webnovel

Mikaella’s Unreciprocated Love (Filipino)

Story ng kapatid ni Mikael sa GGIS#1 Try lang ulit sumulat. Paalala: Hindi po ako pro writer kaya huwag kayong mag-expect ng perfect na story. Hilig ko lang po talaga magsulat at magbahagi ng mga iniimagine kong storyline. Hindi po ako magaling magtagalog dahil taga bisayas po ako, at wrong grammar din po 'yong ibang english ko. Cliche po ang story na 'to at lahat ng magiging story ko sa future. Huwag po masyadong magdemand ng mabilisang update dahil kapag ganoon eh nagpapanic po ang utak ko. Heheh! Ayoko pong madaliin at baka masira ang plot ko. Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa nito kasi pinaghirapan ko din ang pag gawa nito na feeling ko naubos na ang brain cells ko. HAHAHAH! Sana magustuhan niyo.. :)) Salamat!

Aybeeming · Urbano
Classificações insuficientes
46 Chs

C20

"Mikaella..." Ulit niyang tawag sa 'kin pero hindi ko pa din siya pinansin.

Tapos na ako sa paghuhugas ng mga kamay ko. As I was about to turn around para magpatuyo niyon gamit ang machine ay bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko ng mahigpit gamit ang dalawang kamay niya. She's already crying so hard that her whole body's shaking because of it.

"Please.. A-Alam ko walang-hiya na 'ko p-para hingin sa 'yo 'to. Pero n-nagmamakaawa ako.. huwag mong s-sabihin kay Luis.. P-Please.."

Pinilit kong binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit 'yon at ayaw niya talagang pakawalan. She's tugging my hand forcefully.

"Let go of my hand." Mariin kong sabi sa kanya.

"M-Mikaella.. Please.. I'm sorry.."

"Sorry? 'Yan lang ang sasabihin mo? Tapos kung susundin nga kita ano na ang gagawin mo? Are you going to break up with that guy, Marilou? O ipagpapatuloy mo ang panloloko mo kay Luis? You're disgusting." Maanghang kong sabi sa kanya at dahil alam kong nabigla siya sa sinabi ko ay naging maluwag ang pagkakahawak niya sa 'kin kaya nagawa kong bawiin 'yon.

Agad akong tumalikod at lalakad na para iwan siya pero naunahan niya 'ko sa pintuan at agad na binlockingan 'yon.

"You wanna know why I did it? Kung bakit nagcheat ako sa kanya? Dahil mas pinili ka niya!!" Pasigaw niyang sinabi.

"What the fck are you saying?! Anong pinili niya 'ko?! Nasisiraan ka na ba ng bait, ha?!"

"Totoo naman eh! Nakiusap ako sa kanyang huwag umalis! Na dito lang siya sa Ilocos magtrabaho pero mas pinili niyang lumipat ng Manila para sa 'yo! Dahil nandoon ka!"

"Now, you're putting the blame on us, Marilou? Matino pa din ba ang utak mo? Huh?! Huwag mong isisi sa 'min ang kasalanan mo!! Hindi mo ba naisip na baka pumunta siya ng Manila dahil mas maganda ang trabaho doon kaysa dito?! Na mas maraming opportunities doon para sa ikaganda ng buhay niya?! Ng career niya? You should be supporting him! Hindi 'yang ganyan na pinag-iisipan mo siya ng mali! Ang tanga tanga mo naman!!"

Kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Damn this bitch! Hindi niya nga naisip 'yong ganoon at mas pinaniwala ang sarili sa walang kabuluhang pagiisip! She's so stupid!

"At dahil wala dito si Luis ay hahanap ka na lang basta ng iba?! Ha?! He trusted you kaya nakaya ka niyang iwan dito para makipagsapalaran sa Manila! Mahal na mahal ka ng tao pero nagawa mo pa din siyang lokohin! Eh 'di sana sumama ka sa kanya kung wala ka palang tiwala!"

"H-He did asked me to come with him.. P-Pero hindi ko maiwan si lola..." Mahina ng sinabi niya.

"Kaya nga kailangan mong magcompromise 'di ba? But you opt to take the wrong turn and cheat on him! Kaya kahit anong pagmamakaawa mo ay hindi ko susundin ang hinihingi mo, Marilou. Its either you tell him yourself this instant, o ako mismo ang magsasabi sa kanya."

"H-Hindi ko magagawa 'yan... Natatakot ako.."

"Natatakot ka? Hindi ka nga natakot makipagrelasyon sa iba eh! Tapos ngayon natatakot ka? Dahil nahuli ka? What the fck, Marilou!"

"A-Ayokong mawala siya... Natatakot ako.." Sabi niya at mas lalo pa siyang napaiyak.

