webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

Past is past

"Ma, di naman po sa ganun!"

"Anong di sa ganun! Michelle sabihin mo ng maaga kung balak mo ng mag asawa di ganyang inuunti-unti mo kami."

"Hindi nga Ma, Gusto lang talaga akong makilala ng mabuti ng parents at grandparents ni Martin kaya kami pupunta sa bahay nila!"

"Eh bakit di ka ba nila nakilala sa party kagabi?"

"Nakilala po kaya lang di naman kami masyadong naka pag usap kasi nga po di ba madami ding mga bisita."

"Michelle ha baka mamaya nagtanan na kayo ni Martin sinasabi ko sayo!"

"Mama naman may nagtanan bang may gana pang magpaalam?"

"Basta sinasabi ko sayo wag na wag mong isuko yang pagkababae mo!"

"Hindi pa nga Ma!"

"Anong di pa nga parang may balak ka na ah!"

"Si Mama naman kung saan-saan na napunta! Sure ako na buo pa yung hymen ko kahit pa check mo pa sa Doctor."

"Siguraduhin mo lang!"

"Opo Ma! Virgin pa ko! Di na nga lang virgin yung ibang parte ng katawan ko pati isip ko." Pero syempre di ko sinabi yung huling sentence baka makalbo ako.

"Anong oras ka uuwi?" Muling tanong ni Mama sa akin kanina pa niya ako iniintegorate at masakit na yun ulo ko. Samantalang yung magaling kong boyfriend ay napaka ganda ng ngiti na mukang natutuwa sa panenermon ng nanay ko. Naka loud speaker kasi yung cellphone ko para marinig niya yung sasabihin ni Mama pero di ko akalain sobra-sobra yung panenermon na gagawin niya.

"Mga nine po ng gabi andiyan na po ako."

"Siguraduhin mo yan kapag wala ka pa ng nine magpaalam ka na sa boyfriend mo at di ko na kayo papayagang magkita pa!"

"Opo!" Sagot ko kay Mama samantalang sinabihan ko si Martin ng "uwi mo ko ng nine kundi lagot ka" sa pamamagitan lang ng senyas ng buka ng bunga-nga ko.

"Sige na at mag ingat ka dun!"

"Opo Ma... Bye po!"

"Bye!"

Mabilis ako nagpakawala ng buntonghininga pagkababa ko ng phone.

"Kasalanan mo talaga ito eh!" Paninisi ko kay Martin.

"Bakit ako? Hindi ba ikaw ang nagpresentang ngayon ka pupunta sabi ko nga next week ikaw lang itong mapilit."

"So kasalanan ko pala?"

"Oo!" Diretsang sagot ni Martin sa akin di ko tuloy alam kung matatawa ako o maiiyak sabagay kasalanan ko naman talaga ako naman talaga ang nagsabi na pupunta ako ngayon. Pero sana naman na appreciate niya yung effort ko diba? Kaya di ko nanaman maiwasang magmaktol at di ko na siya kinausap. Naka tanaw lang ako sa may labas ng bintana ng sasakyan.

Kasalukuyan na kasi kaming bumabiyahe papuntang Laguna kung saan naroon yung ancestral house ng mga Ocampo at dun kasalukuyang naka tira yung mga grandparents ni Martin pero may bahay din sila sa Manila. Pero dahil nga may edad na yung mga Grandparents niya minabuti nalang sa Laguna na manirahan kasama yung nature. Ang libangan daw nila is yung pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop.

"Ilang oras ang biyahe natin papaunta dun sa ancestral house niyo?" Di ko maiwasang tanungin kay Martin nasa main highway na kami. Mag aalas dyes na ng umaga.

"Mga eleven thirty andun na tayo."

"Nyi paano pa ko nun makakapagluto nun! Tanghali na pala tayo makakarating!"

"Okey lang yun hapunan na lang lutuin mo."

"Di tayo pwedi magpagabi nagsabi ako kay Mama na dapat nine nasa bahay na ko."

"Eh di meryenda na lang lutuin mo!"

"Pwedi ba yun?"

"Oo naman wala naman ini-specify si Lola kung anong pagkain yung lulutuin mo. Saka isa pa wag mo masysadong seryosohin yun. Kaya relax ka lang diyan!"

"Ikaw di ko seryosohin makita mo!" Muli kong irap sa kanya. Paano ako hirap na hirap na mag isip kung paano ako mapapalapit sa Lola niya samantalang siya parang balewala lang. "Yaan mo na nga!" sabi ko na lang tuloy sa sarili ko.

"Subukan mong wag akong seryosohin!" Sabay halik sa labi ko. Nagulat ako paano nag da-drive siya habang ginawa yun. Binitawan niya saglit yung manibela at tinanggal yung seatbelt niya.

"Ikaw pag tayo naaksidente puro ka kalokohan. Napaka delekado na ginawa mo!" Paninermon ko sa kanya. Habang tinutulungan ko siyang ibalik yung seat belt niya.

"Nag-aalala ka sakin?"

"Mas nag-aalala ako sa buhay ko noh! I'm only twenty six di ko pa nga na enjoy yung buhay ko!"

"Sabagay tama ka di mo pa nga na abot yung heaven!"

"Anong heaven pinagsasabi mo?"

"Mararating mo yun kapag nag sex na tayo!" Sabay kindat sa akin.

"Ewan ko sayo lagi mong pu-pollute yung utak ko!"

"Haha...haha... It's reality Honey!"

"Reality sa kamunduhan mong pag-iisip!"

"At ikaw ang pangarap ko sa kamunduhang iyon! Haha... haha...!"

Napailing na lang ako wala talaga sa itsura ng taong ito na puro ganyan ang alam. Di ko maisip kung ganyan din ba siya kay Elena nung sila pa. Samantalang kami dati ni Christopher parang di naman namin iyon napapag-usapan sabagay college days pa lang yun napaka sagwa naman kung sex life na yung pinag-uusapan namin ng panahon na iyon.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya sa akin kasi nga muli akong nanahimik at sa kalsada na naka tingin.

"Iniisip ko lang kung ganyan ka ba sa lahat ng girlfriend mo!"

"Dalawa lang naman kayong naging girlfriend ko!" Seryosong sagot sa akin ni Martin.

"So ganyan ka rin kay Elena?" Mabilis ko namang tanong sa kanya. Pero maka lipas ng ilang minuto di siya sumagot kaya di ko mapigilang mapalingon sa kanya. Napaka seryoso ng muka niya na parang tinitimbang kung dapat ba niyang sagutin yung tanong ko or dapag ignore na lang. Pero pinili niyang sagutin ako.

"Kung ano mang naging relasyon naming dalawa is iba sating dalawa at ayaw kong ikumpara yun because you're different from her."

"I'm just wondering!"

"PAST IS PAST" Sagot niya sa akin.

"But past still connect in your future."

"Sorry Michelle pero hindi pa ko handang pag-usapan siya at sana naiintindihan mo ko!"

"Naiintindihan ko!"

Dahil dun naging tahimik yung biyahe namin parang may kanya-kanya kaming iniisip sa sitwasyon. Sabagay tama nga naman siya di ko pweding paki-elaman yung past niya dahil sa curious lang ako. Pero di k parin talaga maiwasang mag-isip kung anong nangyari lalo pa nga para sa akin they are perfect couple at kahit nga mga kaibigan nila yun ang iniisip kaya di ko mapigilang maging curious kung anong tunay na nangyari why they fall apart.