webnovel

Chapter 2

EXCITED c Belle nang isama siya ng papa nya sa business trip nito sa Bohol. First time niyang makapunta doon na kasama ang papa niya.. At higit sa lahat nasa Bohol din nag aaral ang boyfriend niyang si Daniel. Hindi niya ipinaalam sa boyfriend niya na pupunta siya ng Bohol dahil gusto niyang surpresahin ito.. Wala si Daniel pagdating niya sa bahay ng tita Minda niya..

"Naku Hija, kanina ko pa tinatawagan si Daniel, naka patay yata ang telepono ng batang yun. Baka gusto mo munang magpahinga, mukhang pagod ka yata sa biyahe. Dun ka na muna matulog sa kwarto ni Daniel.. "

"Salamat po Ante Minda.. "

Nang makapasok sa kwarto si Belle, nagtaka ito nang wala man lang siyang nakitang larawan nilang dalawa. Ang dami naman nilang selfie before.. May wallet size picture nga sa pitaka niya.. Matagal tagal na rin silang hindi nagkita kasi bihira lang umuuwi ng probinsya si Daniel kasi busy raw sa school. Tiningnan niya ang schedule of classes na naka dikit sa aparador nito.. Hindi naman pala ito loaded, bakit palagi niyang sinasabi na busy siya.. Kinutuban na si Belle.. Hindi namalayan ni Belle na nakatulog pala siya sa kakahintay.

Nang lumabas siya ng bahay nakita niyang papasok ng gate si Daniel.

Di niya napigilan ang sarili sa sobrang saya ng makita ang kasintahan.

"Daning!!!! Miz na kita nang sobra!! "

Patakbo niyang sinalubong at niyakap ng mahigpit ang nobyo.

"Kumusta nah,?? miz na talaga kita sobra sobra!! Buti nalang sinama ako ni daddy para mabisita ka kahit sandali lang!"

Ngunit sa di inaasahang pangyayari, nagtaka siya nang hindi mn lang naka pag react ang lalaki. Parang wala itong narinig sa mga pinagsasabi niya. Para itong istatwa na nakatayo lamang.

Lumipas ang ilang segundong nakatayo silang dalawa nang may biglang humawak sa braso ng lalaki..

Pinakawalan niya ang yakap sa nobyo at nakita niyang may isang babaeng naka hawak sa braso nito.

Hindi nakapagsalita si Belle sa nakita. Nakatitig siya sa nobyo at naghihintay sa paliwanag nito.

Ka--ka--kailan ka pa dumating? pa utal utal na tanong ni Daniel.

Sino siya? tanong ni Belle sa nobyo.

Si ----si--- Si Marga, ka-----

"Girlfriend ni Daniel."sagot nang babaeng nakataas pa ang isang kilay at mahigpit na hinawakan sa braso si Daniel..

Bago paman tumulo ang luha sa mga mata ni Belle, tumakbo na ito palabas ng bahay.

Hindi niya inaasahan na ganun ang magiging kahihinatnan ng pagkikita nila ng nobyo. Ang saya at pananabik na nararamdaman niya ay napalitan ng luha...

Nakarating siya ng park at doon na siya umiyak ng todo na akala mo parang batang inagawan ng candy. Halos lahat ng taong napadaan nakatingin sa kanya. Walang pakialam si Belle, dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Hindi niya lubos maisip na sasaktan siya ng nobyo. Kinuha ni Belle ang cellphone nya sa bag at sakto namang tumawag ang bestfriend niya..

"Sis! nasaan ka buh??? kanina pa ako tawag ng tawag sayo hindi mo sinasagot! Ano na, nagkita na ba kayo ng nobyo mo?

Belle! hoy ano buh! nan diyan ka pa buh?? "

Sunod sunod na tanong ni Joanne.

Humahagolgol lang ng todo si Belle... Hindi siya makapagsalita dahil siguro sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.

"Hoy besh! okay ka lang??? bakit parang umiiyak ka yata?? may problema buh??

Naka uwi ka na buh? Gusto mo puntahan kita?

