webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

I'm feeling helpless

Maya-maya naramdaman kong tumabi siya sa akin sa upuan pero di parin ako nagmulat ng mata pinakikiramdaman ko lang siya kung anong gagawin niya.

"Gusto mo matulog muna?" tanong niya sa akin habang nilagay yung kamay niya sa sandalan ng upuan para niya kong inakbayan pero sa sandalan nakapatong yung kamay niya.

"Okey lang ako! Ikaw ba like mo matulog?" Sagot ko habang umayos ako ng upo inilayo ko yung likod ko sa sandalan sobrang lapit nanaman niya kasi sa akin.

"Ikaw lang naman inaalala ko, baka pagod ka na! pahinga muna tayo saglit. Labas nalang tayo ng mga around two pm. Masyado pang mainit." Nakatitig siya sa side ng muka ko. Kaya habang nagsasalita siya tumatama yung hininga niya pisngi ko.

"Sige… pahinga muna tayo!" Pag-sang ayon ko.

Lumipat ako sa kama at dun ako humiga. Akala ko ma-gets niya na lumalayo ako sa kanya pero ang anak ng tokwa lumipat din sa kama at hello humiga rin siya at take note yumakap pa siya sa akin.

"Anong ginagawa mo?" angil ko sa kanya.

"Niyayakap ka!"

"Alam ko niyayakap mo ko, pero bakit mo ko kailangang yakapin?"

"Baka kasi nilalamig ka!" naka ngiti niyang sabi habang lalong lumapit sa akin.

Nanayo lahat ng balahibo ko, pano ba naman nakahubad siya ng damit tapos grabe yung pagkakayapos niya sa akin kulang nalang patungan niya na ko.

"Mainit, pwedi ba umayos ka nga!" sigaw ko habang pinipilit kong makawala sa kanya. Itinutulak ko na yung braso niya pero di parin ako makawala sa pagkakayapos niya sa akin. Kaya yung daliri naman niya yung unti-unti kong tinatanggal sa pagkakahawak sa baywang ko. Pero sa halip na matanggal yung kamay niya, ikinulong niya din yung kamay ko sa sa mga palad niya.

Kahit anong pagpupumiglas ko di na ko makaalis. Inilagay niya rin yung isa pa niyang braso niya sa uluhan ko parang ang nangyari naging unan ko na yung kaliwa niyang braso. Yung muka naman niya ay isiniksik sa leeg ko. Habang yung kanang kamay niya nanatili sa baywang ko habang hawak hawak parin niya yung kanang kamay ko.

Feeling ko parang may isang malaking sawa na naka yapos sa akin. Hindi na ko naka kilos lalo pa nga at tinandayan niya narin ako. Sarap talagang kagatin yung ilong niya na nasa pisngi ko.

"Uy… mainit! Bitaw!" Reklamo ko.

"Shhhh… nilalamig ako!" Lalo pa siyang sumiksik sa akin.

"Hays! Somosobra ka na talaga!

"Hmmm!" tanging sagot niya sa akin. Na parang inamin niya na talagang somosobra na siya and proud pa siya dun.

"I'm feeling helpless pero wala akong magawa!" Sabi ko sa sarili ko.

Ipinikit ko nalang yung mata ko. Ignore mode ako sa kanya. Feeling ko kasi pag lalo akong nagpupumiglas lalo siyang nagpupumilit. Kaya hinayaan ko nalang siya. Kaya expect ko luluwag na pagkakayakap niya sakin pero ang masama lalo niya kong isiniksik sa katawan niya. Kulang nalang talaga ipasok niya ko sa katawan niya.

Itinuloy ko nalang yung pag ignore sa kanya. Ramdam na ramdam ko yung muscle ng mga braso niya pati yung tigas ng dibdib niya yung alam mong secure na secure ka sa kanya.

Di ko namalayan naka tulog ako. Siguro dahil narin sa naguguluhan kong isip o sadyang nagiging kumportable na ko sa kanya.

Nagising ako mag aalas tres na ng hapon. Wala na siya sa tabi ko kaya agad narin akong bumangon. Agad ko siyang hinanap sa loob ng cottage pero wala siya. Kaya sumilip ako sa bintana at doon ko siya nakita sa may buhanginan. Nag iihaw siya pero di ko matanaw kung anong niluluto niya.

Nung masigurado kong di niya ako iniwan agad akong nag-ayos ng sarili at muling nagpahid ng sunblock kahit kasi 3:00 PM na ng hapon ay mainit parin.

"Sarap niyan ah!" nasabi ko para makuha ko yung pansin niya paano kasi seryosong-seryoso siya sa ginagawa niya at lalo siyang gumaguapo. Nag-iihaw siya pusit at ang lalaki nun kaya di ko maiwasang matakam.

"Gising ka na pala! Saglit lang malapit na itong maluto. Upo ka muna dun!" Sabay turo sa isang maliit na lamesa sa ilalim ng isang puno.

"Okey!" Agad naman akong sumunod. Pagdating ko dun agad kong napansin na meron na pala dun nakahandang pinggan at mga kubyertos. Meron din mga prutas at buko juice. Meron din sun flower na nakapagay sa isang maliit ng base sa gitna ng lamesa. Di ko napigilang mapangiti alam mo yung feeling na may ka date ka sa sea side diba napaka romatic nun. Sayang walang music hehehhe naisip ko.

Pero laking gulat ko ng may biglang tumunog... (Grow old with you by Daniel Padilla 😜)

I wanna make you smile whenever you're sad

Carry you around when your arthritis is bad

Oh all I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice, growing old with you

I'll miss you

Kiss you

Bigla akong napatingin sa direksyon ng music doon nang gagaling yun sa phone ni Martin na hawak-hawak niya habang palapit sa akin.

Habang nagpapatuloy yung music. Dala-dala na ni Martin yung inihaw niya at inilapag na sa mesa namin.

"I could be the man who grows old with you, I wanna grow old with you" Pagtatapos ng kanta. Napatingin ako sa muka ni Martin at naisip ko kung paano kung siya na nga yung lalaking makakasama ko sa pagtanda.

"Okey ka lang?" Tanong niya sakin habang umuupo sa tapat ko.

"Oo!" Matipid kong sagot sabay tango para kumbinsihin siya na okey lang ako at para mawala rin yung tanong na tumatakbo sa isip ko.

"Kain na tayo!" Magbibigay niya ng go signal.

Dahil nga kakakain lang namin ng lunch at ito yung nagsisilbing meryenda lang namin pinili ko nalang magpapak at ang una kong dinampot is yung malaking crabs pero bago pa yun makarating sa plato ko ay agad iyong kinuha ni Martin.

"Ako na magbabalat! Ito muna kainin mo!" Sabay lagay sa plato ng mga hipon na binalatan na niya.

Di na ko sumagot at kumain na. Sayang naman yung offer diba minsan lang itong pagsilbihan ka ng Boss.