webnovel

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?

darkranger143 · Realista
Classificações insuficientes
27 Chs

Chapter 15

Chapter Fifteen -->> GAME

Harrysen Bautista Point of View

NAPABANGON ako sa aking kinahi- higaan ng makaramdam ako ng gutom, ng aayain ko na sana ang mga kasama ko rito sa kwarto ay wala na pala ang mga ito. Kaya bumaba na lang ako, at dere- deretsong pumunta ng kusina para kumuha ng pagkain, pero nagulat ako ng makita ko sina Kriston, Ericka, Queeny, at Mandy, si Alexander lang ang wala na saan naman kaya yon. Si Ericka naman, ayun mukhang iniinit yung ulam kanina.

"Ohh, nandito pala kayo, pero nasaan naman si Alexander" sabi ko na lang rito.

"Nakaramdam ka rin ng gutom no" sabi naman sa akin ni Queeny na tango lang akijg tinugon. "Sa tanong mo naman kung nasaan si Alexander ehh, wala kaming alam, basta paglabas namin nitong si Kriston sa kwarto ehh wala na to" ehh saan naman kaya nagpunta iyon.

"Baka nasa labas lang, nagpapahangin. Anong pagkain natin diyan"

"Eto nga ohh, iniinit ko yung inulam nina Mang Ador kanina. Napahimbing kasi yung tulog natin kanina, kaya hindi na tayo inabala pang gisingin nina Mang Ador"

Mukhang ganon nga nangyari, magte- twelve o'clock na ehh. Para na tuloy kaming nagmi- midnight dinner.

"Ohh Hi guys" sabi ng isang lalaki sa likod ko na alam ko kung sino. Si Alexander. "Bat kayo nandito"

"Obvious ba! siguro kakain kami, kasi gutom kami. Ano bang ginagawa ng isang tao sa kusina, Alexander" mataray na sabi ni Queeny rito. Ano namang problema nito kay Alexander.

"Okay.....okay....Chill ka lang Queeny, nagtatanong lang" sabi na lamang nito, pagkatapos ay umupo na lang sa tabi ni Mandy.

"Guys ohh, eto na" sabi naman ni Ericka. At nilapag iyon sa lamesa, tutulungan sana siya ni Kriston pero umiwas ito. Hindi parin ba sila bati.

Kumain lang naman kami ng tahimik hanggang matapos. Pagkatapos ay nagkaayayaan munang magmovie marathon, nakakatakot yung napiling panoorin. Takot na takot naman sina Queeny, kami nina Ericka at nung Alexander na iyon yung hindi natatakot. Si Kriston kasi ayun takot din kung makalingkis nga kay Ericka parang nangcha- chancing lang ehh. At syempre si Mandy rin makalingkis rin sa mga braso ni Alexander, nakakainis nga ehh, at ang sa akin naman syempre ay si Queeny.

Natapos naman ng two o'clock yung pinapanood namin kaya hindi nagkaayaan na lang na maglaro hanggang sa mag- umaga na. Ayaw ko na sana maglaro kasi sayang pa yung ilang oras na tulog pero pinilit talaga ako ng mga ito ehh, kaya ayun go na lang ako. Iba kasi yung pakiramdam ko sa game, kung ano man iyon ewan ko na lang pero iba talaga feel ko ron.

"So anong game, sa tingin niyo" sabi ni Queeny.

"Ikaw, ano ba maganda" sabi naman ni Kriston.

"What if, truth or dare" sabi naman ni Ericka.

"Game ako diyan" sabi naman ni Queeny.

Kinabahan naman ako sa larong iyon, that game is for revelation of any secrets, kaya nga minsan umiiwas ako sa larong iyan kasi marami akong secrets na nabubunyag.

"Ano Harrysen, game ka ba?" tanong naman ni Kriston sa akin habang nakangisi at taas baba pa ang kilay. Mukhang alam ko na binabalak nitong mokong na to, at mukhang hindi ko magugustuhan iyon.

"O...Oo, sige si...simula na tayo" sabi ko naman rito habang nauutal.

"Guys ako yung magtatanong kay Harrysen ha!" sabi pa nito at inakbayan pa ako nito. 'Hay ano bang napasok ko' sabi ko sa isip ko.