"Nasa Bohol"

Ay! naku gabi nah, wala nang barko, di pa ako marunong lumangoy! akala ko naka uwi ka na!" ang patawa sanang biro ni Joanne..

"Ano bang nangyari huh!! Nag away buh kayo? Nahuli mo ba sa aktong may ka sex? "

Tot----toot--- toooot...

Hindi na siya naka pagsalita muli at naputol na ang linya.

Kinakabahan si Joanne sa kinikilos ng best friend niya.. Kung may chopper lang sila, pinuntahan na siya ang kaibigan.

"Hi Miss Ganda, pwede mangayo sa imong number?" tanong nang lalaking kanina pa nakatingin sa kanya..

"Ano???"

Ah, tagalog ka pala.. Sabi ko, pwede buh mahinge ko number mo..?"

"Number 2" wala sa sariling sagot ni Belle.

"Huh? anong Number 2? " Number 2 ka lang buh sa puso niya?"

Bigla akong napa isip sa tanong niya. "Number 2 nga lang buh ako sa puso niya, kaya nagawa niya akong lukuhin???"

"Sorrry Miss.. napansin ko lang kasi kanina ka pa umiiyak. May LQ yata kayo ng boyfriend mo.. "Sayang yang ganda mo kung hindi sing gwapo ko ang nobyo mo"

Ang kapal naman ng mukha nang lalaking to, sinong mas gwapo ang tinutukoy nito??

"Excuse me! wag kang feeling, Hindi ka gwapo!!!" at umalis na ako.

"Sino buh nagpa iyak sayo, nang ma upakan ko nah!" Kilala ko lahat ng tao sa lugar na to!

"Miss sandali lang, Miss ganda! yung puso ko daladala mo!" sigaw pa ng binata.

Bago ako pumasok sa tinutuluyan namin ng daddy ko, inayos ko muna ang sarili ko.. Para naman hindi niya mahalatang broken hearted ako.

"Anak, kumusta, nagkita naba kayo ni Danielle?

"Opo"

"Bakit hindi mo siya kasama? Sabay na sana tayong maghapunan."

"Ahm, busy po kasi siya.. "

"Bakit parang malungkot ang anak ko?"

"Hindi po Dad...masaya akong nagkita kami. Pagod lang siguro ako sa pamamasyal namin kanina. "

"Nakapag paalam ka naba sa kanya?"

Opo! Magkikita nalang kami sa bakasyon.. Uuwi po siya."

Napilitan akong mag "story telling a lie" sa daddy ko. Sa ganoon, hindi niya mahahalatang malungkot ako.. Pinili kong hindi sabihin ang totoo kasi hindi ko pa narinig ang paliwanag ni Danielle.

"Matulog ka nang maaga. Maaga pa tayo bukas..."

"Okey po Dad!, goodnight po... "

Pumasok na ako sa kwarto at nakinig ng music.

"How can I explain, my sorrow and my pain

I believe that u and I should be, together once again

Every night I pray, that you'll come back to me. Coz the tears keep falling down my face when you're not around

And now you're gone.... gone away.. "

Gone away na nga buh??? Yun lang? ganon ganon nalang yung ilang taon nilang pinagsamahan???

"Oh, I'm waiting for your love, ...

Nakatulog si Belle kakahintay sa tawag ng nobyo, ngunit ni isang miscol wala siyang nakita.. Maski paghingi man lang ng sorry wala. as in WALA!

Nasa pier na kami ni daddy nang may tumawag sa akin...

"Ante Minda! naparito po kayo, pasensya na po, hindi na po ako nakapag paalam sa inyo.. "

Akala ko kasama niya si Danielle...

"Okey lang yun anak, may ipapadala sana ako para sa magulang ni Danielle. Para rin yan sa inyo ang isang supot.."

"Nasaan si Danielle? tanong ni Daddy..

"Nag text po sakin Dad, may pasok po siya kaya hindi na siya makakapunta.. "

Tiningnan ako ni Ante Minda... Alam niya ang nangyari kahapon.