"Then face the consequences of your wrongdoing. Tumabi ka na!" Sabi ko sabay tulak sa kanya but she just wouldn't budge.

I was about to spat more hurtful words at her pero natigilan ako dahil despite her tears ay nagawa niyang ngumisi ng nakakaloko. Marahas niya ring pinunasan ang mga luha niya sa pisngi gamit ang kamay bago tumingin ng diretso sa 'kin with devil-like eyes.

"Sa tingin mo ba paniniwalaan ka niya, Mikaella? Alam kong hindi na kayo magkaibigan ni Luis ngayon! Hindi na kayo nag-uusap 'di ba? Alam kong mahal mo si Luis hindi bilang kaibigan lamang! Kaya nga iniwasan mo siya! I know everything, Mikaella! Kaya sige. Sabihin mo sa kanya ang nakita mo ngayon. Tingnan natin kung papakinggan ka niya." Sabi niyang nanatiling nakangisi at tumawa pa ng makita ang reaksyon kong pagkagulat.

"Kaya kong gumawa ng kwento, Mikaella. Kaya kong ibahin ang sasabihin mo sa kanya. Alam kong kinuhaan mo din kami ng pictures ng kasama ko. Kaya tingnan natin kung kaya mo ba talagang baguhin ang tingin ni Luis sa 'kin. Tingnan natin kung masisira mo ba talaga ang pagkakilala niya sa 'kin. Ikaw na ang nagsabi. Mahal na mahal niya 'ko. Kaya sino kaya sa 'tin ang paniniwalaan niya?" Tunog naghahamon ang boses niya.

Talagang nagulat ako sa pinapakita niya sa 'kin ngayon. Gone was her innocent facade and what she's basically showing me now is actually her true colors. Mapaglinlang siya! Mapagkunwari!

Pero hindi ako padadaig sa pinapakita niyang katapangan at kagaspangan ngayon. As I've said, sasagipin ko si Luis kahit ano pang mangyari! He needs to know the truth and I will do everything in my willpower to save him from this two-faced bitch!

"Tingnan nga natin kung ganoon." Huling sinabi ko bago ko siya malakas na tinulak at diretsong lumabas na ng banyo.

"You should've slapped her, ate!" Inis na turan ni Chloe pagkatapos kong ikwento sa kanila ang nangyari kanina sa banyo.

"Yeah. She deserves it, anyway." Sabi naman ng kapatid kong engot na halatang galit din.

Tama sila.

Sana sinampal ko nga ang babaeng 'yon para magalaw at tumino ang utak niyang puno pala ng kalawang! Nakakapanghinayang dahil nasayang ko ang pagkakataong 'yon! Nangangati tuloy ang kamay ko dahil sa sinabi nila. Sarap sana kung ginawa ko nga 'yon para magtanda ang babaeng 'yon!

Ako pa talaga ang hinahamon niya ha? Hindi niya yata ako kilala! I'm Mikaella Edwards, bitch!

Nasa byahe na kami ulit pauwi na ng bahay at kanina pa 'ko nag-iisip sa gagawin kong hakbang pagbalik namin ng Manila bukas.

Hindi ko hahayaang lokohin pa lalo ni Marilou si Luis. If I need to beg for him to believe me then I will. Mas matagal naman akong kakilala ni Luis kaysa kay Marilou kaya alam kong mas paniniwalaan niya nga ang sasabihin ko. Sisiguraduhin ko na na hindi magtatagumpay si Marilou sa plano niyang paglilinlang pa kay Luis.

I know it in my heart na maniniwala nga siya sa 'kin and if he will then hinding-hindi ko na siya ulit iiwan kahit kailan. I will stay by his side forever as how a true friend should be.

"I miss you, Elle." Malambing na sabi sa 'kin ni Xave habang magkausap kami sa phone.

Nagsimula na ang advance birthday celebration ko ngayon dito sa bahay kasama sina yaya, Chloe, at bunso. Medyo maingay sa paligid kaya pumunta muna ako sa labas para makapag-usap kami ng maayos ni Xave.

Pagkatapos nang nangyari kanina ay parang nagdadalwang-isip na 'ko kung sasagutin ko na nga si Xave sa mismong araw ng birthday ko. Baka kasi mawalan din naman ako ng oras kay Xave habang ginagawa ko ang sagip misyon ko kay Luis. Mahahati din ang atensyon ko sa dalawa.

If you're going to ask me who I will choose to prioritize right now between the two, then I would definitely choose Luis. Alam ko ang unfair sa part ni Xave pero mas kinakailangan kong tulungan ang kaibigan ko. Mas kailangan ako ng kaibigan ko.

My lovelife can wait, and if Xave can really wait for me when I become successful with my sagip-Luis mission then that just means that he's really serious about me. That he really does love me.

