webnovel

Chapter 3

Hindi akalain ni Belle na ang pagbabakasyon niya ay hindi naging masaya.. Araw araw niyang inaabangan ang text o tawag ng boyfriend nitong si Daniel, ngunit ni minsan kahit "SORRY " man lang WALA TALAGA!

Nawalan na siyang ganang pumasok dahil alam niyang sasalubungin siya ng bestfriend niya ng maraming tanong. Hindi rin siya pwedeng magkulong nalang sa kwarto dahil mahahalata ito ng daddy niya... Kaya wala siyang magawa kundi, mag ayos at pumasok sa school..

BELLLLLE GURL!!! Ano nah, kamusta ang bakasyon mo??? may pasalubong buh ako?? tanong sabay yakap nitong bestfriend niyang si Joanne.

"Okey lang naman.. Heto, pasalubong ko sayo.. " walang kabuhay buhay na sagot ni Belle.

"Teka lang! bakit ang tamlay mo yata te! hindi kaba masaya sa bakasyon mo? Ay!! Naku!! muntik ko nang makalimutan, umiiyak ka pala nung tinawagan kita! Ano bang problema??"

"Wala naman... promise okey lang ako.."

Hindi convincing ang tono ng pananalita ni Belle kaya hindi siya tinantanan ng tanong ng bestfriend niya..

"Hmmmmm... huhulaan ko kung anong problema ni baby gurl.... May ibang babae na si Daniel noh???? "sambat ni Fritz na bigla nalang sumulpot sa hindi nila alam kung saan nang galing.

"Hindi ah!! Okey lang kami, sobrang miss na nga namin yung isa't isa eh! masayang masaya kaming nagkita..." sagot ni Belle

"MASAYA?? HAPPY??? Saan banda besh??? Alam mo, maaaring nagsisinungaling ang puso't isipan mo.. pero yung mga mata mo hindi... - "sabi ni Joanne na hinawakan ang mukha ni Belle para lang tingnan ang mga mata nito...

Hindi na nagsalita si Belle at niyakap niya ang bestfriend niya at umiiyak..

"Sinasabi ko na nga buh! Mahirap na magtiwala sa mga lalaki ngayon! Akala mo minahal ka! Akala mo mamahalin ka! Akala mo mahal ka nah! Yun pala pera mo lang ang gusto nila!!"Nakakaiyak na hugot ni Fritz

"Hoy! bakla! hindi pera ang issue sa pagitan nina Belle at Daniel! "Taas kilay at pigil tawang sabi ni Joanne sabay yakap kay Fritz...

May pinagdadaanan rin pala ang kaibigan nilang si Fritz...

"Ano buh naman yan! BAkit pa buh nauso ang LOVE LOVE na yan!!!!kaya ayoko na talagang pumasok sa isang relasyon dahil takot akong masaktan eh!!" -sabi ni Joanne...

"Hoy manang! Over ka din noh! Hindi naman sa lahat ng panahon masasaktan ka, may mga time din naman na masasarapan ka, feeling mo heaven nah, ..... "

"Hoy! yang bibig mo napaka bastos talaga!!! anong sarap sarap at heaven heaven yang pinagsasabi mo jan!! ang dumi talaga ng utak mo sing dumi ng pagkalalaki mo!!"

"Pak! nagsalita si manang virgin....!! Ikaw itong marumi mag isip. Masarap kasi sa pakiramdam ang magmahal.. Yung kahit alam mong ikaw lang nagmamahal, mamahalin mo parin siya nang walang hinihinging kapalit.. Heaven kasi masaya lang.. masaya kang nakikitang masaya siya kahit hindi ikaw ang dahilan..." nag dadramang hugot na naman ni Fritz...

"Hay naku! Ewan ko sayo. nagiging bobo na nga yata ang tao kapag na iinlove... hindi maipaliwanang ng maayos ang nararamdaman....." nalilito parin si Joanne sa mga sinasabi ni Fritz.

"Yan nga ang LOVE... ang hirap ipaliwanag..." "Minahal mo nang sobra sobra, lolokohin ka rin pala....Nasasaktan ka na, pero mahal mo pa din siya... "sabi ni Belle na kanina pa nakikinig sa usapan ng mga bestfriend niya... "Kain na muna tayo, nagugutom na ako..."

Hindi na niya kailangan pang e detalye sa kanila ang nangyari kasi gets na nila. . .

@CAFETERIA

"Ano bang meron! bakit ang daming studyante." tanong ni Belle..