"Bro, may sinasabi ka" nagulat naman ako sa sinabi nito. Lumabas ba sa bibig ko yung iniisip ko.

"Wa...wala. Sabi ko nasaan na yung bote"

"Oo nga pala, teka lang kukunin ko" sabi naman ni Ericka.

"Wait lang teh!" pigil naman ni Queeny.

"Bakit!!!" sabi naman ni Ericka na may konting pagkasigaw.

"Sa phone na lang tayo maglaro, ayan ohh" sabi naman nito at pinakita sa akin ang screen na kung saan makikita yung application na truyh or dare. Wow naman si Queeny. "May application na rin na truth or dare, may mga extra questions na rin, ilalagay na lang natin yung name natin dito then kung saan na lang tumapat na name ede siya na yung pipili sa TRUTH or DARE" may konting scary naman sa boses ni Queeny ng sabihin niya yung Truth or Dare. "Okay guys ilalagay ko na lang yung name natin here then go na" ilang segundo lang naman ay nalagay na ni Queeny lahat ng name namin na maglalaro. "Ayan tapos na" naupo na rin naman na kami, malas lang kasi sundin daw namin yung pagkaka- arrange namin don sa game, at ang nakatabi ko nga ay walang iba kundi si Mandy, sa isang side naman nito ay si Alexander then katabi nito si Queeny, then Kriston, then Ericka, and ako. sinadya talaga ng baklang iyan yung arrangement namin, pero gusto kong ayaw ko na lang ipahalata sa mga ito.

"Okay sino nang iikot" sabi pa ni Queeny, itinaas naman ni Alexander yung kanyang kamay, 'sus pasikat lang naman ehh' sabi ko sa isip ko. "Hinay- hinay lang sa pag- ikot ha, baka magasgasan si baby phone ko"

"Sus naman Queeny, parang magagasgasan lang ehh" sabi naman ni Kriston.

"Hoy, special iyan sakin" sabi naman nito.

"Ede wow" sabay sabay naman na sigaw namin nina Ericka, at Kriston. Sina Mandy at Alexander naman ay walang imikan.

"Magsimula na nga lang tayo, tara na tara na!" sabi naman ni Queeny. At inikot na nga ni Alexander yung bote.

"Ayan na, ayan na" sabi naman ni Ericka habang umiikot yung bote.

Lahat nga'y nag- iintay kung kanino tatapat ang bote kapag timigil iyon. At alam ko na ang iba sa kanila ay may kabang nararamdaman tulad ko. Lahat nakakaramdam ng kaba, lahat natatakot na may makaalam ng kanya- kanyang sikreto. Malapit ng tumigil yung bote, pahina na ng pahina ang pag-ikot, hanggang sa hanggang sa tumigil na iyon at tumapat kay Ericka. Nagpasalamat naman ako na hindi ako yung natapatan ng bote kasi malapit na sa name ko yung ulo ng bote, kasi nga diba katabi ko si Ericka.

Ericka Anderson Point of View

"Bakit ako, bakit di pa lumagpas kay Harrysen" sabi ko ako kasi ang kauna- unahang natapatan ng bote, nakakainis lang kasi bakit ako pa.

"So pano ba yan Ericka. Truth or Dare, or aray aray?" sabi ni Queeny. Hindi ko alam kung anong isasagot. Natatakot ako sa kung anong iutos ng mga ito, at natatakot rin ako sa maaaaring tanong ng mga ito. Pero ano yung aray- aray na sinasabi pa nito, meron ba talaga non.

"Anong aray- aray?" tanong ko naman rito.

"Kriston, paki intertwined mo nga yang kamay mo" sabi nito sa katabi namin. Ginawa naman iyon ni Kriston pero hindi sa sarili niyang kamay kundi sa amin, inagaw ko naman agad yung kamay ko dahil may kakaiba akong naramdaman ng dumikit ang kamay nito sa akin. "Grabe ka naman Kriston, sabi ko sa sarili mong kamay, hindi sa kamay ni Ericka" sabi pa ni Queeny.

"Bro, nandito kami ohh, huwag mo namang chancingan si Ericka" sabi naman ni Harrysen, tiningnan naman namin ni Kriston si Harrysen ng masama. Ig-intertwined naman na ni Kriston yung kamay niya at ipinatong naman ni Queeny yung dalawang kamay niya sa kamay ni Kriston na naka- intertwined at parang basahang piniga nito. Alam kong masakit iyon dahil napapa aray na ito, grabe namang lakas naman ni Queeny, mukhang binuhos talaga nito lahat ng pwersa ehh.