Fortunate for me, ay walang alam si Xave na may balak nga akong sagutin siya sa birthday ko. Wala naman kasi akong pinapangakong araw. I'm supposed to surprise him. But then this happened. Pero alam ko binibigyan ko nga siya ng hint na sasagutin ko naman talaga siya. Pumasok nga sa isip ko na kaya siguro nangyari 'to ay dahil hindi pa ito ang tamang oras para sagutin ko siya.

I just hope that he can wait, dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko talaga siya.

"I miss you too, Xave." Nasabi ko din sa kanya dahil totoo naman.

"How I wish I was there with you. I bet you're having fun right now. Naririnig ko ang music. But I hope you won't drink, though." Malambing niyang sinabi.

Napahagikhik tuloy ako. "Hindi ako magpapasobra. Just a bottle, maybe?"

"Alright, Elle. Just have fun. Its your party, anyway. Magkita na lang tayo bukas? Dinner?"

"Sige. I'll text you when I get home tomorrow and if I'm free. I have some important matters to attend to pa kasi." Sabi ko na tinutukoy ang pagpunta ko kay Luis.

I don't know yet if I should tell Xave about Luis and my plans to help my friend out. Ayoko namang mainvolve pa siya dito at ayoko din namang mapapahiya ang kaibigan ko. Parang nakakahiya naman kasing malaman na niloloko ka ng girlfriend mo, 'di ba? Kaya mas mainam nga sigurong hindi ko na muna sasabihin kay Xave ang tungkol dito. Isa pa, wala din naman siyang alam kay Luis.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa sinabi ko. "I hope you will. Don't let me miss you too much, Elle. I might go crazy."

"Loko!" Natatawa kong sabi.

"I'm telling the truth." Sabi niya tapos biglang tumahimik ang linya niya na parang tinakpan ang mouthpiece or something. "Well, anyway. I won't hold you back for too long. Alam kong nag-aantay na ang mga kasama mo. I'll just text you later, okay?"

"Alright. Mag-ingat ka. Bye, Xave." Pagpapaalam ko na din bago ko pinatay ang tawag at bumalik na nga sa loob.

"Where were you, ate?" Inis na turan ng kapatid kong engot na sinalubong ako pagkapasok ko pa lang sa bahay.

"Why?" Nagtataka ko namang tanong.

"Tss. You were talking with that guy, again?"

That guy, meaning si Xavier.

"Oo, at anong problema kung kausap ko siya?"

Nakita ko ang pagbuga niya ng malakas na hangin bago sumagot. "I'm telling you, ate. He shouldn't be trusted, okay?"

"Okay? Then give me a million reasons why I shouldn't trust him, bunso."

"Basta! Antayin na lang nating bumalik si ate Michelle. Not all men are the same as me and daddy, ate. Basta hindi ako nagkulang sa pagbabala sa 'yo." Sabi niya at tinalikuran ako agad. "Tara na! Magboblow ka na ng cake."

"Hay naku! Fine, fine! Hindi pa naman kami, okay? Kaya chill ka lang, bunso." Sabi ko naman at agad na sumunod sa kanya.

Nanatiling busangot talaga ang mukha ng kapatid kong ewan sa buong durasyon ng party ko. Kahit si Chloe nga ay pinapagalitan na siya para ayusin lang ang ekspresyon niya. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Pwede naman niyang sabihin na lang eh. Ba't kailangan pang antayin si ate Michelle?

Sa totoo lang nababother naman talaga ako sa ginagawang pagdidiscourage ng mga kapatid ko sa pagsagot ko kay Xave. Kaso ang problema ay wala naman talaga akong nakikitang mali sa kanya at sa pinapakita niya sa 'kin.

But wait.. naalala ko tuloy si Marilou. She's also a pretentious bitch, 'di ba? So, are they trying to tell me na ganoon din si Xave?

Oh, my gosh! Sana hindi!

Hay naku!

Ayoko na nga munang problemahin 'to. Mas kailangan ko na lang munang ifocus ang isip ko sa gagawin ko bukas. I hope everything will turn out fine tomorrow. I just hope Luis will listen at maniwala sa lahat ng sasabihin ko sa kanya bukas kasi kung hindi ay baka mapilitan akong gumawa ng bagay na hindi magugustuhan ni Marilou.

That's my plan B, by the way, kung hindi nga gagana ang gagawin ko bukas. At ang plan B na 'to ay idemanda si Marilou for physical assault, grave threat, and the likes. Bahala na kung ano pa ang pwedeng idagdag ng family lawyer namin and I'm really going to take it into court.

I have connections, anyway. My parents have way more connections than me, too. And lastly, ay may pera kami. Kaya kung kinakailangan ko ang tulong nila para magawa ang plan B ko ay talagang gagawin ko.

Ako pa talaga ang kinalaban ni Marilou, ha?

I'll show her who the real bitch is.