webnovel

Minsan Pa

Calista Rodriguez hated at despised Drake Lustre the most. Para sa kanya, isang malaking pagkakamali sa kanyang buhay ang nakilala ito. Drake was her first in everything. Her first love, first kiss... and her ex-husband. She gave her heart to him without any reservation - minahal niya ito ng higit sa ano pa man sa mundo but he had hurt her and broke her heart into a million pieces. Their marriage ended after a year and Cali went away to mend her broken heart and start all over. 5 years later, Cali found herself trapped into working for the very bastard who broke her heart, and as if that wasn’t enough, Drake seemed to be making every effort to make her life a living hell, na para bang siya pa ang may atraso dito! Cali's certain she couldn't forgive him for what he did, ngunit paano kung ang estupidang puso niya ay tila muling nag o-overdrive sa tuwing magkakalapit sila ng dating asawa?

aprilgraciawriter · Urbano
Classificações insuficientes
47 Chs

Chapter Thirty Five

Hindi pinansin ni Drake ang malakas na busina ng truck mula sa kanyang kanan, sa halip ay lalo pa niyang diniinan ang pagkaka-apak sa selinyador, sumibad na tila sibat sa highway na iyon ang dala niyang BMW. Balewala sa kanya kung ilan mang stop light na ganito ang kanyang suungin, hindi rin niya alintana na ilang ulit na siyang nagmuntikang mabangga sa pagmamadali, ang tanging mahalaga para sa kanya ay marating ang paliparan!

He frantically glanced at the watch on his wrist, "fuck!" malakas na mura niya. Alas kuwatro na ng hapon at ayon kay Lilet ay ala sais ang flight ni Cali patungong UK!

Sweetheart, don't leave me... Cali! Isang pakiusap ang kanyang naiusal, kasabay ng pagtatagis ng mga ngipin. Isipin pa lamang niyang nakaambang mawala ito sa kanyang buhay ay tila masisiraan na yata siya ng ulo!

Nang marating niya ang paliparan ay wala siyang inaksayang sandali at agad na tinakbo ang departure area.

"Sir, sandali ho kailangan niyo hong dumaan sa security check," pigil ng unipormadong guwardiya sa kanya.

"Sandali lang, may hinahabol lang ako, pre" nagmamadaling sagot niya. Inilibot niya ang paningin, pilit hinahagilap ang asawa.

"Eh sir, pasenysa na ho at kailangan nating sumunod sa patakaran,"

Hindi niya pinansin ang paliwanag ng guwardiya at nagpilit na pumasok. He needs to find Cali!

Mabilis na ihinarang ng lalaki ang katawan sa kanyang daraanan, "sir, hindi ho pwede."

"Sinabi kong sandali lang ako hindi ba?! I need to find my wife!"

"Sir, pasensya na ho..."

Pagalit niyang itinulak ang guwardiyang nabigla sa kanyang ginawa, nawalan ito ng panimbang at napasaldak sa sahig. Mabilis niyang sinamantala ang pagkakataon at tinakbo ang papasok ng bulwagan.

Cali...where are you?!

Hinalughog ng kanyang paningin ang bawat naroroon, nasisiguro niyang makikilala niya ang asawa kahit pa sa malayo. Daig pa siguro niya ang isang baliw, dahil walang tigil ang lakad takbong kanyang ginawa sa bawat corner ng bulwagang iyon.

Marahas niyang naisuklay ang mga kamay sa buhok! Damn it! He couldn't find her! Ayon sa impormasyong naka display ay boarding na ang flight patungong UK!

"Cali!" malakas na hiyaw niya. "Cali!!!" Wala siyang pakialam kung pagtinginan at pagtawanan siya ng mga naroroon!

"Sir, hindi niyo ho ito maaaring gawin. Sumama kayo sa amin," anang dalawang unipormadong lalaking lumapit sa kanya.

"Sandali lang, please," halos pagmamakaawa niya sa mga ito.

Sinunggaban siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. "Huwag na ho kayong lumaban!"

"I fucking said just a moment!" marahas niyang tinabig ang mga ito. "Do you know who I am?!" halos manggalaiti siya sa galit. He usually doesn't use his position to threaten anyone, ngunit kusang lumabas iyon sa kanyang lalamunan. He's desperate right now at wala siyang pakialam kung kailangan niyang bayaran at i-bribe ang sinoman, matagpuan lamang ang hinahanap.

