webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

We Are Better When We Are Friends Than Lovers

Eksaktong eight ng gabi, niligpit ko na yung gamit ko. Ang usapan lang naman need magtrabaho na hanggang eight so eight na kaya pwedi ng umuwi. Nung masigurado kong napatay ko na yung computer ko agad na kong tumayo at binitbit yung bag ko. Paalis na sana ako nung mapansin ko yung pagkain sa lamesa ko. Sayang naman kung iiwan ko kasi malamang di yun papansinin ni Martin baka mapanis lang dun at mamaho kaya binitbit ko na lang din.

Naisip kong ibigay nalang mamaya sa guard sa baba, di na ko nagpaalam kay martin bago ako tuluyang lumabas ng office niya. Paglabas ko doon ko lang nalaman na wala na palang ibang tao sa floor, maliban sakin at yung ilaw kunti nalang yung naka bukas.

Bigla akong nakaramdam ng creepyness kaya mabilis akong naglakad papunta sa elevator. Maya-maya may naramdaman akong naka sunod sakin, paglingon ko si Martin pala bigla pa naman akong kinabahan kala ko sino na.

Agad akong lumapit sa elevator para sana makababa na pero naka out of coverage yung common elevator para sa mga regular empleyado kaya napa tingin ako kay Martin na nilagpasan ako para pumunta sa private elevator niya at mabilis na pumasok. Akala ko talaga iiwan niya ko, buti nalang meron parin siyang puso at tinawag ako.

"Sasabay ka ba o hindi?" seryoso niyang sabi.

"Sasabay!" mabilis kong sabi at patakbong pumasok sa elevator niya.

Nanatili lang ako sa may malapit sa pintuan at di na ko lumapit sa kanya na naka tayo sa may sulok ng elevator. Kagaya ko bitbit din niya yung pagkain niya na para sana sa dinner niya rin sana. Wala kaming kibuan hanggang sa makababa na kami sa ground floor.

Dahil nga malapit ako sa pintuan, nauna na kong lumabas at di ko na siya nilingon pero alam ko naka sunod siya sakin kasi nga rinig ko yung yabag niya. Hinahanap ng mata ko si Manong Guard pero di ko siya nakita kaya bitbit ko parin yung pagkain ko hanggang maka labas na ko ng building.

"Michelle!" Si Christopher iyong tumawag na kaagad kong nginitian. Naglakad ako papunta sa kanya at masaya naman niya kong sinalubong habang inabot sakin ang isang bugkos ng bulaklak na puro rosas na pula.

"Thank you!" nasabi ko nung matapos ko yung abutin. Kinuha niya rin yung dala kong paper bag.

"Tara!" yaya niya sakin kaya lumakad na kami papunta sa kotse niya.

"Kain muna tayo ng dinner?" sabi ni Christopher habang pinapaandar yung sasakyan niya.

"Sige!" pagsang ayon ko. Napansin ko si Martin na nakatayo sa may labas at naka tingin samin pero di ko na siya masyadong pinansin kasi malamang hinihintay niya si Mang Kanor para maka uwi narin.

Dinala ako ni Christopher sa isang Korean restaurant at kumain kami ng sikat na samgyupsal.

"Kain ka pa!" sabi niya sakin habang nilalagyan yung pinggan ko ng lutong karne na siya ang nagiihaw.

"Salamat!"

"Bakit nga pala ginabi ka?" tanong niya sakin habang naglalagay ng bagong karne sa kalan.

"May tinapos lang!" simpleng sagot ko ayaw ko namang kasi sabihin na naka tulog ako kanina kaya pinag-overtime ako ng Boss ko.

"Siya nga pala Michelle, salamat ha at pumayag kang lumabas tayo!" naka ngiti niyag sabi sakin.

Di ako sumagot at ngumiti lang paano kasi kung di ako pinag-overtime ni Martin malamang di ako pumayag at kay Mike sana ako sasabay pero dahil nga mapilipit siya kahit na sinabi ko na gagabihin ako at willing siyang sunduin ako at ihatid sa bahay, pumayag narin ako. Isa pa nga is nangako rin ako na makipag date sa kanya kaya di na ko maka tanggi.

"May desisyun ka na ba kung babalik ka sa America?" muling tanong niya sakin.

"Actually di ko pa iniisip!"

"Sana bumalik ka!" malungkot na sabi ni Christopher.

"Tingnan natin, malay mo naman! Meron pa naman akong almost three weeks para makapag isip."

"Ma-miss kita Michelle eh!"

"Alam mo naman from the start na kaibigan nalang yung tingin ko sayo!"

"Di parin ako sumusoko na matutunan mo ako uling mahalin."

"Bahala ka, basta sinasabi ko sayo madaming babae diyan Try mo lang maghanap!" pagbibiro ko kay Christopher.

"Baka nakakalimutan mo Michelle na nangako ka sakin na pag tumungtong ka ng 30's at wala ka pang asawa papakasal ka sakin." seryosong sabi niya sakin.

"Talaga?" gulat na gulat kong sabi kasi parang di ko yun matandaan.

"Oo at nirecord ko yun!" sabi ni Christopher habang dkinuha yung phone niya at maya-maya lang pini-play niya yun kung saan maririnig yung boses ko na nagsasalita.

"Oo na kapag wala pa kong asawa at boyfriend kapag 30 na ko papakasalan na kita!" halatang lasing ako nun at kung di ako nagkakamali nasabi ko yun dahil sa inis ko sa kanya kasi nga ang kulit-kulit niya.

"Di ko akalaing papaniwalaan mo yung sinasabi ng lasing!" pang-iinsulto ko kay Christopher.

"Kahit lasing ka pa basta sinabi mo kaya dapat mong panindigan!" napa iling nalang ako.

"Tandaan mo Michelle, ilang buwan nalang 30 ka na kaya humanda ka ng tanggapin ako bilang asawa mo."

"Ewan ko sayo! Siya nga pala, kailan balik niyo?" pag-iiba ko ng usapan kasi nga wala naman yun pupuntahan.

"Alis na kami sa Lunes, baka pwedi ka ng sumama samin." Fifteen days lang kasi yung allocated vacation nilang tatlo di kagaya ko binigyan akong one-month para mag-isip kung magrerenew o tuluyag magreresign.

"Bilis pala noh!" nasabi ko nalang para may masabi lang kasi nga nagmamaktol nanaman si Christopher.

"Kaya nga eh! Tara na alis na tayo baka di natin maumpisahan yung palabas."

"Sige!" sagot ko nalang habang tumayo narin kasi nga manunuod kami ng sine. Last full show yung nakuha niyang ticket para saming dalawa.

Mystery yung pinanuod naming palabas at very interesting kaya di naging bored yung panunuod namin. Kung tutuusin masarap naman kasama si Christopher di siya boring kausap kaya wala kang dull moments kung siya ang kasama mo.

"Good night!" sabi niya sakin nung ihatid niya ko sa bahay.

"Good night din! Ingat ka!" sabi ko sa kanya bago ako bumaba ng kotse niya.

"Michelle!" muli niyang tawag sakin bago ako tuluyang maka-alis.

"hmm?"

"I love you!" seryoso niyang sabi.

"We are better when we are friends than lovers, good night!" kasi yun nalang talaga ang kaya kong offer sa kanya pagkakaibigan.