webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

Two Timer

"Sir si Sir Anthony po is one of our senior Engineer, mas matagal pa nga po siya sa akin kaya po mas malawak ang experienced and knowledge niya. Tiyak pong matatapos niya kagad yung project niyo dun sa Pagudpod." Mahaba kong salaysay.

"Wala akong pake sa experienced niya or kung anong magagawa niya para sa project ang gusto ko ikaw ang mag handle ng project!" Mariin niyang sabi.

Nagulat ako sa sagot niya. Dahil dun di na ko nakasagot. Agad akong nagbaba ng tingin kasi di ko kinaya yung intense ng titig niya. Napasandal nalang ako sa upuan at di na muling nagsalita.

"Sino yung lalaking umaakbay-akbay sayo kanina?" Galit na tanong niya sa akin.

"Huh?" Maang ko nanamang sagot sa kanya. Parang kasing out of place yung tanong niya sa akin.

"Baka nakakalimutan mo Michelle may boyfriend ka na kaya di ka na pweding makipag flirt kung kani kaninong lalaki diyan." Muli niyang sermon sa akin.

Tanging pamimilog lang ng mata ko ang naisagot ko sakanya kasi kahit anong pilit kong sumagot wala akong maisagot para lang akong isdang bumuka yung bibig pero muling itinikom. Kaya muli siyang nagpatuloy ng pagsasalita.

"Ayaw ko ng maulit yun!"

"UNDERSTOOD?"

Bahagya pa kong nagulat sa pagsigaw niya kaya tanging tango lang ang nagawa ko. Para akong woodpecker kung maka tango.

Muling bumukas yung pinto at pumasok si Boss Helen.

"Kamusta, Naayos niyo na?" Masayang tanong ni Boss Helen.

"Yes... Naayos na namin!" Mabilis namang sagot ni Martin.

"Anong naayos namin?" Naguguluhan ko namang tanong sa isip.

"Si Michelle na maghahandle ng project sa Pagudpod saka sa lahat ng project na incoming ng Casa Milan." Muli uling sabi ni Martin.

"Kung yan ang request mo Sir, Eh... wala naman na akong magagawa. Lahat ng project mo si Michelle na ang hahawak." May halong pang-aasar na sabi ni Boss Helen.

"Nahalata ba ni Boss?" Tanong ko sa sarili ko. Agad na namula yung tenga ko dahil sa isipin na yun.

"So it' great to have business with you Sir Martin! We will do our best to satisfy your needs!" Sabay abot ni Boss Helen yung kamay niya kay Martin na agad namang tinaggap ng isa ang pag hand shake.

"I am very satisfied!" Sagot naman ng isa habang tumingin sa akin. Agad namang sinuklian yun ni Boss Helen ng mapang-asar na ngiti.

"Thank you Sir!" Pagpapasalamat ko nalang sabay likom ng lahat ng papel na nasa lamesa. Dahil nga sa akin na naka assign yung project kailangan ko iyon ayusin.

"Hatid mo si Sir Martin sa baba Michelle!" Utos sa akin ni Boss Helen.

"Huh?" Muli kong tanong.

"Iwan mo muna yang mga papel dito balikan mo nalang pagkatapos mo siyang hatid." Muling sabi ni Boss Helen. Siguro nabasa niya na naguguluhan ako kaya lalo niyang ginawang detailed yung sinabi niya.

"Okey po!" Mahina kong sagot.

Agad kaming tatlong lumabas ng conference room. Muling nagpaalam si Boss Helen kay Martin bago niya kami tuluyang iwan.

Agad kaming naglakad ni Martin palabas ng opisina. Bale nasa unahan siya at ako naman nakasunod sakaya. Agad siyang huminto sa pintuan ng elevator at agad kong pinindot yung down button para maka baba kami. Muli akong tumayo sa gilid niya pero sinigurado kong meron kaming isang dipang distansya.

Di naman kami naghintay ng matagal ng bumukas ng yung elevator. Nauna siyang pumasok sa akin at agad din naman akong sumunod. Agad niyang pinindot yung ground button ako naman pumuwesto sa may bandang sulok malayo parin sa kanya.

Nung magsara na yung pintuan agad siyang nagsalita.

"Parang takot na takot ka sa akin ah!"

"Di naman!" Matipid kong sagot.

Lumapit sa pwesto ko si Martin sabay hinawakan yung baba ko para iangat yung muka ko. Nung magtama yung paningin naming dalawa agad niya kong hinalikan sa labi. Napaka bilis ng pangyayari para lang yung hangin na dumampi sa labi ko.

Bigla akong natulala nung marealise ko tapos na at nakahawak na si Martin sa baywang ko habang naka tayo rin sa gilid ko.

"Bitaw!" Sabay alis ng kamay niya sa baywang ko.

"Bakit?" Maang naman niyang tanong habang lalong hinigpitan yung pagkaka hawak sa akin.

"Martin! Mamaya may makakita sa atin! Nakakahiya!" Muli kong sabi. Medyo galit na yung boses ko. Pano ba naman iniisip ko kung may biglang pumasok na kakilala ko tapos makita kami sa ganung ayos. Tiyak pag pepyestahan ako nito ng tukso at tsismis.

"Bakit anong masama kung yakapin kita? Eh girlfriend naman kita!" Confident na sagot ni Martin sakin.

"Bitaw na!" Sabay layo ko sa kanya. Pano malapit ng magbukas yung elevator. Kilala pa naman ako ng guard. Sakto namang bumukas yung pinto kaya agad akong naglakad palayo sa kanya.

Naka sunod siya sa akin at naka simangot. Di maipinta yung muka niya na akala mo na lugi. Nang tuluyan kaming makarating sa parking lot. Agad ko siyang pinagtabuyan.

"Alis ka na!"

"Bakit ba gustong-gusto mo kong umalis na? Ayaw mo bang makita tayo nung Alvin na yun na magkasama mo kanina?" Naka kunot niyang sabi.

"TWO TIMER?"

Muli niyang bintang sa akin.

"Huh?" Sabay tingin sa kanya.

"Umalis ka na, marami pa kong gagawin!" Muli kong pagtataboy. Akma na kong tatalikod ng mapansin kong di siya gumagalaw. Kasi naman sobrang dami ko talagang gagawin at gusto kong matapos yung kagad. Kaya wala akong oras sa mga paratang niya. Isa pa nga diba di nga din malinaw yung relasyon naming dalawa.

Pero bago ako tuluyang maka alis agad niya kong hinila papunta sa sasakyan niya at ipinasok ako sa bandang likurang upuan.

"Hoy anong ginagawa mo?" Gulat na gulat kong tanong. Habang siya ay umupo narin sa tabi ko. Bigla naman akong kumalma ng sumagot siya na mag-uusap lang tayo.

"Di ba ayaw mong makita tayo ng mga ka office mate mo sa labas at least dito di nila tayo mapapansin. Doon ko lang nakita na sobrang tinted nga pala ng sasakyan ni Martin kaya kahit mag boxing or tumambling kami walang makaka kita sa amin sa labas.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Muli kong tanong kasi kahit na di kami makikita dun sa loob kina kabaha parin ako kaya ayaw kong magtagal alam mo naman ang isip ng ibang tao masyadong malawak at madumi. Di ko naman sinasabing lahat pero di maiwasan meron at meron silang masasabi.