Muli siyang pinigilan ng mga lalaki. "Sa presinto na ho kayo magpaliwanag." The two men's grasps were firmer this time, siniguro ng mga ito na hindi siya makaka alpas.

"Cali!" muling hiyaw niya. Muli niyang inilibot ang mga mata, kahit pa halos kaladkarin siya ng dalawang guwardiya.

All of a sudden, from the corner of his eyes, a familiar figure popped up.

It's her! Hindi siya maaaring magkamali! The woman who was about to get in the boarding area is none other than his wife Calista!

"Sandali! Sandali! Nakita ko na ang asawa ko!" aniya sa dalawang lalaki.

"Nanggugulo ka na dito mister!" galit na sagot ng isa sa dalawang lalaki.

"Please, sandali lang! Nakita ko na siya!" Muli niyang nilingon ang direksyon kung saan namataan niya si Calista.

"Ca-" akma niyang muling isisigaw sana ang pangalan nito nang matigilan sa nakita - isang lalaki ang lumapit dito at may iniabot sa babae, pagkatapos ay nakita niyang hinawakan nito ang kamay ng asawa.

His whole body went numb. Is this why she's leaving? She's leaving him for another man?

Sa biglaang silakbo ng galit niya sa nakita ay malakas siyang nanlaban at inundayan ng suntok ang guwardiya.

He would kill whoever that bastard is who had the audacity to lay a finger on his wife! Ngunit bago pa siya makahakbang ay isang malakas na shock ang naramdaman niya sa buong katawan,  bago magdilim ang paligid.

*******

"Hijo! Are you all right? May masakit ba sa iyo?" tinig ng ina ang bumungad sa pagmulat ng kanyang mga mata.

Drake looked at the ceiling feeling a little disoriented bago napabikwas sa kinahihigaan nang maalala si Cali.

"Cali!" he exclaimed as he scrambled to get off the bed. Hindi niya alintana ang bahagya pang kirot na naramdaman sa likod at maging sa kanyang ulo, dala marahil ng pagbagsak niya kanina mula sa taser ng gwardiya sa airport.

"Drake, tama na!" pigil sa kanya ng ina. "She's gone! Ang maharot mong asawa ay iniwan ka na! Sumama na sa ibang lalaki ang talipandas na iyon!"

"Wh...what?" halos manlumo siya sa narinig, kasabay nang pagbabalik sa ala-ala niya ng kaganapan kanina lamang. He was sure it was Cali he saw at the airport, boarding the plane. Isang lalaki ang kasama nito.

"That's none sense mama! Hindi iyon magagawa ni Cali sa akin!" Walang nagawa ang matandang babae nang tuluyan siyang bumangon mula sa kinahihigaan. He is still determined to get his wife back whatever it takes!

Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Evelyn sa kanyang mukha bago ihinagis nito ang ilang larawan sa kanyang kama. "Hayan! Tignan mo ang ebidensiya! Your precious wife was already having an affair while you were gone!" galit na galit na hiyaw sa kanya ng ina.

Ayaw man niyang paniwalaan ang sinasabi ni Evelyn ay taliwas ang pruwebang nasa kanyang harapan. Isa isa niyang dinampot ang mga larawan at tiim-bagang iyong tinitigan. Si Cali. Hindi siya maaaring magkamali...Cali was in a car with another man, kahit pa may kadiliman ang larawan ay kitang kita ang pagkakayakap ng lalaki sa kanyang pinakamamahal na asawa!

His nostrils flared up in anger, mariin niyang naikuyom ang mga kamao. Kung nasa harap lamang niya ang mga ito ay malamang na nakapatay siya ng tao!

"Huwag kang bulag Drake! Pinipindeho ka ng magaling mong asawa!" muling sumbat ni Evelyn.

"Shut up mama!" hiyaw niya. Mabilis niyang dinampot ang susi ng kotse mula sa night table, desididong muling bumalik sa airport. Hindi niya alam kung gaano katagal na sandali ang lumipas mula ng mawalan siya ng malay at alam niyang malaki ang posibilidad na hindi na niya ito abutan sa paliparan, but his whole being is commanding him to go. He can't just let her go, kailangan niyang marinig mula sa asawa ang kung anomang paliwanag ang mayroon ito.

Natigil siya sa paglakad nang humarang ang  kanyang mama sa pintuan, "gusto mo na ba talaga akong mamatay?! Hindi mo ba alam kung gaanong kahihiyan para sa pamilya at pangalan natin ang dulot ng ginawa mo kanina? My God Drake!The guards at the aiport had to taser you! Kung hindi lamang dahil sa koneksyon ko ay tiyak na sa kulungan ang hantong mo kanina!"