"Ganyan yung aray-aray Ericka, ano truth or dare or aray aray" tanong ulit ni Queeny sa akin, habang parang basahang pinipiga pa rin ang kamay ni Kriston.

"Queeny, yung kamay ko, a....aray" sabi naman nung kumag bago bitawan ni Queeny yung kamay nito. "Walang hiya ka Queeny, may galit ka ba sa akin, parang gusto mong baliin kamay ko ehh" sabi pa nito pero hindi naman ito inintindi ni Queeny bagkus ay inulit sa akin ang tanong.

"Siguro aray aray na lang" sabi ko na lang rito. At ginawa ko nga ang pag- intertwined at pumikit na para mahanda ko na rin yung sakit na mararamdaman ko pero hindi naman iyon ang nangyari. Dahil hindi naman ni Queeny nilakasan, kaya minulat ko na yung mata ko pero nagulat ako na hindi pala si Queeny ang nakahawak sa kamay ko, kundi si Kriston, ginawa niya yung ginawa sa kanya ni Queeny sa akin pero hindi niya nilakasan, parang hawak niya lang iyon pero mahigpit na hawak na parang ayaw na niyang pakawalan pa.

"Ang daya naman" sabi na lang ni Queeny. Dahilan para magkaroon ako ng dahilan para bawiin yung kamay ko. "Ikutin mo naman Ericka yung bote, kung sino na ngayon yung na- pic ng bote siya naman yung mag- iikot ng bote, okay" inikot ko na nga yung bote don maka- ilang ikot ako dahil minsan error daw dapat ko pa daw lakasan yung pag- ikot kaya nilakasan ko na lang, ilang beses naman inikot ko ulit yung bote pero sa akin lang tumatapat.

"May sapi na ata yang cp mo Queeny ehh" sabi ko na lang. "Kayo na nga lang umikot" inikot naman na iyon ni Kriston. At sa kanya rin lang naman timigil iyon, inis na inis mga ehh, bakit daw sa kanya pa tumigil.

Kriston McBride Point of View

ETO AKO ngayon, hawak ni Queeny yung kamay kong nakaintertwined sa isa't isa habang parang basahang pinipiga at pinapapili kung truth or dare or aray aray daw.

"Bakit mo pa ako pina- intertwined Queeny, ang daya si Ericka nga hindi mo ginanto"

"Kasi girl kami kaya ayan, at saka sinalo mo naman yung para kay Ericka diba, kaya ikaw na lang sumalo"

"So ano Kriston. Truth or Dare, o baka gusto mo ng.... aray aray" sabi pa ni Queeny at mas nilakasan ang pagpiga ng kamay ko.

"Dare, dare na lang. Baka mawalan na ako ng lakas" hay dahil nga sa sinabi ko ay binitawan na ni Queeny yung kamay ko. At ngumisi ito ng nakakaloko.

"So... Ano sa tingin niyo guys yung magandang ipagawa kay Kriston, ha...." sabi pa ni Queeny.

"What if, lagyan ng uling sa mukha si kuya Kriston" sabi ni Mandy, tumango tango naman ako sa mga ito, para malaman nila na sang- ayon ako.

"Hindi masyadong easy, what if hindi siya magbi- brief o boxer hanggang umuwi tayo" sabi naman ni Queeny.

"Queeny, hinay-hinay lang masyado ng ibang level iyan" sabi naman ni Alexander.

"What if ikulong siya sa banyo ng isang minuto" sabi naman ni Harrysen.

"Okay game ako" sabi ko sa mga ito at tumayo na sa kinauupuan, madali lang naman iyon ehh, minsan nga ilang minuto pa ehh.

"Na kasama si Ericka" sabi pa ni Queeny , nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi nito. Nababaliw na siya, kay Ericka. Mabuti pa kung si siya na lang pero bakit si Ericka pa baka kung ano pang mapag- usapan namin sa loob.

"Hindi ako makakapayag niyan" sabay naman na sabi namin ni Ericka.

