webnovel

MISTERYOSONG VIRUS

Editor: LiberReverieGroup

Mayroong bagong strain ng computer virus sa market.

Ang virus ay hindi naman nakakasira. Hindi nito nanakawin ang pribadong impormasyon ng user, baguhin ang setting or sirain ang host sa anumang paraan.

Ang tanging ginagawa nito ay pabagalin ang computer, at i-crash ito! Nakakainis kapag ito nangyari sa iyo.

Para henerasyong ito na palaging nakakunekta sa internet, ang palagiang pagka-crash ay isang nakakainit ng dugo na kinaiinisan.

Walang computer user ang gugustuhin na maabala ng ganitong virus.

Agad na nalaman ng mga tao na ang virus ay tumitira lamang sa mga computer na mayroong nakainstall na King Kong Internet Security ng Chui Corps.

Mawawala din ang virus agad-agad kapag nagpalit sila ng bagong software.

Dalawang araw lamang ang lumipas at napakarami ng tao ang nag-uninstall at nagsauli ng King Kong Internet Security.

Nabahala ng husto si Chui Ming. Tinawag niya ang kanyang team para maresolbahan ang isyu. Ngunit kahit ano ang kanilang gawin, wala silang magawa laban sa misteryosong virus na ito.

Kapag hindi nila natalo ang virus na ito, ang partnership niya sa Xi Empire ay mananatiling pangarap na lamang.

At ang ganitong klaseng oportunidad para partnership ay posibleng hindi na maulit pa.

At ito ang pinakakritikal na mga araw. Hindi na niya mahihintay na bumaba pa ang mga kliyente at maubos ang mga user bago pa siya makahanap ng solusyon. Kailangan na niyang kumilos habang maaga pa.

Ngunit walang silbi ang kanyang team at hindi pupwede na humingi siya ng tulong sa ibang kumpanya.

Wala na siyang ibang pagpipilian pa kung hindi humingi ng tulong sa hacker forum. Nagbukas siya ng thread para humingi ng tulong, at kung sino man ang makakapag-alis ng virus ay kanyang gagantimpalaan.

Hindi inaasahan ni Xinghe na agad na mauubos ang pasensiya ni Chui Ming ng ganito kaaga. Pangalawang araw pa lamang ng kanyang ilabas ang virus at hindi na ito mapakali.

Tiningnan niya ang thread ni Chui Ming at nanood lamang. May mga hacker naman na naging interesado sa post na ito.

Pero ni isa sa kanila ay hindi kayang ma-neutralize ang kanyang virus.

Naging mausisa ang mga tao at kumalat ang mga katanungan. Saan nanggaling ang virus na ito at bakit wala pa ang nakakatalo dito?

Hanggang sa nakarating kay Mubai ang ingay, pero wala siyang oras o interes para suriin ang virus.

Dahil ang pinupuntirya ng virus ay ang software lamang ng Chui Corps, wala itong kinalaman sa Xi Empire, kaya walang dahilan para makialam pa siya.

Pero kinakailangan yata niyang pag-isipang maigi ang bago nilang kandidato ngayong taon para sa partnership …

Halos maihi sa salawal si Chui Ming nang marinig ang balita. Sa sobrang galit ay gusto na niyang pira-pirasuhin ang gumawa ng virus ng personal.

Itinaas niya ang pabuya sa 5,000,000 RMB!

5,000,000 RMB para sa tao na makakatulong na mawala ang virus.

5,000,000 RMB!

Nagkagulo ang hacker world.

5,000,000 RMB para matalo ang virus. Marami ang gusto nito dahil malaki itong pera!

Masyadong kumalat ang balita na kahit si Xia Zhi ay nalaman ito.

Kakauwi lang ni Xia Zhi mula sa ospital at dahil wala siyang ginagawa sa bahay dahil sa nagpapagaling siya, ginugugol niya ang oras online, naghahanap ng pwedeng pagkakitaan.

Halos malaglag ang mga mata niya ng makita ni Xia Zhi kung magkanong halaga ang inilagay ni Chui Ming sa forum.

Humahangos siya na hinanap si Xinghe, bitbit ang kanyang laptop.

Abala si Xinghe sa pagluluto ng kanilang tanghalian. Mas mabilis pa sa bala na dumating si Xia Zhi at halos ipagduldulan sa mukha niya ang laptop, "Ate, nakita mo ba ito? Ito ang reward na iniaalok ng Chui Corps. Magbibigay sila ng 5,000,000 RMB na pabuya sa makakatalo sa virus! Naniniwala ka ba dito, ate, 5,000,000 RMB! Yayaman na tayo!"

Sumakto naman na dumaan si Chengwu sa kusina. Narinig niya si Xia Zhi at nagbiro, "Naglabas sila ng 5,000,000 RMB bilang pabuya pero ano naman ang koneksyon niyon sa iyo? Isa pa, ang katotohanan na ang pabuya ay malaki ibig sabihin noon ay mahirap lutasin ang problemang ito. Bagong graduate ka pa lamang, at gusto mo na lutasin ang problemang ito na kahit malalaking kumpanya ay hindi malutas? Magpokus ka sa alam mo at maglaro ka na lamang ng games mo."