"Sige po, Ante mauna na po kami... Paki sabi po kay Danielle, tawagan niya ako mamaya pag hindi na siya busy.."

"Okey Anak, mag ingat kayo sa biyahe.. "

Nalungkot si Ante Minda sa nakita niya kahapon.. Matagal na niyang alam ang kalokohang pinag gagawa ng pamangkin, kaya lang, wala siyang lakas ng loob na sabihin sa dalaga ang totoo.. Unang beses palang silang mg kita ng dalaga at alam na niyang mahal na mahal nito ang binata.. Palagi rin kasing ekinukwento nang mama ni Danielle si Belle.. Butong buto sila sa dalaga dahil sobrang bait nito.... Palagi itong dumadalaw sa kanila kapag na mi miss niya si Danielle. Araw - araw namang pinagsasabihan ni Aling Minda si Danielle, ngunit hindi ito nakikinig sa kanya.. Hindi nga lang isang babae ang nadala niya sa bahay. at palagi niyang sinasabi na fling lang niya iyon.. Nasa Mindanao ang taong totoo niya mahal.... Dahil lang sa sobrang miss niya sa nobya kaya siya naghahanap ng iba..

"Hay naku, kabataan ngayon... "

Nilibot ni Belle ang paningin niya, baka nagtatago lang si Danielle... Ngunit wala itong nakita...

Umasa siyang magpapakita pa sa kanya si Danielle bago man lang siya umuwi.. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito.. Ngunit walang Danielle ang nagpakita sa kanya..

Akala niya, darating ang nobyo niya, patakbo papunta sa kanya para pigilan siyang huwag nang umalis, at nakaluhod na tumihingi ng tawad, at magyayakapan silang buhat buhat siya.. Parang Don Zulueta lang...parang sa mga teleseryeng napapanood niya...

Pero hindi iyon nangyari.. Umuwi siyang dala dala ang sakit na nararamdaman.

"Anak, umiiyak ka yata.."

"Huh?? Wala po, napuwing lang po ako Dad..."

"Wag kang mag alala, magkikita pa naman kayo ng nobyo mo.."

"Sana nga po...."

"Sabihin mo lang sa akin kung hindi mo na kaya.. Marami pa naman dyang iba..."

Napatingin ako kay Daddy.. .fathers instinct??? wala naman akong sinasabi sa kanya...

"Mga kompadre ko nagtatanong kung single buh ang anak ko.... baka kasi may chance pa ang anak nila.. "

"Dad naman eh!!! "

"Bakit??? Maganda ka kasi, mabait pa.. nasayo na yata lahat kung e describe ka nila.. Nakaka proud lang anak na maraming nagkakagusto sayo, kaya wag mong sayangin ang sarili mo sa taong hindi ka mahalaga.... "

Hindi na ako nagsalita at niyakap ko ng mahigpit si Daddy....

"Cheer up young lady!!"

Hindi pumapayag si daddy noon na mag bo boyfriend ako.. Wala siyang pinapapasok na manliligaw ko, kaya ayon, walA nang lalaking nangahas na ligawan ako.. Hanggang tingin nalang sila.. Hindi alam ng daddy ko na may nobyo na ako nung High School.. Last year nya lang nalaman na boyfriend ko na si Danielle. Mahigit 7 years na kaming magkasintahan. Parang puppy love lang... Sa tagal namin, hindi na pumalag ang daddy ko at hinayaan na niyang dalawin ako ni Danielle.. Naging malapit din sila sa isat isa.. Minsan naglalaro sila ng basketball sa bahay. Ako ang scorer nila.. kaya wala talaga kaming intimate moment ni Danielle.. Lumalabas kami noon kasama si Daddy, o di kaya si Joanne... Kapag ako dumadalaw sa kanila, naka bantay sarado ang mga nakababatang kapatid niya.. May time pa nga na sa kanilang bahay kami nag celebrate ng pasko ni daddy at doon din ang buong pamilya nya ng celebrate ng new year sa amin.. Ganon na sana ka close ang family namin....