webnovel

CHAPTER 4

"WOOOOOOW! Ang gaganda naman ng mga anak ko.. saan buh ang lakad nyo??"-tanong ni daddy na kararating lang galing office.

"Tnx Tito!! Sa school lang po, may party sa other department at invited kami... "-joanne

"Ganun buh, pwede buh akong sumama?

"Tito naman eh!! Wag naman po bantay pari!" Don't worry Tito! Ako ang sasalo sa mga baby boys na aalialigid sa mga kapatid ko!!-Fritz

"Hahahaha di na siguro kailangan pang bantayan.. May trust naman ako sa anak ko... For sure naiwan sa Bohol ang puso nyan..."

Sige nah, lumakad na kayo... mag-iingat kayo huh...

Belle, don't forget the curfew...

"Yes Dad..

Umalis na ang magkaibigan papuntang school.. Nasa labas na nag hihintay si Mikel sa kanila.. At gaya ng sinabi nito kanina, si Fritz nga ang pinagbayad niya ng ticket nila...

"ANO buh naman yan! Sa isang iglap lang nawala na 500 ko! Pano pa ako magkaka jowa nito!!! " pagmamaktol ni Fritz...

"Ok lang yan, nasa loob na mga boylet mo, naghihintay na sayo... Bumili ka raw ng isang case ng RH..."- natatawang sabi ni Mikel

Nang makapasok sa loob, pumunta sila sa table na naireserve ni Mikel para sa kanila.. Nagpa alam din ito dahil may aasikasuhin..

"Ang dami naman yatang tao dito... Lahat bato broken hearted???? Pero bakit yung iba may partner nah, at ang sweet sweet pa nila... Does it mean na love at first sila sa isat-isa??? Nakapag move on na agad matapos ng break up??? May mga third party table pa oh... May photo booth pah... "Anong status ng lovelife mo..? pang tanong, ang dami mo ring pagpipilian na sagot.. Naroon ang Single, complicated, at friends with benefits. Sana naman may third party issue... May corner din ng Basagan ng Trip.. Lahat ng nasa loob ay pwede mong basagin. Papasok kaya ako doon sa loob at magsisigaw nang mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Bago paman ako ako nakapasok, may lalaking lumabas at pupunas punas ng kanyang luha.. at sabi "its over, im done crying with you baby..time to move on" sabay hinga ng malalim at lumakad ng naka smile.. Sinundan ko siya ng tingin at lumapit siya sa mesa ng mga babaeng walang partner... Bakit parang ang dali lang sa mga lalaki ang mag move on...

"Oh! look whos' here.... Bakit ka nandito girl... naghiwalay naba kayo ng boyfriend mo? Sabagay, hindi naman malayo mangyari yon, naging kami pa nga kahit kayo nah... Ooooopsss sooorry nadulas yata dila ko... "

Siya si Genievive, ex girlfriend ni Daniel..

Nanlilisik ang mata kong nakatitig sa malanding hitsura ng babaeng nasa harap ko. Ang sarap sarap sabunutan!!

"Paki mo??? Oh! you dont have to make it a secret na naging kayo ng boyfriend ko kasi alam ko naman yon... Ako nga pinili nya di ba??" and besides, Hindi na man sinabi sa party na bawal pumunta ang taken ah! I just wanted to see how broken hearted people look like.. and I saw you, who look like a desperate one to fool other man..." -belle

"Clap! Clap! clap! ang taray mo gurl! Maldita ka talaga!!"-Fritz

"Oh ano, nga nga ka ening??? maghanap ka nalang ng ibang pwede mong e bully, wag tong bestfriend ko nang hindi ka mapahiya ng dis oras... Alis na bilis!!" -Joanne

"Kanina kapa namin hinahanap ah, akala namin umuwi kana... tara na sa table may dalang foods si papa Mikel sa atin..." -Fritz.

Nang makabalik na sila sa table, nadatnan nila si Mikel na hindi mapakali... May tinatawagan ito ngunit para yatang walang sumasagot...

"May problema buh papa M?" -Fritz

Yung kasama ko kasi sa banda hindi pa dumating.. Kanina ko pa tinatawagan hindi sumasagot.. -nag aalalang si Mikel

"Helllo! pare sorry hindi ako makapunta, tumawag kasi misis ko, manganganak na yata!!!" sabi nung lalaki na tumawag kay Mikel

Naman oh!!! Bakit ngayon pa.... May kakilala ba kayo na member ng banda? tanong ni Mikel

Napatingin naman ang dalawa kay Belle...

Huhhhh? bakit ganyan ang tingin nyo sa akin?

BELLE is the perfect one you are looking for...

"Since childhood mahilig na siya sa instruments. Ginagawa niyang gitara ang walis, sisidlan naman ng floor wax ang tambol.. "

NAging member siya ng banda noong nasa High School na kami, at doon niya nakilala ang ____"

Hindi na natapos ni Joanne ang sasabihin ng magsalita si Belle.

"Ano bang genre nyo?" -tanong ni Belle

"Acoustic..Love Song...."-sagot ni Mikel.

"Perfect!!! favorite ni Belle yan!- Gooooo na gurl! matagal tagal na rin nung huli ka naming nakitang ng perform! - sabik na sabi ni Fritz

Akala ko metal o low rock ang genre ni Mikel... Pananamit lang yata nito ang pagka rakista.. Love Song pala hilig nito..

"Hindi buh parang namatayan tayo niyan... Broken hearted na nga papaiyakin pa.. Saklap! Hindi buh pwede disco music nalang ng magsilabasan ang sinaniban ng espiritu ng. kamalasan sa love!

Sumama na si Belle kay Mikel sa back stage para mag insayo saglit at malaman ang flow ng music na itutugtog nila...

Kinakabahan na na eecxite si Belle dahil ngayon lang ulit siya makakatugtog sa entablado...

"Goodluck guuurl!! Galingan mo huh... Wag kang eemote emote jan... baka malunod kami sa luha mo... o di kaya mag karoon ng swimming pool of tears dito 😂😂" - text sa kanya ni Joanne.

Nangsimula na silang tumugtog. . naka ilang music na sila at pinipigilan talaga ni Belle na huwag ma iyak.. Kung siya lang ang masusunod gusto nitong magwala sa sakit na nararamdaman niya. Lalo na sa mga awiting sapul na sapol siya.

"please play the song "Goodbye by Air Supply"

Para yan sa ex ko...

" please play the song "I love you Goodbye" para sa ex ko..sorry

" please play the song "Fixing A Broken Heart" para sa bago kong Girlfriend, thank you at binuo mo ulit ang puso ko...

*Someday

* Maybe

*Waiting for your Love

*Ikaw

*Bended Knees

Napagod ng husto si Belle dahil sa dami nang nag rerequest ng kanta.. Balak na rin yata niyang magrequest na kung pwede lang sana tapusin na nila ang gig nato! Pagod na pagod na siya at ang sakit sakit nah!! Sa dinami dami ng nagrerequest wala man lang nag alay sa kanya ng kanta. Nang kahit kunti mabuhayan man lang sana ang nagdurugo niyang puso..