"Hindi ito magagawa ni Cali sa akin! I know her Ma, so please..."

"No!" I don't know what she fed you to turn you into the biggest fool anak! But listen to me! Maski si Aimee ay makakatestigo sa kataksilan ng Calistang 'yan!"

"Ano'ng ibig niyong sabihin?"

"Aimee!" halos pahisteryang sigaw ni Evelyn. "Aimee! Halika!"

Bumukas ang Narrang pintuan ng kanyang silid at iniluwa niyon ang babaeng tinawag ni Evelyn.

"Sige, sabihin mo kay Drake kung ano ang nakita mo!"

Alanganing tingin ang ibinigay ni Aimee sa kanya at sa kanyang ina,  na para bang nagdadalawang isip ito kung nararapat bang magsalita o hindi.

"What are you waiting for? Tell Drake what you saw the night these pictures were taken!"

"You took these pictures?" tila hindi makapaniwalang ani Drake.

"I- it was only a coincidence, Drake... Actually, it was the night I got back from Hong Kong. Di ba, naipangako ko sa iyong personal kong pupuntahan si Cali para sa iyo? To see how she's doing dahil labis kang nag-aalala sa kanya when we were in Hong Kong... I thought I would surprise her but...." Aimee paused, as if she doesn't know how to continue her sentence.

"But what?"  he taunted impatiently.

"...but as I was approaching your place, I saw a car parked in front of your house...at..." Aimee inhaled deeply, "...at doon ko nakitang si Cali pala ang sakay ng kotse," Aimee paused to look at him,  "She was with another man. I also could not believe what I'm seeing, lalo na ng pinapasok niya ang lalaki sa bahay niyo..."

Naramdaman niya ang tila lalong pag akyat ng dugo sa kanyang ulo sa mga sinasabi ni Aimee, ngunit pinilit niyang ikalma ang sarili.

"I even waited a couple of hours parked near your house to see what will happen next, but it looks like the man spent the night with Cali..." pagpapatuloy ni Aimee.

"Bullshit!" he roared. "If you are playing a prank on me, you're going overboard!" Nagdidilim na yata ang kanyang paningin sa galit!

"I wish I am Drake. Pero malinaw ang nakita ng dalawang mata ko! Halos hatinggabi na ako nakaalis ng araw na iyon, but I never saw the guy leaving! Ano ba sa tingin mo ang gagawin ng isang babae at lalaki sa bahay na silang dalawa lamang? Magkukuwentuhan? Siguaradong may namagitan sa kanilang dala-" nanlaki ang mata ni Aimee at hindi nito nagawang tapusin ang sinasabi nang sunggaban niya sa leeg ang babae. He would strangle Aimee's sweet little neck for telling hideous lies!

"Drake let her go!" Evelyn tried to yank his hand off from Aimee ngunit hindi nito natinag ang kanyang kamao.

"Tell me that you're lying! Tell me!" tila baliw na hiyaw niya. He tightened his grip on Aimee's neck kahit pa halos lumuwa na ang mata ng babae mula sa kanyang pagkakasakal.

"Let her go Drake! You're gonna kill her!" histeryang tili ng ina, muli nitong sinubukang tulungan ang babaeng ngayon ay namumula na ang mukha mula sa hindi paghinga.

"I swear to God I will kill you, you lying bitch!" tila ulol si Drake sa galit. His eyes were fierce and fiery, halos magbuga ng apoy ang mga iyon sa galit.

"She's not lying! Totoo ang sinasabi ni Aimee! Let her go Drake!" umiiyak na pakiusap ng kanyang ina.

Sunod-sunod na ubo ang ginawa ni Aimee dahil sa mahigpit na pagkakasikil niya sa leeg nito.

"Drake!" humahagulgol na muling pakiusap ng ina, pilit na tinatanggal ang kanyang mga daliring nakapalibot sa leeg ng babae.

"Huwag mong sirain ang buhay mo para sa isang babaeng ginamit ka lang!"

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Drake sa sinabing iyon ni Evelyn. Pakiramdam niya ay nanlumo ang buo niyang pagkatao.

Tila wala sa sariling binitiwan niya si Aimee, lugmok na napasalampak siya sa sahig. He'a never felt this numb all his life, it's as if his whole world became dark and meaningless.

Did Cali really just use him? Did she really leave him for another man?