webnovel

Midnight Memories

dark_pen · Geral
Classificações insuficientes
8 Chs

Prologue

"SINO KA BA TALAGA?!" sigaw niya sabay hawak sa braso ko.

"HINDI KO RIN ALAM!" sigaw ko pabalik. Bigla siyang natahimik. "Hindi ko talaga kilala yung sarili ko." sambit ko. Hindi ko alam kung bakit nararanasan ko ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy itong ginagawa ko kasi ang daming nangyayaring hindi naman namin ginusto.

"Nababaliw ka na." mahinang tugon niya. Napatingin ako sa kanya. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kitang kita ang mga pagdurusang nadarama niya. Paumanhin. Kinailangan mo itong maranasan dahil sa akin.

"Sana hindi na lang tayo nagkakilala." nanginginig kong tugon. Biglang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Bigla niya akong niyakap. Pakiramdam ko, safe ako. Pakiramdam ko, protektado ako at tanging siya ang ang nagpadama sa akin nito.

Bigla akong nakaramdam ng pamamasa ng aking damit, nung siya ay aking tignan, nakita kong may luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Lalong bumigat ang akinng pakiramdam.

"Palayain na natin ang isa't isa. Ayusin natin yung mga sarili natin." mahinang sambit niya sabay hawak sa aking mukha. Pinunasan niya ang aking mga luha. Ngumiti ako.

Kahit masakit.

Kahit mahirap.