sa tingin ninyo?"

Napatingin ang Bise Presidente kay Xinghe ng wala sa loob. Wala siyang nakitang kaduda-duda, kaya naman handa siyang makinig sa sasabihin nito.

Kumpirma ni Xinghe, "Tulad ito ng ating inaasahan; ang doktor ay nahipnotismo."

"Nahipnotismo?" Gulat na tanong ng Bise Presidente.

"Ipapaliwanag ko ito mamaya, ang bagay na ito ay kinasasangkutan ng napakaraming tao," seryosong sabi ni Xinghe.

Agad na sumeryoso ang mukha ng Bise Presidente. Hindi na siya nito pinilit, pero sinasabi ng kalooban nito na may mas malaking konspirasiya sa likuran nito.

Hindi nagtagal at dumating na sila sa ospital. Sa isang secure na silid-pahingahan, nandoon si Madam Presidente, ang Bise Presidente, si Elder Shen, Mubai at Xinghe.

Balisang tanong ni Madam Presidente, "Ano ang nalaman mo?"

Tumango si Xinghe. "Ang tanong gustong manakit sa buhay ng Presidente ay may kaugnayan sa United Nations."

Maliban kay Mubai, ang iba pa ay halatang nagulat.

"Ano ang sinabi mo?" Gulat na napabulalas ang Bise Presidente. "Paano ito may kaugnayan sa United Nations?"

"Para maging partikular, may kinalaman ito sa Country W, at sigurado ako na ang pataksil na pagpatay na ito ay malaki ang kinalaman sa Tong family."

Nagbago ang mukha ni Madam Presidente. Napaangil si Elder Shen sa nagtatangis na ngipin, "So may kinalaman ito sa kanila?! Xinghe, ano ang nangyayari?"

Humarap si Xinghe kay Mubai at sinabi, "Ikaw na ang magpaliwanag; may bagay akong kailangang tingnan."

"Okay." Tumango si Mubai.

Binuksan ni Xinghe ang kanyang laptop para magsimulang magtrabaho habang ipinapaliwanag ni Mubai ang sitwasyon sa Madam Presidente at sa iba pa.