webnovel

Kailangan Ang Iyong Kooperasyon

Editor: LiberReverieGroup

"Tama ka, kailangang buhay kami para makita ang kanyang pagbabalik. Pero, saan sa mundo kaya siya naroroon?"

Biglang sinabi ni Xinghe, "Ipagpatuloy ninyo ang pagtatanong sa kanila, napakaraming tao sa Lin family, siguro ay may taong nakakaalam dito!"

Tumingin sa kanya si Elder Shen at tumango. "Tama siya, hindi tayo dapat na sumuko at hindi ito magagamit ng Lin family bilang kalamangan laban sa atin. Hahanapin natin ang ating anak at hihingin din natin ang buhay nila!"

Sumasang-ayon si Xinghe sa kanila sa kanyang kalooban. Umaayon siya kay Elder Shen. Hindi sila masusukol na makipagnegosasyon sa Lin family!

Ang pakawalan sila ng ganoon kadali? Imposible!

Ipinagpatuloy nila ang usapan ng kaunti pa at hiniling ni Xinghe na makausap si Xie Xiaoxi. Mabait na tao si Elder Shen. Kahit na napatunayan na si Lin Shuang at ang anak nito ay hindi niya kadugo, bukas-palad naman niyang tinanggap ang mga ito. Inampon pa nga niya bilang anak si Lin Shuang.

Ngayon.nakatira ang mag-ina sa Shen family. Kailangan nila ng maraming panahon para magpagaling.

Tama ito lalo na para kay Xie Xiaoxi. Ang kanyang katawan ay hindi na maaayos sa sobrang pinsala, na kahit si Lu Qi ay sinabi na siguro ay hindi siya lalampas sa edad na 40. Naawa sa paghihirap nila si Elder Shen at nagdesisyon ito na palakihin sila bilang kaanak kasama ni Old Madam Shen. Ginawa nila ito sa pag-asang makakuha ng good karma para sa nawawala din nilang anak na babae.

Inisip ni Xinghe na masyadong mahigpit si Elder Shen sa kanyang kadugo pero ngayon ay nalaman niya na ginawa nito ang lahat ng ito dahil sa mahal niya ang mga ito. Nakita niya ang ugaling ito na nasasalamin ng sa kanya, kaya naman, lalo pang gumanda ang tingin niya sa mga ito, lalo na kung ikukumpara sa Lin family na talaga namang mas masahol sa burak ng mundo!

Dahil hinahanap din ni Xinghe ang kanyang ina, alam niya ang sakit ng nawawalang kaanak. Hindi niya hinihiling ang kapalarang ito kaninuman, kaya naman, nagdesisyon siya na tulungan ang Shen family na mahanap ang kanilang ikalawang anak na babae. Sana ay maging isa na din silang kumpletong pamilya sa hinaharap.

Nang marinig ni Xiaoxi na gusto siyang makita ni Xinghe, masaya itong pumayag. Nagpunta sila sa likurang hardin ng Shen family. 

Habang nakaupo sa lilim ng veranda, taos siyang pinasalamatan ni Xiaoxi. "Miss Xia, kung hindi dahil sa iyo, siguro ay nandoon pa din ako na nakakulong sa kasumpa-sumpang laboratoryo na iyon at namatay sa hindi malamang dahilan. At ang aking ina, hindi kami magkikita kung wala ka. Maaaring nilisan niya ang mundong ito nang wala ako sa kanyang tabi. Ikaw ang tagapagligtas ng buhay namin."

Hindi maiwasan ni Xiaoxi na maluha. "Miss Xia, ikaw talaga ang nagligtas ng buhay namin, kaya kung may bagay kang kailangan sa akin, kahit na buhay ko pa ito, ibibigay ko ito sa iyo!"

Ito ang mga salita mula sa kaibuturan ng kanyang puso at tototohanin niya ang bawat isa sa mga ito.

Tahimik siyang pinakinggan ni Xinghe at sumagot sa mahinang tinig, "Hindi ko kailangan na suklian mo kami gamit ang buhay mo, kung may hihilingin man ako sa iyo ay gusto ko sanang mamuhay ka ng maayos at masaya. Iyon ang paraan kung paano mo ako mababayaran."

Nablangkong napatingin sa kanya si Xiaoxi at dumaloy ang mga luha mula sa mga mata nito. "Huwag kang mag-alala, pangako ko sa iyo, gagawin talaga namin iyan! Kahit na ano pa ang mangyari sa hinaharap, haharapin namin ang aming buhay ng nakangiti at mamumuhay ng maligaya!" Pangako nito.

Tumango si Xinghe nang nakangiti, pagkatapos ay binago nito ang paksa ng usapan. "Gayunpaman, kailangan ko din ang tulong mo sa ilang mga bagay."