webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

Meeting with Parents 4

Akala ko kung ano yung pinag-uusapan nila at ang lakas ng tawa nila. Yun pala ako yung topic at mukang binenta na ko ng buo kong pamilya.

"Kawawa yung ex ni ate, binigyan niya talaga ng black eye. Kaya ingat ka bayaw pag nag kamali ka naku kawawa ka kay ate!" Narinig kong salaysay ng kapatid ko dahil naka talikod sa akin si Mike di niya ako nakita. Kaya mabilis ko siyang piningot.

"Bago ko kakawawain si Martin, uunahin muna kitang kakawawain!" Sabi ko.

"Bayaw... pigilan mo siya! Aray Ate... Masakit... Aray! Aray!" Sabay hawak ni Mike sa kamay ko na nakahawak sa tenga niya para pigilan ako, napapa-iling na lang si Mama at Papa.

"Kain na!" Sabi sa akin ni Martin at hinila na yung upuan sa tabi niya kaya wala na kong nagawa at binitiwan na yung taenga ni Mike na namumula na dahil sa ginawa ko. Mabilis nilagyan ni Martin ng kanin at ulam yung pingan ko ng maupo na ko sa tabi niya. Mabilis naman ako nagpasalamat dahil dun.

"Salamat! Kain ka na, tikman mo yung specialty ni Mama!" Sabay lapit sa kanya ng ulam. Nag umpisa na kaming kumain at minsan may tinatanong si Mama at Papa ky Martin at matiyaga naman itong sinasagot.

"Tanong ko lang Kuya Martin. di ka ba ginayuma ni Ate kaya ka nagka gusto sa kanya?" Muling pang aasar ni Mike sa akin.

"Sa tingin ko nga ginayuma niya ko kasi lagi ko siyang naiisip." Sagot naman ni Martin na di man lang nahiya sa harap ng magulang ko.

"Haha... haha...!" Tawa ni Papa at Mama samantalang ako sinipa ko siya sa ilalim ng upuan kasi mamaya kung ano-ano pa masabi niya mayare pa ko.

"Di kita ginayuma... kinulam kita!" sabay dilat ng mata sa kanya para pagbantaan.

"Hahaha...!" Narinig kong tawa ni Martin sabay hawak sa kamay ko na naka patong sa lamesa na parang sinasabi wag kang mag-alala di kita isusumbong.

"Doon na tayo sa sala." Pagyaya ni Papa kaya agad naman kaming tumayo para sumunod sa kanya. Pero pinauna ko si Martin kasi balak ko sanang tulungan si Mama magligpit pero pinagtabuyan ako ni Mama at inutusan nalang ako magtipla ng tea para sa kanila. Mabiĺis naman akong sumunod, yun yung binigay ni Martin nung una niyang punta sa bahay kasi kung kami lang kape, pwedi na.

Pag dating ko sa sala pinag uusapan nila yung basketball dahil yun ang palabas sa TV. Agad kong sinalinan si Martin at si Papa. Di ko binigyan si Mike kasi nga naisip ko yung pinagsasabi niya kanina at sadyang inaasar ko lang yung nakakabata kong kapatid.

"Ako di mo bibigyan Ate?" Pagmamakaawa niya.

"Matapos mo ko laglag gusto mo pagsilbihan kita ano ka hilo!" Sabay dila ko sa kanya na parang bata.

"Ganyan talaga yang dalawang yan, Kaya dapat masanay ka na Martin!" Sabi ni Papa sa kanya habang humihinge ng pasensya sa pagbabangayan namin ni Mike.

"Nakaka tuwa nga po! Ako po kasi wala akong kapatid na kaasaran." Natigilan ako sa narinig ko kaya di ko mapigilang mapatingin kay Martin.

"Bakit?" Tanong naman ng kapatid ko.

"Di na kaya ni Mommy medyo mahina kasi katawan niya. Sabi nga ng doctor buti na nga lang daw at nagkaanak pa siya." Kwento naman ni Martin.

"Kaya pala spoiled ka!" Sabi ko naman habang umiinom ng tea pero muntik ko na yun mabitawan ng bulungan ako ni Martin.

"Ikaw lang yung gusto kong mag spoiled sa akin!" Mabilis ko siyang siniko pero agad naman niyang niyakap yung baywang ko.

"Ano yung binulong mo kay Ate Kuya at biglang namula yung pisngi saka naka yakap ka pa!" Tanong ng magaling ko kapatid na parang bumabawi kasi nga di ko binigyan ng tea.

Agad ko siyang tiningnan ng masama sabay lingon kay Papa baka magalit dahil sa affection na ipinakikita ni Martin sa harapan nila balak ko sanang tanggalin yung kamay niya sa baywang ko ng biglang magsalita si Mama.

"Sa akin okey lang na ipinakikita mo sa amin ng Papa ni Michelle ang pagmamahal mo sa anak namin Martin pero sana alam niyo parin yung limitasyon niyo. Gusto kong humarap sa dambana si Michelle na malinis at ibibigay ang sarili sa gabi ng kasal. Sana naiintindihan mo hijo na ayaw namin magpadalos-dalos kayo sa mga bagay na di pa dapat ginagawa ng magkasintahan pa lamang." Mahabang sabi ni Mama, di ko alam kung nagduda na ba sila sakin kaya naiisip nila yung ganung bagay.

"Wag po kayong mag alala naintindihan ko po. Di po kami gagawa ni Michelle na bagay na ikakagalit niyo at ihaharap ko po siya sa dambana na malinis pa!" Sagot ni Martin na full of sincerity.

"Mabuti naman kung ganun!" Pagtatapos ni Mama.

"Pero sana dito mo niligawan si Michelle sa bahay." Banat ni Papa napatingin ako ky Martin paano ba naman namin sasabihin yung kumplekado naming naging ligawan.

"Pasensiya na po Tito masyado lang siguro kaming nagmamahalan ni Michelle kaya napabilis ang pagpasok namin sa relasyon. Pero wag po kayong mag alala papakita ko po sa inyo yung araw araw na panliligaw ko kay Michelle kahit po mag boyfriend girlfriend na kami." Mahabang salaysay ni Martin habang naka tingin sa mga mata ko at dahil dun wala ng nasabi si Papa at Mama.

"Tulog na nga ako at masyado na kong nilalagam dahil sa ka sweetan niyong dalawa." Sabay tayo ni Mike nung matapos mag good night sa aming lahat. Doon ko naalala na gabi na pala kaya sinabihan ko rin si Martin na umuwi na. Kaya mabilis din siyang nag paalam kay Papa at Mama. Hinatid ko siya hangan kotse niya.

"Ingat ka sa pag drive. Text mo ko kapag nakarating ka na!" Reminder ko kay Martin nung pasakay na siya ng kotse pero nagsalita pa siya bago sumakay.

"Wala ba kong good night kiss?"

"Wala, naka tingin si Mama kaya wag ka ng makulit bumawi ka nalang bukas."

"Sige asahan ko yan!" Pero hinalikan parin niya ako sa noo bago pumasok ng sasakyan.

"Pasok ka na!" Utos niya sa akin nung ibinaba niya yung bintana ng kotse. Agad naman akong sumunod at kinawayan ko siya nung nasa pinto na ko hangang tuluyan na siyang umalis.