"Bakit one minute lang naman ahh, atsaka ano namang inaangal niyo ehh magkaibigan naman kayo, pwera na lang kung...." sabi pa ni Harrysen. Bwisit talaga to, humanda kayo sa akin.

"Oo nga magkaibigan kami pero, hindi kami same sex" sabi naman ni Ericka, wow akala mo naman papatulan ko, well baka pagnaging kami, kung magiging kami.

"Huwag kang mag- alala Ericka, may kasunduan kami niyan" isa pa yun yung kasunduan namin ni Harrysen.

"Sige na kayo Kriston, Ericka. One minute lang naman ehh" sabi naman ni Queeny. Nagbuntong- hininga naman kami ni Ericka, at sabay ng naglakad papuntang CR. Parang mga tanga namang tumatawa, na parang kinikilig yung dalawa nang makaloob na kami ni Ericka sa CR. Nasa unahan niya ako kaya siya na yung nagsara ng pinto, kinabahan naman ako doon. Hindi ko alam pero iba talaga yung feel ko dito.

"Sorry nadamay ka pa Ericka" sabi ko naman rito habang nakatalikod dito at nakayuko.

"Bakit ka naman nagso- sorry, wala ka namang kasalanan ahh. Laro lang to wala naman tayong ibang gagawin dito diba" tumango- tango naman ako sa sinabi nito. tama naman siya ehh.

"Tama ka naman" at pagkatapos non ay natahimik kaming dalawa, mukhang walang gustong magsalita. Parang may pumipigil sa aming labasan ng boses, maririnig lang talaga sa aming dalawa ay ang sabay naming paghinga na aakalain mong malapit lang sa tenga ko kaya ang naririnig ko ng mabuti.

Hanggang sa mukhang hindi na ito nakapagpigil, kaya nagsalita na ito.

"Kriston, Sorry" sabi lang nito na kinaaka ko. saan naman ito nagso- sorry, wala naman siyang nagawang mali sa akin.

"Bakit ka nagso- sorry, wala naman akong alam na ginawa mong mali ahh" totoo naman ehh, hindi ko alam talaga kung anong nagawa niya para magkaroon ng kasalanan sa akin.

"About kasi sa nangyari don sa falls, yung nasabi ko" huh wala naman siyang kalasanan don ehh, kung wala akong pag- asang maging kami, ede siguro maghihintay na lang ako ng right person para sa akin.

"Wala lang iyon Ericka, hindi naman talaga magiging tayo, kasi may mahal na ako" at ikaw iyon. hindi ko na nilabas pa iyon sa bibig ko. Bakit pa kung maaaring iba naman ang kalabasan. Alam kong may tapang akong sabihin iyon pero bakit pa kung alam ko naman na yung isasagot. Ayaw kong matulad kami ni Ericka kayna Harrysen at Mandy diba. Ayaw ko ring maranasang ma- friendzone no.

"Ahh, ganon. Ako rin ehh pero may mahal na pala siyang iba" sabi lang nito. 'Ede ako na lang mahalin mo' iyan sana ang gusto kong isagot pero iba yung lumabas sa bibig ko. "Madali nang matapos yung one minute, siguro more than one minute na lang yung ibabawi natin"

"Tama ka, siguro mga five o ten minutes, ganon" sabi ko. Mukhang dahil doon sa nasabi niya sa falls nag- iba na yung pakikitungo niya sa akin.

"Siguro nga, mga ganon katagal" sabi naman nito habang tumatango. Pagkatapos ay binuksan na ng mga gago yung pinto.

"Ano guys, ayos bang mag- date sa CR" Sabi naman lang nung mabait kong beat friend na si Harrysen.

"Gago" sabay naman na sambit namin ni Ericka. Pero tinawanan lang kami nito. Si Ericka naman ay lumabas na.

"Humanda kayo ni Queeny, Bro" sabi ko naman rito.

"Palagi naman akong handa Bro ehh" laging handa daw, tignan lang natin mamaya, ewan ko na lang kung hindi ka magreklamo.

"Hu! Tignan natin" sabi ko lang lang rito at lumabas na ng CR.

[A/N: Hehe short- update na naman. At tsaka pala may part 2 and part 3 naman to para kina Queeny and Alexander at Harrysen and Mandy]

Please Vote and Comments po....

THANK YOU PO....