OMG! Gurls! Valentines nga pala today!!! May "FREE LUNCH DATE for COUPLES ONLY" "COUPLES ONLY talaga huh!! sino may pakulo nito at nang mapakuluan ko naman siya!!" nakapameywang na sabi ni Fritz..

"Hayaan mo nah, libre ko EAT ALL YOU CAN for BROKEN HEARTED.." sabi ni Joanne...

Nag order na sila ng mapansin nilang nawawala si Fritz sa likod nila...

"Saan na naman kaya ng punta yung bakla!"

"Excuse me po Sir, yung bayad nyo po... sabi nung casher..

"Anong bayad?? Diba, FREE LUNCH DATE for Couples to? - tanong ni Frits..

"Yes Sir, pero.... pero hindi nmn po kayo couples.. dapat po kasi, kasi.... babae at lalaki po....." confused na sagot ng casher..

"May discrimination buh dito miss???? wala na ba talaga kaming karapatan na mag mahal sa kapwa namin??? " hugot na naman ni Fritz.

"Ahmm, Miss... heto na yung bayad.. sorry sa abala.." - nahihiyang sagot nung lalaking ka date ni Fritz...

"Thank you sa libre babe... Ang sweet naman ng babe ko.... "- pabebeng sabi ni Fritz

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Fritz na umupo sa table ng bestfriends niya....

"Oh, kitamz!!! May instant date tayo ngayon!!"

"Meron nga, pinahiya mo naman..." Kaya ka iniiwan ng lalaki mo kasi ang harut harut mo..." sabi ni Joanne..

Okey lang yun girls sanay na ako... sisingilin ko naman siya matapos ng date na to..- sabi ng date ni Fritz na si Mikel...

" Sanay sa ano?? Wait! you mean, pumapatol ka sa lalaki???"

"Hoy! manang virgin! may problema ka buh don?? kahit nmn lalaki ako, di hamak mas babae pa akong tingnan sayo ah!! - sabi ni Fritz sabay turo ng hawak nitong tinidor kay Joanne

Habang busy sa asaran ang dalawa... Tahimik lamang na kumakain si Belle...

"Hoy, besh! bat ang tahimik mo yata... nasa planet earth kapa buh??? -tanong ni Joanne

"Yung boyfriend mo, na kay Venus nah.." - Hanapin nalang natin si Pluto, nang maka move on kana..." dugtong ni Fritz..

"Ano bang pinagsasabi ninyo! kumain na nga lang tayo..." Wala kay Venus yung boyfriend ko, na kay Marga nah.. sabi ni Belle sa sarili..

Nga pala! may program ang department namin mamayang gabi.. "Mending A Broken Heart" may live band, disco at iba pa.. ito yung ticket ninyo..Si Fritz na bahala sa bayad..- sabi ni Mike..

"Mending a broken heart??? para yata to sa mga broken hearted ah! swak na swak sa sitwasyon ko! Ano kaya gagawin namin don? Mag aalay ng kandila sa mga taong nanakit sa amin??? Mag iiyakan hanggang sa maubos ang luha namin kakaiyak sa taong hindi deserving???? "-belle

"Okey lang buh pumunta ang single?? -joanne

"Oo naman!! chance nyo na makahanap ng instant boyfriend!!"-tatawa tawang sagot ni Mikel.

"OMG!!! i love it!! GO na tayo gurls!!" excited na si Fritz.

"Sumama kana rin Belle, nang makalimutan mo sandali ang boyfriend mo.." sabi ni Mikel.

Nanlaki naman ang mata ni Belle sa narinig! Pano buh nalaman ng mokong nato na broken hearted ako??? Kailan pa kami naging close????

"Pwede bang kayo nalang.. Alam nyo naman hindi ako sanay sa mga ganyan.. Pagod rin ako, at gusto kong magpahinga..-Belle

"REASON not acceptable!! " Hindi tayo pupunta don para palitan ang boyfriend mo, dadagdagan lang natin gurl!!! -Fritz

"Tara na besh!! Punta na tayo sa mall ng makabili tayo ng outfit!!! My gosh! I'm so excited!! Doon na rin tayo sa inyo mag ayos.. "- joanne..

"Good idea gurl!!! Daanan ko kayo mamaya! ako na mismo mag aayos sa inyo!!" Bye for now! Kita kits later! May pupuntahan lang ako. " sabi ni Fritz.

May ghaaaaad!! may magagawa pa ba ako??? kung makapag decide tong dalawang to wala na akong magagawa!! mapapasama akong talaga! Waaaateeever! mas mabuti na rin sigurong sumama ako kaysa mag mokmok ako sa kwarto!! -belle